03

10 1 0
                                    

Meet up

DANICA POV

"Mommy, it's too late na po kaylangan ko pang magadvance reading mommy malapit na po pasukan namin" pagmamaktol ko.

Kanina pa kami naghihintay dito at hindi manlang siya gumagalaw or nagsasabi kung sino ba ang kikitain namin dito.

"Okay, they're her" kangiting sabi niya sakin.

Napatingin ako sa mga kotseng huminto sa harap namin, lumabas dito 'yung mga baka suit saka kami pinagbuksan ni Mommy, mabilis namang pumasok si Mommy habang ako nagaalanganin kung sasakay ba ako o hindi.

Sumakay kana Danica, kung may mangyari mang masama sayo just call Anthony.

Huminga ako ng malalim saka sumakay na, napatingin ako kay Mommy na nakatingin din pala sakin, ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Don't worry anak, wala silang gagawing masama satin pupunta lang tayo sa place kung na saan ang Daddy mo with his co-business man" kangiti padin niyang sabi.

Place? Ayoko nga sa ingay at maraming tao tapos dadamay pa nila ako sa ganitong okasyon.

Pagkarating namin pinagbuksan padin kami kaya lumabas narin ako, sobrang liwanag, ingay ng music, masyadong magulo sa mata, nahihiya ako.

"Halika na"

"Mommy pwede po bang kayo muna mauna, susunod nalang po ako"

"Okay, basta sumunod ka"

"Opo" saka ako ngumiti.

Pinanood ko lang na pumasok si Mommy kaya nakahinga ako ng maluwag, nag inhale and exhale lang ako hanggang s mapakalma ko ang dibdib ko pero habang ginagawa ko 'yun bigla nalang ako nagulat ng may marinig akong boses sa likod ko.

"Ginagawa mo? Mukha kang tanga"

Tumingin ako sakanya at himala andito din ito, ngumiti lang ako sakanya kahit naiinis na ako.

"Pinapakalma ko lang sarili ko kasi hindi po ako sanay sa ganitong sitwasyon" pagpapaliwanag ko.

Naiinis na ako.

Pinilit kong huwag siyang patulan at naglakad nalang ako papunta sa loob pero kusa na namang humihinto ang paa ko hanggang sa main door lang ako. Kahit Ilang beses kong pinakalma ang sarili ko pero parang kinakapos ako sa paghinga.

Napalaki ang mata ko ng biglang may humawak sa bewang ko, napatingin ako sa humawak ng bewang ko pero hindi ko ini-expect na si Andrie pala.

Mas maganda ng patayin ako kesa ganito.

"Kung tititigan mo lang ako walang mangyayari sa ating dalawa, maglalakad ka o bubuhatin kita papunta sa parents mong nakatingin satin" bulong niya sakin kaya mas kumalma pa pakiramdam ko.

Baliktad.

"Kagaya ng ginagawa mo kanina, inhale.... And exhale" Kamado niyang sabi at palihim ko itong sinunod.

"Sir can I take a photo sainyong dalawa" napatingin ako sa lalaking may hawak na camera habang sinasabi iyon.

Napatingin kaagad ako kay Andrie ng siya ang sumagot. "Yes you can" kangiti niyang sabi.

Ngumiti nalang ako bago kami pumasok nag makapasok kami binitawan na sana niya ang bewang ko kaya hinabol ko ang kamay niya para hawakan ito. Tumingin ako sakanya ng huminto ito sa paglalakad.

"Bakit?"

"Pwede dito kana lang muna, natatakot kasi ako"

"Hindi ka naman nila kakainin, kakausapin ka lang ng iba"

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now