13

4 1 0
                                    

Graduation.

DANICA POV

Pagkatapos ng speech ni Ethan ngsimula na ding mag-awrading ng mga may honor, section nila Jake ang una binigyan ng mga medal bago kila Andrei at saamin. Pangatlong section kami kaya as usual sila ang na una, alangan namang kami.

Pagkatapos kong makuha ang medal ko umupo muna ako sa pinaguupuan ko habang pinapakingan ang mga sermon sakin ni Daddy, 2nd honor lang ako kaya wala akong choice kundi pakingan nalang mga sinasabi niya kahit nakakahiya.

Napalunok nalang ako sa hiya sa mga pinagsasabi niya, gusto kong umiyak dahil parang wala lang sakanya na second ako lagi sa acads na ito. Pagkaalis niya dali-dali akong pumunta sa Cr at tinignan muna ang mukha kung maayos pa ba pero napasinghal nalang ako at hinubad ang medal na nakasabit sa leeg ko.

Naghugas lang ako ng kamay at halos maubos na ang sabon na ginagamit ko dahil nakailang ulit ako s paghuhugas, nang magsawa ako pinatuyo ko na ang kamay ko sa hand dryer since walang tissue dito.

Habang inaantay ko ang kamay kong manuyo biglang lumabas si Hannah sa likod ko. Wala siyang kareaksyon sa mukha dahil hindi naman siya sanay na ngumiti, nilagpasan niya ako na parang langgam lang sa sahig.Pinagmamasdan ko lang siya, bigla akong napaayos ng tayo ng magsalita siya.

"Huwag mo kong titigan"

"Excuse me! Hindi kaya" pinahinaan ko ang boses ko ng maingayan ako sa mismong boses ko.

Umayos siya ng tayo at tinignan niya ako ng harap harapan habang nagpupunas ng kamay kaso napataas ang isa niyang kilay ng titigan niya mukha ko.

"I know na maganda kaya don't look at me like that" Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Alam kong maganda ka, pero alam mo din bang nagkalat mga make up mo sa mukha" May halong pagkasarcastic ang pananalita niya.

Tumingala ako at humarap sa salamin, nagkalat pala ang mga mascara sa pisngi ko. I don't have any choice kundi tanggalin lahat ng make up ko at lagyan ulit pero hindi padin umaalis si Hannah kaya kung ano ano pa mga pinagsasabi niya.

"Maganda ka pala kung walang make up eh pero bakit sa tuwing nakikita kita dinaig mo pa yung coloring book ng pinsan mo"

"Shut up Sanchez" Natigil naman siya kaya binilisan ko ang pagaayos sa mukha ko.

"Umiiyak kaba?" Bigla niyang tanong.

"No!" Umalis nalang ako sa harap niya, papalabas na sana ako ng bigla niya akong tawagin.

"Hoy nakalimutan mo 'yung medalya mo!"

Fuck that.

Mabilis kong kinuha ito at lumabas sa Cr, nagsalubong ko pa si Lance na nagaantay sa hallway pero hindi ko siya pinansin at pumunta nalang kay Mommy na andun sa car.

"Hi Mommy" bati ko at yumakap sakanya.

"I'm proud of you lovey, 2 years more, college kana" hinawakan pa pisngi ko.

"Ugh! You just want na magpakasal na ako, don't you?"

"No! Ayokong magpakasal ka sa lalaking hindi mo naman mahal, kung ako lang masusunod tagal ko ng tinigil 'yang arrange-arrange married nayan"

She's so sweet but i don't think na pagkakatiwalaan ko din siya.

"By the way, it's your day! Saan mo gustong pumunta?"

"Hmmm, mall. Kain and shopping na—"

"Let's go home"

Napatigil ang usapan namin ni Mommy ng biglang sumingit si Dad, napakagat ako ng labi at tumango nalang pero hinarap ni Mommy si Dad kaya tumahimik nalang ako sa tabi.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now