20

7 1 0
                                    

Baguio

ANDREI POV

Tumawag si Danica sa'kin, kinuha ko narin ang ibang gamit kong hindi ko pa nailalagay sa kotse ko. Wala akong pasok ng ilang araw dahil online class kami pero hindi ko naman pwedeng paglibanin ng klase si Danica dahil baka patayin ako ng sarili kong Tatay.

"Mom bukas na kami dadating, babye I love you" pgkatapos kong halikan si Mommy sa pisngi ay kaagad naman akong lumabas.

Pumunta muna ako sa bahay nila Danica para ipagpaalam siya at para narin kunin ang mga gamit niya. Pagkatapos nun ay sinundo ko narin si Danica.

"Hello lovey" kangiti niyang sabi sakin.

"Mmm hello" bati ko din sakanya at hinalikan siya sa noo. "Let's go?"

"Yeah! Let's go to the Baguio baby!!"

***

Since malapit lang ang pangasinan kaya mabilis lang ang byahe namin, pagkadating namin ay nagbook na kami kaagad. Nagligpit lang ako saglit ng mga gamit namin bago ako pumasok sa online class, pagkatapos ng 2 hours kong class at tumabi natin ako kay Danica sa pagtulog. Pagkagising namin ay gabi na pala kaya napagdesisyunan nalang naming magfood trip sa Burnham Park. Malapit lang naman ito sa hotel kung saan kami nag-stay kaya nilakad nalang namin.

Bumili lang kami ng mga pagkain namin at naghanap ng mga paguupuan. Habang kumakain kami may namamalimos pa saamin kaya binigyan lang namin ng burger, pagkalingon ko kay Danica ay nakanguso na ito.

"Bakit? Anong problema mo Mahal?" Tanong ko sakanya

"Burger ko" kanguso padin niyang sagot saakin.

"Eh diba binigay mo dun sa nagpapalimos" tumango naman ito. " 'Yun naman pala, anong nginunguso mo diyan?"

"Gusto ko 'yong burger nayun" Pamimilit niya padin.

Kasalanan ko pa.

"Pero Ikaw nagbigay"

"Oo nga, kaso gusto ko—"

"Sige na! Sige na, huwag ka ng ngumuso at bibilhan nalang kita mamaya pagtapos natin dito" hinahaplos ko pa ang buhok niya habang tumatango siya. "Huwag ka nang ngumuso"

Nagfocus kami sa pagkain namin hanggang sa may fireworks kaming nakita sa langit kaya pinanood namin ito.

"Ang ganda" bulong ni Danica kaya napatingin naman ako sakanya.

Nakangiti siya habang ang mga mata niya ang nagsisilbing reflection ng mga fireworks, halata sa mukha niyang maayos na ang mental health niya.

"Maganda nga" kangsi kong sabi habang nakatingin padin sakanya.

Hindi ko na pakakawalan 'tong babaeng ito. Sure nako.

Pinagmamasdan ko lang bawat galaw niya, matagal ang fireworks kaya tumayo pa ito para kunan kaya kinuha ko kaagad ang phone ko para kunan siya ng picture kasama ang fireworks. Pagkatapos naming kumain, nag-aya na siyang bumili nung burger na pinamigay niya kanina at ako namna ay bumili ng lemon cucumber na juice ko.

Pagkabalik namin sa hotel pinauna ko na siyang nagpalit sa Cr habang ako inaayos ko ang mga stolen pictures ko sakanya. Madami siyang stolen sakin simula pa nung naghigh school kami, itong nasa album ko mga recently stolen pictures niya lang dahil tinatransfer ko kaagad sa ipad ko dahil pinapakialam niya itong phone ko kapag wala ako.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now