05

9 1 0
                                    

ANDREI POV

"PUTANGINA!!!"

Pak!

"Aray! Bakit?"

"Sisigaw kana nga magmumura kapa" seryosong sabi ni Ethan.

"Hoy tigil niyo na nga 'yan, andyan na 'yung dalawa oh kasama si loveycake ko"

Sabay sabay kaming tumingin kay Jake at na nakatingin lang dun sa tatlo.

Loveycake? Ang baduy.

"Musta?! Lapit na card day" bungad ni Katelyn.

"Oo nga eh, parang dati kakaumpisa lang school year" katangang sabi ni Lance.

"Oo nga eh, parang dati lang Tino ng buhay mo pero ngayon dalawa na babae mo" ginaya ko rin kung papano siya magsalita.

Sabay-sabay silang tumawa habang si Lance ay mukhang hindi na gets ang sinabi ko.

"Truly ka diyan Andrie!" Pagsasangayon sakin ni Katelyn.

"Hindi niyo kasama si Hannah?"

Napatigil kaming lahat sa pagtawa ng tanungin ni Ethan ang pangalan ni Hannah, hindi ko narin siya nakikita pero ang sabi nitong dalawa baka daw pakalat-kalat lang kasama si Rye.

"Bumili lang ng pagkain nila kasi hindi naman daw nagbabaon ng lunch, wait speaking of Hannah. Baka siya 'yung maging top 1 namin" kangusong sabi ni Katelyn.

"Bakit naman?" Tanong namin.

"Eh kasi naman, ang talino niya, magaling sa sayaw, sa sports, famous sa social media, magaling kung makipagdebate sa teacher tapos alam niyo 'yun, kahit na tulog lang ginagawa niya kapag nakikita siya ng teacher nakasagot padin siya.... Nagseselos na talaga ako"

"Hindi 'yan, baka nga Ikaw eh magaling ka din naman sa lahat ah"

"Ah basta! Feel ko talaga siya eh"

"Baka naman mapalitan ka nayan Press" pananakot ni Liam.

Mabilis ko siya siniko sa tagiliran at sinamaan siya ng tingin. "Gusto mo takutin ko mga subject teachers niyo na taasan niya grade mo" pagkukumbinsi ko pero halos lahat sila nagdisagree.

"Huwag na! Mali naman 'yung gagawin mo, basta ti-treat niyo padin ako kahit hindi ako 'yung top 1 ah"

"Okay!"

"Sige ba!"

"Basta ako makarami!"

"Why not"

"Basta pera ni Lance!"

"Fuck you!" Sigaw din niya.

"Sorry ah! Natagalan ba kami?" Bungad ni Rye saamin na may hawak pang pagkain ata 'yun.

Napatingin ako kay Hannah na may dalang helmet tas paper bag sa kabilang kamay. Pinaupo nila si Rye at Hannah, si Rye nasa gitna namin ni Liam tapos si Hannah napagitnaan ni Anthony at Lance tas katapat niya si Ethan.

Umiba ata ihip ng hanging at bigla silang natahimik.

Lalo na si Lance.

Kumain lang kami dito at nagkukwentuhan lang, seryoso lang si Hannah na kumakain habang kami natatawang na at may nabubulunan na nga hindi padin siya tumitingin saamin.

"Pustahan nalang, kung sino 'yung pinakamababa ang average siya 'yung manlilibre!" Pangunguna ni Katelyn.

Nagsalita na kami at umagree ang lahat, napatingin kami kay Hannah na umiinom, pagkababa niya ng iniinom niya ngumunguya na siyang nakatingin saaming lahat.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now