26

3 1 0
                                    

Bring back the memories

ANDREI POV

Kanina pa ako sumusunod sakanilang dalawa habang bitbit ang pinamili nila, isang oras palang kami dito sa Sm pero halos naka sampo na sila ng paper bag. Nakasukbit na ang ibang paper bag sa kana ko kamay habang minamanage padin na uminom ng juice ko.

"Andrei!"

Napahinto ako ng may tumawag saakin pero halos gustuhin ko nalang na lamunin ng tiles dahil nakita ko na naman si Liam.

"Naks naman! Dami nating pinamili ah, regalo mo sa future asawa mo 'yan?"

"Pwede ba kung mangaasar kayo, umalis na kayo"

"Bakit ba? Buti nga lumapit pa kami sayo e" pangaasar din ni Rye.

"Isa kapa! Alam niyo kung wala akong hawak kanina ko pa tinanggal mga face mask at sumbrero niyo"

"Akin na nga, kawawa ka naman" kinuha ni Liam ang hawak ko sa kaliwa. "Sino ba kasama mo?"

"Si Danica at Stella" maikling sagot ko habang inaayos ang mga paper bag.

"Bakit nagtitingin na kayo ng gown?"

"Hindi pa"

"Hoy huwag mong uunahan si Jake, Sige ka magtatampo sayo si Katelyn"

"Sinabi ko naman 'yon kay Danica kaya hindi pa ngayon or next year, kaya huwag kang magalala"

"Speaking of ala-ala, may naaalala na daw kaunti si Jake pero malabo yata. Sabi ni Ethan baka daw temporary amnesia lang siya dahil sa impact ng ulo niyang naitama sa manubela"

"Siya ba kumausap sa Doctor dati?"

"Oo, kaso sabi ng Doctor baka matatagalan pa bago niya maalala, kaso  pitong taon na yata hindi padin niya naaalala kahit si Katelyn manlang, Hindi"

"Bakit kasi hindi niyo tulungan kaibigan niyong ipaalala tapos kayo pa itong naiistress sa dalawa, kikitid takaga ng mga utak niyong magkakaibigan" singit ni Rye.

"Hoy huwag kang ano diyan!"

"Ano?" Paghahamon niya sakin.

"Wala"

"Nakausap ko si Katelyn last week, sabi niya okay naman daw sila at sweet padin naman si Jake sakanya kaya okay na daw siya para doon. Tinutulungan narin namin ni Camille si Jake para may maalala kahit papano ang kaibigan niyo"

"Ah alam ko na! Diba may mga vedio tayo dati sa camera.... Wait kaninong camera na nga lagi nating ginagamit noon?"

"Kay Tita...... Sa Mommy ni Lance"

"Tara——"

"Wait tatawagan ko lang si Danica" mabilis kong kinuha ang phone ko at tiwagan si Danica.

[" Bakit hindi kana sumusunod saamin, where are you? "]

"Tapos na ba kayo mamili? punta na ako sa parking, pumunta narin kayo doon"

[" Okay, babye "]

Ilang minutes akong nahintay sa park at pinauna ko na sila Liam at Rye na pumunta sa bahay nila Lance.

"We're here"

"Tara, pumasok na kayo"

"Bakit may problema ba?"

"Wala pero pupunta tayo sa bahay nila Lance, may aasikasuhan lang kami nila Liam"

Pinaandar ko na ang kotse ko nang makitang kong okay na sila sa likod, nagbayad lang ako ng parking saka umalis na. Ilang minuto ang ay andito na ako sa labas ng bahay nila at pinagbuksan naman kami kaagad ng gate.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now