Skip a Dance

By shinclmnt

71.5K 3.3K 1.8K

It's a story where one dances and the other falls in love. - Pusang Writer. More

Prologue
Dance - 1
Dance - 2
Dance - 3
Dance - 4
Dance - 5
Dance - 6
Dance - 7
Dance - 8
Dance - 9
Dance - 10
Dance - 11
Dance - 12
Dance - 13
Dance - 14
Please Read
Dance - 15
Dance - 16
Dance - 17
Dance - 18
Dance - 19
Dance - 20
Dance - 21
Dance - 22
Dance - 23
Dance - 24
Dance - 25
Dance - 26
Dance - 27
Dance - 28
Dance - 29
Dance - 30
Dance - 31
Dance - 32
Dance - 33
Dance - 34
Dance - 35
Dance - 37
Dance - 38
Dance - 39
Dance - 40
Dance - 41
Dance - 42
Dance - 43 ( Senior's Ball part 1 )
Dance - 44 ( Senior's Ball part two )
Dance - 45 ( Senior's Ball part three )
Dance - 46 (Senior's Ball part four)
Dance - 47
Dance - 48
Dance - 49
Dance - 50
Please Read

Dance - 36

809 40 40
By shinclmnt

A/N: Salamat sa lahat ng sumabaybay sa istorya kong ito. Mapa-silent reader ka man o hindi basta SALAMAT, Thank you!

Malapit na po pala itong matapos, 24 chapters to go at sana patuloy niyo itong subaybayan hanggang sa huling chapter. Gusto niyo ng kiligan moment? Ito na ang hinihintay niyo! Isisingit ko ang mga konting love story nila.

Bawat pares ay gagawan ko ng istorya kaya abangan!

Nagmamahal,

Si Pusang Writer.

~*~

Zeke's POV


"May napapansin ba kayo?" Tanong ko sa kanila nang umalis na si Steve at kaming apat nalang nina Bran, Rev at Kei ang natira.


"Na ano?" Ani Kei.


"Kina Steve, Blue at Cliren ba," sagot ko at nagulat naman ako ng biglang pinalo ni Rev ang lamesa.


"Sabi ko na nga ba e! I knew it Bran! I knew it!" Biglang sigaw niya at kumalabog talaga ang mesa.


Lahat kami ay gulat na napatingin sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin Rev?" Tanong ko.


Bumuntong-hininga siya at seryoso kaming tiningnan. "Alam kong may something sa kanila e, 'yung madalas na pagsasama nina Blue at Steve. Tapos si Cliren biglang iiba ang mood. I sensed it... may something fishy talaga."


"Sus, kayong mga babae, grabe niyo makahinala. Guni-guni niyo lang 'yun," ani Bran at inirapan agad siya ni Rev.


"E, kung sundan kaya natin?" Suhestiyon ni Kei at napaisip naman ako roon.


Sundan? Bakit naman? Para kaming stalker niyan.


"Good idea!" Sigaw ni Rev.


"Na naman?!" Gulat ring saad ni Bran.


Bakit ba sila sigaw ng sigaw? Saka, anong na naman? Sinundan na ba nila sina Steve? Ako yata ang may naamoy dito e.


"'Wag ka naman kayong sumigaw... nakakagulat naman kayo e," sabi ko at nag-peace sign lang si Rev sa'kin.


"So, ano? Game? Alam ko hindi pa sila nakakalayo ngayon," ani Kei at tumango kaming lahat maliban kay Bran.


Tiningnan namin siya at "Oo na! Tch, dinamay pa ako sa kalokohan niyo."


"So ganito gagawin natin," panimula ko. "Tayong dalawa Rev ang susunod kay Steve at sila naman sa mga lalaki."


"Aye, aye ma'am!" Sigaw niya at napakamot naman ako sa batok ko.


"Kami na lang ni Kei, magsama kayong mga maiingay! Sige na, at baka hindi na natin sila maabutan."


"Ay? You're so bad Zeke, hmp!"


Sinundan na namin sila at ang sasakyan nina Blue at Cliren ay nakasunod kay Steve.


"Hala? Love triangle?" Bulong ni Kei at dali-dali kaming sumakay sa motor ko.


"Huy, ako magda-drive," sabi niya at kumunot naman ang noo ko.


"At bakit?" Tumaas ang kilay niya.


"Aba't dapat lang, ako ang lalaki. Ang sagwa tingnan kapag ikaw nag-drive at ako ang umaangkas sa likod."


"Tch, ang arte. O, bilis!" Bumaba ako at siya ang nagmaneho. Arte-arte kasi.


Nakasunod lang kami sa kanila at hindi na pala namin kailangang maghiwalay. E, pareho lang sila ng daan na tinatahak o.


"Kumapit ka sa bewang ko Zeke, baka mahulog ka," sabi niya at napairap naman ako.


"Sabihin mo, nancha-chansing ka lang. Kaya siguro gusto mong dito ako sumakay 'no?"


"Hindi no, masama ba'ng concern?"


Hindi ko na siya sinagot pa at tinutok na lamang ang atensyon ko kina Steve. Concern niya mukha niya, simula pa kaya noong una ay minamanyak na ako ng kumag na'to.


"Huminto si Steve sa mall." Malapit akong nakatulog sa motor at buti na lang ay nagising ako nang nagsalita si Kei.


Pinarada namin ang motor malayo sa kanila para 'di nila kami makita. Pumasok sila sa mall at parang mga tuta sina Cliren at Blue na sumusunod kay Steve.


Ano ba'ng trip ng dalawa no'n? Kapag nalaman ko lang talaga na pinagti-tripan nila kaibigan ko-- malilintikan talaga sila sa'kin.


Hindi na kami pumasok sa mall at sina Rev at Bran na lang ang pumasok at kami dito sa labas.


Wala kaming nagawa ni Kei kaya nag-asaran, hampasan at nag-batukan kaming dalawa, pero sa huli-- tinadyakan ko na talaga siya, nakakapikon kasi!


"Hahaha pikon ka pala e," kanchaw niya habang nakahawak sa tiyan niya.


Binatukan ko siya. "Tumahimik ka!"


Tumigil siya sa pagtawa at lumapit sa'kin. "Hoy, ano'ng binabalak mo?" Tanong ko.


"Kiss muna," aniya at ngumuso.


Tumaas ang kilay ko at agad pinitik ang labi niya. "Kahit kailan ka talaga ang chansing mo! Ako pa talaga pinili mong manyakin!"


"Aray naman, joke lang naman 'yun e. Ang pikon kasi," sabi niya habang hinihimas ang labi niya.


"'Yun kaya ang kiss sa'kin, gusto mo pa?" Pang-aasar ko sa kanya at nginiwian lang niya ako.


"Sadista 'to," bulong niya pero halatang nagpaparinig.


"Ano sabi mo?!"


"Hindi ikaw, 'yun o, si manong guard sadista. Guilty ka? Pikon!"


Umirap ako. "Palusot pa e-- bulok naman."


"Edi guilty ka nga," sabi niya.


Sus! Kung wala lang tao dito kanina ko pa 'to inupakan e.


"Ano ngayon kung pikon ako? Ikaka-bagsak ba 'yan ng ekonomiya?!" Inis kong untag at tumawa lang siya. Abnoy!


"Hindi ekonomiya ang babagsak Zeke," biglang seryosong sabi niya. "Dahil puso ko ang babagsak sa'yo."


Nakatitig lang siya sa'kin at para naman akong binuhusan ng ice tubig. Hindi ako makagalaw at papalapit nang papalapit ang mukha niya sa'kin. Napalunok naman ako.


Ano'ng gagawin niya? Bakit hindi ako pumoprotesta? What the hell is happening to me?


Nakapikit na ang kanyang mga mata habang papalapit sa'kin at halos sumabog na ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Halos mapunit ang balat ko at parang may mga kabayo sa loob.


"Kei! Zeke, papaalis na sila." Napaigtad ako nang marinig na tinawag kami ni Rev.


Shit! Ano'ng nangyari? Nakita kaya nila 'yun? Lamunin mo na ako motor, ngayon na!


"Zeke, halika ka na." Natauhan naman ako nang tapikin ako ni Kei.


Halos hindi ako makatitig sa kanya at wala sa sariling sumakay sa motor. Seriously, ano 'tong nararamdaman ko?


Lutang ako habang nasa byahe at hindi ma-sink in sa utak ko lahat ng nangayari kanina. Ilang pulgada na lang talaga ang layo niya sa'kin. Hahalikan niya ba ako?


Aish! Erase, erase, 'wag kang mag-isip ng ganyan Zeke. Wala 'yun okay? Guni-guni lang 'yun!


"Andito na tayo." Napaigtad ako ng lingunin ako ni Kei.


"Bakit gulat ka?" Tanong niya at agad naman akong umiling.


"Wala, nasa'n na ba tayo-- teka, bahay 'to nila ni Steve ah?"


"Ayun sila o," sabi habang tinuro sila ni Blue at Cliren na nag-aagawan sa kamay ni Tita Stella-- mom ni Steve.


Hala, ano'ng ginagawa nila? Umaakyat ng ligaw o namamanhikan na? Pero ang bilis naman 'yata?


"Nag-text sina Bran, lapitan daw natin." Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya.


Nang nakalapit kaming lahat sa kanila ay nagulat pa si Stevenese.


"Nandito rin kayo?!" Gulat niyang sabi at kinindatan ko lang siya.


Lumapit ako kay tita at kinuha ang kamay niya. "Sus! Nag-aagawan pa. Hello po tita." Bati ko at nagmano rin sa kanya si Rev.


"Pumasok kayo dali, si Stevenese naman kasi ay hindi nagsabi na dadating kayo," ani tita at pinapasok kami.


"Okay lang po hehehe, tutal hindi rin alam ni Steve na dadating kami," sagot ni Rev at kita ko naman ang mukha ni Steve na gulong-gulo sa nangyayari.


"Ano'ng trip 'to?" Tanong niya sa'kin at nagkibit-balikat lang ako sa kanya.


Pinaupo kami ni tita sa sala at binigyan ng cookies na parati niyang niluluto sa'min.


"Uy, ang sarap nito, salamat tita. The best talaga kayo!" Sabi ko at kumuha ng cookie.


"So, sino itong mga naggwa-gwapohang mga lalaki?" Tanong ni Tita at akmang sasagot si Steve pero inunahan siya ni Revenie.


"Sila po ang mga kasama namin. Si Bran, Kei, Blue at Cliren." Parang nang-aasar na sabi ni Rev. Nang sinabi niya ang pangalan ni Blue at Cliren ay sinulyapan niya si Steve at lahat naman kami ay napatingin sa kanya.


"Uh-huh, nasaan pala si Den?" Natahimik kaming lahat. Hindi kasi alam ng mga magulang namin ang nangyari sa alitan namin.


"Busy po," sagot ni Steve at nakahinga naman kami ng maluwag.


"A, okay. Maiwan ko na kayo a? May pupuntahan pa ako. Stevenese, naglilihim ka na sa mom mo." Naka-ngusong sabi ni tita at nasamid naman si Steve.


"Mom!"


"Bye!" Paalam ni tita at nagtawanan kaming lahat.


"Bistado!" Sigaw ni Bran at muli kaming nagtawanan.


Si Stevenese ay mukhang napipikon na at sina Blue at Cliren naman ay walang alam at gulong-gulo sa nangyayari.


Tanong sila ng tanong pero tinatawanan lang namin sila.


"Argh! Nakaka-pikon kayo!" Frustrated nilang sabi at muli kaming nagtawan.


~*~



Continue Reading

You'll Also Like

376K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
69K 828 47
[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I...
6.8K 637 56
Home Series #1 A Runaway teen story. Althea Leigh, a teenage girl, ran away from home after finding the devastating truth. Being played by destiny...