Countless Nights with Mayor |...

By mindfreaklessly

589K 12.1K 2.8K

R-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023 More

Countless Nights with Mayor
Prologue
CNWM: 01
CNWM: 02
CNWM: 03
CNWM: 04
CNWM: 05
CNWM: 06
CNWM: 07 (R-18)
CNWM: 08
CNWM: 09
CNWM: 10
CNWM: 11
CNWM: 12
CNWM: 13
CNWM: 14
CNWM: 15
CNWM: 16
CNWM: 17 (R-18)
CNWM: 18
CNWM: 19
CNWM: 20
CNWM: 21
CNWM: 22
CNWM: 23
CNWM: 24
CNWM: 25
CNWM: 26
CNWM: 27
CNWM: 28
CNWM: 29 (R-18)
CNWM: 30
CNWM: 31
CNWM: 32 (R-18)
CNWM: 33
CNWM: 34 (R-18)
CNWM: 35
CNWM: 36
CNWM: 37
CNWM: 38
CNWM: 39
CNWM: 40
Epilogue (2/2)
Acknowledgement

Epilogue (1/2)

10.1K 205 40
By mindfreaklessly

"Tawang-tawa talaga ako Kuya kay Ate Athena, kahit nasa dorm ko acting na acting pa rin siya!" saad ni Eleaquinn na tumatawa nang malakas.


The three of them are still here on the rooftop, their monthsary celebration is over, but they decided to hang out first here.


"What did she say to you?" Joaquin asked, holding back his laughter.


"She said she misses you, Kuya, akala mo naman hindi kayo nag-uusap sa video call! E, ang sakit nga sa tainga marinig ng harutan niyong dalawa. Gosh! In love moments indeed!"


"At least, napaniwala natin sila, 'di ba? Lalo na 'yong Reverie na 'yon!" katwiran naman ni Athena na sumang-ayon ang dalawa, pero inaasar pa rin nila ito.


"Naalala mo ba Kuya? Siya nakaisip no'ng plano pero nagseselos pa rin siya sa inyo ni Reverie!" dagdag pa ni Eleaquinn habang umiinom ng wine.


Nagtawanan naman silang dalawa kaya si Athena naman ay nagtitimpi na huwag mapikon. "Yeah. She didn't even want to talk to me for almost two days. If I hadn't sent some ice cream, she wouldn't have talked to me at all!" Joaquin agreed that their laughter grew louder.


"Pagkain lang pala ang katapat ng selos ni Ate. Sa susunod na magselos siya, padalhan mo na ng isang truck na puno nang ice cream!"


At this moment, Athena glared at them. Joaquin noticed that; he gradually stopped laughing and just scratched his head.

Isip-isip naman ni Athena na sa tingin pa lang niya ay tiklop na si Joaquin.


"Well . . . Gumana naman ang plano ni Athena, 'yon ang mahalaga!" pagkakuwa'y pag-iiba ni Joaquin sa usapan para hindi siya mapagalitan ni Athena.


// flashback //

Pagkababa ni Athena sa harapan ng building nang condominium, hindi niya inaasahan na makikita niya roon ang kapatid ni Joaquin.


"E-Eleaquinn? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya. Wala na siyang pakialam kahit makita nito ang mga luha niya.


Kinausap siya nito para sabihin sa kaniyang hindi niya deserve ang panlolokong ginawa sa kaniya. Humingi na rin ito ng tawad sa kung ano mang nagawa ng kapatid niya kay Athena.


"I know this is really hard for you. My only wish is for you to be strong, Ate Athena."


"Thank you, Eleaquinn. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginawa, pero nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo," Athena replied shyly while wiping her tears.


"Pero nandito ako Ate para sabihin sa 'yo na kung ano man ang sinabi sa 'yo ni Reverie kanina no'ng nagkita kayo sa penthouse ni Kuya, hindi 'yon totoo," Athena frowned for a moment after hearing that.


She asked confusedly. "What do you mean? How do you know? Were you there earlier too?"


Napalingon naman si Eleaquinn sa paligid para tignan kung may makakarinig ba sa kaniya, saka lang siya nagsalita ng bumalik na ang tingin niya kay Athena. "Can you let me into your room? It would be better if we just talk about it there."


No'ng una ay nagdadalawang-isip pa si Athena kung pagbibigyan niya ba ito, dahil hindi pa rin siya makatiyak kung dapat ba itong pagkatiwalaan. Pero gusto niya munang alamin kung ano ang nalalaman ni Eleaquinn kaya sa bandang huli ay pumayag na lang siya.


Pagkapasok nila sa unit ni Athena ay kaagad din namang magpaliwanag si Eleaquinn. "Para sagutin ang tanong mo kanina, Ate. Wala ako ro'n sa penthouse ni Kuya, pero pinapunta niya ako rito sa 'yo para sabihin ang totoong nangyari," bungad nito dahilan para hindi makapagsalita si Athena. Dahil do'n ay nagpatuloy na lang si Eleaquinn sa pagpapaliwanag. "Nagpapanggap lang na tulog si Kuya no'ng pumunta ka ro'n sa kaniya kanina. Humanap siya ng tiyempo kung paano niya makukuha ang phone ni Reverie ng hindi nito nalalaman at hindi siya nahuhuli, kaya no'ng sinundan ka ni Reverie palabas ng penthouse ni Kuya, iyon ang naging go signal niya para pakialamanan ang phone ni Reverie . . ."


"Anong mayroon sa phone ni Reverie?" nagtataka namang singit ni Athena.


"Naghahanap siya ng ebidensiya para patunayan sa 'yong wala siyang ginagawang ikasisira niyo. Sinabi kasi sa kaniya ni Reverie na may nangyari daw sa kanila ni Kuya no'ng New Year's Eve, pero sigurado si Kuya na kahit lasing siya no'n, wala sa kanila nangyari. Sinabi lang 'yon ni Reverie para paghiwalayin kayong dalawa, at tinakot niya pa si Kuya na sasabihin niya sa 'yo na may nangyari sa kanila kapag nakipagkita si Kuya sa 'yo, e iniisip ni Kuya na baka paniwalaan mo si Reverie kaya sumakay muna siya sa kasinungalingan ni Reverie, kaya no'ng pumunta ka ro'n ay nagpanggap siyang tulog habang nakayakap kay Reverie."


"Teka muna," awat ni Athena sa pag-k-kuwento ni Eleaquinn dahil masyado ng marami ang nasasabi nito sa kaniya dahilan para mahirapan siyang i-proseso. "Lasing si Joaquin no'ng New Year's Eve? How?"


"Ganito kasi 'yon, pagkahatid niya sa 'yo rito sa condo dumiretso muna siya sa bar. Uminom siya ro'n mag-isa para raw bawasan ang sama ng kaniyang loob sa parents namin, kasi 'di ba ayaw nila sa 'yo," napayulo na lang si Athena matapos 'yong sabihin ni Eleaquinn, masakit pa rin ang mga nasabi ng parents ni Joaquin sa kaniya hanggang ngayon. "No'ng pauwi na siya sa penthouse after niya uminom, napansin niya raw na nakasunod sa kaniya ang sasakyan ni Reverie. Tumawag siya sa akin no'n para tanungin kung wala na si Reverie sa bahay ng parents namin, and sinabi ko naman sa kaniyang wala na nga, at ang alam ko ay pupuntahan ni Reverie si Kuya sa penthouse nito. Dahil do'n, sinabihan ako ni Kuya na sumunod daw ako sa penthouse niya dahil natatakot nga siya na baka may gawin sa kaniya si Reverie e lasing pa naman siya."


Tumango naman si Athena sa mga sinabi ni Eleaquinn, sa pagkakataong 'to ay paunti-unti na siyang naniniwala sa mga sinasabi nito.


"Kaso nga lang, hindi ako nakapunta sa penthouse ni Kuya kasi hindi ako pinaalis ng parents namin sa bahay. Tinakot pa akong hindi nila ako bibigyan ng allowance for a month kapag umalis ako, kaya wala akong nagawa," malungkot na pagpapaliwanag nito.


"Ano nakuhang ebidensiya ni Joaquin sa phone ni Reverie?" usisa naman ni Athena.


"Video 'yon nila ni Kuya kung saan hinuhubaran ni Reverie si Kuya habang nakahiga ito sa kama na lasing na lasing. Ewan ko nga ba ro'n kung paano pa 'yon nakapagmaneho at nakauwi sa penthouse ng ligtas sa gano'ng lagay niya!" tugon ni Eleaquinn na nagreklamo pa. "Teka nga, panood ko sa 'yo ang video," pagkasabi niya no'n ay kaagad niyang hinanap ang phone sa bag niya, nang makuha na niya ito ay mabilis siyang nagtitipa bago inabot kay Athena ang phone.


Mabilis namang pinanood ni Athena iyon. Sa video makikita na inayos muna ni Reverie ang pagkakalagay ng phone niya sa bedside table ng kuwarto ni Joaquin, kung saan nag-start na si Reverie sa pag-record.


Nang maayos na niya ang pagkakalagay nito, kaagad na pumatong si Reverie sa ibabaw ni Joaquin na kung saan ay natutulog na ito sa sobrang kalasingan.


Inalis ni Reverie ang pagkakabutones ng polo ni Joaquin, pagkatapos ay sinubukan niyang halikan si Joaquin sa may leeg ngunit bigo siyang gawin iyon dahil bahagya siyang tinulak ni Joaquin.


"S-Stop it!" singhal ni Joaquin na halata sa boses niya ang kalasingan. "H-Hindi . . . ikaw ang . . . T-Tangi ko!"


Umawang ang bibig ni Reverie sa kaniyang narinig matapos iyong sabihin ni Joaquin. Hindi siya makapaniwala na kahit lasing na ito ay si Athena pa rin ang nasa isip niya.


"What the hell, Ernest Joaquin! Lasing ka na nga lahat-lahat, 'yong babae pa rin na 'yon ang nasa isip mo? Ano bang ginawa no'n sa 'yo at patay na patay ka ro'n?!" reklamo ni Reverie na muling pumaibabaw kay Joaquin. Sinubukan niyang halikan ulit ito pero sa pangalawang pagkakataon ay nabigo ulit siya matapos siyang itulak ni Joaquin na mas lumakas iyon kaya nahulog siya sa kama.


"O-Only Athena . . . could do that to me!" muling singhal ni Joaquin na nanatili itong nakapikit. "I l-love her so much! I will n-never . . . cheat on her!"


"Ano bang mayroon sa babaeng 'yon, ha?! Nandito naman ako! Kaya kitang paligayahin araw-araw!" katwiran ni Reverie na tumayo mula sa pagkakahulog nito sa sahig.


"A-Athena can m-make me . . . happy every s-second . . . even if she's not . . . flirting me, n-not like you . . ." tugon ni Joaquin rito, "K-Kung kating-kati ka na . . . kamutin mo gamit ang pang-grater sa cheese!" nagawa pa ni Joaquin na tumawa sa sarili niyang biro.


Hindi naman makapaniwala si Reverie sa pinagsasabi ni Joaquin. Dahil doon ay pagalit na kinuha ni Reverie ang phone niya na patuloy pa rin sa pag-record, "Walang kwentang recording! Hindi ko 'to magagamit para sirain sila!" matapos sabihin ni Reverie iyon ay kusa ng natapos ang video, doon na niya pinatay ang recording.


"Siraulo talaga ang babae na 'yon! Balak niya pa talaga kaming sirain ng Kuya mo!" komento ni Athena na binalik na ang phone kay Eleaquinn.


"See? Ngayon naniniwala ka na, ah? Hinding-hindi ka kayang lokohin ni Kuya. Nagulat din ako d'yan no'ng pinanood ko, e! Even though he's drunk, ikaw pa rin ang nasa isip niya!" tugon naman ni Eleaquinn na animo'y kinikilig-kilig pa. "Kaya hindi talaga ako naniniwala sa mga lalaki na dinadahilang 'hindi ko sinasadya, lasing lang ako no'n' after nila magloko!"


Hindi naman pinahalata ni Athena kay Eleaquinn ang reaksiyon niya ngunit sa loob-loob niya ay kinikilig na siya ng todo. Sa ngayon ay mahirap nang makahanap ng gaya ni Joaquin, kaya mapalad siyang  siya ang minahal nito, at ngayon ay natitiyak niyang nasa tamang lalaki na siya.

// end of flashback //


"Heto namang si Reverie, paniwalang-paniwala sa acting niyo! Lalo na 'yong break-up scene niyo sa park? Grabe! Ang wholesome no'n! Kahit nasa malayo ako that time, kitang-kita ko kung gaano niyo napaniwala ang bruha na 'yon!" komento ni Eleaquinn na inabot niya ang litrato sa kaniyang kapatid. Kinukuhaan niya kasi ng picture ang dalawa.


"Honestly, seeing Athena crying that time even though it's just a fake break-up, I'm hurt a lot," Joaquin replied, it was obvious on his face that he was afraid in case that really happened to them for real, "Kaya gagawin ko talaga lahat ng makakaya ko para hindi kami umabot sa gano'n, natatakot ako na iwanan ako ng Tangi ko," dagdag pa ni Joaquin na sumulyap pa kay Athena, pagkatapos ay niyakap niya ito nang mahigpit.


Kinuha ni Eleaquinn ang tatlong wine glass at nilagyan niya itong lahat ng whiskey, nang matapos siya sa paglalagay ay binigay na niya ang mga ito kina Athena at Joaquin, ang isa naman ay sa kaniya.


"Cheers!" she shouted, holding out the wine glass in front of them.


"Cheers!" Joaquin laughed as he toasted with Eleaquinn.


"Cheers," mahinang sunod ni Athena na unang nakipag-toast kay Joaquin.


"Cheers!" muling sigaw ni Eleaquinn na sila naman ni Athena ang nag-toast. "Para sa nagplano, pero siya ang nagselos!" dagdag na biro ni Eleaquinn na kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Athena. Nagpipigil naman si Joaquin ng tawa lalo pa't binalingan din siya ni Athena.


Habang umiinom si Athena ng whiskey ay kinuha ni Joaquin ang isang box na tinago niya sa likod ng backdrop kung saan naglalaman iyon ng regalo niya kay Athena.


"Athena . . ." malawak ang ngiting pagkuha ni Joaquin ng atensiyon dito.


Pagkaharap ni Athena kay Joaquin, mabilis niyang napansin ang hawak nitong box ng regalo na inilahad nito sa kaniya.


"Para sa akin?" gulat niyang tanong na tumango naman si Joaquin. "Ano 'to?" dagdag pa niya pagkakuha rito.


"Open it." Nagagalak na utos ni Joaquin, sa sobrang excited ay mabilis niyang binuksan iyon.


Pagkakita niya sa laman no'n ay bigla siyang natulala, hindi niya inaasahan ang regalo na 'yon sa kaniya ni Joaquin.


"W-Why?" kinakabahang usisa ni Joaquin rito ng hindi makapagsalita si Athena, "Don't you like my gift—"


Nabigla si Joaquin matapos siyang yakapin ni Athena nang mahigpit. Pagkaraan ng ilang segundo ay napangiti siya at kaagad na sinuklian ang pagkayakap ni Athena, napapikit pa siya habang nasa bisig niya ang tinatangi niya.


He was really nervous that she might not like the gift he gave her.


"P-Paano mo nalaman na gusto kong mag-aral ulit? Pati 'yong dream course ko alam mo?" nagtatakang tanong ni Athena pagkatapos niyang kumawala sa pagkakayakap niya kay Joaquin.


Certificate of registration kasi ang regalo ni Joaquin dito, nakalagay do'n na officially enrolled na si Athena sa isang university, nakalagay din do'n ang dream course niya.


"Alam talaga ni Clarice na noon pa lang ay may gusto na ako sa 'yo," paliwanag ni Joaquin dito, "Tinanong ko siya dati kung ano ang mga paborito mo, kung ano ang mga ayaw mo, kung ano ang mga ikinakagalit mo, mga mabilis nagpapainit sa ulo mo, mga allergies mo, including 'yong pangarap mo. Para kapag naging tayo, alam ko kung ano ang dapat kong iwasan."


Hindi maiwasan ni Athena na maiyak habang pinapakinggan si Joaquin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, ngunit sa lahat ng 'yon ay nangibabaw ang tuwa. Matagal na niyang pangarap na muling makapag-aral ngunit hindi niya alam kung magagawa pa niya 'yon. Ngayon ay natupad na rin ang isa niyang pangarap, at dahil 'yon kay Joaquin.


Hindi ni Athena alam kung paano magpapasalamat kay Joaquin, kaya naman muli na lang niya itong niyakap. "H-Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Joaquin. Maraming salamat, love! Promise, pagbubutihin ko 'to hanggang sa makatapos ako!" nangangako niyang bulong dito. Muli na siyang kumawala sa pagkakayakap dito, pagkatapos ay hinalikan niya si Joaquin.


Nang matapos ang kanilang paghahalikan, pinunasan ni Joaquin ang pisngi ni Athena gamit ang daliri niya para alisin ang mga bahid ng luha rito. "Basta pagkatapos mong mag-aral, gagawa tayo ng maraming baby at bubuo tayo ng basketball team," natatawa naman si Athena na pinalo sI Joaquin sa balikat dahil sa sinabi nito. "Mahal na mahal kita, Tangi ko."


"You're my better half, Love."


•••
mindfreaklessly

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 103 21
Calderon Series #1 Bisaya | Completed Started: August 23, 2020 Ended: August 31, 2020
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
518K 18.1K 26
Sequel of Babysitting the CEO's Son. © All rights reserved, 2019
49.9K 1K 37
A ruthless woman who kill someone for money, she's fearless that knows no boundary. She's merciless and love seeing someone begged on their knees. Sh...