Follow Your Heartbeat (Comple...

By mryosow

9.4K 875 165

Paano kung mapunta ka sa isang sitwasyong kailangan mong mamili sa dalawang taong importante sa'yo at ayaw mo... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 57
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 56

96 7 3
By mryosow

Gael's POV

"Bro, calm down. Saka ka magalit pag nilandi ko baby mo" pang aasar ko.

"Paano ako kakalma kung sinisira mo lahat ng plano ko! Ang sabi ko ay bantayan mo lang siya at h'wag hahayaan na ma involve sa gulong 'to!" inis na saad nito at frustrated na tinabig ang vase dahilan para mabasag ito.

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pero tinignan lang niya ako.

"She's still waiting for you" saad ko at nilahad sa kanya ang phone ko. Nag play ang video at pinanood niya iyon. Nakatingin siya sa phone at patuloy na pinapanood ang video hanggang sa matapos.

"May iba na siya" saad nito at tumalikod.

"Wala na sila. Yasmin and Hera forced her to date Dyn" saad ko.

"Pero iba ang nakikita ko, Gael. I know she loves Dyn. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano siya kasaya na kasama 'yon!" saad nito.

"Henrich, wake up! Hindi mo ba nakikita effort ni Sophia para sa'yo. Hindi mo nakikita lahat pero ako kitang-kita ko. Palagi niya pinupuntahan mga lugar na madalas niyong puntahan noon kahit sila na ni Dyn!" saad ko.

"Habang buhay ka na lang bang magtatago sa anino ng kambal mo? Naduduwag ka na?" natatawang saad ko.

"Ahh...ayaw mo na kay Sophia. Akin na lang" pang aasar ko at tumawa para mas mainis ito.



Magsasalita pa sana ako pero naramdaman ko ang malakas na suntok nito sa panga ko. Napahawak ako sa mukha ko at muling humarap kay Henrich saka tumawa uli.



"Oh, bakit sinapak mo'ko? Sakto dati ko pa siya gusto" pagsisinungaling ko.

"Alam mo, ikaw ang pinaka mahina na nakilala ko. Binigyan ka pa ng pagkakataon. Anong gusto mo? Tuluyang mawala si Sophia sa'yo?" naiiling na saad ko.

"Umalis ka na!" galit na saad ni Henrich pero ngumisi lang ako sa kanya. Sarap talaga inisin ng gagong 'to.



Muli ko siyang tinitigan at ngumisi saka lumabas ng opisina nito. Pag labas ko ay sumalubong sa akin si tito. Yumuko ako tanda ng paggalang at saka umalis na.


Henrich's POV 



Napapikit ako sa inis nang makalabas si Gael. Yes, buhay ako at lahat ng impormasyon na pinakalat na patay na ako ay hindi totoo. Wala kaming ibang choice ni dad kundi gawin iyon dahil buhay naming lahat ang nakasalalay. Mabuti na lang at nasa side namin si Gael kahit na maloko siyang tao.



Nagsimula ito nang malaman namin ang plano ng mom ni Gael. Ang buong pamilya sa side nila ay balak pabagsakin si dad pati na rin ako para sa kanila mapunta ang lahat ng pag aari namin.



Hindi man ako sang ayon noon ay wala pa rin akong magagawa kundi gamitin ang kakambal ko na si Alexander para mag panggap bilang ako.



Akala ko madali namin sila mapapa bagsak pero ilang taon  na lang ang lumipas at hindi pa rin kami nakakagawa ng paraan para mapabagsak sila. Nangako ako sa sarili ko na kapag natapos ang lahat ay hahanapin ko si Sophia.



Until I saw her again, sa hospital. Gustong-gusto ko siya lapitan pero hindi ko magawa dahil alam kong may nakabantay. Ayaw ko rin siyang madamay sa gulong meron ang pamilya namin. Ginawa ko ang lahat para makapag tago sa kanya...sa kanila.



Sumuko ako nang makita ko rin siyang may kasamang iba and na confirm ko mula kay Gael na may bagong minamahal si Sophia at iyon ay si Dyn. Isang beses ay sinubukan kong sumama kay Gael na sundan si Sophia at nakita ko sila ni Dyn na mukhang masaya.



FLASHBACK
-
-
-

"Tita" saad ko at niyakap si tita Victoria.

"Nako! Ikaw pala yan! Wag ka magpa gala-gala dahil baka may makakilala sa'yo!" saad nito.

"Hindi naman po tita. Namiss ko lang po rito" saad ko at ngumiti.

"Pinapunta ko rin siya rito tita. May pag uusapan lang din kami saglit" saad ni Gael.



Inasikaso kami ni tita at nag usap kami ni Gael. Sinabi ni Gael sa akin na hindi niya pa na l-locate kung nasaan si Sophia dahil noong pumunta ito sa bahay nila ay walang tao. Halos tatlong oras na raw ito ron pero wala talaga kaya pumarito na muna kami.



Inopen ko ang social media acc ko at sinilip ang acc ni Sophia. Hanggang ngayon ay wala pa rin update sa account nito. Hindi ko rin makita kung active ito dahil naka private. Pero ang huling balita ko ay nagtatrabaho siya sa hospital.



"Mga anak! Naku! Magsi tago kayo. Nariyan si Sophia!" saad ni tita Victoria. Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Sophia.



Dali-dali kaming pumasok sa kitchen at sinilip ng kaunti ang labas. Nakangiting pumasok si Sophia habang may kahawak kamay na lalaki.



"Shoot!" saad ni Gael at tumawa.

"Yan si Dyn" saad nito.

"Ang boyfriend ni Sophia" dagdag ni Gael at muling tumawa.



Pag pasok nila Sophia ay bigla siyang napahinto at inilibot ang kanyang paningin sa kabuohan ng shop ni tita.



'Babe, may problema ba?' tanong ng lalaking nagngangalang Dyn habang si Sophia ay nakatulala.

'Sophia!' saad ni tita Victoria at lumapit kay Sophia saka ito niyakap para libangin ang dalawa.

'Kamusta ka?' rinig kong saad ni tita Victoria. Sumilip si Sophia sa banda namin ni Gael kaya nag tago kami. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil baka nakita niya kami.

"Nakita ba tayo?" tanong ni Gael.

"Hindi ko alam" saad ko at sumandal sa pader.

"Paano kapag nahuli ka? Anong gagawin mo?" tanong ni Gael.

"Hindi naman siguro" saad ko at lumapit sa mga binibake ni tita.

"Hangga't hindi pa natatapos ang lahat, kailangan ko muna mag tago sa kanila. Ako na rin bahala magpaliwanag sa kanila" saad ko.



Patuloy kaming nag uusap ni Gael patungkol sa plano. Mabuti at pumayag siya sa plano namin ni dad kahit pa dawit ang mom nito. Sinabi ni Gael na marami na siyang kasalanan at ayaw na nitong gumawa ng mas ikakasama pa ng lahat. Ayos lang sa kanya kahit pa magkaganon ang mama niya dahil mali rin daw ang gawain ng kanyang ina.



"Puntahan ko si tita. Mag tago ka" saad ni Gael.



Bagsak ang balikat ko at pilit isiniksik ang sarili ko sa cabinet ng mga tinapay. Muli akong tumingin kay Gael na papalabas ng kitchen.



'Tita Victo--- Sophia?' gulat na saad ni Gael habang naka tingin kay Sophia.

'Gael?' saad ni Sophia.

'Wow! Ikaw na pala yan?' saad ni Gael. Lumapit si Gael kay Sophia habang si Sophia ay kunot noong nakatingin kay Gael.

'Ah, oo. Anong ginagawa mo rito?' tanong ni Sophia.

'Binisita ko si tita Victoria. Ikaw?' tanong ni Gael.

'Dumaan lang din' saad ni Sophia. Sumilip ito sa buong kitchen kaya mas nag tago ako. Pansin kong pasimpleng hinaharangan ni Gael si Sophia at sinusubukan niyang lituhin para mailayo ang atensyon sa buong kitchen.

"Lalabas na rin ako eh. Pauwi na ako' saad ni Gael at umalis silang dalawa.

END OF FLASHBACK

Nagpakawala ako ng hangin at napatitig sa phone ni Gael at naroon ang video ni Sophia na umiiyak. Kinuha ko 'yon at pinanood uli. Napalunok ako ng ilang ulit at tinignan ang contacts ni Gael at kinuha ang phone ni Sophia. Siguro oras na para malaman niya ang katotohanan.



I dialed her number at nakaka tatlong ring pa lang ay sinagot niya na ito.



"Hello, this is Dr. Sophia Smith. How can I help you?" bungad nito dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa boses nito.

"Hello?" pag uulit nito. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa phone.

"Hello? Wrong number po or magpapa appointment?" tanong ni Sophia.

"Baby" saad ko at nagsimulang mag bagsakan ang mga luha ko. Natahimik din si Sophia sa kabilang linya at nakarinig ako ng hagulgol.



Dahil sa kaba ay pinatay ko ang tawag at tinext kay Sophia ang place na madalas namin puntahan noon. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at dali-daling bumaba. Sinuot ko ang black hoodie ko at nag suot ng mask para walang makakilala sa akin.



Pagkarating ko sa garahe ay dali-dali akong sumakay sa motor ko at pinaharurot papunta sa place namin.



Habang binabaybay ang lugar kung saan kami madalas mag punta ni Sophia ay patuloy ang pag agos ng luha ko. Halos 20 minutes ang biyahe ko nang makarating ako sa seaside.





Ipinarada ko ang motor ko at bumaba saka tumayo sa pwesto namin noon ni Sophia kung saan kami huling nag kita. Until now hindi ko alam ang rason ng biglaang pag alis niya pero nakatulong din iyon sa akin para magtago sa mom ni Gael. Hindi siya nagpa ramdam kahit isang beses at wala akong naging balita sa kanya mula nang makaalis siya ng bansa.



Inabot na ng dalawang oras pero walang Sophia na dumating. Tinignan kong muli ang text ko sa kanya pero wala itong reply kahit isa. Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa at pinanood ang araw na papalubog gaya ng huling pagkikita namin noon.



"Henrich"



Hindi ako makagalaw nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan akong humarap kay Sophia at nag tama ang mga mata naming parehas lumuluha.



"Sophia" saad ko at naglakad papalapit sa kanya. Hindi ito kumilos at nanatiling nakatingin lang sa akin.



Nang makalapit ako sa kanya ay hinawakang ko ang pisngi niya at pinunasan ang luha.



"Baby" saad ko.



Niyakap ako ni Sophia ng mahigpit at umiyak nang umiyak. Niyakap ko rin siya ng mahigpit pabalik habang tahimik ng umiiyak.


We hug each other like there is no tomorrow. Napamulat ang mga mata ko nang may lalaking sumigaw papalapit sa amin.


"SOPHIA!" saad ng lalaki at dali-daling lumapit sa amin at tinulak kami hanggang sa nakaramdam ako ng malakas na pwersang nagtulak sa amin. Napaupo si Sophia di kalayuan samantala ako ay halos mamanhid ang braso ko sa lakas ng pagkakabundol sa akin. Nandilim ang paningin ko at unti-unting nawalan na nang malay.


Sophia's POV 


Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Henrich na nakabulagta sa kalsada habang may dugo na umagos sa noo nito.


Dali-dali ko siyang nilapitan at natatarantang hinawakan ang mukha nito.


"H-Henrich" saad ko habang ang mga labi ko ay nangangatal. Hinawakan ko ang pulsohan nito at ramdam ko ang pag pintig nito.


Nanginginig na kinuha ko ang phone ko at tumawag ng emergency. Lahat ng tao ay nakatingin at nag uusap-usap. Ang iba ay tumatawag na rin ng ambulansya.



"Yung isa wala na yata!" sigaw ng babae kaya napatingin ako sa lalaking nakabulagta.


Halos manghina ako nang makita ko ang pamilyar na lalaki kaya naglakad ako papalapit sa kanya. Maraming dugo sa paligid nito at may mga gasgas ang katawan niya.


"DYN!" rinig kong sigaw ng isang lalaki at lumapit sa katawan ni Dyn na naliligo sa sariling dugo. Napaluhod ako habang nakatingin sa katawan ni Dyn.

'Gab!' saad ng isang babae sa lalaking tumawag kay Dyn.

Ilang minuto akong nakatulala sa sahig at dumating ang ambulansya. Nakatitig lang ako sa katawan ni Dyn nang kunin ito ng mga health care workers.


"May pulso pa" saad ng isa. Isinakay nila saloob ng ambulansya at sumama rin ako. Hindi pa man nakakaandar ang sasakyan ay sumigaw na ang isa.

"Time of death: 6:34pm" saad nito dahilan para gumuho ang mundo ko.

"D-Dyn" mahinang saad ko habang nakatingin sa katawan nito. Nagwala ang lalaking nagngangalang Gab at kinwelyohan ako.

"Kasalanan mo! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!" saad nito at pilit siyang inaawat ng lahat. Patuloy ako sa pag iyak habang nakatingin sa katawan ni Dyn kahit pa gusto akong sugurin ni Gab.


Niligtas niya kami. Niligtas niya kaming dalawa ni Henrich. Bakit? Bakit ikaw pa ang nawala?




Thanks for reading.



"𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒍𝒐𝒘 𝒌𝒆𝒚. 𝑵𝒐𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖."

- 𝓜𝓻𝔂𝓸𝓼𝓸𝔀

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
25.7K 554 44
[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD
When He Left By MNP

General Fiction

62.9K 818 33
"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm...