Even After Everything (After...

By jossmstr

133 5 1

To have everything at your fingertips is no fun for Marco Perez. A member and the keyboardist of the Philippi... More

Even After Everything
00: Marco
01: Seb
02: Marco
04: Marco
05: Seb
06: Marco
07: Seb
08: Marco
09: Seb
10: Marco
11: Seb
12: Marco
13: Seb
14: Marco
15: Seb
16: Marco
17: Seb
18: Marco
19: Seb
20: Marco
21: Seb
22: Marco
23: Seb
24: Marco
25: Seb
26: Marco
27: Seb
28: Marco
29: Seb
30: Marco
31: Seb
32: Marco
33: Seb
34: Marco
35: Seb
36: Marco
37: Keith
38: Bill
39: Seb
40: Marco
Epilogue
Notes

03: Seb

4 0 0
By jossmstr

"Norwyn, wait!"

Hininaan ko pa rin ang boses nang sumigaw. But that was enough to catch the attention of the other people we've met and nag-sorry ako kaagad. "Puwede usap tayo saglit?"

"Ihahatid ko muna sila. Later, okay?" he turns his back again but I grabbed him and gave him a puppy look.

"Please?"

Norwyn exhaled heavily and nagpaalam muna siya sa mga ihahatid. Buti na lang babalik muna sila sa office para kuhanin ang gamit. "Susunod din ako, mga sir." then he bowed.

Once the elevator closed, he faced me again. Medyo may inis sa malaki nitong mata pero namumutangi ang saya dahil sa nangyari ngayon. "What is it?"

I opened my mouth, only to release air. Pinagsalikop ko ang parehong kamay at lumingon sa likuran. Hyung is still in the room with the two and I won't return if I don't bring good news.

"Napapayag ko si... hyung... na in exchange for him staying... tutulungan ko siya na kumbinsihin ka na hindi niya tatanggapin 'yung ibibigay nila na gamit."

"That kid..." pagod nitong sagot. "Seb, I don't know what's wrong with your brother and he doesn't want to receive a free gift! At saka, hiningi na nila na iyon ang gamitin dahil sponsor sila ng Kawai."

"I know that..." pero kasi...

Remembering his crying face earlier was enough to melt my heart. Sanay na ako na mas bato pa siya sa bato. Sanay na ako na minsan hindi mo siya makakausap nang maayos. But Norwyn and I knew na... parang nag-iba siya after ng isang taon...

"Noong may nagregalo na fan sa kaniya ng bagong guitar strap, tinanggap niya nang buo."

"I know. Kaya nga... hindi ko alam bakit ayaw niya ito tanggapin..."

But my head is still going through my memories. I remember those times na gutom na gutom kami after a show at walang budget 'yung organizer kaya ayaw namin humingi dahil mababawasan ang bayad namin. Marco, hyung, was hesitant to receive those meals na galing sa audience. Pero tinanggap niya pa rin iyon. Even the time where nanalo siya sa isang raffle dahil nilagay ni Bill ang name niya sa roleta, tinanggap niya pa rin 'yung rice cooker na premyo.

The Marco we know... always accepts everything. Anything. Hindi ito magsasalita o magrereklamo, basta tatanggapin niya lang lahat. I had an idea na... it was because of how he was raised. Kaysa sa aming tatlo, siya ang pinaka may kaya na background.

And to overhear them earlier na ayaw niyang...

"What do you wanna say?"

"Let's still give him the keyboard and tell them na he didn't like how it sounds."

Kumulubot ang noo niya sa akin. "What? Gusto mo magsinungaling tayo?"

I sighed. "Pero kasi... Hindi ba napag-usapan natin kanina na with those free instruments, dapat magandang songs ang ilabas namin? Let's just say na hindi gusto ni hyung iyong pagtugtog nito at baka maapektuhan ang buong song kapag recording na."

"Seb, what you're asking for..." tinapik nito ang balikat ko pero pinisil ko ang parehong braso niya.

"Please? Malaki ang takot ko na hindi talaga siya babalik. We know hyung a lot... He meant everything he says, will say, and wouldn't say. Please? Kung walang gana 'yung isa sa amin, pangit ang tugtog namin."

See? See how I was the only one willing to understand him? I'm not calling out the two pero parang ganoon na rin... Alam naman nila na kung kulang ang isa, hindi na maganda ang kabuuan ng banda.

"Fine." I jumped in joy. "I'll think about it!"

Halos matumba kaming dalawa sa saya na naramdaman. Tumakbo na ako pabalik sa practice room at natagpuan siya na nag-aayos ng mga gamit. Sobrang laki ng ngiti sa labi ko dahil bukod sa nakuha ko ang binabalak, masaya rin ako na makitang tumugtog siyang muli kanina.

Walang kupas. Kahit mas maliit pa siya sa akin, sobrang laki ng boses nito kaysa sa kung anong mayroon sa akin.

"Oh. Great." sabay talikod at iwan sa akin.

I wouldn't deny the way my heart dropped with that response. G-great lang ang kaya niyang sabihin sa akin? Mukha bang hindi ako nag-effort sa ginawa?!

I took a step closer but I retracted immediately. Ayokong mas sirain ang mood niya at tinanggap na at least alam niya na tinupad ko ang pangako sa kaniya!

Lumapit na ako sa dalawa at inawat sila dahil mukhang nag-aaway na. "Sumunod na kayo sa baba." utos ko at mabilis silang sumunod.

Ilang minuto lang ay sinukbit na rin ni hyung ang gitara sa balikat. "Hintaying mo ako, hyung!" giit ko at inayos ang bass guitar sa kamay.

"Kaya mo na 'yan." tipid nitong sagot at sarado ng pinto.

Grr! Pasalamat ka, hyung, kaya kong magtiis! Tss. Pero okay lang. At least... may nagawa ako sa kaniya, right?

***

The next day, we went back to the building para magpractice. Also, dumating na 'yung mga binigay sa amin na mga bagong gamit and we spent hours just playing with them and familiarizing with them!

"Sobrang sanay na ako kay Mars," I said while the new bass guitar hangs on my body. "But it feels like I'm still playing him."

Bill sniggered and kicked my feet. "Itono mo nga sa akin, bro. Ayaw ako tulungan ni Keith."

I glance behind at Keith who's busy polishing his new drum set. Napailing na lang ako at binitawan saglit ang bago kong gitara. Mars, my old blue bass guitar is leaning on the wall and I smiled at him. It feels like he's asking me why I'm not with h but...

After ko tulungan si Bill, inaya ko sila na tumugtog gamit ang bagong mga gamit. Really, sobrang kalat ng buong paligid dahil nagkalat ang mga karton at mga supot, even bubblewraps, at wala na halos space.

"Let's go!" pumwesto na kami at nasa gilid ko lang si Keith. "Pero si Marco?"

Sabay-sabay namin siyang binalingan ng tingin at busy siya sa couch na nasa tapat namin. Sitting on the couch where the people we've met sat yesterday, kunot ang noo nito habang may tinitipa sa telepono.

Hindi namin nilakasan ang aircon but he arrived with that oversized hoodie of his. At mukhang hindi pa siya nagsusuklay dahil gulo-gulo pa rin ang buhok. His usual small face is stretched with stress and... uneasiness.

Lumunok ako dahil nagsimula na naman akong mag-alala. "Hyung." Tawag ko pero hindi ako narinig. "Hyung, tugtog tayo!"

Hyung frowned at us and returned from typing. Nagkatinginan na lang kaming tatlo. "Try natin kung maganda sila gamitin sa practice!" aya ko at ngumiti lalo.

"Pre..." tawag ni Bill per hindi ko pinansin. "Tayong tatlo na muna..."

"Hyung," Pilit ko at umambang aalisin ang gitara sa katawan. "Sige na, para makapag-simula na tayo sa recording session."

Three of us expected him to come towards us, pick his guitar too, and stand behind his keyboard pero lumabas lang ito at marahas pa na sinarado ang pintuan. All of us jumped and the vibration reverberated deep inside our ears.

"What the fuck is his problem?" Keith hissed and slammed his stick on his drum.

"Bakit hindi muna natin ipaayos kay Norwyn ang ugali niyan? Mas lumala lang siya bago tayo nag-break, eh."

"Give him time. Mukhang naninibago lang siya na tumugtog." sabi ko pero hindi rin ako naniwala.

Marco hyung has always been like that. I can agree to their statements.

"Tanginang 'yan, naninibago? Kita mo ba mga posts niya sa Facebook noong mga nakaraang buwan? Puro pictures ng mga banda o gitara! Tapos..."

"Ano ba kasing problema 'nun?" Keith snapped. "Kung sana marunong lang siya makiramdam at maging open sa atin..."

"Guys, tugtog na lang tayo, okay?" pigil ko sa mga reklamo nila. It's hurting me. Really. "Baka sumama na iyon mamaya."

We're supposed to be brothers in this band. In this industry. And though we are, si Marco hyung talaga ang hindi maiikaila na... he doesn't seem like he treats us the same. Parang role lang ang ginagampanan niya sa banda at kapag wala na sa stage o camera, he'll stop being the Marco everyone adores on cam.

Nakalahati na namin ang unang kanta pero wala pa ring bumabalik na Marco hyung. I enjoyed the second song I didn't think about him anymore but napansin ko na hindi pa niya binubuksan pala 'yung kaniya.

Keith is the one singing and Bill is backing him kaya lumapit muna ako sa hindi pa nabubuksan na karton. Confirm. It's for hyung and maybe... maybe he doesn't want to open this kaya hindi niya gusto sumama.

"Kayo muna." simple kong utos at hubad ng gitara.

I don't know what or who pushed me pero nilagay ko muna sa isang sulok ng kwarto ang mga kalat bago naupo sa sahig para buksan ang kay Marco. Laying before me is a beautiful white keyboard and it really shined in front of me. Bagong-bago.

Tinanggal ko sa stand ang lumang keyboard at maingat na sinilid ang nasa ibabaw sa couch bago nilagay ang bago. It fits perfectly! Now it's time to turn it on and play some keys para tingnan kung tama ba ang tono.

I'm currently playing 'Happy Birthday' with 'C C D C' keys when Marco hyung stood before me. "What are you doing?"

My heart took a leap of its life when I heard him. Malaki pa rin ang ngiti ko dahil naamoy ko ang bango niya pero nang makita ang namumula niyang mata, nanuyo ang lalamunan ko.

"Where's my keyboard?"

I silently point where it is and hindi ito gumalaw. "Who told you to open this up?"

Hindi ako makasagot. Why is he so red? Bakit parang umiyak na naman siya?

"Stop looking at me like that. Hindi ako namatayan."

"But... but th—" turo ko sa mata niya. "Did something ha—"

"Wala kang pakialam." then he went beside me and knocked me out. "Tutugtog ba kayo? Iwan n'yo muna ako at gusto ko tumugtog mag-isa."

I can't move where I am. Hindi ko alam kung masakit ang puso ko sa nakitang sitwasyon ng mukha niya o dahil sa pagtulak niya sa akin...

"Do you need... some water?" parang estupido kong taong.

"No. I need you to get out of my sight. Alis."

Mas lalong bumagsak ang puso ko. Naramdaman ko na lang na may palad sa balikat ko at iginigiya ako na lumabas. I can't move my own feet... My eyes are just stuck at his face looking down at the keyboard.

I swallowed a sob wanting to escape. "Tara muna sa labas, Seb. Kain tayo ng taho o binatog."

Hyung heard it and I hate how fucking clueless or stern his face at us. "Leave."

Kinuyom ko ang parehong kamao dahil sa ginawa ko sa kaniya ngayon... he wants to give me only his request to leave him?

Calm down, Seb... Matagal mo na siyang kakilala... But fuck it...

It really hurts. Putangina. Nakakatangina 'yung sakit.

Naiintindihan ko na sina Keith at Bill... He turned worst than the last time. Bakit ayokong hayaan ang sarili na i-acknowledge iyon? Ano ba naman ako sa kaniya, 'di ba?

***

Buong week kami na laging nasa practice room.

Somehow, 'yung pag-set up ko ng keyboard ni hyung ay nagbunga. I told the other two that he just doesn't want to open the box and set it up himself kaya hindi siya sumama noon. Yet when I did it for him, sumali na siya. But unlike before, I was mum every time we're around.

Too bad, ako ang laging nauutusan na lumapit sa kaniya kapag may sasabihin o may kailangang ayusin. "Hyung, turn this one up. Hindi marinig ni Bill maayos." sabay turo sa amplifier na nasa tabi niya.

It's supposed to be Bill saying that kasi mismong reklamo niya iyon but... fuck it. Masakit pa rin ang loob ko na maliit na 'Thank you!' lang ang hinihingi sa pag-set up ng gamit pero hindi iyon ang nakuha ko sa kaniya.

Hyung just did what I told him to do and that's it. Tuloy na uli sa practice at hindi na uli magsasalita sa isa't-isa.

There's always this assumption na everyone in the bad are getting along with each other. I mean, that's kinda true... May mga kaibigan din kami na ibang bands at maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa. But with us? Kapag wala si hyung ay kung ano-ano ang sinasabi ng dalawa sa mga kaibigan namin dahil siya lang ang hindi namin makasundo.

"Kapag may camera, lagi naman kaming kausap! Pero kapag, wala! Poof!" Keith made a popping sound, like a bubble evaporated in front of him. "Hindi namin ma-gets!"

"Try to talk to him, malay n'yo mag-work?" answered our friend at tanging makahulugang tingin lang na iling ang sagot namin.

We're supposed to continue practicing nang weekend pero umuwi saglit sina Keith at Bill para magpaalam na babalik na uli sila sa banda. Me? Tinawagan ko lang sila Granma at Granpa at naintindihan din nila ako.

“But right now I can't see nothing thru these tears." I sang in the mic and I cringed.

Uminom naman ako ng salabat kagabi pero nag-iiba ng tono at timbre ang boses ko. I tried coughing and sang it again pero ganoon pa rin.

The atmosphere inside the practice room, with only hyung and I inside, is... somber. Bukod sa magkalayo kaming dalawa, pansin na pansin na nag-iiwasan kaming dalawa.

"Your phone is fucking noisy."

Tumalon ang puso ko sa narinig. Hindi ko siya tinitingnan habang nasa puwesto but he's sitting on the couch with his guitar on his lap. Masama ang tingin nito sa akin kahit na natatakpan ng suot na sumbrero ang kalahati ng mukha.

"Huh?"

"Kanina pa tumutunog ang phone mo. If you don't want to answer it, put it on silent." he hissed. "Istorbo."

Again, I felt small with that statement. He's always like that. Blunt. Straightforward. Prangka, some would say. And kahit pala kahit anong sanay mo, bigla ka na lang hindi magiging okay sa ganoon.

Nilapitan ko ang phone na nagcha-charge at mas lalong kumunot ang noo ko. I turned it on silent at bumalik sa puwesto. I can feel his eyes following me but I didn't say anything.

Hyung is right. Istorbo.

One hour after lunch and nagugutom na ako. Binaba ko muna lahat ng gamit at kinuha ang wallet sa bag. My head is fighting whether to invite Hyung, who's currently playing with his keyboard, or not. Kapag inaya ko siya, hindi niya ako papansinin. But if I didn't, baka bigla niya i-brought up someday na hindi ko siya sinama.

If the others are only here...

Nasa pinto na ako at gulong-gulo nang mag-come up ako ng decision. Yet when I look back and find him inside, nakita ko na lamang siya na pumasok sa recording booth at naiwan akong mag-isa.

God... Hyung is really... unpredictable.

***

"Why aren't you answering my calls yesterday?"

Agad niyang hinalikan ang pisngi ko pagkakita namin sa labas ng simbahan. Her flowert scent is reminiscent of the flowers I inhaled from inside the church earlier. Ilang beses na akong nabubunggo dahil nasa gitna ako ng exit.

Grabbing her hand carefully, iginiya ko siya sa candle station sa tapat ng simbahan. It's much deserted kaysa sa tapat mismo ng simbahan. "Lumaki katawan mo, ha? Isang buwan lang ako nawala, Seb!"

I forced a smile. She dressed modestly today but... her usual sexiness is exuding from her. Round face and sharp features... Sanay na ako na mas matangkad ako sa ibang mga taong kilala ko at wala itong kawala roon.

"Sorry. Busy kami mag-practice."

Kumislap ang singkit nitong mga mata. "Wow! Balik na uli kayo?"

"Yep."

She hugged my chest and na-concious ako kaagad sa kung nasaan kami. Buti na lang hindi kami binalingan ng tingin ng ilang mga matatanda na nagtitirik ng kandila. "That's good! That's good! Hindi ba, you're telling me how you missed playing? How was it?"

"Good..." ngiwi ko. "Thankfully, alam pa namin lahat tumugtog."

"Kayo pa ba? O-order ako kaagad ng release n'yo, ha!"

Aaminin ko... It's good to see her today... No, it's good to meet her and have her in my life... Siya iyong tinutukoy nina Bill noong nasa bar kami na girlfriend ko raw... God, I don't even know saan nila kinuha iyon dahil...

"Why so serious?" she chuckled when I held her on her shoulders. "Gwapo ka pa rin, Seb, kahit mata mo lang ang nakikita."

I waited for some sparks... or an electrifying feelings that will course my brain or what not. Pero wala. Akala ko mayroon. Akala ko magkakaroon.

It was six months or seven months since I stopped playing in front of the crowds. Ilang buwan ko nang ginagawa 'yung pinaghirapan at pinagtrabahuan ko kaya... sobrang down ako. Kahit na nagkaka-usap kaming tatlo, hindi, eh.

Then it was Bill's idea na subukan kong mag-date. May girlfriend siya that time at sinabi niya na nakatulong iyon habang wala kaming ginagawa. Ayoko sana... Because I have a part of me na reserved na sa iba. Unrequited nga lang.

So I followed his advice. Then I met her sa Aces and masyadong mabilis... Kahit nagkakasundo kaming dalawa... Isang linggo lang ang na-enjoy ko at after noon, hindi na uli kami masyadong nagka-usap.

Work. All because of work. Naiintindihan niya iyon dahil may work din siya. She's willing to meet me kapag free time ko at ilang beses na akong hindi nakipagkita kasi... hindi ko talaga kaya. Hindi iyon ang hanap ko. Hindi babae ang hanap ko.

"Mukha bang... nanliligaw ako sa'yo noon pa?" I try being blunt like hyung but... it only hurts me. Not because I've thought of him. Hindi ako sanay na deretso minsan sa nga salita.

She looks puzzled upon hearing me. "Ha?"

Napailing ako. "Sorry... Mukha bang... pinapaasa kita nitong mga nakaraang buwan? I mean... God, hinri ko alam ang tamang sasabi—"

"Seb, ayaw mo na ba akong makita?" tears formed in her beautiful eyes.

Mabilis kong pinunasan iyon but mabilis din siyang umiwas. I think my touch starting to burn her.

"I don't know what I was doing... Bill told me na baka... na baka puwede mong punan 'yong nararamdaman k—"

"You fucking used me?!" She slapped me. Hard.

Buti na lang umalis na 'yung mga tao sa loob ng station. I don't have to worry about anyone hearing her curse. "Hindi sa ganoon pero... Hindi lang pala tama na..."

"Ang sama-sama mo, Seb. I wasn't even doing anything bad!"

Tiniis ko ang isa pa niyang sampal at pag-apak sa sapatos ko pero hindi ko na siya nahabol. Under my mask, I'm cursing kasi ang sakit ng heels niya sa sapatos ko pero...

Kung pinatapos niya lang ako...

Bumalik ako sa loob para magdasal at humingi ng sorry dahil nakapanakit ako ng ibang tao. Kahit papaano, the pain in my heart lessened but I know I still have to make it up to her. Not now, but soon.

On the way home, a small smile formed in my lips. That small part of me inside that's reserved to someone else is having a party because I'm available again... Gah, I'm always available for that person.

Hindi lang muna kami okay nowadays. But we'll be, very soon.

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 366 18
Jace Summers is not your average high school boy, per se. He prefers being himself no matter what anyone else thinks about him, and he's proud of who...
3.1K 97 11
He's been off since theater. Not saying much. "Seb, what's wrong?" I ask gently. "There's something I think I need to tell you," he answers meekly. I...
20.2K 1K 62
For years Kongpob Suthiluck was mentally, emotional, physical, and sexually abuse. He thought he had finally gotten away from it all when he went to...
266 1 12
Enzo Marcelo, a young and well respected businessman, son of the number one Italian businessman. Enzo joined hands with The Delacruz, the second larg...