I Courted Him

By prom_princess08

197K 3K 1K

The story of a girl who courted a boy. More

I Courted Him
Chapter 1 - Brilliant Idea
Chapter 2 - Bogart
Chapter 3 - PIO
Chapter 4 - Your secret is safe with us.
Chapter 5 - Drew's Kiss
Chapter 6 - Drumstick: Cookies and cream
Chapter 7 - I can't be jealous.
Chapter 8 - Canteen Boy
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13 - I love libraries
Chapter 14 - Every Heart's Sanctuary
Chapter 15 - Saved again
Chapter 16 - Alex's Birthday
Chapter 17 - Not worth your time?
Chapter 18 - Corridor Speeches
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Extra lang. Importang. :)
Chapter 33
Simple Question.
Chapter 34 - Nagselos o pinagselos?
Chapter 35- Special friend ko.
Chapter 36 - explanations
Chapter 37- day with the moms!
Announcement about chapter 38.
Book 2
Chapter 39 - Live and love by this one rule
Must read announcement.
SEMBREAK
Chapter 38 (Public)

Chapter 27

3.4K 53 8
By prom_princess08

Chapter 27

Nandito kami ngayon ni Jed sa corridor. Magru-room-to-room kami para sabihin sa members ang tungkol sa party at kung may gustong sumayaw.


Bakit si Jed ang kasama at hindi si Jude? May test sila ngayon. Hindi pwede i-excuse. Before recess ngayon at on-going ang classes.


Kina Drew na section dapat muna kami kasi un ang pinakaunang room na madadaanan namin. Sabi ko, hati na lang kami. Kausapin niya si Drew para siya na lang magexplain sa mga kaklase niya, ako naman sa katapat na room. Kina Pachu. Ayaw ko munang makita o makausap si Drew. Baka may masuntok ako ng di oras. Yeah, I'm over the emo state last night. Apparently, inaantok na naman ako kagabi and I wasn't that sober. Kaya ang vulnerable ko sa depression. Nabibwiset lang ako kay Drew, kasi he could have told me kung may babae na pala siya. Kung sabihin naman niyang wag ko sirain ang buhay nung girl, susundin ko naman! Damn. And hindi ko rin naman basta mapapaltan si Drew. Masyado na kaming madaming pinagdaanan at masyado ko na siyang gusto. I've come too far to give up now. Pero that doesn't mean that I'm not pissed... and hurt.


"Good Afternoon, ma'am. May I excuse the members of SAA?"
"Okay. SAA members daw." unti-unti naman na silang naglabasan. Kita ko with my peripheral vision na kinakausap na ni Jed si Drew. 

"Ok. So on Saturday.." Nakita ko si Pachu na lumalabas din. O_0  
"Hi, donut!"
"WEH. SAA KA?"
"Oo naman, my donut." I shot him a scathing look.
"Joke lang, Alex."
"Could you please stop interrupting every now and then, Mr. Sanchez?" sabat nung isang cute na babae.
"Sorry, Ms. Vinuya." then he made faces. Oh. Looks like someone's got a hater. Haha.
"Ehem. On Saturday, SAA will be having its Christmas Party. It will be held at the AVR around 8 am. Who will go?" Nagtaas ng kamay ung ilan, at ung iba nagsabi ng kani-kanilang reasons kung bakit hindi. Pinapasok ko na yung mga hindi kasi walang kwenta. Hahaha. May natira namang 8 na tao sa harap ko.


"So, I'll be collecting 100 from each of you for the food and the materials we used." tumango lang naman sila. "And also, sino ang gustong sumali sa modern dance?"
"Ako, donut!! "
"hindi ka pwede."
"bakit?!"
"ayoko." 
tumawa naman si Ms. Vinuya in a mocking way.
"TAWA!" Inulit naman ni MV.
"hm, Ms. Vinuya, what's your name?"
"Kyra."
"Kyra, you're doing a good job!"
 at nag-apir naman kami.
"Aysh! Pinagtulungan ako! Basta sasayaw ako. Kelan ang practice."
"Hmp. Mamayang labasan. 4 pm, dapat nasa rooftop na. Isang bldg. lang naman dito ang may rooftop. So bukod kay Pachu?"
 May 4 pa sa kanilang sumali sa sayaw..


Pinapasok ko na sila at nagsalamat sa teacher. Si Drew naman, kausap pa din si Jed.


"Hi, Drew. Bye, Drew. Tara na Jed." tapos hinigit ko si Jed at iniwan si Drew dun.
"Hindi pa ako nagthe-thank you kay Ma'am B."
"Kaya na yun ni Drew."
 Inisa-isa na namin yung rooms. Nung nakarating na kami kina Therese...


Aba. Kasama sa mga lumabas ang bruha.


"Ops. Ops. Ops. Ops. Hindi ka kasali. Bumalik ka sa loob!"
"Excuse me, ka---"
"O daan. Laki ng daan oh. Tss."
"WHATEVER. As I was saying, member ako nito. Bago ka pa maging PIO."
"Stalker ka talaga ni Drew ano. hahaha. Amp. E sabi ko hindi ka kasali e, balik sa loob!"
"You can't stop me from attending."
"Yes, I can. Now go inside darling, cause you are definitely not invited."
"Damn you, Alex."
"Thank you. " 
when she was about to go in, "No, I'm just kidding. Sobrang bait ko, and you're invited. Tss." Baka kasi mapatay ako ni Drew. 


So inexplain ulit namin lahat.


"There, I think you should join the modern dance. "
"ha.ha.ha." 
" Ok, you may go."
 Hindi kasi maalam sumayaw si Therese.


Maya-maya, nagring na din yung bell. Ibig sabihin, recess na. Tulad ng napagusapan kanina, nag-intayan muna ang SAA officers kasi may sasabihin daw si Drew. Yeah right. Gustuhin ko mang umalis, pero kahit naiinis ako sa kanya, gusto ko pa ring makita ang gwapo niyang mukha. x.x

"Ok. Mamayang labasan, tatapusin na natin ung decorations, sayaw and everything sa rooftop. Tapos habang nagsasayaw, and ok na ung decorations, may one or two na pupunta sa AVR para ikabit ang decorations."

Bigla namang tumabi sa'kin si Jed at bumulong, "Wag ka mag-alala masyado Alex. You'll thank me later for something. " Ano naman yun? Tss. Si Jed talaga. Andaming arte. hahaha.


Natapos na ang mga dapat matapos. SAA meeting time na. Nagpaalam ako kina Che na hindi ako sasabay. Si Riza naman may sundo.


Dali-dali akong pumunta sa rooftop. Nang nakarating ako, andun na si Jed at si Drew. Solo. Silang dalawa lang. Close. Emeghad. Wag mong sabihing?! Nakita naman ako ni Jed at nag thumbs up pa sa'kin. Leche. Ahas ka Jed! Eto ba yung ipagpapasalamat ko sa'yo?!  


"Anong ibig sabihin nito? Bakit kayong dalawa lang ang andito?!?!" Para namang Drew got pissed sa sinabi ko. Si Jed. Walang kamuang-muang. Hindi niya nga pala alam ang tungkol sa speculations ko. haha. Pero naalala ko... may babae nga pala si Drew. Malay mo bi-sexual siya. Saklap.  Kahit na Bi sya, di pa rin niya ako gusto. /wrist 


"Baka na-late lang yung iba. Wag kang hot."
"Sorry, pero di kontrolado ang hotness ko. In born yan. "
"Tss."
"Oo na lang, Alex. Nagpaturo lang ako kay Drew ng advance."
"Ah, 'kay. Ah, Drew. Asan yung materials?" 
"Jed, pakibigay na lang sa kanya."
 tapos linapitan niya ung cd player at rinewind ung kanta from the top. Si Jed, ibinigay nga sa'kin. Grabe. Ang sama niya talaga. Pero hindi talaga ako papatalo. I never quit, and I never fail hangga't di ko nakukuha ang alam kong dapat ay akin.  May new tactic na ako. Nakondisyon ko na kasi ang sarili kong hindi siya suntukin ng lubusan. Bibwisitin ko na lang siya ng bibwisitan hanggang he'll burst out, and I'll burst out, and he'll tell me his problem.


Doon ako pumwesto sa left side nung dancers. Pero may enough space naman para di ako matapakan. haha. May nakalatag ulit na malaking mat at dun ako gumagawa. Sa pwesto ko, nakikita ko si Drew pati ang dancers.


Maya-maya, nagdatingan na din ang members. May mga kulang pa din kaya scattered pa sila. Nung dumating si Pachu, tumabi naman agad siya sa'kin. May kinakain syang donut.

"Gusto mo?"
"Ayoko. haha. Tss. Mr. Donut."
"Tinawag na niya akong donut! Wag kang mag-alala. Ikaw lang ang natatanging Mrs. Donut ko!"
 Binatukan ko naman siya. Amp e.
"Tantanan mo nga ako. Imumudmod ko yang donut mo sa mukha mo e."
"Oo na, sorry na. Nadala lang ng matinding damdamin. "
"Cheesy mo." 


[author: hayyyy. sana may Pachu sa buhay ko. </3 hahahahaa.]


Maya-maya, nakumpleto na rin at nag clap clap clap na si Drew signalling for everyone to listen. Sinabi niyang ung officers daw ay nasa unahan nila para gayahan. Siya lang daw ang nakaharap sa kanila para makita ng ayos ang movement.


Ok 'yun. Para kita ko ang bwiset pero gwapo niyang mukha. Ayos. Kahit walang donut, busog ako nito. haha! Pinagpatuloy ko na lang ang pagtatapos ko ng materials, paglalagya ng glue sa mga nabawasan na ang kapit, and the likes. Baka kasi pag pinagpatuloy ko pa yung pagtitig, laway ko ang maging glue ng di oras. Kayat na e. 


Baka nakakalimutan mo... galit ka sa alaga ko?
Gusto mo magalit ako sa alaga mo?
Ayos lang. Wala akong pake.
O , e kung wala kang pake, bakit sumasabat ka sa iniisip ko ngayon?! Yang alaga mo pagsabihan mo. Sabihin mo di siya nakakatuwa.
O. Kanina pinaglalawayan mo lang siya ngayon galit ka na ulit. You are weird.
Yeah. Whatever. Kesa sa konsensyang kumakausap sa taong may sariling konsensya.
Hmp. Kesa sa taong kumakausap sa konsensya ng may konsensya!
Leche ka. Manahimik ka. Amp.


Lalong nadadagdagan ang frustrations ko. Grabe! Nakakabwiset na nga si Drew, pati pa yung konsensya niya. Hayyy.


Nagsimula ng magturo si Drew. Nasa unahan yung officers, asa likod yung members. Si Pachu at mga kaklase niya nasa front row.


"Guys. Sayawin muna natin ang first eight counts. 5,6,7,8!" At sumayaw ang officers. Ang galing nga. Sabay-sabay. Kahit si Jude nakasabay. Sabi na e. Hindi parehong kaliwa paa niyan. 

"Sus. Chicken yan." Tumawa naman mga kasama niya. Wala naman atang magandang lumalabas sa bibig ni Pachu. -.- Tiningnan naman siya ng masama ni Drew.
"Hindi, joke lang. Sige, turo mo na. haha." Amp. Pasaway. Tinuro na step-by-step. Mabilis naman silang nakasunod, kahit si Pachu.


"Nga pala, gipit na tayo sa oras. Kaya yung mga hindi makakasunod ngayon, di ko naman kayo tatanggalin. Pero please, wag na lang kayong umattend ng practice bukas. Hindi sa I'm rude, kailangan lang talagang ma-polish 'to. " Nginitian naman niya ng pamatay ung dancers kaya siguro kung nag-isip man sila ng masama kay Drew, napawi na din yun. Ayos din 'to. Alam ata niya kung paano gamitin ang charisma niya. Sa'kin niya lang dapat ginagamit un eh! >_< Shattap Alex. Galit ka kay Drew, diba. Galit ka!


"O yan, Kyra. Makakaalis ka na bukas. "
"Bakit hindi ikaw? Mas magaling naman ako sa'yo."
"Nyenyenye."
 parang bata!!
"Ehem! Continue na tayo." Sheryosho ba siya? Oo. Ang sheryosho niya. -.-
"Wag kayong magcontinue! Nakakatuwa pa yung asaran nila o." Nagthumbs up naman sa'kin si Pachu at kiniliti ung mga kasama niyang babae. Ang kulit! hahaha.
"Ang sabi ko, continue na tayo. Ako pa din ang president dito." Binelatan ko naman siya. Bwahahaha. Sige magalit ka sa'kin! GO GO GO! Pero hindi.. Pinagpatuloy niya lang ang pagtuturo.


Practice. Practice. Practice.


Sabi ni Drew, i-perfect daw muna nila yung tinuro niya. Edi kanya-kanyang bilang, kanya-kanyang kumpulan at pagsasayaw. Bale naging by class ang kumpulan nila. Fortunately, sa 5 sections na meron sa panghapon, lahat may sumali. Sa pangumaga, 4 na klase lang ang meron. Nag-announce sina Drew kaninang umaga pero yung iba, whole day at may klase sa hapon like PE.


Pinakamaingay yung group ni Pachu.  Pano, sayaw siya ng sayaw na parang tangaa. Yung nagpapatawa lang. Honestly, magaling din sumayaw si Pachu. Mas astig nga lang yung galaw ni Drew.


Hayyy. Nakaka-inlove talaga ang lalaking magaling sumayaw... lalo na kung ang pangalan niya ay Drew. haha!

Pero hindi! Galit ako sa kanya! Kaya tumayo ako at isa-isang lumapit sa bawat grupo. Yung iba chinichika ko. Yung iba kinukulit ko. Yung iba inaasar ko. Hanggang makita ako ni Drew. Oops. 


"Bumalik ka na nga dun, Alexandra! Kailangang maayos 'to."
"E ayoko."
"Edi sumayaw ka din!"
"Whatever, Drew."
 Tss. At isinama pa niya ang topic na yun!

Maya-maya, by group naman pinasayaw ni Drew para makita kung may mali sa step na ginagawa. Kahit anong ingay yung grupo nina Pachu, maayos naman nilang naiperform. Pati yung mga ginulo ko kanina, buti naman maayos din. Kundi mapapatay na ako ni Drew. haha! Pero habang nagsasayaw sila, I was making faces para tumawa sila.  Napatawa naman nga yung iba pero hindi nawala sa steps. Napatingin sa'kin si Drew


Hanggang 7 pa kami dito. Nakapagpaalam naman sila kasi pwede naman magdala ng CP sa school namin. Wag lang gagamitin pag class hours. Dahil feeling ko naman, lahat ng sumali ay determinadong hindi matanggal, at talented talaga, mabilis nilang nakukuha ang steps at maganda naman nila prinoproject.


Habang nagsasayaw silang lahat, inaayos ko yung laminated na sign na may nakalag na Merry Christmas. Maliit siya at ilalagay sa prizes. Masyado akong napatingin kay Drew and I got paper cut!

"Araaaaaaaay!" Awww. Dumudugo. Damn. Hinihipan-hipan ko kasi ang hapdi. Ughhh.

"Alexandra! Anong nangyari sa'yo?" aba. may pakielam pala siya?
"Uy, Alex. Ok ka lang?" Lumapit sa'kin kaagad si Pachu. Si Drew nakatayo lang doon. Kala ko babalik siya sa pagtuturo pero sinabi niya kay Jed na take in charge. Tapos lumapit sa'kin.

"O, anong nangyari?" umalis naman agad si Pachu. He's really nice.. :| Sana mahanap na niya ang para sa kanya.
"Nagka-paper cut ako e. sssst."
"Akina ung me sugat." 
"Bakit, sisipsipin mo? "
"Hindi!"
 Tapos may kinuha siya sa bulsa niya at itinapal sa'kin. Band aid.
"Wow, girl scout.  este boy scout. " Mukha namang napikon na naman siya at tumayo na. 


Paglapit niya kay Jed..


"Drew. Ikabit niyo na kaya ni Alex ung decorations?  Gumagabi na rin. Hindi niya yan kaya mag-isa. Ako na lang magtuturo nung bago. Please?"
"Hayy. Sige na nga."
 Ano daw?! Anong pinakain ni Jed kay Drew at napapayag si Drew? OMG. Baka..... wala.  Parang natatae ang expression niyang lumapit sa'kin.  Owwww. Ang sakit pa din nung sugat. >_< 


"Sama ako!" Siniringan ko ng siring na siring si Pachu.
"Sige."
"Hindi. Wag na pala. Natatae ako." Ngumiti na lang siya na parang.. Sige na nga. Maggigive-way na ako. Naguilty naman ako.
"Wireless connection nun ah. Sige na, sumama ka kung gusto mo."
"Hindi. Gabi na kasi. Madilim ang dadaanan papuntang AVR. Baka sumabog tae ko sa takot." Nagka-utasan naman sa pagtawa yung dancers. Pati ako. Leche e. haha!


Pinagtulungan naming dalhin ung materials. Nung naglalakad na kami pababa, nagsimula na akong panindigan ng balahibo. May ilaw naman sa hagdan pababa ng rooftop. Pero tulad noong una kaming pumunta dito(hayyy. parang kailan lang)..  Mahaba ung hagdan at ang creepy. Pero dahil alam kong walang balak si Drew na kausapin ako, at wala din naman akong balak na kausapin siya kahit na pinagnanasahan ko sya kanina... kinain ko na lang ang takot ko. Ugh. Feeling ko natatae na din ako. Pero I have to be strong. *breathe in breathe out*


Kumanta na lang ako para mawala ang takot sa isip ko... Mahina lang. Hindi yung tipong iispin mong nagpaparinig. Tipong kumakanta ng mahina na kasalanan niyang malakas ang pandinig niya at narinig niya yun. -click and listen. so nice. kumanta pa kayo para bongga. 


Ilang beses ng nag-away hanggang sa magkasakitan na 'di alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay na napag-uusapan bigla na lang pinag-aawayan. Ngunit kahit na ganito. Madalas na 'di tayo magkasundo. Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko. Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano. Ikaw pa rin ang gusto ko.Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo. Ikaw pa rin walang iba
Ang gusto kong makasama. Walang iba. Walang iba.Nagsimula sa mga asaran. Hanggang sa magkainitan. Isang eksenang bangayan na naman. Ba't ba kase pinagpipilitan ang hindi maintindihan. Di naman kinakailangan. Wag ka ng mawawala.
Hmm, walang iba.


Sa wakas.. Andito na kami sa building. Damn. Hindi pala sa wakas. Ang creepy. Kasi gabi na. Ilaw lang sa baba meron. Yung switch nasa taas pa ng hagdan. Tapos walang tao. Tapos tunog pa ng crickets. Daaaaaaamn. Ayoko na. Di na ako makahinga sa kaba. Nung paakyat na kami ng hagdan.. Ayaw dumiretso ng paa ko.


"Ano, ayos ka lang?" Umiling ako. Hindi na ako ayos.
"Kaya mo yan. Andito na tayo o." Naiiyak na ako. Oo, iiyak ako sa takot. May mga rumors kasi na may multo sa building na 'to.
"Drewwww... Bukas na lang kaya tayo magdecorate nito?"
"Hindi pwede. Hinihingi pa schedule ng paggamit ng AVR. May kung anu-anong paglilista pa 'yun. E ngayon tayo nakatoka. At madami pang kailangang asikasuhin."
"Hayy. Drew. Um, kung ano man ang problema mo sa'kin.. Kalimutan mo muna 'yun right at this moment."At humawak ako sa braso niya. Mahigpit na mahigpit. Para namang nanigas ang katawan niya nun. Tss. Arte!
"Kung makapanigas ka jan parang di mo ako yinakap ng hubad ka! Tss. Arte." Hindi na lang siya umimik nun. Dahan-dahan kaming umakyat. Natatae na talaga ako.   Tama nga ang payo ni Pachu. Puchang gala naman e.


Sa wakas, nakarating na din kami sa may switch. Dali-dali kong pinabuksan un ke Drew. Bakit hindi ako? Malakas ang imagination ko e. Malay mo may humawak ng kamay ko habang pipindutin ko ung ilaw! 


Parang nabunutan ako ng 1 tinik nung lumiwanag s floor na 'yun . Pero may 10 tinik pang tira. Nakapasok na rin kami sa room at binuksan ni Drew lahat ng ilaw. Good.. Pinatugtog ko na lang ng malakas ang cell phone ko para maaliw na naman ang paranoid kong utak.


Una naming ginawa ay ung ceiling. Idinikit nya ang Christmas balls na may transparent strings, at akin ung snowflakes na ganun din. Mga 20 minutes lang ung ceiling. Linagyan din namin ng konting bulak para clouds kuno.


Ikinabit na namin ung cover nung pinto. Within 45 minutes.. Natapos na namin ang buong classroom. Bilis namin noh? Walang umiimik e. haha! may 15 minutes pa kami bago mag 7.


"Drew.." hindi naman siya lumingon. Nagpupulot siya ng mga kalat. Lalapit sana ako sa kanya pero lumipat siya sa kabilang side para lumimot ng iba pang kalat. Bwiset talaga. 
"Ano ba! Hanggang kailan mo ba ako dadaanin sa silent treatment?!"
"..."
"Kanina, nung lumapit ka sa'kin kala magiging ok na ulit!"
"Lumapit ako dahil baka may dugo ung decorations."
"Ang sama sama mo! "
"Hindi.. Joke lang.  "
"Ano bang problema mo?!?! Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? Ang gulo gulo ng utak mo! Hindi kita maintindihan, Drew!! Pero gusto kitang maintindihan! Galit ka ba sa'kin?" 
Nakatayo pa din ako. Siya naman, nakaupo at nakatalikod pa din sa'kin, kunwaring naglilinis pero wala na namang kalat.
"Hindi."
"Kayo na ba nung kasama mo?"
"Hindi."
"Iniiwasan mo ba ako?"
"...."
"May putok ba ako? "
 
"Gusto mo na ba akong tuluyang lumayo?! Sabihin mo.."
"Ayoko."  Sinabi niya yun?! " Ewan. Di ko alam."
"Kung ganun, bakit mo ako pinapahirapan ng ganito!! Nakakagago ka e." Tumayo siya at humarap sa'kin. Sinuntok ko ng isa yung braso niya.
"Ano bang problema mo!" Nakatungo lang siya.
"I'm sorry, Alex." Tumunghay siya. Malapit lang kami sa isa't isa at nakatingin siya sa mga mata ko.. tibok-tibok-tibok-tibok-tibok 100x.. "Pero pagbigyan mo pa ako na ksjflkjfklsdjfsarsnfsdfkjsnadfjksdyhkfn kahit isang araw hffhkdhfkjh." 


Nabigla ako sa biglaang nangyari sa sarili ko.. Hindi ako makatingin sa kanya. Ako na ang nakatungo ngayon. Wala na akong naintindihan sa sinabi niya..  Parang hdahdajkhajdh ang kinalabasan sa pandinig ko. Pero parang mali.ksjflkjfklsdjfsarsnfsdfkjsnadfjksdyhkfn yun, hindihdahdajkhajdh. Pero either way, wala pa din akong naintindihan! Naguguluhan ang utak ko. Umalis ako at iniwan siya doon. Totoo ba 'to?! Totoo ba ha, little heart? Waaaaa. Nung nagkatinginan kasi kami kanina.... That was when I realized....


December 14, 2011. 
I officially fell in love with Drew 'My Bogart' Mercado.


Oo, nagwalk-out ako pero inintay ko pa rin siya sa labas ng pinto ng hagdan papuntang rooftop. Na-realize kong hindi ko pala kaya umakyat mag-isa. Kainin ko na lang pride ko kesa mamatay sa takot!


Maya-maya, dumating na din siya. Nakatungo, mukhang may iniisip. Nung nakita niya ako, nagulat siya. Siguro hindi niya inaasahang andun pa ako.


Wala pa din kaming imikan pero sabay kaming umakyat. Grabe. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi na dahil sa takot. Dahil katabi ko siya... Katabi ko ang taong mahal ko na pala. 


Pagdating namin sa final step, "Alex, yung favor ha." 
Tapos lumapit na siya kina Jed. Hindi ko na siya natanong kung ano 'yun kasi kinausap na niya ung mga nandun...


Ano ba yung ksjflkjfklsdjfsarsnfsdfkjsnadfjksdyhkfn na hindi ko naintindihan?


--------------------------------------------------------------------------------
Bumoto nga pala kayo sa poll sa fb kung anong food nila at kung babae ka o lalaki! Dali na, request! hahah.

http://www.facebook.com/Drexandra ->fb page for informations about the update.

http://www.facebook.com/profile.php?id=100002219169892 -> Drew's FB.

http://www.facebook.com/profile.php?id=100002251059863 -> Alex' FB.

http://www.facebook.com/profile.php?id=100002260719781 -> Pachu's FB.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 180K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
7.3M 198K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
397K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...