Chapter 36 - explanations

3.8K 71 50
                                    

Author’s note: (Odiba, bongga. Umo-author’s note ako sa simula! HAHA. Chos. I miss you people. :\) Bilang matagal akong di nakapagupdate, ito ang isang mahabang update. Sembreak na rin namin! Woooooot! <333 And I realized, 2 taon na ata itong ICH. Not sure. Ang alam ko October ‘yun nung 3rd year ako. Hahahaha. Tagal na. Sorry.  35 chapters na tayo, and madami pang pagdadaanan sina Alex. Super. Pero sana matapos ko rin ‘to agad kasi marami pang characters akong gustong ipakilala sa inyo. Basta aayusin ko sarili ko this next sem. Wala nang cramming dapat para maisingit ko ‘to sa time. Super sorry.  Sana rin may readers pa ako, para nakakainspire naman. And magcomment kayo ha. Dati, mas active ang comments sa teentalk, ngayon mas madami na sa wattpad. :\ Anyway. Ayun nga. Sana suportahan niyo ako hanggang sa huli. Drama ko na. Excited na ba kayo? Sorry kung di na ako bihasa sa pagsusulat nito. Tagal na di nakafocus e. Basta sana maappreciate niyo. COMMENTS ARE DEEPLY APPRECIATED.
PS: Watch for clues and details closely.  Maraming pahaging ang chapter na ‘to para sa mga pwedeng mangyari in the future. Pero don’t forget to enjoy.  Nasabi ko na bang magcomment kayo? Hahahaha.  O eto na. Dami pang commercial e. Sorry. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Alex’s POV


Alam kong namiss niyo ako, at alam ko rin, kahit masakit, na mas namiss niyo si Pachu at Drew kesa sa’kin. Ganyan naman diba, porke di ako gwapo! Landi niyo. :’( Joke. Hahahah. 

Recap muna sa mga pangyayari sa buhay ko.  
Christmas party na namin dapat today, pero dahil sa signal no. 3 na typhoon, 2 days suspended kami. Tatagal pa daw kasi sa bansa ang bagyo. Sana naman bilisan niya ang pag-alis at gusto ko na magChristmas party! 
Meron pa rin ipapakitang scientific experiment sa’kin dapat si Drew diba? 
May nagpost ng I miss you sa profile ni Drew. At nagreply siya! :\
Nagmall ako. And I saw Pachu and Kyra. And used daniel and Shehannah. 
Then I saw Drew with a malandi girl Ly. 
And now, I find myself sitting in a really cute and cozy coffee shop with then dito sa mall. And no, it’s not Starbucks. It’s much better.



Nakaupo kaming tatlo sa isang round table. Kaya kaharap namin ang lahat. Walang OP! Bleh. Mga 5 seconds pa lang kami nakaupo, may tumawag agad sa phone ni Ly. Pansin ko nga kanina pa siyang may katext. Boyfriend? Sana. 


“Excuse me, guys. I need to take this. ” So naiwan kami ni Drew.  Naiinis pa rin ako sa kanya. Selos? Ewan ko. Malamang. Pero alam kong di ako dapat magalit kahit kanino sa kanila kasi wala namang ginagawa si Ly e. Wala ring ginagawa si Drew. And sino ba ako sa kanya? E NAKAKAINIS KASI. Tsaka kaya di na mawala ang inis ko ngayon ay dahil sa narinig kong “Wala pa akong ikekwento e. Saka na lang pag meron na.” Anong tawag mo sa’kin? Wala lang ba talaga ako sa’yo?! Kala mo kung sino kang gwapo,na gwapo nga. :\ Hahaha.  


Ok, walang nagsasalita sa’min. Magkatinginan lang kami. Help me, matutunaw na ako dito. Ang ganda kasi ng mata niya. Nasabi ko na ba sa inyo ‘yun? ‘Yung tipong parang ang lalim na kumikinang. O baka nakadroga lang ako. Haha! Pero hindi sweet ang mga mata niya ngayon. Para kaming inis sa isa’t isa na di ko maintindihan. Actually, ako lang ang inis na inis. Pero ‘yung mata niya, di ko mabasa e. Basta ang deep and dark ngayon. Dahil ayoko namang matunaw at sayangin ang threesome (joke) namin, ako na mauna magsalita. Sige na.
“I’m sorry—" sabay naming sinabi. O_o
Muntik ko nang masabing “Ayiie, meant-to-be!” Muntik na talaga. Pero dahil naiinis ako sa kanya talagang talaga, magpapakipot muna ako. 


“Sige, mauna ka na.”
“Ayoko nga. Ikaw na!”
“Ikaw na nga.”
“Magpakagentleman ka nga!”
“Nagpapakagentleman nga ako. Ladies’ first.”
 Pigilan niyo ako! 
“Oo na! Ako na. Sorry nakaabala ako sa date niyo.” With matching roll of the eyes. “You can always make me leave. I will do so whole-heartedly. No hard feelings.” Then *kaching!* Annoying smile on cue.  


Umiling na lang siya at parang nainis. I was not sarcastic but I did not have a very nice tone. I’m sorry, but I’m really pissed. I can’t control my temper. Alam niyo ‘yan.


“Don’t be stupid. Ly’s my best friend and this is not a romantic date. Ang tagal na naming di nagkikita at nagkekwentuhan. May pinuntahan siya sadya dito and it’s the perfect timing to catch up. She’s my best friend ever since we were 6.”  Tumingin siya sa labas, then kay Ly. And in a very resigned tone “I really don't know why I'm explaining myself to you.” Tapos ngumiti siya na parang natatawa. I don't know if I should be insulted or not. But, he still explained to me. That's what matters.  Anong expression pa ang ipakita niya, he still did. 

Right then and there, di ko man maintindihan kung ano man ang gusto niyang iparating, nawala na ang galit ko.  “If you really want to leave, then go. Mukhang kami pa nga ata ang nakakaabala sa date mo e. Asan na siya, baka hinahanap ka na. Magalit pa sa’kin ‘yun. Alam mong ayaw ko ng gulo” Humarap na ulit siya sa’kin at nagsmile. Walang pangasar. Just, a smile. 


I said while looking at our empty table, then to his hands that he was playing with, “Ikaw ang stupid.”  Malumanay na kumpara sa kung pano ko inimagine na sagutin ang paratang niya na stupid ako. Ewan ko ba. Nawala ‘yung galit ko. How did he even do that?  


“Hindi ko sabi ka-date si Pachu.  Nagkita kami ng di sinasadya doon sa accessory shop, and saktong iisang bagay ang kukunin namin. He didn’t even recognize me at first.  I didn’t even expect you to, either.” He just smiled na parang nangaasar. Omg, susuntukin ko na 'tong gwapo nating mahal. Nabibwisit ako. Nakangiti pa siya ha! Hindi man lang ba siya nagseselos?!

“And I don’t even know why I bother explaining to you e wala ka namang pakialam. Ngumiti siya, pero kaunti lang. "And can you please stop doing that!”
"Doing what?" parang nagulat siya, tapos tumawa na talaga. TUMAWA SIYA!   Yung totoo, may sapi ba 'to? But honestly, as much as I want to, I’m not mad anymore. I’m just a little pissed. 

Ang gulo kasi ng hinayupak na ito e. May problema ata 'to sa pagiisip eh! 


"Yang pagngiti ngiti at pagtawa mo! Walang nakakataw dito, okay!"
"Meron."
"Wala sabe e!"
"Ikaw! Nakakatawa." 
tiningnan ko lang siya ng pagalit. "Ang cute mo kasi."


Tiningnan ko lang siya. At ganun din siya sa'kin. Matagal. Walang nagsasalita. Then all of a sudden, tumawa na naman siya.

"Nakakaloko ka. "
"Ano?! Ako pa ang nakakaloko. Seriously, nakadrugs ka ba?! Nakakairita ka."
"Wag ka ngang magalit. Hindi naman kita inaano diyan e."
"Peste ka wag mo ako kausapin."



Siguro iniisip niyo, ang tanga ko for waiting for someone like this stupid assh0le. For wasting my time with someone who seem to not give a damn. Pero tinamaan talaga ako. Ganito pala talaga pag nainlove. You are willing to wait. You are willing to get hurt. Kahit parang minsan, ‘yung sakit, sobra na. Kahit parang wala ka nang maintindihan sa bagay-bagay. But you know, I think he’s worth this.  And maybe, iniisip niyo, ang tanga ni Drew. Which he really is. But who knows, maybe eventually, he’ll see I’m worth it too.  


Nawala ako sa pagmumuni-muni nang bigla siyang nagsalita.
“And if it even means anything, ang ipagsosorry ko dapat kanina ay for dragging you into this ng ganun na lang. Ly can really be a pain in the ass lalo na sa mga babaeng kagaya mo.”


Ito kasi ang thing about Drew. He may hurt me, and there are times when all I want is to give up. But when I try to, there he is, giving me something to hold on to. And I cling to it... hard. 


And bago ko pa maitanong kung ano ang ibig sabihin na naman noon, dumating na si Ly.


“Hey guys!” sabay hawak sa braso ni Drew. He doesn’t seem to mind. Parang natatawa pa nga siya e. Sanay na siguro. If he told me na walang sila, I’ll believe it. Simula ngayon, if Drew said it, I'll believe it. Hay, love can really make you so bobo.. and conyo. Hahahah. I’ll give this girl the benefit of the doubt.

“Tagal mo doon ah.” Oo nga. Nabwisit pa tuloy ako. “Boyfriend?”
“Wala nga akong boyfriend. Alam mo namang may iniintay ako.”
“Na di mo pa rin pinapangalanan.” *kroo kroo* Sige, ako na ang OP. Pero, see! Di daw kilala ni Drew. Posibleng siya yung mahal ni Ly. Maaaring walang gusto si Drew, but I can’t be sure with Ly.


“Yaan mo na yun. Btw, iorder mo naman ako ng frappe, sige na. Sakit na ng likod ko e, ang haba ng pila.” Um, whut?? Seriously? Masakit ang likod? 
“Sige, the usual?”
“Yeah.” 
Nag-anyo akong tatayo para bumili din. Bakit naman niya ako ibibili rin diba?
“Di, ibibili na rin kita. Ano ang sa’yo? </3” Di pa ba malinaw kung ano ang flavor na gusto ko? Sa daming drumstick at ibang pagkain namin?


“Cookies and cream.(?)” sabay naming sabi. Medyo napatigil ako doon.
“Oo.” Then nginitian ko siya. Ito lang ata ang alam kong coffee shop na may cookies and cream. Haha. Putek. Kikiligin na ba ako? How could a girl feel these many feelings in just less than an hour? Okay, di ko na lang pansinin. Wag ka ngang assumera, Alex.


Pagkaalis ni Drew.

“Ang bait talaga ni Drew ano?”
“Um, yeah.”
 Mabait naman talaga siya, siraulo lang.
“May back problem kasi talaga ako. Baka isipin mo makadahilan lang ako para utusan siya. Minsan nga, automatic na siyang bibili kahit di ko sabihin e. Ewan ko kung bakit hindi ngayon, seeing na ang haba ng pila. Haha.” Bakit niya ba sinasabi sa’kin ‘to?


 Kalaban ba siya? I guess I will know later on. Pero no jumping to conclusions muna. I really should be matured and di na lang magpadala ng ganun sa emotions. Seryoso, I think I should control my temper. And mukhang mapapractice ko ‘yun ngayon sa magbest friend na ito.
“Ah. Ang sweet niyo naman.” And I smiled awkwardly..  


“I know. We always get that. A lot.” Um.. ??!! And before I can even respond, nagsalita na ulit siya,  “I remember one time, dala na rin siguro ng immaturity, pinagselos namin ‘yung ka-MU ko kasi nagselos ako sa kanila. Ayun, lalo akong hiniwalayan. What a jerk. Ganun siguro kami kabelievable.” Tumawa pa siya. Seriously, what is she trying to prove?! 


"Naging kayo ba?" 
“Never.”
 HA! BURN!! But weirdly, she smiled. Baka naman di siya kalaban. Omg. Nananakit ang ulo ko sa mag best friend na to! “We don’t need that kind of relationship.”   
“Did you like him? Or him, you?” 
“I wouldn’t say yes, but who wouldn’t like Drew? Matagal na kaming magkakilala. I know him too well. What’s not to like, diba?” and she just smiled. Broadly. ARE. YOU. KIDDING. ME. Di ka pwedeng magalit, Alex.  Yaan mo na ‘yang pangit na ‘yan, Alex. Diba sabi ni Drew, wala lang daw. Chill. Kung may nararamdaman sila para sa isa’t isa, dapat sila na. Their supposed-in-denial stage shouldn’t take this THIS LONG.


“Paano ba kayo nagkakilala?” tinanong ko na rin. Bwisit na’to. 
“Magkapitbahay kami. Magkaibigan din kasi ‘yung papa ko at ‘yung papa ni Drew noong buhay pa.” If you’ve forgotten, wala na ang daddy ni Drew. :\ 

“Totomboy-tomboy pa nga ako noon e. Siya na lang lagi kong kalaro. Kaso, lumipat sila ng bahay. Magkakasama rin kami pag nagse-spend ng summer sa London, pero nabawasan ang closeness namin noon,” then she avoided my eyes. 

“But we’re back to how we used to be naman ngayon. Ang busy lang talaga namin pareho. Pero sabi nga nila, real friends don’t always have to there when you want them. But they’re there when you need them.” 


Biglang dumating si Drew at di ko na nalaman kung ano ang nangyari sa London. Pero maybe that’s not meant to be shared anymore. London.. Bakit parang ang daming nangyari sa London. I spent my summer there, too. Pero I never saw them. I never met them. Nabura ng curiosity ko sa London times na ‘yan ang pagsususpetsa ko kay Ly. May araw ka din sa’kin. Sakto ring dumating na si Drew.


Parehas cookies and cream ‘yung amin. Hihi. ))


“Drew, ikwento mo naman kung paano kayo nagkakilala ni Alex.” 


Magsasalita na dapat siya pero inunahan ko na. Mahirap na. Baka kalaban ‘tong si Ly tapos masabi niyang nililigawan ko siya. “Ako na lang magkekwento! Naging officer kasi ako sa club na siya ang president.” 


Napatawa si Drew. Yung tipong kung bibilanging tawa, isa’t kalahati lang.  “A-ha.” Ganun. Hahahaha. Weirdo talaga. Bwisit. “E hindi naman ‘yan ang official story e.”
“Wow. May official story. So may official ding tayo, ganun?”

Inisnab niya ang tanong ko at tumawa lang bago sinabing, “Ang totoo kasi niyan.. *grin*” I was holding my breath. Di malayong sabihin ni Drew sa babaeng ito dahil best friend niya ‘to.  “Lagi akong napapadaan sa puno kung saan siya mahilig tumambay magisa. Sawa na siguro sa Principal’s office.” Nagets naman ni Ly at parang tumawa siya, pero not in an insulting way. Dapat lang, aba. Kayo ba nakatambay na dun na parang bahay niyo ‘yun?! Hindi! Bleh. 


“Tapos bigla niya akong binati.  ‘Hi Drew.’” Tinin-isan pa niya ang boses niya. -_- "Sobra akong nagulat noon kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Tapos nagkausap kami sa Canteen, naging magkaibigan. Then naging officer din siya dun sa Student Affairs Assoc.”


 Nakatingin na lang ako sa kanya ngayon, na nakatingin kay Ly habang nagkekwento. Shocked. Nagulat ko siya dati? Kaya di niya ko pinansin? Or is it just his way to sugarcoat things? Siguro maniwala pa ako kung hindi siya tumatawa habang sinasabi ‘yun. Ay, di na nga lang ako magpapaniwala sa mga sinasabi niya. Binabawi ko ‘yung sinabi kong if Drew said it, I’ll believe it. Dapat, if Drew said it seriously, I’ll believe it. Haha!


“Totoo ba ‘yun?”
“I guess. At parang ang proud pa niya sa pangdededma, no? Feeling naman niya crush ko siya.”
“Wait, bakit parang familiar ang name mo?”
“Di imposible. Sikat ‘yan e. Miss popular. ”
“You’re stupid.”
 I didn’t know if he was talking really talking about my miss popular days = when I was Alexandra. Or maybe it was now, Alex = my popular rebel days. Alam niyang I’m sensitive regarding that topic. Nagulat naman siya.


“Teka, ano ba talaga kayo ha?” At bago pa masagot ng kahit sino sa’min, may tumawag na naman sa kanya. She immediately excused herself. 


“Miss popular pala?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“May kilala ka bang tao sa school na di ka kilala?”
“Ah, ngayon.”
“Of course, why would I bring back the past? Hindi ako ganun just for the sake na makapangasar. If that’s what you’re thinking.”
 Walang halong biro or pagkainsulto sa kanya. He was just explaining. Is this really Drew? And here I realized na sa loob nang ilang buwan naming magkasama at magkakilala, 3 months pa lang actually, marami man kaming pinagdaanan, di ko pa rin masasabing kilalang kilala ko na siya. It took Ly years since their childhood. 


Pero mabilis man ang mga pangyayari, hindi ko masasabing infatuation lang ito. There’s no way in hell that these feelings are nothing but just juvenile feelings. Drew has changed me more than anyone ever had. Changed me in a way na di ako kailangang masaktan ng sobra, umiyak araw-araw, kasuklaman at husgahan ng mga tao, at maging mag-isa sa araw araw. I changed not because I had to, or else, kawawa ako. I changed because I want to be deserving of him. And that’s worth so much more.


At sa di ko na mabilang na pagkakataon, muling pinutol ni Ly ang pagtitinginan namin.

“I’m really sorry, guys. But I have to leave. My friend needs me. Emergency lang talaga.” 
“What? E pano na ‘yung—”
“Please. I’m so sorry, Drew. I’ll make it up to you.”
“Sige na nga.”
 Then she hugged Drew. Then me. Pero she prolonged ours, then she whispered, “O ayan. Blessing in disguise na, sister. Enjoy!”
 
Then umalis na siya. Di ko na nalaman kung sarcastic ba siya o hindi, kasi ang bilis niyang umalis. 

Biglang tumayo si Drew. "Halika, nood tayo ng movie." Ano daw? Yinayaya ba niya talaga ako? 

Di ko mamalayang di pala ako nakapagsalita hanggang sa, "Alex. Narinig mo ba ako? May tickets ako dito. Gamitin na lang natin." Ah, para lang di masayang. :\

"Anong palabas?"
"Grave encounters 2"
"Ayoko niyan. Alam mo naman. Duh."
"Sige na. Bakit ka ba natatakot?" 
"E pakialam mo kung natatakot ako! Jusmiyos, ang dami na nating pinagdaanan di mopa rin matanggap na duwag ako sa ganyan."
Hawak niya lang ako noon sa braso habang tumatawa siya, at naglilitanya naman ako. Di ko namalayan, andito na kami sa cinema.

"Punyeta naman o. Ano ba?!"
"Hindi ka naman mapapaano diyan e. hindi totoo yan. Isa pa, kasama mo ako. Wag ka nang duwag diyan. halikana. Ngayon lang." Inabot ang ticket doon sa crew. Tapos pumasok na kami sa madilim na sinehan. Nanlalamig ako sa takot, pero super bilis ng tibok ng puso ko. At... mainit ang kamay ko, dahil hawak niya 'to. 

"Para maniwala ka, di ko'to bibitawan hangga't ayaw mo. Okay?"
"I hate you so much! Pasalamat kang gag0 ka, mahal kita."
 tumawa lang na naman siya. Peste! :"|

----------------------------------------------------------------------------

Nasabi ko na ang lahat sa simula. Alam niyo na ang gagawin. Comments. :)

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon