Chapter 7 - I can't be jealous.

4.2K 68 5
                                    

Nakuha ko ang schedule ng meetings ni Drew for the whole week. Sabi ko sa inyo, di ako stalker.  May dala akong bag na mas malaki kumpara sa usual na size ng bags ko.  

Nabanggit kasi ni Miah sa'kin na himala na daw kahapon na nakasabay nila kumain si Drew kasi kadalasan masyado siyang busy. So ang laman ng bag ko ay favorite snacks ni Drew. Hahaha. 

At dahil masyado akong concerned sa kanya at gusto kong kumain talaga siya, mag-iiwan ako ng pagkain sa labas ng office ng bawat association niya. Pero para masigurado kong sa kanya lang mapupunta, nilagyan ko ng note:


Quote

To Drew,
   Di mo ikakapahamak ang pagkain nito. Kesa magutom ka. And this is your favorite, so don’t try resisting it. It’s for your own good naman..
-Your Beautiful Admirer..



PS: Kung hindi ka si Drew at babalakin mong kainin ‘to. HUMANDA KA SA’KIN. HUMANDA KA TALAGA. Di mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo pag kainain mo 'to. Tingnan natin. May spy camera ako dito! Yun lang.   



Yay. Kaya pala di ko nilagay ang pangalan ko kasi sigurado pag nalaman niyang sa’kin galing, di niya kainin kasi alam kong malaki ang dislike niya sa'kin. Taska isipin pa niya may gayuma 'yun. Though feeling ko naman alam niyang ako 'yun. Sino pa ba ang gagawa nito?  

Pumunta na lang ako uli sa puno. Okay, I feel so alone.   Wala kasing meeting ngayon ang SAA kaya medyo wala din akong matambayan. Tinext ko si Che at pinapaunta dito para magkachikahan naman kami. Miss ko na kasi siya e. :| Isang araw din kami di nagausap. Si Che lang ang pinagkakatiwalaan kong tao. I don't like making friends that much. 

After 20 seconds nagreply na siya..

“AYAW KO NGA! MATAPOS MO AKONG IPAGPALIT KAY DREW BUONG ARAW KAHAPON, LALAPIT KA SA’KIN KASI DI KAYO MAGKASAMA!”
“Bes, kalma. Mahal kita alam mo 'yan. HAHA. Tsaka buong buhay ko, kasama kita. Si Drew, buong araw lang kahapon. Sorry na.”
“Che!”
“Hoy bes nababaliw ka na ata. Bakit mo tinatawag sarili mo?  ”
“Ah pinipilosopo mo ako. Tss. Pupunta lang ako dyan kung libre mo lahat ng kakainin ko ngayon!” Mukhang mauubusan ako ng pera ngayong araw. Ang takaw niya e. T_T
"Oo na. Bilisin mo. Ang dami kong kwento!"


Pagdating niya, nilahad agad niya 'yung kamay niya sa'kin. "Ako din may mga chismis ako tungkol sa'yo. Pero gutom na ako so money please."
"Pineperahan mo lang ako e. Tss. Bilisan mo!" sabay bigay ko sa kanya ng wallet ko. Normal na sa'min  tong dalawa. Usually nanlilibre ang isa kung may atraso sa isa. Or kapag trip lang.  Tsaka di issue sa'min 'yung pera. Di naman sa nagyayabang ako. 

Pinanood ko siyang halos pumunta sa buong canteen. Pagbalik niya, may dala siya, spaghetti, drinks, donut, cake, candies, at lollipop. Mukhang malnourished na ata wallet ko.   



“Grabe, Che. Talagang sinagad mo ang pera ko. Hahaha!”
“Sorry, bes. Di ako nakapagalmusal. ” So habang kumakain siya kwinento ko na lang lahat nang nangyari sa'min ni Drew at tsaka sa potential new friends ko.
"Wow, I'm amazed na di ka pa pinapaoffice ni Drew! Talagang sineryoso mo sinabi ko.  "
"Gusto din ako nun deep inside tingnan mo  "
"Ang kapal haaa. Pero di nga Alex, ano meron kay Drew at nagkagusto ka nang ganyan? Di ka naman nagkaganyan pa dati ah? I mean you know, post-transformation stage mo."
"Di ko din alam e. Siguro kasi isa siya sa mga walang pakialam sa'kin. Hindi niya ayaw sa'kin. At lalong di niya ako gusto. Plus hello Che! Ang hot niya kaya! Ang talino. Ang sipag. Ano pang hihilingin ko sa isang lalaki? Edi pag nagkaanak kami golden baby na 'yun! "
"Anak agad!!" tapos binatukan niya ako. 
"Aray ha!" Tsaka medyo parang naging mahangin dito. Nalilipat ang buhok ko! Pwede ka nang blower! Save mother nature!"
“You know deep inside it's true.” tapos 'yung expression niya parang sinasabing hmm. Pwede na. May point ka. Pero huy, ano na ang kwento mo?

Ah oo nga pala. Naglalakad kami ni JB kahapon noong may narinig kaming mga babaeng nagchichismisan. Apparently, ready na daw si Therese na sugurin ka. Last straw na daw 'yung pagpost mo sa profile ni Drew!”

“Ang laki talaga ng pakinabang ko sa pagkachismosa mo, bes.  Pero bes, parang di mo naman ako kilala. Ano naman ang pakialam ko kung sugurin niya ako. She can never beat me.”
“'Yun na nga. Since 'yung last niyong pag-aaway syempre di 'yan susugod nang walang prinepare na back-up ugly pals. Tsaka ewan ko. Baka magmudmod siya ng pera sa ibang haters mo para sumanib sa kanya.  Alam mo naman mga babae dito sa school na 'to. HAHAHA.  ”
"Aw, thank you sa pag-aalala bes. Pero wala talaga akong pakialam sa panget na Therese na 'yun e.  May iba pa bang balita?"
“Wala naman, 'yung usual na mga nagsasabing ang landi mo daw. Si Drew naman daw ngayon. May narinig pa akong nag-uusap na dumaan sa labas ng room. Narinig ko sa bintana. ANG SAKIT SAKIT DAW. SA ISANG BAKULAW PA DAW NAPAPUNTA ANG PRINSIPENG SI DREW.”
“ABA TEKA! SIGURADUHIN NIYANG MAGANDA SIYA. NAKUNAKU.” Mga babaeng 'to! Paano pa pag nalaman nila na nililigawan ko si Drew ha?! Edi baka lalo na silang nagkagulo. haha. Bahala sila. Bakulaw? This pretty face! Excuse me. Masama ang ugali ko pero kailanman, hindi masama ang mukha ko! Lagi kaming ganito. Tuwing makakarinig ng naguusap-usap, report sa isa't isa. Haha. Syempre igaganti namin ang isa't isa in our own little ways. May tatakirin, or kung ano pang pagpapahamak.

And bakit ba nila ako sinasabihan na malandi? Kasi pathetic sila at sinisisi nila ako pag nagkakagusto ang boyfriend nila sa'kin. Ew. Di ko sila type. Pero minsan pag sobrang nabibwisit na talaga ako sa isang babae, lalandiin ko 'yung guy. Pag bumigay, edi iyak siya. Mali ang binangga niya. Pero wala pa akong nakakarelasyon ng seryoso for a very long time since.. I don't know, since that certain time in Middle school? Lakas maka-real talk e ang bata-bata ko pa nun. Pero whatever. Hahahaha.

"Pero ugh ang annoying noong bruhang iyon. Ako, bakulaw?! Kailangan ko makaganti! Ituro mo sa'kin ngayon na! Sabay tayo ko at tingin sa paligid. "Anong pangalan nun ha?!"
“Wag ngayon..” Sabi niya bigla in a stern voice. Kalmado at nakaupo pa rin. Problema nito?  
“Anong nakain mo? Tara na kasi!” Dati rati naman,  sasamahan pa niya ako.
“Umupo ka sabi! "
“Ano ba! Wag kang KJ! Kala ko we're all in this together?” Once we know, that we are, we're all stars and we see that.   Naputol ang page-HSM background music singing ko nang biglang medyo tumaas ang boses ni Che. “Umupo ka sabi eh! Ang tigas ng ulo mo!” 

“Ok, sorry bes. Sabi ko nga uupo ako eh.” 
“Behave. In  1, 2, 3..” Wait what--

“Hi Alex!” Tiningnan ko 'yung bumati. Si Miah pala. Aaaand, kasama niya si Drew.
“Hi Miah! Hi Drew. Kayong dalawa lang?”
“Ah.. Oo eh. Umalis na 'yung iba naming kasama sa Assoc e.”
“Naks, ang dami niyo atang Assocs together ah.” Ngumiti lang siya. Si Drew naman nagsmirk lang. Pero ugh. NAKAKAINIS! Nagseselos ako, ano ba naman 'yan! Pero.. Lagi kaya sila ganyang kadalas magkasama?
“Ahmm.. Pwede maki-upo?”
“Sure.” Grabe, na-BV ako agad. Ano ba. Alex, umayos ka nga! Control thy self! What's happening to you? Mabait si Miah!
“Sige, bibili lang kami ng pagkain.” paalam ni Drew.
“Osure, take your time!” Sabi ko saracastically. Napatingin naman si Drew sa’kin. Shocks, di ko na napigilan. Stop, Alex! Noong una mukha siyang nagulat tapos ngumisi ng nakakaloko. Nananadya pa ata 'tong lalaking 'to ah. Hamunin ko ‘to ng suntukan e! Di, si Miah na lang. =))))) Joke. HAHAHHA. Bayolente much.



Mamaya, bumalik na ulit sila. Magkatabi ako at si Che. Sa unahan namin sila, magkatabi. Katapat ko si Drew. Mas nabadtrip ako sa pagngisi niyang iyon. Tsk tsk. So, tahimik muna ako. Iyan tuloy, tahimik din ang table.   Bigla akong siniko ni Che. Ayy. Di ko pa nga pala sila napapakilala.


“Ayy nga pala. Miah, Drew, ito ang best friend kong si Che. Chesca ang totoong pangalan.” Mejo tinatry ko ng mag-act normally. Baka lumaki ang ulo ng Drew na iyan, pumanget pa.
“Hi Che. Ako nga pala si Miah.” 
"Ay, Miah ba? Kala ko pa naman ikaw si Drew.  Joke lang, hello."omaygahd, ang corny ni Che.
“Nice meeting you.”



Ayuun. Nagkwentuhan na sila. Mostly, sina Miah at Che. Si Drew, kain lang ng kain. Mukhang di binibgyan ng pagkain ah... Teka...


“Tss. Para namang isang taon kang di kumain Drew.”
“Parang ganun na nga. Kaninang breakfast pa ang huli kong kain eh.”   Sabay tingin sa akin na parang iniintay ang reaction ko. Nakakainis! Di niya kainain!.   
“Di ka man lang kumain ng kahit ano? Kahit snacks?” Bigla siyang ngumisi noong sinabi ko 'yun.  Ugh. Yan lang ata kaya niyang ibigay na reaction sa'kin ah.
“Wala nga e. May nakita ako sa offices ko na snacks. Kaso, ewan ko ba. Tinapon ko. Baka kasi may lason eh.  Wala akong tiwala sa mga nagbibigay ng ganun.”
“Ah ganun!” Nauubusan na ako ng bait. Medyo ang babaw naman pero ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa kanya ngayon. 


Dahil ba sayang ang pera o 
dahil sayang ang effort o 
dahil parang nabakewala lang ako'? :/ 




“Oo ganun na nga.  Ano namang tingin sa'kin nung nagbigay nun? Cheap. Kakain at gagastos na lang ako tsaka samahan si Miah kumain kesa kainin ko ‘yon.” Sabi niya na parang mahinahon at walang nasasaktan.  

Nakakainis! Di naman ako dati madali mapikon o maapektuhan ng mga salita! Pero siguro.. Iba pag sa kanya nanggaling.

Dahil baka masuntok ko lang si Drew, tumayo na lang ako at umakmang aalis. “Chesca! Una na muna ako ah. Sumama pakiramdam ko bigla.”Sabay padabog na alis ng silya! Halos ibato ko na nga eh. 

AAAARGHHHH. Bakit parang ang init ng mata ko? Bakit? Bakit? Tssssss! Bakit nagkakatubig? ANG WEIRDO MO ALEXANDRA.    Pero cheap?! Tangina!


Patuloy lang ako sa paglalakad nang may marinig akong mga yabag ng paa. Si Che siguro pipigilan ako pageexplain-in. Sinubukan kong kalmahin ang itsura ko at ievaporate yung tubig na namumuo sa mata ko. Effective naman. Best friend ko siya pero ayoko namang makita niya akong nagkakaganito dahil sa isang lalaki. Pero deep inside nagngangalit pa rin ako. 



“ALEXANDRA...” sabi noong boses. What.
Napahinto ako.. Pero, naisip ko na HINDING HINDI ako tatawagin ni Che ng Alexandra kasi alam niyang ayaw ko. At lalong-lalong di boses lalaki si Che. Tss, dinere-diretso ko na lang ang paglalakad ko.


“Sige, deadmahin mo ako!” Napahinto naman ako. Ang tang@ mo naman Alex!! Ganyan ba kalakas sa'yo yang bwisit na yan? Hindi pwede! Kaya kahit parang napako ang paa ko panandalian, itinuloy ko pa rin ang paglalakad. Buti na lang walang tao sa paligid ngayon. 
“Gusto mong magustuhan kita. Paano mo magagawa 'yun kung selosa ka!” At dun, napahinto ako at nilagay ang best smile ko. Syempre fake. Walangya sya e.
“Drew dear..I don't get JEALOUS, I can't be JEALOUS, I've never been JEALOUS. Ngayon lang. ”
“Argument invalid. Selosa ka pa din.” sabi iya na umiiling pa.
“O, e ganito talaga ako. Wag mong pakielaman kung nagseselos ako.. Feeling mo naman magugustuhan mo na nga ako kung makapagsalita ka dyan.”
“You’re unbelievable, Alexandra. Of course you haven't made me believe na nagseselos ka. I was just joking. In the first place, kaya ka naman nagkakaganyan kasi sinabi kong cheap ang pagkain mo.”Actually kaya nga ako nagwalk out dahil noon. But I was already triggered!
“You know what Drew, you’re unbelievable too! For a very smart person, ang bobo mo!”
"Excuse me?!" So ito.. Di ko na mabilang kung pang-ilan.. pero nagwalk out na naman ako sa kanya.

Grabe, di pa rin siya naniniwalang may gusto ako sa kanya hanggang ngayon. At ang akala niya, dahil cheap ung pagkain kaya ako nagalit? HINDI. Dahil binasura niya ung pagkaing tingin niya ay cheap. And that makes me cheap in his eyes. E ang effort ko kaya.  Napakarude! Napakasama ng ugali! 


Pero di ako titigil kahit ipagtulakan pa niya ako ng ganyan. I know deep down, he has a heart. Di ako papatinag sa’yo Drew. Unang beses na pagsubok pa lang ‘to. Kailangan ko lang masanay. Tingnan mo bukas. Ibang Alex ang makikita mo. Mas matinik, mas matatag, at mas mabangis.  Masasanay ako, at masasanay ka ding andito ako sa buhay mo! Walang sukuan hangga't di ko nakukuha ang gusto ko.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon