Chapter 29

3.4K 45 3
                                    

Chapter 29


"Bitawan niyo ako, mga mukhang halimaw kayo!"
"OA mo, miss. E nakapiring ka. Gwapo kami noh."
"Wala akong pake kung gwapo ka. Kidnapper ka pa din. Paalisin nyo'ko dito!" Masyadong mahigpit ang pagkakatali nila sa'kin, kaya wala akong magawa para makatakas. Jusme. Wala bang guards sa school?! Pano nila nagawa 'to??


“Sus, konting gilit lang sa leeg ang mga iyon.”
“Wala kayong puso! Mga bwisit na mukhang pansit at amoy pusit!!!! Ugh. Makatakas lang ako dito, ipapakulam ko kayong lahat!”
“Walang ganyanan miss. Napag-utusan lang kami.”
“Sino nag-utos?”
“Secret!” 


At dahil pinapahirapan din naman nila ako, papahirapan ko din sila. Nagsisisaw ako at rinindi sila.


“Leche. Bwisit. Hayup. Pangit. Mabaho. Kadiri. Walangya. Walangpuso. Pakyu! Damyu! Makakarma—asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm--” Pinasakan nila ako ng panyo sa bibig. Mga Leche. Ang sama ng lasaaaaa! 


Infairness sa layo ng byahe, nakakahiya man aminin, nakatulog ako. Damn. Pinatugtog nila kasi ung Canon. Nakatulog ako. Ganda ganda kaya nun. Tsssssss... May taste din pala ang kidnappers? Leche.


“Miss na magandang bungangera, gising na. Andito na tayo.” 
“Asjfhjdsfhfb” Triny kong umimik. Pero tanga ko, may panyo nga pala sa bibig ko. Ewwww. Tinanggal naman nila at nilagay sa pagitan nung nakatali kong mga kamay. Kadiri. Basa na un ng laway ko. >_<


“O, ung piring ko, wala kayong balak tanggalin?! Bwiset! Nasan tayo? Nasa warehouse ba? Gubat? Abandonadong building?!”
“Pag bumilang kami ng 3 tatanggalin na namin ang piring mo.”
“O, e ano pang hinihintay niyo? Bilang na!” Binuksan nila ang pinto, at naramdaman kong ibinaba nila ako.“TULOOOOOONG! TULU---”


“Miss naman e! Ganda ganda mo ang daldal mo! Di ka naman namin sasaktan. Sandali na lang.” Naramdaman kong kinakalagan na nila ako. Yes! Masusuntok ko na sila.  


“Wag mo na rin kaming balaking saktan. Pinapakawalan ka na namin.. At maya-maya, makikita mo na ang mga gwapong pinagmura mo kanina. Wag mo munang tatanggalin ang piring mo habang di pa kami bumibilang.. Wag muna!”
“Oo na. Paulit ulit talaga? Tss.”
“One, tw--…” Tinanggal ko na ang piring ko at ihinampas ang panyo sa mukha ng kung sinumang nahagip ko. Oo, kadiri. Kasalanan nila ‘yun.


“Yuuuuuuuck, laway. Miss naman e. Pinakawalan na nga namin.” Tumingin ako sa lalaking hinampas ko. Hmmm. Gwapo naman nga. Kidnapper pa rin sya.  
“TATANDAAN KO MGA PAGMUMUKHA NIYO. PAPAKULAM KO KAYO!”
“Wag na.. Tss. Sige, bye miss.” Sumakay na sila sa kotse at umalis. Tinandaan ko ang plate number nung kotse nila at sinave sa cell phone ko.Luminga-linga ako at nalaman kong…. Nasa MOA pala ako? O_O Sosyal mangidnap ha? E amp naman, anong gagawin ko dito? Wala akong kasama. :| 

Chineck ko ang cell phone ko at nakita kong may mga missed calls. Galing kina Che, Miah, Jude, at Jed.Walang tawag sina Riza, Pachu at…. Drew.Ok naman ‘yung reasons nina Riza at Pachu. Si Pachu maaga umalis. Pati si Riza. Nagmamadali siyang nagpaalam. May naghihintay na babae sa kanya sa labas. Pero si Drew?! WALANGYA. -.-


I was about to call them back nung may batang lumapit sa’kin, may dalang bouquet of flowers. Red roses to be exact.  Yung bata, hindi tulad nung sa movies na palaboy. Maayos ang suot niya. Ang gara nga e. haha. May kamukha siya actually. Di ko lang maisip kung sino. Hmmmm.. Umalis din agad ‘yung bata bago ko pa makwestyon. May nakalagay na note sa flowers.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon