Chapter 22
Nagsimula na akong maglinis ng mga kalat sa bahay, pati hugasan ang mga pinagkainan namin para naman mawala sa isip ko iyang si Drew. Sumasakit ang ulo ko sa kanya eh. Bakit ko iisipin kung wala namang magagawa ang pag-iisip ko. Bukas, o sa isang araw, aayusin ko din 'to.
Umupo ako sa sofa para makapagpahinga ng konti. Naramdaman kong parang may naupuan ako. Teka, ano ito? Kinuha ko ung kaawa-awang bagay na nalapatan ng pwet ko. haha! Amp. Wallet pa ni Drew. Tsk. Akalain mong nakakalimot din pala si Drew sa bagay-bagay.
Aha! Pwede ko ung gamiting excuse. Pagkabili namin ni Che, pupunta ako kina Drew. haha.Ayan, excited tuloy ako. >_< haha. Binuksan ko ang wallet niya para magtingin ng kung ano. Malay mo meron din si Drew dito na... PICTURE. Kayo talaga. haha! Walang picture eh. Ang nakalagay dun, picture ni Mama Mary. Tapos sa harap nung pic may parang pinatuyong dahon. Hmm. Para saan naman un? haha.
Ilinagay ko kaagad sa bag na dadalhin ko bukas ung wallet para di makalimutan. Linock ko na muna ang bahay tutal may susi naman si Mother. Pumunta ako sa Art Room ko para gumawa ng couple shirts para kay Che at ibang ireregalo ko sa mga kaibigan ko. Bale tatlo lahat.
Mga 2 am na ako natapos. Linagay ko ung mga damit kung saan matutuyo ng maayos. I'm so proud of my work.
Natulog na din ako. Maaga pa kami ni Che bukas eh. Oo, maaga ang 10 am. Bago ako tuluyang makatulog naisip ko na naman si Drew. Amp. Ang benta sa isip ko ni Drew! Haha. Naisip ko lang kung gaano halos asa kanya na lahat ng gusto ko. Alam niyo ba, malapit siya sa Manang niya. Yung lagi niyang kasama sa bahay kasi wala mama niya. Kanina kasi habang kumakain, bigla siyang nagexcuse at tinawagan si Manang. Nagsosorry na ngaun lang daw nagsabi, babawi daw, dadalhan na lang ng pasalubong. Ganun. Diba, ang sweet. :">
Hayy. Drew. Sana akin ka na lang talaga.
---
7 pa lang gising na ako. Diba, 5 hours of sleep. ZOMBIE. haha! Ako kasi ay may kakaibang hobby, magdress up sa iba't ibang personalities. Meron akong isang kwarto na puro damit, sapatos and etc lang ang laman. Pag may galaan talaga, trip kong mag-disguise kumbaga. Haha. And for today, para naman mabigla si Drew, I'll be the Nerdy Chic. Pero syempre MAGANDA.Naligo at ako at kinumpleto ang rekado. haha. I'm so beautiful. Haha! You wouldn't imagine how I am today. Pero, imagine na din.
I'm wearing a white button down blouse with a navy pin stripped jacket and a black pleated skirt about an inch above my knees. Syempre di mawawala ang black aviator glasses and my black mary jane heels. Then yung very beautiful hair ko ay naka-ponytail. Everything = Hot nerdy chic.
Bago ako umalis, may nagtext sa'kin. Akala ko si Che, pero isang unknown number pala.
Quote You'll pay big time, biatch!
Sus. Sa dinami-dami kong kaaway, sanay na ako sa ganito. Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa Mall. Oo may kotse ako. Nagbabyahe lang ako pauwi para kasabay ko sina Che sa byahe. haha. Bukas na naman yun ng ganitong oras. Sa SB kami magkikita, kaya dumeretso na ako dun. Nakita ko naman agad siyang nag-iintay sa akin. Makilala kaya ako nito? Matagal-tagal na din nung huling labas namin kaya baka nawala sa isip niyang maggaganito ako. haha.
Tinabihan ko siya at nginitian na kunwaring may iniintay.
"Um, excuse me? Pero may kasama na ako sa table na 'to eh."
"Hmm." Iniba ko ang boses ko. "Aalukin ko lang po sana kayo kung gusto niyong bumili nito--"
"Sorry, but I'm not interested." sabay alis ng tingin sa'kin. haha. taray ni bespren!
"Um. Eto po o. Couple shirts. Babagay sa cookies na ibe-bake niyo." Bigla siyang napatingin sa'kin. Tinitigan ako ng mabuti.
"You, son of a... Leche ka! Ano namang naisipan mo, ha? Hindi bagay sa personality mo, haha!"
"Yabang mo naman! haha. Ayos ba? I look pretty, I know."
"Ahhhhhh.K. Patingin nga niyang couple shirt" Yung t-shirt, may pagkavintage ang itsura. Tapos sa lower right, may maliit na AV. credits to the creator naman. haha. Di ko lang maalala ang description kasi nsa teentalk ang link.