Chapter 2 - Bogart

5K 84 10
                                    

Chapter 2


Pupunta ako sa canteen ngayon. Nagresearch na ako tungkol kay Drew. Nagtanung-tanong at kung anu-ano pa. At nalaman kong.. matatagpuan ko siya sa canteen ng ganitong oras. ALONE. 

It’s 8:00 am in the morning. Kaya kakaunti ang tao sa canteen. Actually, PM session ako at si Drew. Pero dahil sineswerte si Drew sa’kin, pumasok ako ng ganitong kaaga. Tss. Ito lang daw, ayon sa source ko, ang oras na makikita kong mag-isa si Drew..
At ayun nga.. Nakita ko siyang mag-isa. Nag-aayos ng kung anu-anong papel. Madami kasing club na handle niya. Pwede naman sa Library diba?  

Bumili ako ng drumstick saglit, at dumiretso na papunta sa kanya. Favorite niya daw ‘to e.

“Drew Mercado.”
“Yes?”
“Pwede ba kitang makausap? This is important.”  
“Ah sure. ” At tinanggal niya ang santambak ng papel sa lamesa. At tinanggal niya ang mga nakatambak na papel sa lamesa niya. I have to look credible for him to answer my question. 
“What is it about?”



“Are you dating or courting someone?” Inumpisahan kong balatan yung drumstick habang naghihintay sa sagot niya. Hindi ako magkakalat kasi expert ako dito. Favorite ko rin ‘to e. At sabi nga nila, the way to a man’s heart is through his stomach. 
“Para saan, survey ba ito?” 
"Maybe? Just answer it, thank you. " Tuh-raaay!
"Fine. Nope, I'm not."
“Oh, okay. Well, then. Simula ngayon, liligawan na kita. ” Halos lumuwa na ang mga mata niya from their eye sockets.
“Ok, where’s the punch line?”
“There's none. Mukha ba akong artista para bigyan ka ng punch line?”Kumunot naman ang noo niya.
“Aware ka naman sigurong lalaki ako at babae ka?”
“Duh! Liligawan ba kita kung babae ka?!   ” Kung eyes niya, muntik nang lumuwa kanina, yung akin, nagpaikot-ikot sa kashungahan nitong si Drew. Siya naman, lalong kumunot ang noo. Oh noes, stay away, wrinkles, stay away! 


“Nagpapatawa ka ba??”
“Shet sa ganda kong 'to, mukha ba akong clown para magpatawa? ”Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“You’re not a clown eh? Pero I like your humor.” He smirked. Sarcasm overflow. Alert! Alert! 
“Well, thanks! And I like you.” 
“Pwede ba Alexandra.. Kung wala kang mapagtripan, wag ako ang i-trip mo!" Wow, kilala niya ako! Pero dfuq, Alexandra?! No one calls me that.
“Bogart, please. Alex ang tawag sa’kin. A-L-E-X. At di ako nangtitrip. I don’t care kung ayaw mong maniwala. Fine, isipin mong di kita nililigawan; pero sinasabi ko sa’yo, simula ngayong araw na’to, you won’t be able to get rid of me. ” 


Bogart.. Nagkaron kasi ng play dati ang batch namin. At ang role niya, isang kawal na ang pangalan, BOGART. HAHAHAHAHA.   Ilang minutes ata kaming di mapatigil sa pagtawa ni Che noon. 


“My name is not Bogart. Magsasawa ka din diyan sa ginagawa mo. ” B!tch, please.“I’ll call you whatever I like. Let’s see kung sino ang unang magsasawa.. Ako sa pangungulit sa’yo. O ikaw sa pagtaboy sa’kin. Bogart, di ako madaling sumuko.” Tapos inabot ko sa kanya iyong drumstick na sa awa ng Diyos ay di pa natutunaw . “Oh.”
“O, aanhin ko naman ‘to?”
“Ayy. Siguro pagkakasyahin mo sa butas ng ilong mo!  Kala ko ba matalino ka? Ano bang ginagawa sa drumstick? Ba-bye na nga. Ingat ka na lang.”


Kaloko 'tong si Drew. Siguro naiirita na siya sa’kin.  E kasi naman. Kung anu-ano pang sinasabi. Sabing gusto ko siya. At hindi ibig sabihin noon. Papakitaan ko na siya ng mabubuting bagay lang. Alam ko kung sino ako. At sa ayaw niya at sa gusto, maiinlove siya sa'kin kahit ano pa ako. 


Read more: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,196825.15.html#ixzz2Afx2pA8o

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon