Chapter 8 - Canteen Boy

3.9K 60 7
                                    

Wala pa rin kaming meeting hanggang ngayon; bukas pa. Pero every after last period na. 5:30 pm. Bago 'yung panliligaw ko, nakahilata na ako dapat sa kama ko noon at nagrerelax. Pagibig kung pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Patuloy pa rin ako sa pag-iiwan ng pagkain for him despite what happened yesterday. Martir sa iba pero sa'kin hindi ako quitter. Konting pasensya pa hanggang mapaniwala ko man lang siya na seryoso ako. 

Pagdating ko sa second meeting niya for today, may nakalagay na note sa may pinto.

To: 'My Beautiful Admirer'

   I’m sorry. I really am. I know I have offended you.  Ang totoo niyan.. Kinakain ko naman ung mga bigay mo. Di ako kasing aksaya ng iniisip mo.. I’m sorry for being really rude. I just want you to stop this prank already. Please? This isn’t doing us any good.

From: D

Aw, medyo inexpect ko pa namang from Drew Mercado tapos iisipin ng mga makakabasa ang kapal niya.   Ang kapal kasi diba? Kung bakit ba naman kasi na-attract ako sa kagaya pa niya. Tsssk. Ang dami naman diyang easy to get.  Pero siguro, 'yun na rin ang dahilan.

Ewan ko pero kahit gaano ako naiinis sa kanya, tuwing nakikita ko siya o tuwing maiisip ko man lang siya, parang ang saya saya ko. Di ko na magawang mainis sa kanya. Kahit noong unang beses niya akong di pinansin. Ew, kadiri, ang cheesy nun. Hahaha. Pwede ba burahin? Hahahahaha. 

At least marunong siya magsorry at aminado siya. Though 'yun nga, di pa rin siya naniniwala. Annoying. At dahi maaga na naman ako ngayon at wala namang gagawin, pumunta na lang muna ako sa Canteen at baka sakaling may mangaaway sa’kin. HAHA. Puro death stares lang ang  nakukuha ko so far e. 

Mga 15 minutes din ako dung nakatingin lang sa kawalan. Sobrang boring. Ito yung mga pagkakataon na medyo nagsisisi akong di ako nakikipagkaibigan. Pero mas mabuti na 'yun kesa gaguhin lang in the end. Kasi who wouldn't? Ang gagaa ko din kasi.

Naramdaman kong bumabagsak na 'yung eyelids ko. *yaaaaaawnn..* Sige na nga, matutulog na lang ako dito sa table..... 

Zzzz.

]Pikit pa rin ako pero gising na ang diwa ko.. Medyo aware na ako sa paligid pero inaantok pa rin ako. Matulog pa kaya ako ng konti? Kaso baka ma-late ako sa klase ko. Hahahahaha joke, as if I care.  Pero bigla kong naalala si Drew; at sa isang iglap minulat ko na ang mata ko at sumandal sa upuan mula sa pagkakatungo sa table.

“HAAAAAAYYY..” Sabay unat. Narealize kong may isang tisoy at gwapong lalaking nakatingin sa’kin.. nakangiti ng malaki. Problema nito? Tiningnan ko siya ng maigi at narealize kong may itsura siya. Kung si Drew gwapo, siya cute at charming. 

“Hi Alex. ” Ngiting ngiti siya na parang ngayon lang siya nakakita ng kasing ganda ko? 

“Excuse me.. But do I know you?” sabay taas ng kilay..

“Uhmm, no. But I know you.”

“Alam ko. Everybody does. Bakit mo ba ako pinapanood habang natutulog? Di mo ba alam na bastos 'yun.”

"Sorry.” 

"Bakit nga?”

“Gusto ko lang..”

“So.. You did it, kasi gusto mo lang. Wait parang medyo gusto ata kita sapakin. Pwede ba yun?” Di na siya nagsalita. Medyo nanlaki ang mata niya pero ngumiti agad pagkatapos at umiling. Kasi naman eh no. Biruin na ang lasing, wag lang ang bagong gising.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon