Chapter 20

3.5K 64 14
                                    

Naglalakad lakad ako ngayon sa buong campus para hanapin si Pachu. Hay nako. Buti na lang anjan si AK. Akalain nyo un, tinatablan na ako ng konsensya ngayon. :D

E teka. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Tsaka baka magfeeling siya kasi hinanap ko pa siya. Ayy, bahala na nga. Si Alex yata 'to. Kaya carry ko to.

Ayun. Nakita ko siyang naglalaro ng volleyball. Nakisali siya sa ibang year levels na naglalaro. Loko talaga. Parang walang klase mamaya.

Naglakad lang ako para daanan siya. Iintayin ko na lang na lapitan niya ako. haha! Pero waleyy ang lola niyo. Inisnab ako. :|

"Pachu!"

"O, Alex." Nagpaalam siya sa mga kalaro niya at lumapit sa'kin. Eto talaga. Gusto siya pa tinatawag.

"Ano kasi.."

"Tara upo tayo sa may puno." tinuro niya ung favorite part ko. kung saan ko nakita si Drew.

"Ano.. Um. May konsensya ako."

"HAHAHA. Tapos?"

"Wag kang feelingero ha! Pero naguilty lang naman ako sa ginawa ko kahapon. Parang pamamahiya e. Kung sa'kin un ginawa ni Drew baka nabatukan ko na un. So... Sorry."

"Nadali mo nga pride ko dun e. Tsk. Pero ok lang un. Sabi ko sa'yo diba. Hindi ako magagalit sa'yo."

"Pachu naman kasi. Wag ka ng ganyan. Wala ka talaga mapapala sa'kin. Dami babae dyan o. Di mo ba nakita ung mga gustong pumatay sa'kin nung Byernes dahil sa speech mo?"

"E ayaw ko. Yae nangg basted, basta ikaw naman ang nambasted. Gets mo?"

"Slight."

"Amp ka!"

"I know right. :D"

"Wag mo na lang ako problemahin. Di ko naman guguluhin ang buhay mo. haha."

"Sa totoo lang. Ok ka naman Pachu eh. Pero kaibigan lang talaga."

"Edi let's be friends."

"Ano ka ba. Ayoko nga. May gusto ka sa'kin."

"Damot neto! Friendship na nga lang."

"HAHA. Di kasi ako pa-fall. Ayaw ko sa mga taong pa-fall."

"Paano ka magiging pa-fall sa lagay na yan kung lantaran ka ng umaayaw sa'kin. Husay ka. :D"

"Bahala ka sa buhay mo. Basta wala akong ginagawang masama sa'yo. haha."

"Alex, friends lang.. pero please. Just a chance to prove myself."

"No."

"Chance lang? Chance. Just let me be. Hayaan mo akong ipakilala pa ang sarili ko sa'yo para alam kong I have no regrets. Isipin mong ako si Jake--"

"Shunga. Ikaw naman talaga si Jake."

"Ayyyy. Basta basta nagsasalita, di pa tapos sa sinasabi! Jake ni Bella. -.-* "

"Hahahaha. Tuma-twilight ka ha! Eww." (again, no offense. :D)

Nagisip ako sandali sa mga sinasabi niya. Wala namang masama nga sa sinasabi niya. Di ko naman siya pinapaasa. Friends lang kami. Tsaka sige na. Kilalanin ko na din. Baka sakali lang naman! Pero I doubt it. Tulad lang ng gusto kong gawin ni Drew sa'kin. To give me a chance to prove myself.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon