Chapter 33

3.7K 69 15
                                    

(kung sa candymag mo to babasahin, mas maeenjoy mo kasi nakalink pa 'yung mga status at pictures sa usapan nina Alex at Drew. Anjan sa baba yung link nung update. :D)

Chapter 33

Thursday night ngayon.

Nakahiga na lang ako sa kama ko at iniisip ang plano ko para bukas. May isang delikadong butas 'yung plano ko. Plus, repeated action na siya. Pinagkaiba lang, di ako ang nagutos nun dati. Kaso no choice na ngayon. :|

Kinakabahan na ako. Sana naman magustuhan niya 'yung 'ibibigay' ko sa kanyang regalo.
Napatingin ako sa labas. Ang lakas ng ulan. May bagyo pa nga ata kami e. Nakakainis naman. Sana matuloy bukas. Sayang lahat ng effort. I made a mental note na tawagan lahat ng kakuntsaba ko bukas.

Noong tipong pipikit na talaga ang mga mata ko. Biglang nagvibrate ang phone ko. Peste.

"To all SA Students, our Christmas party will be postponed due to the weather condition. Our area is currently placed under signal no. 2. Wait for further updates about the Christmas Party. - SA Chairperson. Please pass. And stay safe."


Ambilis ng tibok ng puso ko. :"> Sa'kin lang kaya niya 'yun sinend? JOKE. hahahha. Ayee, kinikilig na naman ako. Hahahaha. Inisip ko na lang ulit 'yung pagcucutting at hug namin under the tree hanggang sa nakatulog na ako.

Friday morning.

Haaaaaay. Walang pasok. Ang sarap ng pakiramdam. Ang lamig. Tapos kulimlim. Tapos aaah. Kulang na lang kayakap ko si Drew. Hihihi. :">

Napansin naman ni mother 'yung aura ko, kaya kinulit niya ako. Kwinento ko na lang sa kanya 'yung moment namin. :>

Dumating na ang tanghalian. Kaso nga lang.. Di man lang nagpaparamdam si Drew bukod sa good night text niya. So di ako pwedeng magassume na baka may nararamdaman na siya sa'kin. Kasi parang wala naman e. :|

1 pm na. Walang text. Walang kahit ano. Hmp. Nagonline ako kasi di ko na makaya.. Chineck ko ang profile niya. Meheheheh. :> Malay mo may status na something related. Malay mo lang diba. :\

Kaso pagbukas ko, may nakita akong post ng isang babae.

"Uy, Drew. Musta na? Miss kita." Nagreply naman siya ng:Uy!! Miss na din kita. :)

Kakainis naman! Ung good mornight ko, di pinansin. Tapos un, nireplyan na nga, nag imy pa!

Nagscroll down pa ako at nakita 'yung status niya na :Tama na ang pag-iisip sa di dapat isipin. Mag-aral na lang tayo.'Yung babaeng 'yun kaya ang iniisip niya? :\

Nagstatus na lang ako ng:Ang sweet naman! Bat di na lang kayo magkatuluyan.

.Para kasing may naaalala din akong naikwento ni Drew yang babaeng 'yan na bestf o tropa niya daw. Hmp.

May mga naglike din naman agad.Ang kinainis ko pa.. May biglang noti na dumating! Drew Mercado likes your status. Kdie!


"Bwiseeeeeeeeeeeeet!!"

At sa gitna ng pagkainis ko at pagmamaktol, may biglang nagchat sa'kin.

Uy, Alex.
O, ano'ng kailangan mo?
Ikaw.. Joke. :D
Tarayy.

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig ang nagiinit kong ulo.

Nagsend ako sa kanya ng link ng isang picture. 
Tingnan niyo na lang 'yung multimedia para makita. :)

D: HAHAHAHHAHAHA 
A: K. 
D: Ako ba 'yun?
A: Bakit, babae ka na ba?
D: Di yung picture!
A: Ang alin??
D: Yung asa status mo?
A: Wooooooow! Pakapalan na ah. Feeling mo naman! -.-
D: Pwede naman kasing sagutin na lang ng oo o hindi diba?
A: Leche ka!
D: Aminin mo na kasing ako 'yun e.
A: Grabe ka. Ano ba nakain mo? Gusto mo bang ikaw 'yung tnutukoy ko?
D: Di ko alam.
A: Bat mo tinatanong?
D: Edi wag mo sagutin. Oo o hindi lang naman e. Ge. Aalis na ako. Gagamitin pa ng mommy.

Hala. Nagalit!

A: Oy, wait. Oo na, ikaw na 'yun. Ang yabang mo talaga. Bat di na lang kayo magkatuluyan diba?

Drew is now offline.

Arrrgggh. BWISET KAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. Sa inis ko, imbis na istalk ko 'yung girl, nagoffline na lang ako. Mag-aaral na lang ako! Kakainis.

Pero bago 'yun, nagstatus muna ako ng Chemistry, Chemistry.. Kanino kaya makapagpaturo? :3

Binasa ko 'yung notes ko. Medyo nagegets ko naman. Pero andaming hindi clear. Triny ko sagutan ang take-home quiz namin, pero ang pumapasok lang sa isip ko ay !@#$%^

Aw. Gusto ko pa naman sana makataas para nga magkaklase na kami ni Drew diba. Pero mukhang di ko kakayaning makaabot sa grades ng mga nasa first section. :|

Ugh. Wala talagang pumasok sa isip ko. :| Aalis na lang ako ng bahay at maggagala.
Nagbihis na muna ako at mas nagpaganda. Bwehehe.

Bago ako umalis, nagonline muna ako saglit.

Sht sht may offline message.

D: Uy, sorry bigla nang nawala. Di kami magkakatuluyan nun. Best friend ko lang 'yun. May mahal din 'yung iba. Bagay nga sila e, kaso di pwede.
A: E kung wala 'yung ibang mahal?
D: Di pa rin. Bestf ko nga e.


Di ko napansin, kanina pa pala akong may mga noti ko. Blabla and blublu like your status.

Pero ang nakakuha lang ng atensyon ko ay..
Drew Mercado commented on your status.

"Ako, turuan kita. :)"

At puno na naman ng like 'yung comment niya.

Ambilis ng tibok ng puso ko. Bat sya ganto? Ano na bang nangyayari? Nagkakagusto na ba siya sa'kin?

Chinat ko siya ulit.

Drew.. Nagkakagusto ka na ba sa'kin?
Uy, grabe ka. :D
Ay sorry, imposible pala nga ata e. Osige na, aalis pa ako.
Sige, sabihin mo na lang kung kailan mo gustong magpaturo ha.
Ge.

Lagi na lang ako nasasaktan kay Drew. Minsan ang OA ko lang kasi di naman ako dapat masaktan. Ewan ko nga ba.

Sa gitna ng pag-iisip ko, may tumunog sa laptop. Di ko pa pala, napatay.

Ingat ka.
*hinimatay*

------------------------------------------------------------------------------------------

Again, sorry sa maikling post. Gusto ko lang makapagupdate ulit. Tinatype ko lang to sa cell phone ko habang naglalakad ako, o asa jeep, o may free time. Di niyo na rin kailangan magbackread UNLESS DI NIYO KILALA KUNG SINO SI DREW AT ALEXANDRA.

Para naman doon sa dapat na iuupdate kong sinasabi kong mahabang para sa akin ay maganda HAHAHAHAHA kasi nga masyadong maeffort at delikado ung update na 'yun, at wala pa akong oras at energy na kayang igugol dun, ipostpone ko muna. Para at least makapagupdate muna ako.

Next weekend ulit, may short update.PLEASE. COMMENT KAYO HA. SA SILENT READERS DYAN. PARA NAMAN MAINSPIRE AKO. HAHAHAHAH KAPAL. Don't forget to like. ;) Sorry kung madisappoint kayo. 'Yan lang talaga ang kasya sa time ko e. Sige na, mag-aaral pa ako sa Kasaysayan. HAHA.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon