Chapter 15 - Saved again

3.6K 60 10
                                    

Chapter 15

Alex's POV.


Umalis na kami dun nina Che at Riza at pumunta na lang sa may field. Naiiinis talaga ako. Kasi naman, ang get-to-lamon-together namin, nauwi sa buhusan ng juice. BV diba?  Pero ang kinagalit ko talaga ay idinamay pa nila yung nakaraan naming tatlong magkakaibigan. Namersonal na ang impakta! Tsktsk.

Kumakain na lang kami ngayong tatlo sa may field. Subukan ko na lang na di masyado isipin ang bakulaw na iyon. Ung mga demonyitang katulad niya,hindi worthy sa napaka exclusive kong oras.

Para maging light ang atmosphere, nagyaya si Che na paunahan na lang maubos ung piatos namin. Edi sinabay sabay naming buksan. Dahil halimaw talaga kaming tatlo, at lalo na ako.. wala pnag 3 minuto ay isusubo ko na ang huling piatos sa bibig ko. Kaso nga lang, biglang may nagexcuse me at si Riza ang nauna umubos.

Salubong na kilay kong hinarap kung sinuman ang istorbo.

“Hi Alex. Pinapatawag kayo nina Che at Riza sa office. Sumama kayo sa’kin ngayon na.” Si Kyle Araneta pala. Ang vice president ng student council. 

[author: crimson ang kulay niya. ie-explain ko kung bakit hinayaan kong gamitin ng isag character ang sarili kong kulay. haha.]


Quote Name: Kyle Georgina Araneta
Age: any age my reader wants. Haha.
Sex: female
Location: Apartment na malapit sa school.

“Bakit? Ganito na ba ngayon? Tatawagin ang biktima para magsumbong imbis na intayin niyo akong isuplong ang lecheng babaeng iyon na nanunugod ng wala sa oras imbis na nabubusog na ako nun?” Nagsalubong ang kilay niya. Pareho na kami ngayong magkasalubong ang kulay. Contest ba to? Haha.

“Ganun ba ang nangyari?”
“Ay hindi, hindi. Kakasabi ko lang diba?”
“Kaya nga nagtatanong diba, Miss Alexandra?”
“Damn you. Teka, bakit ba ikaw ang sumusundo sa akin? Nasan na si President? Nakakapanibago ha.”
“Wala. Absent.”
“Ahhh.” Tinuloy  ko lang ang pagnguya ko sa piatos. Ano bang ginagawa pa nito dito?
“Ngayon, pwede na kayong sumama sa’kin?”
“Ay oo nga pala. Haha. Sandali, ubusin ko lang ang pagkain ko. Gusto mo ba?”
“Alex. Pumunta na kayo ngayon na.”
“E ano bang problema mo?! sabi nang uubusin lang 'to eh!”
“Pupunta ka ba, o gusto mong hilahin pa kita?! Kung doon mo sa office nilalamon iyan?!” Ang balita ko, malakas daw ang babaeng ito. Ewan ko. Madaming chismosa diyan, ehem Che. Ewan ko kung tunay. Care ko naman? 
“Tss. Oo na. Pagbibigyan ka na, at baka makaiyak.”
“You wish.”
“I wish to wish the wish you wish to wish. Kaya mo iyon! ”
“Sige na Alex. Pumunta na tayo.” Sabi ni Riza.


Tumayo na kami at pumunta sa principal’s office na dala-dala ang mga pagkain namin.. haha. Bastos sila e, kumakain pa ako.


Pinaupo na kami at nginitian ko at kinawayan pa si Mrs. Aguilar, ang principal. Nagsalubong lang ang kilay niya sa akin. Ano ba yan, mga manggagaya ng reaction! Lol.


Nandun naman sa katapat ko ang malignong si Therese at mga alipores niya na may juice pa din sa katawan. Aba, nagenjoy masyado sa juice? Ok lang, bagay naman sa kanya. 

Bale ang pwesto namin..
         
                            Bakulaw and friends
Mrs. Aguilar                                                            Kyle Araneta
POD                Table with vase.                          vacant
                        Beauty and friends

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon