Its So Called COMPLICATED

By Ladymania

3.5K 177 7

If you love someone, you are willing to wait no matter how complicated life and love is. Even if takes time... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 1

360 19 0
By Ladymania

+++++

Step-brother

Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
-1 Corinthians 13

Ito daw sabi sa Bible. Kaya hate ko 'yong mga taong ginagawang dahilan ang love para makapanakit ng tao. Love rejoices with truth not with lies! Ito dapat ang itatak sa mga utak ng taong mapaglaro. Yes, they deserve to be loved pero paano naman iyong mga taong sinaktan nila? They deserved true love too!

Kaya hindi madaling magmahal. Hindi mo kasi alam kung tamang tao ba ang minahal mo o hindi. Kung sasaktan ka ba nito o aalagaan at mamahalin. Oo nga at kaakibat ng pagmamahal ang masaktan pero kung nagmamahalan kayong dalawa, walang-wala ang sakit. Pero kung ikaw lang ang mag-isang nagmamahal, sobrang sakit. Wala kang makakapitan dahil mag-isa kalang na lumalaban.

"Oh problema mo? Bakit nakabusangot na naman 'yang mukha mo?" tanong ng kaibigan ko sa'kin.

Napaismid ako. Paanong hindi ako bubusangot kung may nakikita akong hindi ko nagugustuhan? Should I pretend to be okay even if I am not? Should I smile kahit na masakit? Okay, I am exaggerating things again. Hindi naman kasi ganoon iyong nakikita ko pero pina-exag ko lang.

"Ano na naman 'yang tinitingnan mo?"

I licked my bottom lip before I speak. "Tingnan mo 'yong dalawang magjowa, alam ko pinaglalaruan lang siya ng babae."

Hindi naman sa judgemental ako pero iyon ang nakikita ko. Yes, love is blind but hell in reality that's not it! In reality, kung pangit at ang maganda pinagsama, tiyak na pinaglalaruan lang ng maganda ang pangit dahil siguro maraming pera. Kapag gwapo naman ang lalaki tapos pangit ang babae, naku, sinasama lang 'yan sa listahan ng mga sasaktan nila, mga f*ckboy nga diba?

"Hindi rin! Ang sweet kaya nila, ikaw lang diyan ang bitter eh!"

Napaismid ako. "Na ah! Hindi ako bitter! I'm just telling the truth my dear bestfriend. Tingnan mo 'yong babae, sweet nga sa jowa niya pero nagpapacute naman sa gwapong lalaki sa tapat nila!" I said as I rolled my eyes.

Tingnan mo may pahaplos-haplos pa sa boyfriend niya pero kung makatitig sa lalaking nasa tapat nila, parang gustong pagsabayin ang dalawa. At ang lalaki naman, nasa tabi na nga iyong girlfriend, nagawa pang kumindat sa babae. At sobrang tanga naman ng mga partners nila. Hindi man lang ba nila napapansin iyon?

"You know what? Napaka mo talaga. Lahat nalang nakikita mo. Hay ewan ko sa'yo!" sabi niya sabay tayo at iniwan ako dito sa Park. Naiiling na sinundan ko siya pero yung mata ko nakapako parin sa magjowa.

Naku, kung alam mo lang lalaki ka. Yung girlfriend mo, pinagtataksilan ka na. Harap-harapan pa!

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Sa lugar kung saan walang bitter at judgemental!"

Ako ba ang tinutukoy niya? Hindi naman ako bitter ah? Hindi rin ako judgemental! I'm just being honest. Totoo naman iyong nakikita ko at saka hindi ko gawa-gawa iyon o guni-guni man lang.

"Hoy grabi ka! Ikaw yata 'tong judgemental e."

"Heh! Uuwi na'ko. Nakakatamad kang kausap. Wala kang ginawa kundi ang laitin ang mga taong nasa paligid natin!"

Hindi ko naman nilalait iyong mga tao sa paligid namin! Sinasabi ko lang sa kanya kung ano talaga ang nakikita ko. Iyan kasi ang problema sa mga tao. They don't accept things easily. Akala nila nanlalait na ako o nagja-judge. Hindi ba pweding maging honest? Nagsasabi lang naman ako ng totoo base sa nakikita ko.

"Fine! I'll shut my mouth basta samahan mo muna ako dito sa Park. Ayaw ko pang umuwi."

Ayoko ng makipag-bangayan sa kanya kasi maliit na bagay lang naman ito. Ang gusto ko lang ay manatili muna siya dito sa park at samahan ako dahil ayoko pang umuwi. Andoon kasi ang step-brother ko sa bahay kaya wala akong ganang umalis dito. Mabubwesit lang ako sa kanya.

"Umuwi ka na kasi!"

I pouted my lips. Bakit ba gusto niya akong pauwiin? Anong oras palang naman ah? At saka ayokong umuwi dahil andoon nga ang step brother ko! Baka ano na naman ang makita ko at hindi na naman ako makatulog. Sobrang laswa kaya ng lalaking iyon. Ayokong mahawa sa virus na dala niya kaya mas mabuti nang dumistansya.

"Ayaw!"

"Tsk. Hapon na kaya!"

"Oh pake ko? Ayaw ko pang umuwi. Andoon pa kasi ang step-brother ko!" ingos ko.

Bakit ba nagmamadali siya? Wala din naman 'yang gagawin sa bahay nila. Samahan niya nalang kaya ako dito para naman may silbi siya bilang bestfriend ko.

"Wala namang ginagawa sayo ang step-brother mo ah? Ni hindi ka nga kinakausap at pinapansin!"

Tama naman ang sinabi niya na hindi ako kinakausap o pinapansin ng step-brother ko pero kasi naiinis ako sa presensiya nito. Everytime I saw him, my blood boils. Wala naman itong ginagawa pero naiinis lang talaga ako sa kanya. Siguro dahil isa siya sa mga taong kinaiinisan ko. Paano ba naman kasi araw-araw nalang may dala siyang babae sa bahay. Sinong hindi maiinis at maiirita do'n diba?

"Sige na, samahan mo na'ko!"

"Uuwi na'ko. Bahala ka sa buhay mo!" sabi niya at iniwan nga niya ako dito sa park.

"Urgh. Kainis!"

Bahala na nga.

Kung anong makikita mo mamaya Roiss, takpan mo lang ang mga mata mo!

Halos hindi maipinta ang mukha ko ng makababa ng taxi. Nang makita ko ang bahay namin ay parang gusto ko ulit bumalik sa park. Hindi pa ako ready na makita ang kabalastugan ng step-brother ko pero wala na akong choice dahil nandito na ako.

Pagpihit palang ng pinto ay boses na ng dalawang tao ang narinig ko. Halos manlamig ako sa aking kinatatayuan at ganoon nalang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Parang gusto kong kainin nalang ako ng lupa. Oh my gracious, please Lord give me patience.

"Jarell...." ungol ng babae.

Napatakip ako ng aking mga mata nang makitang naghahalikan si Jarell at ang babae niya sa couch. Bigla akong hiningal ng husto sa nakita ko. Mabilis pa sa alas kwatrong umakyat ako ng kwarto at sinara iyon ng pagkalakas-lakas. Hindi ko kayang tignan ang torrid kiss nila. Ghad, kinikilabutan ako at nandidiri!

Mabilis na kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Clarrise. At ilang rings pa bago niya sinagot. Damn!

"Hello?"

"Claaarrrisssee! Oh my god! I saw him kissing his girl!" I shouted.

Kahit ilang beses ko na siyang nahuling may kahalikang babae ay ganoon parin ang nagiging reaksiyon ko. Parang first time lang palagi. Hindi ako makapaniwala na nagawa nila iyon dito sa bahay. Naku, pag-uwi talaga nila Mama at Tito isusumbong ko siya!

"O.A ha? Ano naman ngayon kung naghahalikan sila?" mataray na sabat nito sa kabilang linya. Hindi ako makapaniwala.

"Seriously Clarrise?! Them, kissing in the couch at halos magsex na silang dalawa!" I shouted again.

"Oh tapos? Anong pake mo?"

Really? Kapag siya ang nasa sitwasyon ko hindi siya maghi-hysterical? Ganoon lang ang magiging reaksiyon niya? Wala siyang paki?

Natawa ako ng mapakla. Really Roiss? Why so over reacting?

"I hate you!" nasabi ko nalang.

She chuckled in the other line. "Gaga! Natural lang 'yan kasi magjowa sila!"

Magjowa? Ganoon ba iyon? Natural nalang ngayon na maghalikan kahit na magjowa palang?

"Hindi natural iyon!"

Kasal na ba sila para gawin iyon? Hindi pa! They're almost had sex! Saan ba nagsisimula ang lahat diba sa halik?

"Hayaan mo sila. Matulog ka na ngalang dahil may quiz pa tayo bukas!" sigaw nito bago ako binabaan ng tawag.

I really can't believe this. Ganoon lang ang reaksiyon niya at natural lang daw gawin iyon? Kailan pa naging natural ang pagsesex sa ganitong edad? Hindi ba nila alam na masama iyon?

Hindi ko na talaga sila maintindihan. For goodness sake teenager palang kami, well ako lang pala pero kahit na, sana nagtimpi muna sila bago gawin iyon.

I sighed in frustration.

Nagbihis nalang ako imbes na isipin ang mga walang kabolohang bagay na iyon. Inerase ko sa isip ko 'yong halikan na iyon. It's not healthy in my system. Baka mahawa lang ako sa kapusukan nila.

"Ay kabayo!"

Napatalon ako sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto.
Sa mga nangyayari dito sa bahay ay nagiging nerbyusa na'ko. Gosh Roiss!

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang mukha ni Jarell na hindi maipinta. Napatingin ako sa labi niya, gross! I really can't imagine myself kissing like that in my oh so called boyfriend.

"What?!"

"Don't tell Dad about you saw earlier," he seriously said. Napataas 'yong kilay ko. Nakita niya ako kanina pero hindi siya nagpatinag? Instead pinagpatuloy pa niya ang ginagawa nila ng babae niya. How gross isn't it?

"At bakit naman hindi? Dapat niyang malaman ang ginagawa ng anak niya."

At ano, magsisinungaling ako kay Tito Kierr? Na ah, I am not a liar. Hindi ako katulad niyang sinungaling at manloloko.

Really Roiss? Kontra ng isip ko.

"Don't.tell.him. or you will fucking dead Roiss," seryosong saad nito bago ako tinalikuran.

I blinked twice.

What? Did he just blackmailed me?

I scoffed because he had guts to threaten me! Bakit papatayin niya ba ako kapag sinabi ko kay Tito ang ginagawa niya? Ha! I am not scared at hindi ako sinungaling. I would rather tell him the truth than to tell a lie. I'll take his wrath, fine! I don't care.

.

Vomment

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...