Virgin at 30

By DianeJeremiah

347K 21.7K 9.9K

Desperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta? More

Introduction
Chapter 1 Winterfell
Chapter 2 Synonyms
Chapter 3 Switched Team
Chapter 4 Katherine
Chapter 5 Tempting
Chapter 6 Are You Naughty or Nice?
Chapter 7 Willing to Wait?
Chapter 8 Spell H.O.T
Chapter 9 Bare Minimum
Chapter 10 Apprentice
Chapter 11 Short
Chapter 12 Boiling Point
Chapter 13 Kate No More?
Chapter 14 Tita's Favorite
Chapter 15 Yes or No?
Chapter 16 Which Side Are You?
Chapter 17 Loca Enamorada
Chapter 18 Luxurious
Chapter 19 What Did She Say?
Chapter 20 Winter-I-Fell
Chapter 21 Happy Birthday
Chapter 22 Birthday Blast
Chapter 23 Morning Routine
Chapter 24 Small World Indeed
Chapter 25 Embrace Me
Chapter 26 Around The World
Chapter 27 Good Player
Chapter 28 Fully Touched
Chapter 29 Terrified
Chapter 30 Backups
Chapter 31 Darkest Hours
Chapter 32 Saddest Moments
Chapter 33 Be With You
Chapter 35 Never Let Go
Chapter 36 Pissed
Chapter 37 Into the Bones
Chapter 38 Take My Breath Away
Chapter 39 Love and Happiness
Chapter 40 Jacqueline
Chapter 41 Probability
Chapter 42 Virgin at Thirty... No More

Chapter 34 No Man is an Island

5.3K 404 233
By DianeJeremiah

"Being deeply loved by someone gives you strength while loving someone deeply gives you courage."


Kate POV


"Where do you want us to go?" Tanong ni Winter habang nagbabasa siya ng travel magazine at ako naman ay nakaupo sa hospital bed. Pinapakain niya ako ng prutas pero parang wala akong gana pang kumain. "How about Bora Bora?" Tanong pa niya. "Maybe we could do some Moana Adventures, jet ski, lagoon snorkeling  or we could do sunset cruise!"

Pinilit kong ngumiti sa kanya ng tipid. "It's up to you, hon." Napipilitang sagot ko rin.

Napangiwi siya. "Ayaw mo do'n?" Hindi ako sumagot. "Okay, tingin na lang tayo ng iba." Saka muling binuklat ang magazine.

Alam ko namang ginagawa lang niya 'to para maaliw ako, pero honestly, wala itong epekto sa akin. I'm still so depressed. Deep inside kinakain na ako ng mga nangyari, my forming insecurities and hatred.

This wasn't me. Wala akong insecurities sa katawan bago nangyari ito. At kahit pa ang daming nangyayari sa buhay ko noon na hindi ko gusto, never akong nakaramdam ng ganitong klase ng pagkamuhi. Pagkamuhi sa lahat ng taong gumawa at may pakana nito sa akin.

Nagagalit din ako kung bakit nabuhay pa ako. Sana namatay na lang ako... sana hindi na lang ako nabuhay...

"Maybe we could go to Forbidden City." Masigla niyang sabi. "Pwede nating libutin ang Asia if you want." Masaya pa niyang dagdag. "We can go to Japan! To see amazing museums, parks, temples, shrines — plus hiking, eating, and shopping -"

"Win, please." Napahawak ako sa noo ko. Pakiramdam ko bigla akong naiirita. "Gusto ko ng magpahinga." Forever. I wish I could say that to her.

Bigla siyang nalungkot pero mabilis niya itong itinago. "Pero hindi mo pa ubos itong apples mo." Sabi niya.

"Ayoko na." Tipid kong sagot.

Napabuntong-hininga siya saka pilit na ngumiti sa akin. "Okay sige."

Tumayo siya mula sa kinauupuan at kinuha sa hita ko ang tray na may lamang pagkain. Inilagay niya ito sa ibabaw ng mesa sa nagsisilbing mini kitchen ng hospital room na kinaroroonan ko bago ako tinulungang mai-recline ang kinahihigaan.

Inayos niya ang kumot ko at pumikit na ako. Hindi naman talaga ako inaantok. Gusto ko lang muna ng konting katahimikan. Mamaya magra-rounds na naman ang mga nurses and doctor. Naiirita pa naman ako sa mga gamot na itinuturok nila sa sistema ko. Kung pwede lang na tanggalin na ang dextrose na nakakabit sa akin, ginawa ko na. Buti nga at tinanggal na nila ang isa pang nakaturok sa akin na naglalaman ng dugo. Normal na daw ang blood pressure at pulse rate ko. Sana all na lang normal.

Muli kong narinig ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Sige na, pahinga ka na muna." Narinig kong sabi niya bago ako ginawaran ng masuyong halik sa noo.

Lihim akong napalunok sa ipinapakita niya sa akin. Mabilis akong nagsisi sa hindi magandang pagtrato ko sa kanya ngayong umaga. Gusto ko ding umiyak na naman. Pumikit na lang ako ng mariin saka tumagilid ng higa, patalikod sa direksyon niya.

I need some space... I want silence... I want to be alone for a while... gusto kong ako lang muna. Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari bago pa man ako nawalan ng malay at kung ano pa ang mga nangyari ng mawalan ako ng malay ay nagagalit na ako ng sobra. Gusto kong ulitin ang ginawa ko, but this time gusto ko tuloy na.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na din pala ako kahit na ang sabi ko kanina ay hindi ako inaantok. Marahil napapagod na rin ako... emotionally, physically... mentally...

Nang magising ako bandang tanghali ay pilit na naman akong pinapakain ni Winter.

"Hon, please?" Pakiusap niya. "Kailangan mong kumain para lumakas ka."

"Don't use your 'doctor' tone on me." May iritasyong tugon ko.

"Kate naman," Pakiusap niya. "... makinig ka naman sa akin." May bahid hinampo niyang sabi. "Kahit ito lang hayaan mo 'ko."

Marahas akong napabuntong-hininga. Kaya naman kahit hindi ako nagugutom, hinayaan ko na siyang subuan ako ng arozcaldo medyo mainit-init pa ito dahil hinihipan muna niya bago isubo sa akin.

"I want to go home." Saad ko habang sinusubuan niya ako.

"Okay, I'll ask your doctor if he can discharge you tomorrow." Agad naman niyang tugon.

"I mean, now." Parang batang maktol ko.

"We'll try, okay?" Mahinahon niyang sabi. "Sa ngayon, kailangan mo munang magpalakas. Para kapag mag-round siya mamaya e makita niyang pwede ka ng pauwiin."

"Okay." Tipid kong sagot.

Muli niya akong sinubuan. Napapangalahati ko na ito ng umiling na ako.

"Ubusin mo na, hon. Konti na lang o. Ilang subo na lang 'to." Sabi niya. "Please?"

Hindi na lang ako kumontra pa. Inubos ko na lang ito kahit pakiramdam ko ay busog na ako. Pagkatapos kong kumain ay inalalayan niya akong magtungo sa banyo para makapagpalit ng underwear at hospital gown.

"Do you need help, hon?" Tanong niya mula sa labas ng banyo.

"No." Tipid kong sagot kahit na sa totoo lang ay nahihirapan ako dahil sa nakakabit na dextrose at sa kirot sa tuwing iginagalaw ko ang mga kamay ko, lalo na 'yong may hiwa.

She's patiently waiting outside the door when I'm done. Muli niya akong inalalayan patungo sa higaan. Siya na rin ang nag-ayos ng IV pole sa bandang gilid ng hospital bed. Napansin ko ang panlalalim at pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata tsaka napatingin sa hindi naman kahabaang sofa sa gilid. May unan doon at maayos na natiklop na manipis na kumot. Nakaramdam ako ng konsensya sa isiping hindi siya komportable doon mahiga pero nagtitiis siya para sa akin.

Hinawakan ko siya sa braso habang inaayos niya ang hose ng dextrose. Natigilan siya at napatingin sa akin.

"Magpahinga ka muna." Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin. "Ikaw ang dapat magpahinga." Sabi naman niya.

"Hon, please." Pakiusap ko. "Ayokong magkasakit ka rin."

Napatitig siya sa akin saka ngumiti na hindi naman umabot sa kanyang mga mata. Niyakap niya ako saka kinintalan ng halik sa noo.

Iniyakap ko sa kanyang likod ang isang kamay at napapikit. I missed her warmth. Nakaka-relax. Muli niya akong hinalikan sa ulo saka ngumiti sa akin. This time, umabot na sa kanyang mga mata kaya napangiti na rin ako sa kanya.

Nasa ganoon kaming ayos ng may kumatok sa pinto bago bumukas ito. 'Yong ngiti ko ay mabilis na naglaho ng makita kung sino ito.

"What are you doing here, dad?" Magkasalubong ang kilay na singhal ko dito.

May dala siyang bouquet at basket of fruits. "I..." Hindi ito makatingin ng diretso sa akin. "I heard what happened to you..."

"And whose fault is that?" Agad na angil ko.

"Hon." Pagpapakalma sa akin ni Winter. "Mr. Seinfeld." Lumapit si Winter sa kanya.

Ngumiti si daddy sa kanya ng tipid. "I think I don't have to guess, you're Winterfell?" Sabi niya saka iniabot kay Winter ang mga dala.

"Yes." May tipid na tugon naman ni Win.

"Sorry if we met this way..." Hingi pa nito ng pasensya sa asawa ko. "But -"

"Umalis ka na, dad." I cut him off.

Natigilan si Winter habang inilalapag sa ibabaw ng mesa ang dala ni daddy.

"Katherine -"

"I can't believe you can do this to me." Puno ng hinanakit na putol ko sa sasabihin sana ni dad. "I can't believe you could do that to your own blood and flesh!" Sumbat ko.

"Hija, hindi ko alam na mangyayari 'to -"

"Hindi mo alam?!" Sigaw ko. "That's impossible!" Malakas na saad ko.

Mabilis na lumapit sa akin si Winter at hinawakan ako sa likod para pakalmahin. But no, hindi ako kakalma hangga't nakikita ko ang pagmumukha ng daddy ko.

Isa-isang nagsilaglagan ang mga luha ko. "You sold me to the devil!"

"Kate -"

"Get out!" Mabilis kong sigaw.

"Katherine, please. Hear me out -"

"No!" Malakas kong sigaw. "I don't want to hear anything you have to say!"

"Hindi ko alam na mangyayari 'to!" Paliwanag niya.

"Look at me, dad! Look at what you've done to me!" Galit na galit na sigaw ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. "Is this what you want?! Ang mapariwara ang buhay ko?!"

For the first time, nakita kong umiyak ang daddy ko. Pilit itong lumalapit sa akin pero tinignan ko siya ng matalim kaya natigilan siya.

"You destroyed me, dad!" Puno ng galit at hinanakit na sumbat ko. "You broke my soul." Pati si Winter ay umiiyak na rin sa tabi ko.

"I'm sorry, anak." Umiiyak na hingi niya ng tawad. "I'm so sorry! Kung alam ko lang na gagawin niya 'to sayo hindi ako papayag sa gusto niya."

"So inamin mo rin na pumayag ka sa gusto ng demonyong iyon!" Sigaw ko.

Ang sakit-sakit ng damdamin ko. Sarili kong ama ibinenta ako sa demonyo?! I can't believe na kaya niyang gawin sa akin iyon. Na kaya niya akong ipahamak.

"Umalis ka na." Nangngangalit ang mga pangang sabi ko. "Umalis ka na!" Sigaw ko.

Ngunit hindi siya umaalis sa kinatatayuan. Kinuha ko ang bottled water sa tabi ko at ibinato sa kanya pero hindi ito natamaan.

"Katherine -"

"Umalis ka na!" Nagwawala na ako. "Simula ngayon wala na akong daddy! Simula ngayon wala ka ng anak!" Saka pinagbabato siya ng kahit na anong mahawakan ko.

"Kate!" Pagpapakalma sa akin ni Winter pero hindi ako tumigil sa pagwawala. Pati unan sa likod ko naibato ko kay daddy. "Please Mr. Seinfeld, umalis ka na po muna."

"I hate you, dad!" Patuloy na sigaw ko. "I hate you so much!"

Kahit ayaw lumabas ni daddy ay napilitan na rin siyang umalis dahil sa nakikitang resistance ko. Saka lang ako tumigil sa pagbabato ng kahit na ano ng sa wakas ay lumabas na siya. Hindi ko napigilang mapahagulgol ng malakas.

"Kate." Niyakap ako ng mahigpit ni Winter na umiiyak na rin.

"I hate him so much." Humahagulgol na sabi ko. "I hate him."

Malakas ang hagulgol na yumakap na rin ako kay Winter. Ang bigat-bigat ng dibdib ko na tila ba may nakadagan dito. Sobra-sobra 'yong sakit na nararamdaman ko, hindi lang sa nangyari sa akin kundi sa ginawa ng daddy ko. Hindi ko siya mapapatawad... hindi ko kayang patawarin siya sa ginawa niya. Hindi ko ito makakalimutan. Hinding-hindi!

Ang tagal namin sa ganoong ayos. Hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak habang yakap-yakap niya ako. Manaka-naka niya akong pinapatahan at hinahalikan sa ulo. Nang mahimasmasan ako at pakiramdam ko ay ubos na ang luha sa mga mata ko ay tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama.

"Please, Winter. Ayoko muna ng bisita." Sabi ko ng nakahiga na ako.

Hinalikan niya ako sa sentido. "Baka dadalaw mamaya sina tita -"

"Please, Win." Pakiusap ko.

Malungkot siyang napatango saka napabuntong-hininga. Iniwan muna niya ako sandali para linisin ang kalat ko. Nakatulala lang ako habang nakahiga sa kama. Iniisip ko pa rin ang ginawa sa akin ng daddy ko.

Bandang hapon nga ng dumalaw ang mga tita niya pero mabilis din niya itong pinalabas ng nagkunwari akong natutulog. Hangga't maaari ay ayoko muna ng ibang tao. Mas lalo akong nai-stress.

Hindi ko alam kung anong oras na ng magising ako. Siguro ay gabi na. Iyon ang pagkakataon na may kumatok sa pinto. Agad na binuksan iyon ni Winter at lumabas ng kuwarto. Hindi nagtagal ay muli itong bumalik at lumapit sa akin ng mapansing gising na ako.

"May mga gustong makipag-usap sayo." Sabi niya.

"Di ba ang sabi ko ayoko muna ng bisita?" Pilit akong huminahon.

"Importante daw ang sasabihin nila sayo." Saad niya.

"Sino ba ang mga 'yon?" Kunot-noo kong tanong ng pinindot ko ang recline ng kinahihigaan ko.

"Vanessa, Theodore -" Saka nag-isip. "And Azalea I think?"

Natigilan ako habang sinusubukang makaupo ng maayos. "Send them in." Agad kong sabi.

May pagtataka man ay sinunod pa rin ni Winter ang sinabi ko. Pinapasok niya ang tatlong bisita. Napatingin sila ng makahulugan sa akin. May dala pa kunwari ang mga ito na bulaklak at balloons na may nakasulat na 'Get well soon!'.

"Hon, pwede bang iwan mo muna kami?" Pakiusap ko ng makalapit siya ulit sa tabi ko.

Napatingin siya sa akin. "Are you sure?" Tanong niya.

May tipid na ngiting tumango ako sa kanya. "Yes, hon."

Mataman muna niya akong tinitigan saka tinapunan ng tingin ang tatlong babaeng nasa harapan ng kinahihigaan ko.

"Okay." Hinalikan niya ako sa sentido. "Nasa labas lang ako if you need anything."

Tumango ako bilang tugon na may kasamang tipid na ngiti. Hinintay ko muna siyang makalabas ng tuluyan bago ko hinarap ang tatlo kong bisita.

"So..." Seryosong bigkas ko. "I hope you have some good news to say to me." Saka sila isa-isang tinignan.

Napangisi lang sila habang ang isa naman ay napaikot lang ang mata.



-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
792 94 13
Ang kwentong ito ay sumasalamin sa mga issue na karaniwang nagaganap sa buhay mga empleyado na nasa mundo ng BPO. Kabilang na rito ang realidad na m...
1.6M 42.9K 34
Blaire Arevalo, the heiress of one of the multi-billionaire businessman in the country. A seductive heiress, to be exact. She is rich, smart, allurin...
47.7K 2K 59
"Would you give up your dream for the one you love or would you give up the one you love for your dream? What if it's me she has to give up? Tell me...