Until I Get Over You

By Ulyca25

14.3K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... More

Until I get Over You
***
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56
Chapter - 57
Chapter - 58

Prologue

617 65 66
By Ulyca25

“Mama!”

Sobrang bigat sa dibdib ko ang mga hikbi at hagulgol ng mga kapatid habang inihahatid namin si Mama sa huling hantungan nito. Magkasama na sila ni Daddy ngayon sa langit. Hindi na nito ginustong lumaban sa sakit niya at isang buwan lang ay bumitaw na rin agad ito.

Naiwan kaming tatlong magkakapatid sa hacienda. Si Camille ang panganay namin, matanda sa akin ng tatlong taon. Sinundan ko ito at ang bunso naman ay si Freya na labing dalawang taong gulang pa lamang ngayon. Sa aming tatlo ay ito ang pinakanahirapan sa pagpanaw ng aming ina. Ibinilin silang dalawa sa akin ni Mama bago ito mamatay. Ako ang lalaki kaya sa akin tiyak na mapupunta ang responsibilidad sa hacienda at sa mga kapatid ko.

Hanggang mawala ang mga taong nakipaglibing ay naroon pa rin kaming tatlo sa tapat ng puntod ng aming ina. Iyak pa rin nang iyak sina Camille at Freya. Ako naman ay seryoso lang ang mukha habang nakatitig sa mga ito. Naalala kong hindi pa pala ako umiiyak. Ewan ko ba pero sa sobrang bigat ng dibdib ko ay umurong na yata pati ang aking luha.

At Twenty years old ay naipon agad sa akin ang lahat ng responsibilidad. Ang tanong ko ngayon sa sarili ay kaya ko ba? Sabagay, may choice ba ako? Hindi ko maaring pabayaan ang mga kapatid lalong-lalo na si Freya. Ganoon din ang hacienda dahil pinaghirapan itong paunlarin ni Mama. Dito niya kami binuhay mula nang mawala si Daddy. Napamahal na rin sa akin ang mga tao rito kaya hindi ko maaatim na pabayaan ang hacienda.

“Lucas!” boses ng isang lalaki na tumapik sa aking balikat.

Paglingon ko ay nakita ko si Tito Paolo. Kaibigan ito ng aming ama. Kasama niya si Tita Yuna at ang bunso nilang anak na hindi ko tanda ang pangalan.

“Nakikiramay kami, Lucas,” umiiyak na wika ni Tita Yuna. Tumango lang ako at ibinalik na rin sa puntod ni Mama ang tingin.

Kilala ko ang pamilya Villanueva dahil nga kaibigan itong matalik ni Daddy. Pero mula nang manirahan kami sa Bicol ay madalang ko na silang mapagkita, mapwera na lang tuwing may importanteng okasyon na imbitado si Mama. Minsan kasi ay sumasama ako. Pero mas madalas akong magkulong sa hacienda. Bata pa lang ay tinuruan na ako ni Mama na pamahalaan iyon maging ang farm na siyang pinakasentro ng aming kabuhayan. Kaya nga Argriculture ang kinuha kong kurso upang mas mapangalagaan ito.

Kasama na namin ang mag-anak ni Tito Paolo pauwi sa hacienda. Mayroon din silang lupain katabi ng amin pero iba ang namamahala niyon dahil sa Maynila nakatira ang mga ito. Mayaman ang mga Villanueva at isa si Tito Paolo sa pinakasikat na arkitekto sa buong Asia. Maging sa ilang karatig na kontinente ay kilala rin ito. Alam ko iyon dahil lagi kong binabasa ang mga news tungkol dito at sa Villanueva Builders company.

Pagkarating sa bahay ay abala sina Aling Perla sa pag-aasikaso ng mga nakipaglibing. Gusto ko mang magpahinga na ay hindi maari dahil walang haharap sa mga ito. Si Camille ay nagkulong sa silid niya, si Freya naman ay patuloy pa ring umiiyak sa isang tabi. Nilapitan ko ito at inalo pero lalo lang lumakas ang hikbi nito.

Sina Tito Paolo ang huling umalis sa mga bisita. Nagpaalam ito sa akin at sinabi na babalik sila bukas. Alam ko na may mahalaga itong sasabihin. Kung wala ay bakit naman ito magtatagal sa Bicol gayong napakarami nitong inaasikaso sa Maynila? Para akong wala sa sarili sa nakalipas na mga oras.

Pagkaalis ng mga tao ay sobrang tahimik ng hacienda. Si Freya ay nakatulog na sa sofa habang umiiyak. Binuhat ko ito at ipinasok sa kanyang kwarto. Saka ako nagtungo sa aking silid upang mag-shower. Pagod at puyat nararamdaman ko ng mga sandaling iyon pero hindi ko magawang makatulog. Ang dami kong iniisip at isa na roon ay ang mga naiwang responsibilidad sa balikat ko.

Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame habang nakaunan ang ulo sa isang braso. Saka lang nag-sink in sa utak ko ang katotohanang wala na nga si Mama. Gusto kong iiyak ang lahat. Iyong takot, lungkot at pangungulila na nararamdaman ko.

Ilang sandali akong natulala hanggang mag-ring ang telepono sa side table ko. Sinagot ko iyon at narinig ko ang malungkot na tinig ni Trisha. Long distance call from Canada.

“Lucas...I’m sorry kung hindi kami nakauwi nina Mommy. Nag-a-undergo na kasi siya ng medication. Nakikiramay ako. Sobrang sakit na malamang wala na si Tita Lorie!” anito. Halatang umiiyak ang dalagita.

“Salamat, Trisha,” mahina kong tugon sa kaibigan. How I wish na narito siya para damayan ako.

Si Trisha Villanueva ay anak ng pamangkin ni Tito Paolo. Sa Canada nakatira ang pamilya nito ngunit matalik na magkaibigan ang mommy niya saka si Mama. Tuwing nagbabakasyon ako sa ibang bansa ay madalas akong dumalaw sa kanila. Malapit sa akin si Trisha na para ko na ring kapatid. Sa kabila ng distansya ay napanatili namin ang pagiging magkaibigan.

“Lucas, pwede kang umiyak. Alam kong iniisip mo na ikaw na lang ang inaasahan nina Freya, at kailangan mong maging malakas sa harap nila. Pero wala namang masama kung iiiyak mo ang lahat. Narito lang ako para sa iyo, tandaan mo iyan!”

Mariin kong ipinikit ang mga mata dahil sa sinabi ng dalaga. Ilang sandali ay umiiyak na ako habang kausap ito. Sinabi ko sa kanya ang mga takot ko. Bukod sa bestfriend kong si Daniel ay kay Trisha ko lang nasasabi ang lahat. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko nang maiiyak ko ang lahat.

Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba ako ng bahay. Diretso ako sa kwadra at kinuha ang kabayo kong si Spike. Sumakay ako roon at tinungo ang manggahan. Doon ako matutulog ngayong gabi, sa treehouse. Mas nakakahinga ako kung wala sa bahay. Puno kasi iyon ng alaala ni Mama.

Sa buong magdamag ay nakatitig lang ako sa madilim na kalangitan. Iiiyak ko ngayong gabi ang lahat ng sakit. At pagkatapos niyon ay hindi na ulit ako luluha. Sisiguraduhin ko na magiging matatag ako para kina Camille at Freya. Hindi ko sila pababayaan tulad ng bilin sa akin ni Mama.

Ma, paalam. I-hi mo na lang ako kay Daddy. Maging masaya kayo diyan at huwag mo kaming aalalahanin dahil magiging okay kami.

HINDI ko alam kung gaano ako katagal umiyak nang gabing iyon. Nakatulugan ko na ang pagtangis at nang magising ako ay umaga na.

“Pst! Pst!”

Kumunot ang noo ko nang makarinig ng munting tinig na nagmumula sa ibaba ng puno. Bumangon ako at patamad na sumilip sa bintana ng treehouse. Sumalubong sa akin ang haring araw kaya bahagya kong naitakip ang isang braso sa mga matang nasilaw. Mayamaya ay saka ako tumungo para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin.

“Hi!”

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa bunsong anak ni Tito Paolo. May dala itong manika habang nakatingala sa akin. Nakapuyod ang mahaba nitong buhok na kulot at may pulang laso roon. Pareho sila ng buhok ni Freya pero may pagkakulay brown ang sa bata.

Ano ngang pangalan nito?

“Paano ka nakapunta rito? Sinong kasama mo?” tanong ko sa paslit. Totoo namang paslit pa ito dahil mas matanda pa si Freya rito. Siguro’y nasa 9 or 10 ang edad nito. May mabibilog itong mata na sobrang haba ng pilik na tulad ng hawak niyang manika. Manipis ang labi at sobrang puti ng balat. Pati talampakan nito ay mamula-mula. Ang liit pa ng biyas.

“Wala akong kasama. Naglalaro kami ni Marikit tapos nakarating kami rito.”

Teka, Sinong Marikit?

“And who’s Marikit?” tanong ko. Sanay akong kumausap ng bata dahil sa kapatid kong si Freya pero parang iba ang kakulitan ng anak ni Tito Paolo. Ini-angat nito ang dala niyang manika na parang pinapakita sa akin.

“Siya si Marikit. My favorite doll. Naiyak siya at nawiwi. Ako ang mommy niya. Tapos may anak siya pero hindi namin isinama kasi baby pa iyon.”

Ah, okay. So naglalaro pa pala ito? Grabe! Bata pa naman talaga itong tingnan pero to the point na nagmamanika pa ito ay masyado na yatang kakaiba. Limang taon pa lang si Freya ay sawa na agad ito sa mga larong pambata. Unlike this kid na sa tingin ko ay dapat nang kumilos ng parang isang dalagita. Mukhang na-spoild masyado ng parents niya.

“Ano ngang pangalan mo?” naalala kong itanong dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag dito.

“Ako po si Yana Pauline Villanueva!” Nag-bow pa ito na parang nasa isang princess pageant.

“Okay, Pauline. Alam mo bang napakalayo na nito sa Villa? Baka hinahanap kana ng daddy’t mommy mo?” sabi ko rito.

“Gusto raw umakyat diyan ni Marikit!” sa halip ay saad nito sa akin.

Tumaas ang isa kong kilay sa narinig. Pinagmasdan ko ang paslit. Nakangiwi na ito sa pagkakatingala na animo’y nangangawit na ang leeg. Napuna ko rin na panay ang kamot nito sa braso.

“Bawal kayo rito. Baka mahulog ka pa!” iling ko kay Pauline. Paano ko kaya ito mapapauwi? Gusto ko pa sanang matulog dahil inaantok pa ako. Kaya lang ay natatakot naman ako na baka maligaw ang bata pagbalik sa bahay.

“Please, Kuya Lucas? Akyat kami! Please?”

Nagpa-cute pa talaga ito na parang nagpapa-awa sa akin. Hindi na bagay sa edad niya ang ganoong attitude. Parang spoild na paslit. Pero ang nakapagtataka ay kung bakit natutuwa ako sa hitsura nito. Parang gusto kong paiyakin ang bata dahil tiyak na mas mamumula ang pisngi nito kapag umiyak.

“Bawal ka nga rito. May mumu rito!” pagsisinungaling ko pa. Gusto ko tuloy matawa nang makita ang panlalaki ng mga mata nito. Natakot na nga ang bunso ni Tito Paolo.

“Bakit nandyan ka? Bakit hindi ka kinakain ng mumu?”

“Kasi friend kami ng mumu.”

“Sinungaling! May palo ka sa daddy ko dahil nagsisinungaling ka!” biglang pagtataray nito.

“What?” Sa halip na mainis sa sinabi ni Pauline ay natawa pa talaga ako. Hindi ko alam na dahil sa pakikipag-usap ko rito ay nakalimutan ko ang pinagdaraanang kalungkutan.

Sa huli ay tinulungan ko siyang makaakyat sa tree house. Manghang-mangha ang bata pagtapak doon. Ingat na ingat din ito sa paglakad dahil baka raw siya mahulog. May dalawa pala itong biloy sa magkabilang pisngi. Noon lang ako nakakita ng taong may dimples na ganoon ka-cute.

“Pwede pa lang ilagay sa puno ang dollhouse. Nakakita na ako nito, eh. Pero baby pa ako noon kaya hindi ko na tanda,” wika ni Pauline habang nakaupo kami sa may terrace.

“Hindi ito dollhouse. Treehouse ito. Ginawa ko ito para sa alaala ng daddy ko,” paliwanag ko sa kausap.

“Ah...” tumango-tango pa ito na parang matandang nakakaintindi. “Sabi ni Daddy nasa heaven na rin daw ang daddy mo. Ibig sabihin kasama na niya ang mama mo. Iyak tuloy nang iyak si Freya. Wawa naman siya.”

Natigilan ako sa sinabi ni Pauline. Bumalik ang bigat ng aking dibdib pero agad din akong ngumiti rito.

“Oo, Pauline. Magkasama na sila sa heaven.”

“Iyong kuya ko umalis din, e. Pero mukhang wala pa naman siya sa heaven kasi nakakatawag pa siya sa akin sa phone. Eh sabi ni Mommy wala naman daw phone calls sa heaven,” inosenteng anito. Nakakatawa ang sinabi niya pero bakit parang naiiyak ako?

“S-saan ba nagpunta ang kuya mo?” tanong ko na pinipigilang maluha. Ang sakit kasi talagang maulila nang lubusan.

“Sa airplane. Nagpunta siya sa malayo. Broken family na kami. Umiyak din ako noon tapos namaga ang lalamunan ko. Hindi na ako pwedeng kumain ng ice cream kaya itinigil ko na ang pag-iyak para pwede na ulit akong mag-ice cream.”

Putcha! Iyong paiyak kana pero dahil sa madaldal na batang ito ay napigil ang luha ko. Ang dami nitong baon. Halatang may katabilan ang dila. Pero bakit kaya hindi ako nabo-boring makipag-usap dito?

Nagpatuloy pa sa pagkwekwento si Pauline at ako naman ay matyagang nakinig kahit hindi ako maka-relate sa sinasabi nito. Kung saan-saan kasi nito inililiko ang kwento kaya ang hirap sundan. Mayamaya ay kumanta pa ito para daw makatulog ang manika niya.

Makalipas ng isang oras ay ipinasya kong ihatid na sa bahay ang bata. Tiyak kasi na hinahanap na ito ng daddy at mommy niya. At tama nga ako ng hinala. Pagdating namin ay nag-aalala na ang magulang niya.

“Pauline, sabi ko sayo’y dito ka lang maglaro, ‘di ba? Ang tigas ng ulo mong bata ka!” sermon dito ni Tita Yuna. Pero kay Tito lumapit ang bata at ipinakita ang namumula niyang braso. Bakit ba kasi namumula iyon?

“Daddy, ang kati-kati! Look, oh?” hikbi pa nito.

Napailing na lang ako sa kaartihan ni Pauline. Kinalong ito ni Tito Paolo bago ako inaya para kausapin sa loob. Tumango ako at sumunod sa lalaki. Nakita ko si Freya sa may balkonahe na nakatitig sa mag-ama. Bakas ang inggit sa mata ng aking kapatid kaya napabuntong hininga ako dahil doon. Baby pa ito nang mamatay si daddy kaya madalas siyang maghanap ng kalinga ng isang ama. Batid namin iyon nina Mama kahit hindi ito magsalita.

“Alam kong masakit ang maulila, Lucas. Nagluluksa pa kayo ngayon kaya hindi ko pa dapat ito sabihin. Pero baka kasi matagalan pa bago ako makabalik dito kaya kailangan na kitang kausapin,” wika ni Tito Paolo nang magkaharap na kaming nakaupo sa living room. Nasa isang sulok si Tita Yuna at nilalagyan ng ointment ang pantal sa balat ni Pauline.

“Tungkol ba ito sa pera na iniwan sa amin ni Daddy noon?” tanong ko sa lalaki.

Tumango ito. Batid ko naman ang tungkol doon. Sinabi na iyon ni Mama sa akin. Bilang nag-iisang lalaki ay sa akin ipinangalan ang parte ni Daddy sa Villanueva Builders Company. Kahati ko roon ang dalawang kapatid subalit walang pakialam doon si Camille. Si Freya naman ay bata pa at wala pa sa tamang edad para humawak ng malaking pera.

“Kung ako ang tatanungin ay mas may future ka sa VBC kaysa rito sa hacienda.”

“Wala po akong balak iwan ang hacienda, Tito,” magalang kong saad.

“Lucas, mahina ang kita ng farm ninyo. Halos sapat lang sa pagpapasweldo sa mga tauhan. Hindi ko sinasabing wala na itong pag-asa pero sayang kasi ang talino mo kung dito mo lang gagamitin.”

“Hindi ko hahayaang mawala ang haciendang ito. Mahalaga ito sa aming magkakapatid.”

“Alam ko. Pero mahalaga rin ang VBC sa daddy mo. Alam kong gusto niyang naroon ka. Bata ka pa lang ay sinabi na niya sa akin na kung may papalit man sa kanya ay ikaw iyon. Isipin mo ang share ninyong magkakapatid. Mahalagang personal mo iyong mapangasiwaan,” paliwanag pa ni Tito.

“Nandoon naman kayo. May tiwala sa inyo si Mama kaya ganoon na rin ako—”

“Paano kung bigla akong mawala?”

Napatingin ako sa lalaki. Seryosong-seryoso ang tinig nito.

“Look, Lucas, hindi kita bibiglain. I’ll give you time to decide. Ayusin mo muna ang haciendang ito at pagkatapos ay saka ka pumunta sa akin. May nakalaang position sa iyo sa VBC. Tulad ng anak ko ay may parte ka rin doon. Pag-isipan mong mabuti.”

Wala akong nagawa kun’di tumango. Pero sa isip ko ay wala talaga akong balak iwan ang lugar na ito. Walang dahilan para gawin iyon.

“Daddy, babalik na ba tayo sa real house natin?” mayamaya ay lapit ni Pauline sa ama niya. Napatitig ako sa balat nitong lalong namula.

“Isang tulog pa, Sweetheart, bago tayo uuwi,” sagot naman ni Tito.

Bigla na lang nagpapadyak ang bata sa narinig. “Bakit? Ayoko na rito! Ang ingay ng bituin ‘pag gabi tapos maraming palaka, sabi kokak! Kokak! Baka kunin ako, Daddy!” ngawa nito.

Pero anong sinasabi nito na maingay ang bituin? Ang alam ko ay mga kuliglig ang naingay tuwing gabi.

“Pauline, hindi nangunguha ng bata ang mga palaka.”

“Sabi ni Freya nangunguha raw iyon, eh. Uwi na tayo sa bahay natin!”

Lumapit naman si Tita Yuna ay inalo ang umiiyak na anak. “Paolo, sabi ko sa iyo huwag na nating isama ang batang ito, e. Ultimong tutubi’y kalaban!”

Pinigilan ko ang mapangiti sa narinig. Pagkuwa’y tumingin sa umiiyak na si Pauline.

“Ayaw ko rito! Hindi na ako babalik dito!” sabi niya na kung bakit ay tumatak sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 3.7K 35
[COMPLETED] Fiarra Charlotta Shryte, a 20 year old woman and Lurd Demhon Verotome Scendon, a 23 year old man... Magmamahalan at masasaktan. Paghihiw...
175K 3.9K 31
Isa daw sa pinakamasayang mangyayari sa buhay ng isang babae ay kapag nagbunga na ang pagmamahalan nila ng kaniyang asawa. Ngunit bakit ito ang nagin...
234K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...