Countless Nights with Mayor |...

By mindfreaklessly

588K 12.1K 2.8K

R-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023 More

Countless Nights with Mayor
Prologue
CNWM: 01
CNWM: 02
CNWM: 03
CNWM: 04
CNWM: 05
CNWM: 06
CNWM: 07 (R-18)
CNWM: 08
CNWM: 09
CNWM: 10
CNWM: 11
CNWM: 12
CNWM: 14
CNWM: 15
CNWM: 16
CNWM: 17 (R-18)
CNWM: 18
CNWM: 19
CNWM: 20
CNWM: 21
CNWM: 22
CNWM: 23
CNWM: 24
CNWM: 25
CNWM: 26
CNWM: 27
CNWM: 28
CNWM: 29 (R-18)
CNWM: 30
CNWM: 31
CNWM: 32 (R-18)
CNWM: 33
CNWM: 34 (R-18)
CNWM: 35
CNWM: 36
CNWM: 37
CNWM: 38
CNWM: 39
CNWM: 40
Epilogue (1/2)
Epilogue (2/2)
Acknowledgement

CNWM: 13

11.2K 274 48
By mindfreaklessly

"Huh?" Athena asked with a frown.


"Kidding. What you have to do is make her understand, just don't give up until she finally understands. Results happen over time, not overnight. And the only way to see results is if you stay consistent," advice ni Joaquin kay Athena.



Sunod-sunod namang tumango si Athena habang inuunawa niya ng maayos ang sinabi ni Joaquin.



"Thank you." Nang maintindihan na niya ng mabuti ang sinabi ni Joaquin ay nagpasalamat na lang siya rito dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.



Following that, Joaquin received an urgent call, and when he finished speaking on the phone, he said goodbye to Athena..



"I have an emergency. I need to go now. Don't forget what I had told you, okay?"



"I will. Thank you ulit ha? Saka sorry pala kasi nabasa ko pa ng luha iyang damit mo," nahihiyang tugon ni Athena.




"Damit lang 'to. Huwag mo na isipin 'yon. Have some rest, Athena. I gotta go."



When Athena completely lost sight of that man, she decided to enter the condo. Athena just sighed when she was in front of the door before going inside.



"Aalis ka na?" tanong nito ng makita niya si Clarice sa harap ng salamin habang nag-s-spray ito ng panango.



"Yes," maikling tugon nito na hinarap si Athena. Nga pala. Huwag mo muna kausapin si Faye. Magpalamig muna kayo ng ulo pareho. Dahil baka mauwi pa sa sakitan kung mag-aaway na naman kayo," dagdag na habilin nito.



Wala naman talagang plano na makipag-away si Athena kay Faye lalo pa't kahit hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito kanina ay gusto niyang makipag-ayos na sa kapatid.



Gano'n niya kamahal si Faye ni hindi niya kayang tiisin ito na may samaan sila ng lloob.



"Huwag ka mag-alala, wala akong plano na makipag-away pa kay Faye. Sige na, umalis ka na."



"Wow ha? Atat na atat lang? Eto na po paalis na." Clarice philosophizing joked that she also followed Athena.



Pagkaalis na pagkaalis ni Clarice ay maingat na isinara na ni Athena ang pinto at mga bintana. Tinitiyak lang niya ang kanilang seguridad lalo pa't maraming masasamang kawatan sa paligid na maaaring magtangka sa kanilang buhay kung hindi mag-d-doble ingat. Oras pa naman ng pagtulog kung saan mabilis lang makapangbiktima ang mga kawatan lalo pa kung tulog na ang bibiktimahin.



Nang mapalagay na si Athena para sa kanilang kaligtasan ay napagpasyahan na niyang pumasok sa kuwarto. Dahan-dahan niya itong binuksan na nagbabaka-sakaling hindi siya maririnig ni Faye.



Naabutan niya ang kapatid na nakaupo sa kama. Athena was just about to speak when Faye noticed her, she immediately lay down and quickly covered herself with the blanket while facing the wall, so Athena couldn't continue what she wanted to say.



Maingat na lang siyang naupo sa dulong bahagi ng kama habang nakatitig sa kapatid niya na nakatalikod. Hindi malaman ni Athena kung paano niya sisimulan na kausapin ang kapatid.



"Uhm . . . Paano na pala ang sino-shoot niyong pelikula?" wala siyang maisip na maaaring sabihin sa kapatid kaya 'yon na lang ang natanong niya.



Matapos niyang magtanong ay hinintay niya ang magiging tugon nito ngunit wala siya nakuhang sagot dito kahit maiksing salita man lang.



Napabuntong-hininga na lang si Athena at 'di kalaunan ay napagiwi. She doesn't know how to deal with it. In fact, this was the first time they had fought so badly that she was not used to negotiating.



Nag-isip ulit siya ng maaari niyang itanong o sabihin dito.



"Ano pala ang sabi sa 'yo ng mga guro mo no'ng 'di ka nakasama sa field trip?" muli niyang pagtatanong.



Kagaya kanina ay wala rin siyang nakuha na sagot mula kay Faye. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi pa ito pumapasok sa klase simula no'ng namatay ang kanilang nanay.



Napailing na lang si Athena. Hirap na hirap siyang kausapin ang kapatid niya, napahilamos na lang siya nang mukha niya because of frustration.



A few minutes passed without Athena saying anything, silence filled their room.



A few moments later, Athena heard Faye start snoring. Athena immediately frowned because. . . "Hindi ka humihilik kapag natutulog, Faye. Alam kong gising ka pa." Pagkasabi no'n ni Athena ay tinigil din ni Faye ang kuwareng paghilk nito.



"Alam mo ba? Nagawa ni Raoul na pagbuhatan ng kamay ang inay. Makailang-ulit niya itong sinasaktan at binubugbog. Mas malala pa no'ng pinukpok niya ito sa ulo gamit ang bote ng alak, inuntog niya ang ulo sa pader at iginapos niya rin ito no'ng mawalan ng malay." 



Faye quickly faced her sisterr. She sat on the bed, exclaiming. "He did that?!" her eyes widened in shock.



Si Raoul ang tatay nilang tinutukoy ni Athena.



Magkakasunod na tumango si Athena, nanatili namang nakaawang ang bibig ni Faye habang naghihintay ng sagot.



"Kaya gano'n na lang ang galit ko sa kaniya. Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng mga ginawa niya sa inay. Bagong panganak pa nga lang ang inay sa 'yo ay sinasaktan na siya," paliwanag naman ni Athena.



"Ikaw ate, anong ginawa mo?!"



Umiling-iling naman si Athena. "Wala. Wala akong ginawa. Sa tuwing sinasaktan niya ang inay ay pinapatago ako ni inay sa kuwarto para hindi rin ako saktan."



"E, hindi ka ba niya sinaktan?" Faye added curiously. She seemed to forget in these moments her anger and sullenness towards her sister.



"Sinasaktan din," tipid na sagot ni Athena habang inaalala niya ang mga nangyari sa nakaraan. Bagaman matagal na ito ay nasasaktan pa rin siya at lalong nanunumbalik ang matinding galit niya sa ama sa tuwing maaalala niya.



"Ano'ng ginawa niya sa 'yo?!" hindi ni Faye nakakayanan ang mga nalalaman niya. Dahil doon ay bumaba siya sa kama, naglakad siya patungo sa harapan ni Athena at doon nanatiling nakatayo. Hindi ito makapaghintay sa sagot ng kaniyang kapatid.



"Isang gabi no'ng wala si inay, hindi ako nito pinapasok sa bahay. Kakauwi ko lang no'n galing sa school dahil sa practice na inabot ng dilim."



"Anong ginawa mo?"



"Sa labas ako ng bahay natulog. Tiniis ko ang sobrang lamig at mga lamok," malungkot na tugon nito. "Hindi lang 'yon, dati rin ay nagawa niyang ibitay ako nang patiwarik sa puno ng mangga habang nasa loob ako ng sako."



"Talaga, Ate?!" Faye shouted because she was still in shock. Athena just answered this by nodding.



Mapupuna sa mata ni Faye ang matinding awa dahil sa sinapit ng kaniyang kapatid.



Natulos si Athena sa kinauupuan nito matapos siyang yakapin ni Faye ng biglaan. Pagkakuwa'y napalitan ng matatamis na ngiti ang pagkabigla nito.



Niyakap niya nang mahigpit pabalik si Faye. Nakapikit ang mga mata nito habang sinusulit ang pagkakataon na yakapin siya ng kaniyang kapatid.



Nang kumawala na si Faye sa pagkakayakap niya sa kaniyang kapatid ay muli nitong hinarap si Athena.  "Bakit ngayon mo lang ito nabanggit sa akin, Ate? Kahit si inay hindi ito sa akin nasabi."



"Kasi hindi ko alam na babalik pa ang lalaki na 'yon kaya pinilit ko na lang ibaon sa nakaraan ang kasamaan niya sa amin ng inay."



"Kung nalaman ko sana ng mas maaga, hindi na sana tayo umabot sa ganito. Hindi na sana tayo mag-aaway at hindi sana ako nagka-interes sa lalaki na 'yon. Nakakahiya at tinawag ko pa siyang tatay sa kabila ng ginawa niya sa inyo ni inay. Sorry, Ate." The sincerity in Faye's eyes showed the moment she asked for forgiveness from her sister.



"Gusto ko rin humingi ng sorry dahil nasampal kita kanina. Hindi ko lang talaga magustuhan ang sinabi mo pero pinagsisihan kong nagawa ko 'yon sa 'yo," bwelta ni Athena.



"Sus. Okay na 'yon, Ate. Kinararangal kong masampal ng isang Nesca Athena Cunanan," Faye joked, causing them both to laugh.



Athena hugged her sister again after they laughed. "Don't ever think of leaving me again, ah?" Athena asked seriously, full of concern.



"Promise, Ate. Hindi na mauulit 'yon. Hindi na kita ipagpalit sa iba. I won't leave you anymore. I'll stay with you even in the darkest time," pangako ni Faye sa kaniyang Ate.



"Oh sige na. Matulog ka na. 'Di ba papasok ka na ulit bukas?"



"Yes po, Ate. Baka tinambakan na po kasi ako ng gawain," rason na pagsang-ayon ni Faye.



Kinabukasan ay maagang umalis si Faye para pumasok sa paaralan. Naiwan naman si Athena na hinihintay ang pagdating ni Clarice.



"Wow. Ba't parang ang saya natin ngayon, ah?!" bungad ni Clarice na halos mapatalon si Athena mula sa pagkakaupo ng sandaling magsalita si Clarice ng pabigla-bigla.



"Kagulat ka naman! Ang hilig mo talagang sumulpot ng biglaan, 'no?" asik ni Athena sa kaibigan.



"Paanong 'di ka magugulat, e ang lalim na naman ng iniisip mo. Nakatawa ka pa. Siguro si Mayor 'yan 'no? Ano kayo na ba?" sunod-sunod na tanong ni Clarice na puno ng pang-aasar.



"Anong kayo na ba? Ni hindi nga 'yon nanliligaw sa akin tapos magiging kami? Sira ka talaga!" muling reklamo ni Athena na dinidepensahan ang sarili.



"Ay sus, gusto rin na ligawan siya ni Mayor," dagdag na pang-aasaral nito. "Nga pala, paano kayo naging magkalapit no'n? Parang biglaan naman yata, pumunta pa talaga rito no'ng nakaburol si Tita Matilda."



Athena suddenly remembered that she had not mentioned to Clarice that Mayor Joaquin was her first client.



"'Yon? Hindi ko rin alam, e. Bigla-bigla na nga lang 'yon pumunta rito."



"Baka naman may gusto 'yon sa 'yo? Grabe naman talaga ang level ng ganda mo. Pati Mayor nahuhumaling," natutuwang tugon ni Clarice sa kaibigan.



Sinamaan naman ng tingin ni Athena ang kaibigan dahil sa mga sinabi nito. "Oh, ano ngang dahilan ba't parang ang saya-saya mo ngayon?" pagbalik ni Clarice sa usapan.



"Nagkaayos na kasi kami ni Faye. Nangako na rin siyang hindi na siya sasama sa walang kwenta naming tatay," she explained with a look of great joy on her face.



"E 'di mabuti! Ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo para maging okay kayo agad?" Clarice asked as she walked to the kitchen to get some water to drink.



Pagkabalik ni Clarice ay kwinento naman nu Athena ang buong nangyari.



"Siraulo talaga ang tatay niyo, e. Bumalik-balik pa talaga. Alam mo? Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya. Raoul siraulo!" komento ni Clarice pagkatapos magkwento ni Athena.



Nang matapos na silang mag-usap ay nagdesisyon na si Clarice para matulog. Halatang-halata na kasi ang antok sa mukha nito. Hinayaan naman ito ni Athena habang siya ay naglinis na lang sa condo dahil wala naman siya ibang magawa.



After cleaning, Athena ate lunch together with Clarice. After they ate, Clarice went back to the room to sleep. Meanwhile, Athena just sat on the sofa holding her mother's picture frame.



Halos ilang minuto niya rin itong pinagmamasdan na dahilan para muli siyang mapaiyak. Hindi maikakaila na labis na ang kaniyang pangungulila sa ina.



Until she fell asleep on the sofa without realizing it. She felt asleep zs a result of being exhausted from cleaning.



Naalimpungatan lang si Athena matapos marinig niya na may umiiyak. Dahil doon ay napamulat siya't nakita niya ang kapatid na ito nga ang humihikbi. Mukhang kauuwi lang nito galing sa paaralan.



"Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?"  tarantang tanong ni Athena.



"Hindi ko na po kasi alam kung ano ang uunahin ko sa napakaraming school works dahil hindi nga ako nakasama sa field trip. Binagsakan ako ng napakaraming gawain tapos kakaunti ang oras na ibinigay sa akin para tapusin lahat ng 'yon."

•••
mindfreaklessly

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
6.5K 103 21
Calderon Series #1 Bisaya | Completed Started: August 23, 2020 Ended: August 31, 2020
2.7M 52.3K 45
Oscar and Luna story🖤
3.2M 86.4K 60
Lorenzo Giovanni Dizionario, he enjoyed and loved his enemies games. Malupit kung magalit, wala itong sinasanto kahit na sino. Heronisa Blythe Sakal...