Countless Nights with Mayor |...

By mindfreaklessly

588K 12.1K 2.8K

R-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023 More

Countless Nights with Mayor
Prologue
CNWM: 01
CNWM: 02
CNWM: 03
CNWM: 04
CNWM: 05
CNWM: 06
CNWM: 07 (R-18)
CNWM: 08
CNWM: 09
CNWM: 10
CNWM: 11
CNWM: 13
CNWM: 14
CNWM: 15
CNWM: 16
CNWM: 17 (R-18)
CNWM: 18
CNWM: 19
CNWM: 20
CNWM: 21
CNWM: 22
CNWM: 23
CNWM: 24
CNWM: 25
CNWM: 26
CNWM: 27
CNWM: 28
CNWM: 29 (R-18)
CNWM: 30
CNWM: 31
CNWM: 32 (R-18)
CNWM: 33
CNWM: 34 (R-18)
CNWM: 35
CNWM: 36
CNWM: 37
CNWM: 38
CNWM: 39
CNWM: 40
Epilogue (1/2)
Epilogue (2/2)
Acknowledgement

CNWM: 12

11.1K 313 95
By mindfreaklessly


"Ano na namang ginagawa mo rito? At kung makabintang ka parang alam mo nangyari, ah? Wala ka na ngang silbi, napaka-walang kwenta mo pa!" singhal naman ni Athena. Hinawakan siya ni Clarice para pigilan na magsalita ng kung ano-ano pa lalo't nakikinig si Faye.



"Matuto ho muna kayong magtanong bago kayo magsalita, ano? Suhestiyon ko lamang ho 'yan. Magtanong bago dumada," dagdag ni Clarice. "Ano bang nangyari sa 'yo, Faye?" baling niya naman kay Faye.



"Inalis po ako nila sa grupo dahil wala akong nagawa ng maayos," paliwanag ni Faye. "Nakuha ko itong sugat habang nag-s-shoot kami, wala ako sa focus kakaisip kay inay kaya nadisgrasya ako."



"Bakit mo naman hinayaan na umalis itong kapatid mo, Athena? Alam mo naman na hindi pa niya kaya! Kaya ka namamatayan, e!" bulalas nito kay Athena na puno ng galit. Napahilot na lang si Clarice sa sintido dahil sa inaasta nitong tatay nila Athena.



"Wala pong kasalanan si Ate. Ako po ang may gusto na pumunta," pagtatanggol ni Faye sa kapatid.



"Kahit na, anak.  Mali pa rin ang ginawa niya. Paano na lang kapag napahamak ka? Siya ang nakakatanda daoat alam niya ang ginagawa niya!"



"Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan? Mas nakatatanda ka sa akin pero ginawa mo ba ang tama? Sinasabi mo ba na tama ang pangangaliwa kahit may asawa na?!" kontra ni Athena sa sinabi ng tatay niya. Hindi naman ito nakapagsalita pa't napangiwi na lang.



Nagpipigil naman ng tawa si Clarice matapos ngang hindi makasagot ang tatay ni Athena. Natigil naman siya ng lingunin siya nito ng masama.



"Tara na Faye, isasama na kita." Pag-iiba nito na hinawakan si Faye sa balikat at ginayak palabas ngunit kaagad din naman silang pinigilan ni Athena.



"Bitawan mo nga ang kapatid ko!"  pigil ni Athena na hinila si Faye na kaagad din naman niyang nakuha.



"Ano bang problema mo? Halika na, Faye. Aalis na tayo rito!" hinila naman ulit ng tatay nila si Faye. Napasimangot na lang si Faye dahil nasasaktan na siya.



"Ilang beses ba kailangang ulit-ulitin sa 'yo?! Hindi ko nga ipapaubaya sa 'yo si Faye!" hinila na naman ito ni Athena pabalik sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay mas nasaktan na si Faye.



"Ano ba?! Nasasaktan na ako!" daing ni Faye na parehong nilingon ang tatay niya at si Athena. "Puwede bang tumigil na kayo sa kakaaway? Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa!" mangiyak-ngiyak na dagdag pa nito.



"Umalis ka na!" sigaw ni Athena sa kaniyang ama na sa sobrang galit ay naggitgitan ang mga ngipin nito, maging ang mga mata nito ay nanlaki sa sobrang pagkainis.



"Ate? Gusto kong sumama kay tatay! Puwede bang hayaan mo na ako?"



"Narinig mo ba ang kapatid mo, Athena? Gusto niyang sumama sa akin."



Napabuntong-hininga si Athena sapagkat hindi niya kinakayanan ang nangyayari lalo pa ang narinig niya mula sa kaniyang kapatid.



"Naririnig mo ba ang sarili mo, Faye? Gusto mo sumama sa lalaking 'yan na simula pagkabata pa lang ay iniwan na tayo?! Isipin mo nga ang nanay natin! Tingin mo ba matutuwa 'yon sa 'yo sa pinagsasabi mo?!" hindi na napigilan ni Athena ang sariling magalit at sigawan ang kapatid na siyang ikinagulat ni Faye. Ngayon lang ito nangyari.



"Huwag mo'ng pakinggan 'yan, anak. Tara na." Pangungulit ng tatay nila pero hindi na nagawang intindihin pa 'yon ni Faye. Nanatili siyang nakatulala kay Athena na bakas pa rin ang takot at gulat sa mukha nito.



"Umalis na lang ho kayo. Baka nakakalimutan niyong nasa bahay ko kayo. Puwede ko kayong ireklamo ng trespassing, sinabihan ko na rin si Mayor at maya-maya lang ay dadamputin na kayo ng mga tanod dito. Kaya kung ako sa inyo ay umalis na lang kayo!" sumabat na rin si Clarice sa kaguluhan.



"Faye, sumama ka na sa akin. Dali na!" dagdag pa ng tatay niyang alok kay Faye imbes intindihin ang sinabi ni Clarice.



Wala naman ito nakuhang sagot mula kay Faye na ngayon ay nakatulala lang sa kapatid habang tumutulo ang mga luha.



"Kapag hindi kayo umalis ay mapipilitan akong kaladkarin ka palabas. Ayaw na sumama ni Faye kaya makakaalis ka na!" sumisigaw pa rin na pagpigil ni Athena.



"Faye? Anak?" muling pagpilit nito. Tinignan siya ni Faye na kaagad umiling ng sunod-sunod.  Napasinghap na lang ang tatay niya't, "babalikan kita rito, okay? Kukunin kita."



Muling bigong naglakad palabas ang tatay nila Faye. Walang nagsalita sa kanila matapos 'yon hanggang sa tuluyan na itong makaalis matapos nilang marinig ang sasakyan nitong papalayo na.



"Huwag mo na uulitin 'yon. Naiintindihan mo ba, Faye?" entrada ni Athena rito na pasigaw pa rin ang tono niya.



"Bakit ba ayaw na ayaw mong sumama ako kay tatay, Ate? Gusto ko lang naman siya makasama!" bwelta ni Faye. Maging ito ay sumisigaw na rin.



"Hindi na natin 'yon tatay! Tapos ang usapan!"



"Our mom died before I could make her proud, Ate. And that's kill me every day!" humihikbing katwiran ni Faye. "Hayaan mo naman akong kahit kay tatay na lang iparandam 'yon, Ate!"



"Ako, Faye? Ako? Andito naman ako! Hindi mo ba ramdam kung gaano ako ka-proud sa 'yo?! Ate mo ako, Faye! Ako nagpaaral sa 'yo, hindi 'yong walang kwentang tatay natin na 'yon! Hindi ako nagpagod at nagpakahirap pag-aralin ka para sumama ka lang sa isang 'yon! Naiintindihan mo ba?"



"Bakit mo sa akin sinusumbat ang mga 'yan na parang kasalanan ko pang pinag-aral mo ako? Hindi kita pinilit na gawin 'yon! Kung isusumbat mo lang pala sa akin, sana hindi mo na ako pinag-aral!"



Umawang lang ang bibig ni Athena matapos sabihin 'yon ni Faye. Napasabunot na lang siya sa sariling buhok dahil hindi na niya mapigilan ang sariling mainis at magalit ng sobra.



"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Faye! Matalino ka 'di ba? Nasaan ang talino mo't hindi ka makaintindi?! Masama ang tatay natin na 'yon! Wala 'yong kwenta! Wala! Wala! Gets mo ba? Wala!" sa pagkakataong 'to ay inalalayan na ni Clarice si Athena. Pareho na silang umiiyak ni Faye habang magsasagutan.



"Faye. Tumigil ka na. Huwag kang sumagot-sagot ng gan'yan sa Ate mo, alam mong mali 'yan!" saway ni Clarice rito. Tinignan lang siya nito at muling bumaling sa kaniyang kapatid.



"Kaya mo ba nasasabi 'yan kasi naiinggit ka na ako lang ang gustong kunin ni tatay?! Kung gan'yan ka lang naman ay mas pipiliin ko na lang na sumama kay tat—"



Bago pa man matapos ni Faye ang sinasabi niya ay kaagad siyang nakatanggap ng malakas na sampal mula kay Athena. Natigil si Faye dahil do'n na ikinagulat niya ng sobra. Napahawak lang siya sa pisngi niyang nasampal kasabay ang paghikbi niya.



"Sumusobra ka na! Gusto mong umalis? Gusto mong sumama ro'n? Sige na! Umalis ka na! Siguradohin mo lang na huwag na huwag kang babalik dito! Hindi mo.man lang inisip 'yong paghihirap namin ni inay para sa 'yo! Tingin mo ba kung gan'yan ang inaasal mo ay magiging proud sa 'yo ang inay? Hindi, Faye! Hindi!" pagkatapos 'yong sabihin ni Athena ay lumabas siya ng bahay. Padabog nitong sinarado ang pinto na dumagungdong sa loob ang lakas ng ingay na ginawa no'n.



Madilim na ang paligid ng lumabas si Athena. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang habol-habol niya ang paghinga.



Nakahawak lang siya sa kaniyang dibdib dahil sa paninikip nito. Hindi niya akalaing ganito kalala ang mangyayari sa kanila.



Halos manghina siya ng sandaling ito. Naksandal lang siya sa pader habang hinahayaan ang sarili na malunod sa kakaiyak.



"Athena?" napalingon si Athena sa bulto ng nagsalita. Ngunit hindi niya ito makita ng maayos dahil natatakpan ng mga luha ang mata niya.



Mabilis niyang pinunasan ang mga mata niya ngunit bago pa man niya makita ito ay nayakap na siya ni Joaquin. Sa boses pa lang ay alam na ni Athena na ang mayor ito. Lalo pa nang maamoy niya ang scent ng gamit nitong perfume.



Nahihiya man ay mas lalong naiyak si Athena dahil sa yakap na 'yon. Walang kahit anong salita na binitawan ni Joaquin. Hinayaan niya lang na umiyak si Athena habang nakasubsob ang ulo nito sa dibdib niya.



Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa paunti-unting tumahan si Athena na siya na ang kusang kumalas mula sa pagkakayakap.



Marahang hinawakan ni Joaquin ang mukha ni Athena paharap sa kaniya, kinuha niya ang panyo mula sa bulsa niya para ounasan ang mukha ni Athena. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga hibla ng buhok na nagkalat sa mukha nito't nilagay niya sa likod ng magkabilang tainga ni Athena.



"Stop crying na, hmmm?" pagpatahan niya pa rito.



Pilit namang tumango si Athena. Sabay silang naupo ni Joaquin sa bench na nasa labas ng condo.



Nanatili silang tahimik. Malayo ang tingin ni Athena habang si Joaquin ay nakatitig sa kaniya.



"Would it be okay for me to know what really happened?" tanong ni Joaquin sa gitna ng katahimikan. Saglit siyang nilingon ni Athena bago muling tumingin sa malayo.



"Nagkasagutan kami ng kapatid ko," pagsimula nito. "Nakakainis lang kasi gusto niya pang sumama sa walang kwenta naming tatay. Nagawa niya pa akong sagut-sagutin dahil lang sa lalaking 'yon. Alam mo 'yon? Kaya niya akong ipagpalit do'n kahit ako 'yong nagpakahirap para sa kaniya, ako 'yong nag-paaral sa kaniya. Ginawa ko lahat para sa kaniya pero naisip niyang ipagpalit ako sa isang taong dahilan kung ba't nasira ang buhay namin. Kung bakit hindi ko natupad ang mga pangarap ko. Mahirap bang intindihin 'yon? Ayoko lang naman na iwanan niya ako. Siya na lang ang mayroon ako tapos aalis pa siya? Paano naman ako?"



"You have me, Athena."

•••
mindfreaklessly

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 413 42
WARNING: RATED - SPG |R-🔞| Aziel Luke Villareal, a successful engineer, was well-liked by everyone in his office. He was a hard-worker and knew how...
518K 18.1K 26
Sequel of Babysitting the CEO's Son. © All rights reserved, 2019
61.2K 1.5K 100
RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Tres - CANCER Title: Cerlance Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 Synopsis: Cerlance Zodiac is a tr...
1.4M 26.2K 68
Miracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nag...