HIDDEN SEVEN

By Arthreens

4.2K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... More

PLEASE READ!
Author's Note
Prologue
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: Room 207
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 7: Couple?!
TB Chapter 8: General Cleaning
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 11: Caisy
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 22: Opening!
TB Chapter 23: Perya
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 28: Again
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 30: Agreement
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 31: Preparation

14 8 0
By Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!








Chapter 31

Phia's PoV

Kakauwi ko lang galing sa eskwelahan at nadatnan ang pinsan kong layas sa sala na nanonood ng TV. Napansin niya naman ako dahilan upang ibaling niya ang tingin sa akin. Agad ko namang naalala lahat ng inis ko sa kanya nang makita ko ang itsura niya.

Akala mo bati na tayo?

Akala mo lang 'yon.

Minalditahan ko naman siya at binalewala bago tuloy-tuloy na umakyat sa kwarto ko. Saktong natapos akong magbihis ay narinig kong may kumatok mula sa pinto. Hindi ko pa siya pinagbubuksan ng pinto ngunit nauna na siyang pumasok.

Aba, feeling niya kwarto niya.

"You know why I'm here, right?" direktang tanong niya sa akin habang hindi ako nakatingin sa kanya. Hindi ko naman siya sinagot at tamad na tumango.

Napansin kong hindi na siya ulit nagsalita kaya naman napatingin ako sa direksyon niya. Nadatnan kong nakatitig lamang siya sa akin at pinagmamasdan na para bang kakaibang tao ako ngayon.

Sana naman mahalata niya na inis ako sa kanya.

"What did I do? Why are you behaving like this?" biglang tanong niya na para bang nakalimutan na niya yung nangyari nung nakaraan.

Mas makakalimutin pa pala 'to kaysa sa'kin.

Inirapan ko naman siya at tumalikod. Ako pa magpapaalala sa kanya? Bahala siya. Kapag may kasalanan talaga, mabilis makalimot noh?

"Fine. I'm sorry." sambit niya nang mapagtanto na niya kung anong kasalanan niya sa akin. "It's not my intention to get mad at you like that and also for the things that I said to you at school. I didn't mean any of it. It's just...." dagdag niya pa ngunit napatigil nang bigla akong sumabat.

'Yon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya.

"Oo na. Oo na. Pinapatawad na kita." panimula ko at hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso. "Sorry din. Dahil sa pagiging pakielamera ko, nabasag ko pa yung picture frame ni Caisy. Papalitan ko na lang 'pag nagkapera na ako ulit." dagdag ko pa at napansin kong natawa naman siya.

Nakita kong naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ako sa ulo. "You really look like her." malinaw na sambit niya sa harap ko.

Nudaw?!

Sinong 'her'?!

Si Caisy?!

Napaisip naman ako ngunit kaagad din nabalik sa reyalidad nang maalala kong mayroon pala akong gustong itanong sa kanya.

"Kuya, anong gathering pala yung pupuntahan natin sa friday?" tanong ko sa kanya.

Ngayon ko lang siya ulit natawag na Kuya.

Sandali naman siyang napatigil ngunit sinagot niya pa rin. "A birthday event." tipid na sagot niya naman dahilan upang mapataas ako ng kilay.

"Kaninong birthday?" tanong ko pa kahit naman alam ko ng kay Caisy talagang birthday ang pupuntahan namin.

"It's....It's C-caisy's....birthday." utal-utal na sambit niya dahilan upang matawa ako. Nakakatawa yung itsura niya habang binibigkas ang mga salitang iyon.

Napatigil naman ako sa katatawa. "Alam ko." biglang sabi ko naman at halata sa itsura niya ang pagkabigla.

"How?" takang tanong niya at kaagad naman akong sumagot.

"Well, i have eyes, ears and mouth. Tatlong elemento ng pagiging tsismosa." proud na sagot ko naman at napansing nakapoker face lang ang itsura niya.

Panget naman nito kabonding.

Di man lang natawa.

"Anyways, may iba ka pa bang kailangan?" biglang tanong ko naman.

"Nothing. You can rest now." tugon niya naman at tumalikod bago lumabas ng kwarto ko.

------

Araw na ng huwebes at napansin kong parang busy ang bawat tsismosa rito sa school sa paghahanda para sa kaganapan bukas.

Huwag mo sabihing invited lahat ng nasa school?

Aba, pangbuong lungsod ata ang birthday ni Caisy.

Nakarating na ako sa classroom ko at nagpaalam na kay Kiara. Dumiretso naman ako sa upuan ko at nadatnang may sobre na nasa ibabaw ng desk ko.

Para saan 'to?

Dinampot ko naman ito at napalibot ang tingin sa mga kaklase ko. Napansin kong may sobre rin silang hawak na katulad ng sa akin kaya naman nacurious ako at dali-daling binuksan ang sobre.

'You are invited'

Caisy's 21st Birthday!

Venue: Reens Grand Hotel
Time: 6pm

'We're expecting you to attend, see you!'

Basa ko sa invitation. Kaya naman pala busy ang mga marites dahil lahat ay nakatanggap ng invitation. Agad ko naman itinago ang sobre nang makitang pumasok na si Prof sa classroom.

-----

Kinabukasan, tanghali na nang magising ako. Inanunsyo kase ng dean kahapon na walang pasok ngayong araw dahil sa magaganap na kaarawan ni Caisy upang makapaghanda ang lahat.

Mukang napaka-espesyal talaga ng kaarawan na ito.

Pabor naman sa akin 'yon dahil ilang araw na rin akong kulang sa tulog at ngayon ko lang nabawi lahat ng iyon.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig kong may kumatok mula sa pinto. Hindi ko pa sinasabing pumasok siya pero nabuksan na niya ang pinto.

Aba, aba. Nasasanay ka ah.

"Bakit?" bungad ko pagkapasok niya.

"Are you awake?" balik na tanong niya.

"Ay hindi. Kaluluwa ko lang 'to, tulog pa nga yung katawan ko eh." prangkang sagot ko naman. Nakita niya namang nakabangon na ako tapos magtatanong siya ng ganon.

Mindset ba, mindset.

"Tsk. Get up and have a lunch downstairs." sambit niya naman at lumabas ng kwarto ko. Tumayo naman na ako at naghilamos bago bumaba.

"Good morning." bati ko sa kanila habang pababa ako ng hagdan. Dumiretso naman ako ng kusina at nadatnang kumakain sila.

Nakisabay naman ako sa kanila at habang kumakain ay napagpasyahan kong magsabi kay Mama upang magpaalam na may pupuntahan kami ni Kuya mamaya.

"Ma." tawag ko. "Aalis kami ni Kuya mamaya, pupunta kaming birthday." paalam ko at nagtaka naman si Mama.

"Kaninong birthday naman 'yan? May regalo ka na ba?" takang tanong niya naman at ngayon ko lang napagtanto ang sinabi niya.

Oo nga pala!

Wala pa akong naiisip na regalo!

Pota!

"Hala! Wala pa pala akong regalo!" sigaw ko at binilisan ang pagkain bago tumakbo sa taas upang magbihis ng pang-alis. Kailangan kong pumunta ng mall para makabili ng regalo.

Sakto namang pagbaba ko, nadatnan ko si Kuya na hinihintay ako sa sala. "Sasama ka?" takang tanong ko sa kanya at napatango naman siya.

Sumakay kami sa sasakyan niya at pumunta sa malapit na mall. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at naglibot sa bawat boutique na nadaanan namin ngunit wala naman akong mapili na bibilhin.

Bagsak ang balikat ko nang lumabas ako sa huling boutique. Wala talaga akong makitang qualified na regalo para kay Caisy. Kung di sa kamahalan ng presyo o di naman kaya'y hindi ito worth it para iregalo sa kanya.

Haysss.

Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang lumitaw na corndog sa harap ng pagmumuka ko. Tinignan ko naman kung sino ang may kagagawan at nakita si Kuya na walang ekspresyon ang mukha habang inaabot ang pagkain sa akin.

Napangiti naman ako ng bongga at buong galak na tinanggap ang binigay niya. "Yoen! Salamat!" tuwang tuwa na sambit ko.

Minsan pala ay marunong din makiramdam itong si Kuya.

Naghanap naman kami ng mauupuan at enjoy na enjoy naman ako sa paglamon. Grabe, sa sobrang busy kong mag-isip ng ireregalo ko kay Caisy hindi ko na namalayang nakakaramdam na pala ako ng gutom.

Buti na lang nandyan si Kuya.

Ilang minuto ang lumipas, malapit ko ng maubos ang corndog ngunit sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang nag-aya si Kuya.

"Let's go. I'll take you somewhere." biglang sambit niya at hinila ako kahit na hindi ko pa tapos yung kinakain ko.

Saglit lang naman!

Isang kagat na lang oh!

Hindi naman ako nagpatalo at kinain na ng buo yung natitira sa stick bago itapon sa basurahan ang lalagyan nito. "Huy! Saan mo ba ako dadalhin?" may halong inis na tanong ko sa kanya.

"Tsk. We're almost there." sagot niya na walang konek sa tanong ko.

Agad namang napatigil si Kuya sa paglalakad dahilan upang mauntog ako sa likuran niya. "We're here." sambit niya at napatingin naman ako sa boutique na nasa harapan namin.

Agad namang nagningning ang mga mata ko dahil sa sosyal na dating ng shop na ito. Mukang mamahalin ang mga damit at alahas dito!

Napansin kong pumasok na sa loob si Kuya kaya naman agad akong sumunod. Sinalubong naman kami ng mga sales lady na pansin kong nagpapacute kay Kuya.

Hindi ko na lamang pinansin dahil nauubusan na ako ng mga side comment ko sa mga fan nito ni Kuya.

Nasabi ko na nga ata lahat.

"This way, ma'am/sir." dinig kong sambit ng sales lady at pumasok naman kami sa isang room na puno ng mga damit.

"Woah! Ang gaganda naman ng mga 'to. Maganda rin siguro ang presyo." hangang sambit ko naman.

"Can you recommend me some formal dresses outfit and sandals that suits her?" tanong ni Kuya sa sales lady at kaagad naman itong tumango bago umalis.

Naiwan naman kami at napagpasyahan kong maupo muna habang hinihintay yung sales lady. Minuto lang ang lumipas ay pumasok na ang sales lady habang tinutulak ang sabitan ng mga damit.

Huminto naman siya sa harapan namin at nagsalita. "Sir, these are the formal dresses and sandals we recommend you." sambit ng sales lady at kumuha ng isang dress bago isukat sa akin.

Ilang oras ang lumipas ng pagsusukat ay nakapili rin kami ng susuotin ko ngunit nagtaka naman ako kung bakit ako pinapasukatan ni Kuya ng damit at sa mga ganitong damit pa.

"Psst. Bakit nga pala ako nagsusukat ng mga 'to? Para saan 'to?" takang tanong ko sa kanya habang suot ang formal dress na napili namin.

"That's what you will wear at the party later." tugon niya at binigay sa sales lady ang black card?! Nanglaki naman ang mga mata ko bago napatingin sa presyo nitong suot ko.

Dress: 320,000?!
Sandals: 180,000?!

Total: 500,000?!

Halos lumuwa ata yung dalawang mata ko dahil sa presyo nito. Kahit ata ibenta ko yung kaluluwa ko, kulang pa para maipambayad ko rito.

"Gagi, di nga?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya at tumango naman siya na para bang bilib sa sarili.

"It's also a compensation for what I've done." sambit pa niya.

"Ayy hindi pwede! Sobra naman na ata 'to! Wag na natin bilhin 'to. Ibabalik ko na ito." pagkontra ko sa kanya ngunit napatigil nang magsalita siya.

"No need for that. I already paid for it. They're not accepting for refund. Let's go." tuloy-tuloy niyang sabi matapos kunin mula sa sales lady ang blackcard ngunit hindi muna ako sumunod dahil kukunin ko pa ang mga suot kong damit kanina.

Sayang yung damit ko noh, nabili ko pa sa ukay ukay yung isa don.

Agad ko naman siyang sinundan nang makuha ko na ang damit ko at dinala niya naman ako sa isang salon.

Sinalubong naman kami ng mga beki na parlorista at agad naman akong pinaupo. "What can we do for you, ma'am/sir?" tanong ng isang beki na kulay kahel ang buhok.

"Make her look presentable. The rest is up to you." sagot niya naman sa beki.

Parang sinasabi niyang hindi ako mukang presentable ngayon?

Bumaling naman siya sa akin. "May pupuntahan lang ako saglit. I'll be back." sambit niya naman sa akin at tumango na lang ako.

Agad naman nila akong sinimulang ayusan at ilang oras lang ang lumipas ay natapos na sila sa pag-aayos sa akin mula sa buhok ko hanggang sa mukha.

Tumingin naman ako sa salamin at gulat na napatingin doon. "Hala, sino ka?" gulat na tanong ko sa taong nasa salamin.

"Ano ka ba, madam? Ikaw 'yan." tugon naman ng nag-ayos sa akin.

"Wehh? Baka niloloko mo lang ako eh." giit ko at natawa naman siya. Napatigil naman kami sa pag-uusap nang may tumawag sa pangalan ko dahilan upang mapalingon ako sa kaniya.

"Phia." tawag niya.

Bumungad naman sa akin si Kuya na nakasuot ng navey blue tuxedo na terno ng suot ko. Pinaghalong kulay white and blue kase itong suot ko kaya sa tingin ko ay terno ang suot niya sa akin.

"Wow! Ang ganda't gwapo naman ng nasa harapan ko. Bagay na bagay sa inyo ang mga suot niyo." komento ng isang beki na may pink na buhok.

"Hehe." nahihiyang sambit ko naman.

"How much?" biglang tanong ni Kuya sa kanila at agad naman nilang inasikaso ang bill. Inilabas ko naman ang phone ko upang tingnan ang oras.

5:27 pm.

Hala! Ang bilis ng oras. Hindi pa ako nakakahanap ng regalo para kay Caisy! Dali-dali naman akong lumabas ng salon ng hindi nagpapaalam upang maghanap ng ireregalo ko.

Napadpad naman ako sa mga bilihan ng alahas at nagtingin. Balak ko sanang bumili na ng kahit anong alahas doon kaso biglang sumulpot si Kuya sa harapan ko habang hawak ang isang shopping bag.

"It's a bracelet and a pair of earring. This will be our gift for her so don't worry." sambit niya naman at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Kung matutuwa ba ako, mahihiya, o mamamangha.

Parang pinaghandaan na niya ata yung araw na 'to. Halos lahat ata siya ang nagplano tapos tagasunod lang ako.

"Kailan mo naman 'yan binili?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Just now. After you left at the salon." agad na sagot niya at wala naman akong masabi.

Kinuha ko na lang yung dala niya at nagpaunang maglakad. Sumakay na kami sa kotse niya at pinaandar papunta kung saan ang venue ng party.

------

Minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa venue. Napansin kong maraming bisita na ang dumarating habang hinihintay ko si Kuya na i-park ang kotse niya.

Agad naman siyang natapos at dumiretso naman na kami sa entrance. Ipinakita naman namin ang invitation bago pumasok.

Sinalubong kami ng maingay at mataong paligid. Napansin kong natuon din sa amin ang atensyon ng mga bisita sa loob.

Sa tingin ko, puro panghuhusga na ang mga nasa isip nila.

"Omg! Ayan na si Piolo! Ang gwapo niya talaga!" rinig kong hiyaw ng isa sa mga babae sa gilid ngunit binalewala lang ito ni Kuya.

"This way." sambit ni Kuya at agad ko naman siyang sinunod. Habang palapit kami sa pwesto namin ay pansin ko ang mga titig ng bisita sa akin.

Oo, sa akin.

"Woah, pre! Ang ganda niya!" rinig naming puri ng isang binata dahilan upang tingnan siya ng matalim ni Kuya. Natahimik naman ito dahil sa ginawa niya.

Tingin pa lang, pamatay na.

Naupo na kami sa pwesto namin at sakto nama'y biglang sumulpot si Kiara kasama ang iba pang mga kupal.

Oo nga pala, imbitado ang buong lungsod.

"Hoy! Grabe ang entrance mo kanina ah! Parang artista!" pambobola ni Kiara sa akin.

"Oo nga! Tyaka parang gumanda ka ata ngayon?" sabat naman ni Josh.

Parang lang?

"Psh. Nakaligo lang ng konti." katwiran ko naman at natigil ang aming usapan nang marinig ng magsalita ang emcee.

"Let the party begins!"



See you next update! 💕
_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Unedited===

Continue Reading

You'll Also Like

77.5K 3K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
166K 8.1K 52
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
1.5M 63.1K 45
She walks in like the epitome of black girl luxury, but pain follows her. She covers it with bust-down jewelry and white roses. He's quiet, but his...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...