Countless Nights with Mayor |...

By mindfreaklessly

588K 12.1K 2.8K

R-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023 More

Countless Nights with Mayor
Prologue
CNWM: 01
CNWM: 03
CNWM: 04
CNWM: 05
CNWM: 06
CNWM: 07 (R-18)
CNWM: 08
CNWM: 09
CNWM: 10
CNWM: 11
CNWM: 12
CNWM: 13
CNWM: 14
CNWM: 15
CNWM: 16
CNWM: 17 (R-18)
CNWM: 18
CNWM: 19
CNWM: 20
CNWM: 21
CNWM: 22
CNWM: 23
CNWM: 24
CNWM: 25
CNWM: 26
CNWM: 27
CNWM: 28
CNWM: 29 (R-18)
CNWM: 30
CNWM: 31
CNWM: 32 (R-18)
CNWM: 33
CNWM: 34 (R-18)
CNWM: 35
CNWM: 36
CNWM: 37
CNWM: 38
CNWM: 39
CNWM: 40
Epilogue (1/2)
Epilogue (2/2)
Acknowledgement

CNWM: 02

18K 391 51
By mindfreaklessly

"What?!" Clarice raised her eyebrows after hearing those words from Athena. "Repeat what you said."



"Kung puwede mo akong ipasok sa trabaho m-"



"Talaga namang inulit mo pa nga," Athena couldn't finish what she was about to say after Clarice preceded her.



Nagtaka naman si Athena sa pag-singit ng kaniyang kaibigan sa pagsasalita niya. This time, Athena stopped crying completely.



"Sabi niya ulitin ko, tapos no'ng inulit ko naman ay nagagalit. Abnormal," pagkausap ni Athena sa kaniyang sarili ngunit sa isip niya lang ito para hindi siya marinig ni Clarice.



"Sabi mo kasi ulitin ko. Ano nga? Puwede naman ako doon 'di ba?"



"Nawawala ka na ba sa katinuan, Nesca Athena? Saka naririnig mo ba iyang sarili mo? Hindi ka papasok doon. No way!" pagtanggi niya sa pagbabaka-sakali ni Athena.




Kahit alam ni Clarice na hirap na hirap sila Athena sa buhay ay hindi pumasok kahit isang beses sa isipan niyang ipasok si Athena sa kaniyang trabaho.




She doesn't want her friend to be like her.



Gusto man niyang tulungan si Athena ngunit ayaw niyang sa ganitong paraan. Hindi niya nanaising makita ang kaibigan na sa ganitong klaseng trabaho ito kakapit.



"Hindi ako nababaliw, okay? Sige na, ipasok mo na ako roon, Clarice," mariing pagpupumilit ni Athena. Ang itsura nito ay mukhang nagpapaawa pa.



"Magtigil ka, Nesca Athena. Hindi kita ipapasok doon. Hindi iyon ang para sa 'yo!" annoyance was evident on Clarice's face. She doesn't like what her friend thinks.




"Pero bakit? Kailangan ko na kasi mag-doble kayod lalo pa ngayon na nag-gagamot ang Inay. Saka kung nakita mo lang si Faye kanina..."



"Bakit? Anong ginawa ni Faye?" Clarice asked worriedly.



"E, kasi naman, naabutan ko siya sa kwarto na pinagdidikit ang nakanganga niyang sapatos. Sobrang luma na nga no'n ay sira pa. Naawa ako sa kapatid ko, Clarice. Kahit mumurahing sapatos ay hindi ko mabilhan," malungkot na pagku-kwento niya sa nangyari.



"Sapatos lang pala. Ako na bahala ro'n. Bukas na bukas may bagong sapatos na si Faye," hindi nagdalawang-isip si Clarice na siya na lang ang bibili nito para sa kapatid ni Athena.



"Pero, Clarice? Hindi pa nga ako nakakabayad sa utang ko sa 'yo eh dadagdagan ko pa. Huwag na, nakakahiya na kaya," agad na pagtanggi ni Athena sa gusto ng kaibigan.



"Sino ba nagsabi sa 'yong idadagdag ko sa utang mo ang ipangbibili kong sapatos? Bigay ko 'yon kay Faye kaya sagot ko 'yon. Huwag ka lang pumasok sa trabaho ko."



"Oh sige. Sabihin na nating sagot mo 'yong sapatos ni Faye. Pero kailangan ko pa rin ng trabaho, Clarice," pilit na pagpapaliwanag pa nito.



"Eh 'di kahit tulungan pa kita maghanap ng maayos na trabaho. Huwag ka lang magaya sa akin. Maniwala ka sa akin Athena, ayokong pagsisishan mo ang mga ito gaya ko," kitang-kita sa mga mata at ekpresiyon ng mukha ni Clarice kung gaano siya ka-sincere sa mga sinabi niya.



After a long conversation, Athena also got Clarice's point, so she didn't insist anymore.



"Talaga? Tutulungan mo ako?" natutuwang tanong ni Athena.



"Oo nga. Ako bahala sa 'yo!" paninigurado naman nito sa kaibigan. "Oh sige na. Kunin mo na 'tong ulam at aalis na rin ako. Naghihintay na sa akin customer ko, baka takbuhan pa ako, e." Inabot nito kay Athena ang sadya niya kaya pumunta siya rito sa bahay nila Athena.



Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin ito. Kasabay nang pag-alis ni Clarice ang paglabas ni Faye mula sa kuwarto.



"Si Ate Clarice po ba 'yong kaaalis lang, Ate?" tanong ni Faye na hinahabol pa nang tingin ang kaaalis lang na si Clarice.



"Oo, nagdala siya nitong ulam." Clarice showed up the paper bag she was holding that contained the food from her friend. "Tara na. Kumain na tayo para makapagpahinga na."



Habang inaayos nila ang pagkain sa mesa ay hindi maiwasan ni Faye na llingunin ang kaniyang Ate. Faye couldn't help but look at her sister. She glanced back and forth because she noticed something wrong.



Athena didn't notice Faye's repeatedly glances at her because she was focused on preparing the food.



"Umiyak ka ba, Ate?" Faye couldn't stop herself from asking.




"Ako? Hindi, ah. Na-"


"Napuwing lang," pagputol ni Faye sa naging sagot ng Ate niya, "Luma na 'yan, Ate. Haluuur. 2022 na oh, masiyadong gasgas na ang reason na 'yan," pag-kontra pa nito.



Hindi naman magawa ni Athena na mag-rason pa dahil naunahan na siya ni Faye. That's precisely what she about to say.



"May napag-usapan lang kami ni Clarice kanina, malalaman mo rin 'yon bukas," 'yon na lang ang sinabi ni Athena dahil sa loob-loob niya ay baka maiyak na naman siya kung babalikan niya.



Mukha namang naniwala si Faye kay Athena kaya naman nagpatuloy na lang sila sa pag-aayos hanggang sa makakain na sila.



Nauna muna silang magkapatid na kumain, pagkatapos nila ay si Faye na ang nagpakain sa kanilang nanay na kasalukuyang nagpapahinga sa kuwarto.



Doon na lang ito kumain para hindi na mahirapan pang tumayo.



Kinabukasan ay tinupad nga ni Clarice ang sinabi nito. Dala-dala niya pag-uwi ang ibibigay niyang sapatos para kay Faye.



Dire-diretsong pumasok si Clarice sa bahay nila Athena. Naabutan niya ang dalaga na nag-aayos ng mga kakanin na muli nitong ibebenta. "Athena! Nasaan si Faye?!"



"Ay t-nginang yawa!" napamura si Athena dahil sa gulat ng biglang magsalita si Clarice na walang pasabi na nandito pala siya. "Ginulat mo ako ro'n, Clarice. Ano ka ba!"



Nagliparan pa sa ere ang dalawang supot ng kakanin.



Ipinagtaka ni Athena kung bakit natulala sa kaniya si Clarice habang nakangiti.



"Ano ningingiti-ngiti mo d'yan?" Nagtataka pa rin na tanong niya.



"Ang cute mo mag-mura. Ngayon ko lang narinig na ginawa mo 'yon. Isa pa nga!" request ni Clarice na tuwang-tuwa at mukhang manghang-mangha pa sa narinig.



This was actually the first time Clarice had heard of Athena being able to do that. Even Athena couldn't believe herself that she said that.



"Gaga ka talaga. Ayoko nga!" pagtanggi ni Athena.



"Luh. Parang ulitin lang, e. Sige na, bigyan kita isang libo kapag inulit mo."



"T-nginamo."



"Sige, isa pa para dalawang libo."



"Napaka-t-nginamo."



"One more for three thousand."



"T-nginamo talaga sobra."



"Gaga! In-enjoy mo rin talaga eh 'no? Tama na nga, sa 'yo na mapupunta lahat ng kinita ko kagabi," reklamo ni Clarice pero inabot naman nito ang tatlong libo kay Athena.



"Easy money," she happily took the three thousand from Clarice's hand at the same time as she winked teasingly at her friend.



"Tsk. Tsk. Tsk. Nagmura ka lang nagka-tatlong libo ka na. Samantalang ako araw-araw nagmumura, wala man lang nakuha kahit piso," reklamo pa ni Clarice na tinarayan si Athena.



"Ayos lang 'yan, nasarapan ka naman," katwiran ni Athena na lalong nagpataas sa kilay ni Clarice at sarkastiko pa itong ngumiti.



"Depende sa performance."



Ang sadya talaga ni Clarice kaya pumunta sa bahay nila Athena ay para iabot kay Faye ang binili n'yang sapatos para rito. Ngunit hindi na niya ito naabutan dahil maaga itong pumasok sa klase.



Iniwan na lang niya kay Athena ang sapatos para ibigay na lang nito kay Faye pagkauwi nito. Gusto sana ni Clarice na siya mismo ang mag-abot nito kay Faye ngunit mayroon pa s'yang kailangan puntahan kaya malabong mahintay niya si Faye.



"Mauuna na ako, ah. 'Yong isang customer kasi kagabi nag-request ng extention. Sinarapan ang gago."



Pagkauwi ni Faye ay hindi mapigilan ni Athena ang pananabik na maibigay kaagad kay Faye ang bagong sapatos.



"Magbihis ka na, Faye. Dali." Utos ni Athena sa kapatid. Nagtaka naman si Faye sa inasta ng kaniyang Ate dahil mukha itong nagmamadali.



"Mamaya na saglit, Ate. Pahinga po muna ako," walang ganang tugon ni Faye na naupo sa maliit na sofa.



"Sige na, ngayon na. Magbihis ka na. Bilis!"



"Ha? May pupuntahan ba tayo, Ate?" wala sa sariling tanong nito. Nagtaka na rin si Athena sa kinikilos ni Faye.



Naisip niya na baka pagod lang ito kaya isinawalang-bahala niya na lang.



"Basta. Magbihis ka na lang para malaman mo," 'yon lang ang ipinaliwanag ni Athena.



Carried by curiosity, Faye just nodded and followed her sister's order..



Iniisip ni Faye kung anong mayroon ngayon bakit parang nagmamadali ang kaniyang Ate. Pero wala siyang maalala kung anong mayroon ngayon. Wala naman siya natatandaang sinabi sa kaniya ni Athena na kahit ano, gaya na lang kung may importanteng pupuntahan o mamamalengke.



Faye frowned when a paper bag was revealed to her when she opened her closet.



Nagtataka man ay kinuha niya pa rin ito at kaagad na tinignan kung ano ang laman nito.



"Sapatos?"



"Yown. Oo, sapatos 'yan galing kay Clarice," napalingon si Faye kay Athena na kakapasok pa lang ng kuwarto.



"Pero bakit po? Ano po'ng meron ba't binigyan ako ni Ate Clarice? May sapatos pa naman po ako,"



"Huwag mo na 'yon gamitin. Nakita kitang dinidikit na lang 'yon, ayan para bago na ang sapatos mo at wala ng sira," pag-amin ni Athena.



"Masusuot pa naman 'yon, Ate. Sayang naman-"



"Sayang kasi galing 'yon sa tatay natin?" hindi pinatapos ni Athena sa pagsasalita si Faye. Bahagya pang tumaas ang tono ng boses nito.



"Hindi naman sa gano'n, Ate. Magagamit pa naman po kasi talaga 'yong luma, itatago ko na lang muna 'yong galing kay Ate Clarice." Dahilan ni Faye ngunit hindi niya nakumbinse si Athena.



"Ah basta, 'yong bago gagamitin mo. Makinig ka sa Ate mo," pagkasabi no'n ni Athena ay wala namang nagawa si Faye at ayaw naman niyang makipagtalo sa Ate niya dahil baka mag-away lang sila.



Pagkatapos magbihis ni Faye ay muli itong bumalik sa sofa. Kaagad din namang siyang sinundan ni Athena.



"Hindi mo ba nagustuhan ang sapatos?" malumanay na tanong ni Athena na tumabi kay Faye.



"Hindi ko po alam," mabilis na sagot nito ngunit hindi man lang nito nagawang lingunin si Athena. Nakatulalla lang ito na tila lumilipad ang isip.



"Anong hindi mo alam?" takhang tanong ni Athena na napakunot ang noo.



"Po? Ano po ba ang tanong mo, Ate?" sa pagkakataong ito ay saka pa lang lumingon si Faye sa kapatid niya. Bukod doon ay hindi niya napansin na nasa tabi niya na pala ito.



Ngayon nga ay natitiyak ni Athena na lumilipad ang isipan ni Faye.



"Sabi ko kung hindi mo ba nagustuhan ang... teka nga, may problema ka ba na hindi sinasabi sa akin, Elmeera Faye?" Athena changed the question because she suddenly realized that her younger sister might have a problem because since she came home, she looked lethargic.




Gustuhin man ni Faye na magdahilan ngunit narinig niyang binanggit ni Athena ang buong pangalan niya. Ginagawa lang naman 'yon ni Athena kapag seryoso siyang nakikipag-usap o masinsinan.



"Ano kasi, Ate..." pagdadalawang-isip ni Faye kung sasabihin niya ba o huwag na lang.



"Isa."



"M-May field trip po kasi kami, kailangan daw naming sumama kasi may mga paper works pong ipapagawa sa amin after field trip. Hindi makakagawa no'n kung hindi po sasama. Pero nagtanong naman na po ako kung puwede gumawa na lang ng special project kapag hindi sasam-"



"Sumama ka, Faye," hindi na pinatapos ni Athena si Faye sa pagpapaliwanag nito.



"Ayos lang naman sa akin kung hindi po ako makakasama, Ate. Mas kailangan ng Inay ang pera ngayon," rason ni Faye pero bakas sa mga mata nito na malungkot siya. Kahit hindi aminin ni Faye ay alam ni Athena na gusto nitong sumama.



"Ako na bahala sa pangbayad mo. Basta sabihin mo sa teacher mo na sasama ka, okay?"



"T-Talaga po, Ate?" paano pa makatatanggi si Athena eh matapos niyang sabihin 'yon ay umaliwalas agad ang mukha nito. Mukhang hindi niya inaasahang papasamahin siya.



"Oo naman. Magkano ba ang kailangan sa field trip na 'yan?"



"Wala pang buong details, pero mahigit isang libo po, Ate," napalunok si Athena ng sariling laway pagkatapos niyang marinig iyon.



Buti na lang ay naalala niya ang tatlong libo na nakuha niya kanina galing kay Clarice dahil lang sa pagmumura niya.



"Sunog! May nasusunog!"



Nagkatinginan ang magkapatid matapos may sumigaw mula sa labas na ikinagulat ng dalawa. Pagkalingon ni Athena sa kanilang kusina ay nakita niya ang malakas na apoy na nagmumula rito.



"May nasusunog!"

•••
mindfreaklessly





Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 26.2K 68
Miracle Jacinto and Aidan Dela Vega story🖤 Last chapter from the book 01 and book 02 is not included on this stories for safety purposes (sa mga nag...
1.7M 36.9K 48
Micheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!
109K 1.9K 58
WARNING: RATED - SPG |R🔞| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart...
61.2K 1.5K 100
RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Tres - CANCER Title: Cerlance Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 Synopsis: Cerlance Zodiac is a tr...