Follow Your Heartbeat (Comple...

By mryosow

9.4K 875 165

Paano kung mapunta ka sa isang sitwasyong kailangan mong mamili sa dalawang taong importante sa'yo at ayaw mo... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 12

156 18 0
By mryosow

Araw-araw ay hatid sundo ako ni Gael. Palagi rin siya may dalang bulaklak para sa akin at kay lola. Kaso hindi malapit loob ni Lucas sa kanya. Si Scarlet ay gustong-gusto si Gael samantala si Lucas ay 'di siya kinikibo. Palaging sinasabi ni Lucas na plastik si Gael. Ayaw niya raw kay Gael dahil mayabang ito. Siguro protective lang si Lucas, ganon din naman siya kay Scarlet kapag may umaaway sa kanya.



Isang linggo na nanliligaw sa akin si Gael at araw-araw ko rin nakikita yang Henrich na yan. Nakilala ko na rin ang ibang friends nila na sina Marco, Cairo, at Brylle. Yung pinaka maingay sa kanila ay si Cairo. Yung tahimik na palaging nakasalamin ay si Marco. Si Brylle naman ay kagaya ni Cairo, maingay pero mas maingay lang si Cairo.



"Thank you phia" saad ni Cairo nang i-serve ko ang order nila. Si Henrich ay wala rito, hindi rin nila kasama mula kanina. HIndi ko na pinansin dahil mas maganda mood ko pag wala siya. Nung nakaraan kasi pinapabayaran niya yung sampung libo na inabot niya. Hindi ko naman alam na papabayad niya rin sa akin 'yon. Akala ko bigay niya, lakas niya pa mag labas ng pera.

"Sophia natutulog ka pa ba?" tanong ni Gael.

"Oo, kaso palagi mo ginagambala pag tanghali" saad ko. Napakamot ito at nag iwas ng tingin.

"Yun oh! Lover boy!" pang aasar ni Cairo at Brylle kay Gael. Nagsikuhan sila at pabirong nag ambahan. Naiiling akong bumalik sa counter habang naghihintay ng mga customers. Maaga pa kaya kaunti pa lang mga customer namin. Sila Gael pa lang ang nandito.

"Wala yung bestfriend mo ah" saad ni Pam.

"Bestfriend?" kunot noong tanong ko.

"Edi sino pa bestfriend mo? Si Henrich lang naman" saad ni Pam.

"Pake ko ron. Ang mahalaga walang dagdag sa isipin" saad ko.

"Uyy, iniisip mo pala kapag nandiyan ha" pagbibiro ni Pam.



Hindi nila alam na nag d-date kami ni Gael. Wala silang idea sa kung anong meron sa amin. Aaminin ko gwapo si Gael, mabait din siya 'di gaya ni Henrich.



Napalingon kami kay ma'am Victoria na lumabas mula sa kusina. Lumapit ito sa lima at parang seryoso si ma'am Victoria. Pasimple akong nakinig at kunyaring nag aayos ng mga lamesa.



"Kamusta si Henrich?" tanong ni ma'am Victoria.

"Okay naman na po siya tita, may iilang gasgas nung masemplang siya sa motor" saad ni Marco.

"Pasaway talaga ang batang 'yon! Pang ilang beses niya na madisgrasya, hindi nag iingat!" saad ni ma'am Victoria. Nagkatinginan kami ni Pam dahil sa narinig namin.

"Uyy, concern siya" saad ni Pam na ikina irap ko.

"Bawal ba makichismis? Buti nga yon karma niya eh" saad ko.



Lumipas ang buong araw na walang Henrich ang nagpakita. Sunod-sunod na araw ay hindi rin siya nakakasama sa mga kaibigan niya. Kami naman ni Gael ay mas naging close. Ngayon ay nandito kami sa park at nag uusap. Gusto pa sana niya na sa restaurant kami pero ayaw ko ron.



"Gael, dalawang linggo mo na ako nililigawan pero hindi ko pa alam buong pangalan mo" saad ko at humigop sa milktea na hawak ko.

"Gael Fernandez pangalan ko. 23 yrs old, ikaw 23 ka rin diba?" tanong ni Gael.

"Magkakasing edad lang pala tayo" saad ko habang nakatingin sa mga batang naglalaro.

"Pinsan ko si Henrich. Step brother na rin" saad nito. Agad akong napalingon sa kanya at napaangat ang kilay.

"Yep. Magkapatid mother namin. Pero nung mawala mommy ni Henrich ay pinakasalan ng dad niya ang mom ko" saad ni Gael.



Ang akala ko magkakaibigan sila, not related by blood. Pero mag pinsan pala si Gael at Henrich. Wow!



"Hindi kami gaano magkasundo ni Henrich. Madalas siya mapa away, pero ayaw ko ng ganon. Napasama lang ako sa kanila dahil team kami sa race" pagkukwento nito.

"Race?" tanong ko.

"Oo" saad nito.

"Kaskasero pala kayo eh" natatawang saad ko. Maging siya ay natawa at walang pasabing inakbayan ako. Marahan niyang hinimas ang braso ko. Sa paraan ng pag hawak nito ay hindi ako kumportable. Ganito ba talaga kapag nag d-date or nanliligaw?

"Okay ka lang?" tanong ni Gael.

"Ah oo" saad ko.

"Hindi ka ba kumportable?" tanong ni Gael at naiilang na bumitaw sa pagkaka akbay nito. Ngumiti lang ako at nag iwas ng tingin.

Saglit kaming natahimik pero binasag niya rin agad 'yon at nagpatuloy sa pag kukwento.

"Si Henrich malaki galit niya sa akin. Gusto niya palaging siya ang nasusunod" saad ni Gael.

"Maraming may ayaw sa kanya kasi pangit ugali niya" dagdag pa nito.

"Bakit pala di na nakakasama si Henrich sa inyo?" tanong ko.

"Ewan. Okay naman na siya pero siguro masama loob niya sa akin" saad nito.

"Bakit?" tanong ko.

"Ayaw niya pag nasasapawan siya. Gusto niya angat siya sa lahat" saad nito.

"Ngayon na gustong ipasa sa akin ni dad yung business, nagalit si Henrich. Sinugod niya ako pero wala siyang napala, kaya ayon. Nakipag race, nadisgrasya" mahabang kwento nito.



Grabe talaga 'yon si Henrich. Napaka sama ng ugali. Inggit pa masiyado. Pwede naman siya mag work ah. Bakit ba umaasa siya sa pera ng tatay niya.



"Kung pinakasalan ng tatay ni Henrich yung nanay mo. Edi iisang bahay kayo nakatira lahat?" tanong ko.

"Si Henrich naka hiwalay. Hindi siya kumportable na tumira sa bahay at 'di sila close ni mom at dad niya." saad nito.

"Tara na. Hatid na kita" saad ni Gael. Tumango ako at nagpagpag ng suot saka lumapit sakanya. Sinuotan niya ako ng helmet at inalalayan umangkas sa motor.



Bago niya paandarin ang motor ay nahagip ng mata ko di kalayuan si Henrich na nakasandal sa motor nito. Nagbuga ito ng usok mula sa vape gaya ng palaging ginagawa nito at itinaas ang middle finger nito.



Hindi ko alam pero bigla akong nainis nanaman. Akala ko ba wala siya? Bakit parang palagi siya nakamanman sa amin? Or sa akin? Hindi sa nag a-assume ako pero parang palagi siyang nakasunod. Ano ba problema niya?



Ilang oras ang lumipas at nakarating na rin kami sa wakas sa bahay. As usual masama nanaman ang loob ni Lucas nang makita niya si Gael. Ngumiti lang si Gael ng pilit habang naiilang na nakatingin kay Lucas.



"Kuya Gael!" sigaw ni Scarlet at tumakbo palapit kay Gael.



Hinila ni Lucas si Scarlet at binuhat palabas. Nagtatakang sinundan ko ng tingin si Lucas na buhat si Scarlet na nagtataka rin.



"Kuya pupunta na tayo kay master rich?" tanong ni Scarlet.



Umasim ang mukha ko nang marinig nanaman ang bansag na 'yon. Wait? Pupunta?



"Lucas saan kayo?" tanong ko.

"Bibili lang ate" saad ni Lucas at umalis buhat si Scarlet.



Pagbalik ko sa loob ay humingi ako ng tawad kay Gael dahil sa asal ng kapatid ko. Tinulungan niya akong buhatin si lola at nilagay sa wheelchair. Tinulungan niya rin ako mag handa bago ako pumasok uli sa club. Ihahatid niya rin ako papasok sa club.



Sabay kaming napalingon ni Gael kay Scarlet na may bitbit na bagong laruan. Kunot noo kong tinignan si Lucas at tinanong kung saan galing ang laruan na hawak ni Scarlet.



"Yung baon na natira sa akin ate. Nung nakaraan pa nagpapabili si Scarlet niyan" saad nito at hinayaan na lang ang dalawa.



After ko mag ayos ay binilinan ko ang dalawa na bantayan si lola. Hinatid ako ni Gael papasok sa club at nag stay rin siya ron dahil hihintayin niya rin mga kaibigan niya.



Thanks for reading.



"𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒍𝒐𝒘 𝒌𝒆𝒚. 𝑵𝒐𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖."

- 𝓜𝓻𝔂𝓸𝓼𝓸𝔀

Continue Reading

You'll Also Like

695K 2.7K 5
Arranged Marriage, uso 'yan ngayon. Eh paano kung ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal at isa pa playboy sya. Laging may inu uwing babae sa bahay...
9K 269 19
Sorry Skyler, pagod na ako A girl who's been chasing the guy she loves got tired. She wants to let go. So thats why she made a letter for him. A lett...
789K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
125K 3.2K 48
After mapahiya sa buong campus nagdesisyon si Jules na pumunta sa Korea para magmove on at para baguhin ang sarili.... Samahan natin si Jules Wilfo...