Follow Your Heartbeat (Comple...

Av mryosow

9.2K 875 165

Paano kung mapunta ka sa isang sitwasyong kailangan mong mamili sa dalawang taong importante sa'yo at ayaw mo... Mer

Author's Note
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
EPILOGUE
Author's Note

CHAPTER 1

661 31 0
Av mryosow

Sophia's POV


Bagsak balikat kong inabot sa cashier ang bayad ko sa biniling gamot para kay lola. Lahat ng ipon ko ay napunta sa mga gamot na kailangan ng lola ko. Nabasag ko na rin ang alkansya ko para sa mga gastusin sa bahay.


"Thank you po" saad ko nang abutin ang gamot na nabili ko.


Lantang gulay na lumabas ako sa botika at tulalang naglakad. Hindi sapat ang pera na naiipon ko para sa lahat ng gastusin. Halos baon na rin kami sa utang dahil ako lang naman ang nagtatrabaho sa amin.


Napasigaw ako sa sakit nang may bumundol sa tagiliran ko. Halos mamilipit ako sa daan at hindi makagalaw sa sakit ng pagkakabundol sa akin. Napahawak ako sa balakang ko at napakagat ng mariin sa labi ko habang iniinda ang sakit.


"Magpapakamatay kaba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" galit na saad ng lalaki sa'kin. Dahan-dahan akong bumangon at hinarap ang lalaki.

"Eh ikaw, bulag ka ba?! Para 'di mo makitang may tatawid?!" sagot ko at dinuro ito, sabay irap.


Napalingon ako sa direksyon kung saan tumilapon ang mga binili kong gamot ni lola. Mukhang hindi na 'to mapapakinabangan pa sa hitsura nito. Nabasa at nabahiran ng iilang putik ang mga gamot na nagkalat dahil nabasag ang bote nito. Sa inis ko ay muli kong ibinaling ang paningin ko sa lalaki.


"Hoy! Bayaran mo 'tong mga gamot! Nagtiis ako ng gutom para mabili yan! Tapos ito lang gagawin mo?!" kunot noong saad ko.


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sitwasyon ngayon. Halo-halong emosyon ang mayroon ako. Lungkot, galit at pagkamuhi sa lalaking nasa harap ko.


"Who cares?" saad ng lalaki at agad pinaandar ang motor.

"Bwisit ka!" sigaw ko nang malakas at pumulot ng bato saka inihagis sa direksyon nito ngunit hindi ito tinamaan.


Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa nangingibabaw kong inis. Napa-upo ako sa kalsada at nagsimulang magsi-unahan ang luha ko habang pinupulot ang mga gamot na binili ko. Nagsimula na rin ako makarinig ng kanya-kanyang reklamo at malalakas na busina sa mga driver.


"Hoy, umalis ka diyan nakakaabala ka sa daan!" sigaw ng isang nakadungaw sa kotse. Napatingin ako sa mga nakasunod na mga sasakyan na hindi makausad.


Pinahid ko ang luha ko at mabilis na pinulot ang mga gamot saka nagmamadaling tumawid. Pumara ako ng masasakyan at dali-daling sumakay. Nag aalala ako kay lola lalo na kapag naiiwan siya mag isa sa bahay. Yung dalawang kapatid ko rin ay nag aaral pa kayo ako ang nag aasikaso sa lahat.

FLASHBACK

---

Breaktime namin at kasama ko si Hera dito sa Hardin sa likod ng school namin. Kumakain kami ng tinapay na binaon namin pareho at nagrereview rin para sa quiz namin mamaya.


"Ang hirap!" reklamo ni Hera at tiniklop ang libro.

"Wala nga rin ako maintindihan eh" natatawang saad ko habang tinititigan lang ang mga letra sa libro ko.

"Tara na balik na tayo sa room, 5 minutes na lang mag start na" saad ni Hera.


Tumayo ako at sabay namin nilisan ang hardin. Habang naglalakad ay nagkukwentohan kami ni Hera patungkol sa kinaiinisan nito. Tawa lang ako nang tawa habang pinapakinggan mga reklamo niya sa buhay.


Napatigil kami pareho sa paglalakad nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko rin kung sino ang tumatawag sa akin.


"Si lola, tumatawag. Wait lang ha" saad ko kay Hera at sinagot ang tawag.

"Sophia, apo. Ang nanay mo manganganak na. Makakauwi ka ba ngayon?" aligagang tanong ni lola mula sa kabilang linya.

"P-po? Lola dalhin niyo na po si nanay sa hospital. Susunod po ako pagkatapos ng klase" saad ko.

"Oh sige, mauna na kami. Sumunod ka ha. Papunta kami sa Avella General Hospital" saad ni lola.

"Mag iingat kayo la" saad ko bago patayin ang tawag.


Napatingin ako kay Hera na nag aabang sa sasabihin ko. Mas lalong bumilog ang bilugang mata nito na halata sa pagiging chismosa niya.


"Ano sabi ni lola, bes?" tanong ni Hera.

"Si nanay, manganganak na" saad ko.

"Mag ditch class tayo" excited na saad ni Hera.

"Anong ditch class, baka di tayo makatake quiz" saad ko at naglakad pabalik sa room.

"Ngayon lang naman eh. Dali na. Please please pleasee!" saad ni Hera.


Tinawanan ko lang ito at hinila siya papasok sa loob ng room. Nakasimangot itong umupo sa pwesto niya, samantala ako ay kinakabahan at naexcite dahil makikita ko rin ang kapatid namin mamaya.


Ilang minutlo lang ang lumipas at dumating na rin ang prof namin. Gaya nga ng sabi ko kanina ay mayroon kaming quiz ngayon.


"Get one fourth sheet of paper" saad ng prof namin.


Kanya-kanyang kuha kami ng papel at ang iba pa ay nanghihingi. Nagsimula na ang pagsusulit at masasabi kong may posibilidad mangitlog ang marka ko.


Pagkatapos namin mag quiz ay nagturo pa ang prof namin samantala naka-abang naman ako sa orasan ko.

Tumunog ang bell sa room, hudyat na pagtatapos ng klase.


Kanya-kanyang nagligpit ng gamit ang buong klase kahit na hindi pa tapos magturo ang prof namin. Nagsilabasan na ang lahat at isa ako sa naunang lumabas.

"Sophia, saglit! Hintayin mo naman ako" sigaw ni Hera. Nilingon ko ito at huminto saglit sa paglalakad.


Pinanood ko siyang hingal na hingal na lumapit sa akin, bitbit ang napakaraming papel na sinisilid niya sa loob ng bag niya.

"Ang bagal mo!" inis na saad ko at tinulungan siya ipasok lahat ng gamit niya.

Nang matapos namin ligpitin lahat ng gamit niya ay nagmadali kaming lumabas ng school at pumara ng masasakyan papunta sa hospital.

"Walang text lola mo? Nanganak na ba?" tanong ni Hera nang maka-sakay kami sa jeep.

"Wala eh" saad ko habang nakatitig sa phone ko.

"Baka naman nanganganak na" saad ni Hera.


Mabagal ang usad ng sasakyan dahil traffic. Kanina pa ako palinga-linga sa harap dahil sobrang bagal talaga.



"Hera, lakarin na kaya natin?" tanong ko sa kanya.

"What? No way! Mamamaltos paa ko" saad nito at umirap.

"Bahala ka" saad ko at pumara sa jeep.

"Sophia! Ano ba!" inis na sigaw ni Hera at napilitang bumaba sa jeep. Natawa ako sa kaartehan nito, pero kahit haggard na siya maganda pa rin.

"Aarte ka pa, maglalakad ka rin pala" saad ko habang siya ay inirapan ako.


Halos 20mins kaming naglakad bago namin marating ang harap ng hospital. Hingal na hingal kami pareho at pumasok sa loob.


Pagpasok namin ay tinanong namin ni Hera kung saan ang room ni nanay.

"Thank you po!" saad ko sa babae at nagmamadaling umakyat.


Pagdating namin ni Hera ay naabutan namin si lola na naglulupasay sa labas ng pinto at umiiyak. Pilit siyang itinatayo ng mga nurse na nakapaligid sa kanya. Nabitawan ko ang bag ko at patakbong lumapit kay lola.


"Lola!" saad ko at niyakap ito.

Panay ang pag iyak niya habang nakayakap din ito sa akin. Kusang nagbagsakan ang luha ko dahil sa naisip ko. Sana mali ako ng iniisip.

"Anak ko" saad ni lola habang umiiyak.


Tinulungan ako ng nurse na alalayang i-upo si lola na hindi pa rin tumatahan. Inalo ko si lola at pilit na pinapatahan hanggang sa makatulog ito sa akin. Akmang aalis na ang nurse pero hinawakan ko ang laylayan ng damit nito.


"Miss, saan po ang nanay ko?" kinakabahang tanong ko.

"Ma'am ikaw ba ang anak ni Mrs. Smith?" tanong ng Nurse.

"Opo" saad ko.

"Ma'am we did our best para masurvive ang baby at ang mama mo. Pero nag 50/50 at hindi na kinaya. Pinapili namin ang lola mo pero nagpumilit ang mama mo na ang baby ang iligtas." saad ng nurse at nag excuse bago umalis.


Halos mabingi ako sa sinabi ng nurse sa akin. Pakiramdam ko ay nawalan ng buhay buong katawan ko. Hindi ko magawang kumilos dahil sa pagka bigla.


"Sophia.."


Naramdaman ko ang mahinang pag tapik ni Hera sa likuran ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Nagsimulang magbagsakan ang luha ko at humagulgol.


Panay ang pag iyak ko at iisang tao lang ang pumasok sa isip ko. Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay nanginginig kong tinipa ang numero ng aking ama.


Ilang beses ko siya tinawagan pero walang sumagot sa lahat ng tawag ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang kirot.

END OF FLASHBACK


Mula nung araw na 'yon ay nawala na rin ang kalahati ng buhay ko. Simula rin nung mawala si nanay ay si lola ang nakasama namin. Siya rin ang nag alaga kay Scarlet. Pero hindi rin nag tagal ay na stroke si lola.


Thanks for reading.



"𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒍𝒐𝒘 𝒌𝒆𝒚. 𝑵𝒐𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖."

- 𝓜𝓻𝔂𝓸𝓼𝓸𝔀

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

83.5K 1.4K 53
Book 2: Completed // Editing Andrea Eunice Dela vega Salvador or should I say Shawn Lucas Salvador wife.. Got pregrant at the age of Eighteen. But s...
3.6K 179 23
This story is about the girl and the priest who fall in love with each other. Will the priest quit his profession? And will the girl take the risk? W...
Mga Dulang Pambata Av tinta_at_papel

Allmän skönlitteratur

19.8K 156 17
Salin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public domain na ngayon. Naglalaman ito ng kol...
17.1K 318 26
I am Charmaine Cruz, I always hide my true feelings about him. I always keep this inside me. I silently, shouting my love for him. For Lance Latriz.