Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 77

20.6K 634 222
By IyaLee04

(LC) Chapter 77


"Hindi mo sinabing magr-road trip pala tayo?"

I heard Brad's chuckled at my complaint. Mabuti na lang din at de-aircon naman ang sasakyan niya. Kahit mahaba ang biyahe hindi nakakapanlagkit at nakakapagod.

"Ang layo naman yata ng bahay ng craftsman na iyan?" Pabulong kong tanong na umabot sa pandinig niya.

"Mayroon siyang boutique sa hotel. Tinawagan ko. Wala siya ngayon. Nasa bahay nila kaya doon ang tungo natin."

"May boutique siya sa hotel?" Tanong ko't tuluyan nang nakalimutan ang pagrereklamo. "Parang sa Shalom.co ba?"

I'm not a jewelry person. I don't even wear one. Kahit sa mga collections namin si nanay lang ang nagsusuot. Occasionally lang ako. Madalang at pa-isa isa lang. Kahit hindi nagsusuot, sobrang fascinated ako sa iba't ibang klaseng bato at alahas. Isa na siguro sa dahilan ay dahil business ko ito at kinailangan kong pag-aralan.

"Hindi. Maliit lang iyon na boutique. Mga bato lang ang tinda niya. Gumagawa lang siya ng alahas kung may nagpapasadya sa kanya."

"Ah..." Tumango tango ako.

"Siya mismo ang nakahanap no'n dito sa isla. May mga perlas din na sinisid nila't siya ang nagbebenta. Kaya malaki ang discount kung sa kanya magpapagawa at bibilhin ang bato."

Napangisi ako. Na naging tawa.

"Kung kailan para sa fiancee mo saka mo gusto makakuha ng discount? Naghihirap na ba? Walang kita ang mga hospital n'yo? Pautangin kita?"

Sinulyapan niya ako. Inasahan ko na ang matalim na tingin niya. Wala pa man natatawa na ako sa pikon niyang anyo.

"Hindi ako hihingi ng discount! Sinabi ko lang sayo! Kung gusto ko maka-discount sana hindi kita binayaran sa design mo!"

Mahina na akong natawa bago ko pa mapigilan iyon. Inaasar ko lang naman siya. Pumikit ako kahit alam na hindi makakatulog. Isa ito sa pinagbago ko. Nakakatulog naman ako noon kahit saan o sa sasakyan. Ngayon, kahit saang sasakyan o kung nasa labas, hindi ko kayang makatulog. Hindi nare-relax ng husto ang katawan ko at mabilis nagigising. Sasakit lang ang ulo ko kung pipilitin kong matulog sa sasakyan ngayon.

"Dito na tayo maglunch."

Tinanaw ko ang daan na dinaanan namin. May parang check point. Tiningnan lang ang plate number ni Brad at nagbukas siya ng bintana'y pinadaan na kami. Mukhang ang lugar na ito ay bawal nang puntahan ng mga turistang nasa hotel. Sa tingin ko rin hindi naman din sila makakarating dito dahil malayo at wala sa banda rito ang mga pasyalan.

"Is this an exclusive village?"

Gumalaw ang ulo niya para sa isang tango.

"Oo. Pinagawa ng kaibigan ko dahil nawalan ng bahay ang mga kapitbahay niya."

"Kapitbahay niya?"

"Uh-huh." Tumango muli siya. "Taga-iskwater siya."

Napaisip ako. Hindi ko alam na galing sa hirap ang isa sa mga kaibigan niya. Akala ko'y mayayaman lang ang mga pinapakisalamuhaan niya. Hindi ko rin alam na mayroon ganitong lugar dito. Kunsabagay, sobang laki at lawak ng isla. Kung nanaisin nila'y pwede itong ihiwalay sa Pinas at gawing bukod na bansa.

Mayroon kaming pinasukan na malaking gate. Mataas ang harang na wall kaya't hindi kita ang loob. Pagkapasok sa loob, pare-pareho ang style ng bahay. Pumarada si Brad sa pinakabungad, sa unang bahay pagkatapos ng gate. Mukhang inaasahan ang pagdating namin dahil may nagbukas ng pinto wala pa man siyang tinatawag.

"Kuya Pedro!" Bati dito ni Brad pagkatapos niya akong pagbuksan ng pintuan ng sasakyan.

"Kumusta si Adam?" Tanong ng matanda pagkalapit. "Hindi dumadalaw dito ang isang iyon!"

"Abala po iyon ngayon!"

Ipinatong ni Brad ang dalawa niyang kamay sa aking balikat saka ako bahagyang itinulak palapit sa matanda.

"Ito po 'yung sinasabi kong ipapakilala ko sa inyo! May ari ito ng malaking alahasan sa Greece at iba pang bansa! Mayaman ito!"

Dinungaw ko si Brad mula sa balikat ko't tinusok ng matalim na tingin. Oo, marami na akong pera. Pero hindi ako kumportable at napipikon ako kapag sinasabihan akong mayaman. Nakaka-offend.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nginisian niya ako. "Mayaman ka, 'di ba? Kanina nga pinapautang mo ako!"

"Pumasok na kayo rito! Sakto at katatapos ko lang magluto ng pananghalian!"

Naputol ang pang-aasar niya at masama kong tingin nang tuluyan niya akong tinulak papasok sa loob ng bahay. May nakahain na sa lamesa. Kumain kami ng lunch. Sa sala, malinis. Pagkaakyat namin sa second floor, nandoon ang mga kagamitan pang-alahas.

Sa bench wood ay may ilang mga nagkalat na mamahaling bato. Mayroon singsing na nakaipit sa benchmate at mukhang mayroon kasabay magpagawa si Brad ng singsing. Medyo magulo at marumi sa mesa at halatang handmade ang ilan sa mga gamit niyang tools. Ang mga saw frame niya'y nakasabit sa dingding. Ang mas maliliit na tools, nasa ibabaw ng mesa lang.

Kahit malaking kompanya ang Shalom.co ganito rin ang ayos ng lamesa ng mga jewelers namin. Mas marami at naka-organisa nga lang ang hindi pa kailangan na tools. Mas malawak din at malaki ang ginagalawan. Ang pwesto ni Kuya Pedro ay sakto lang sa isang trabahador. Pang-kanya lang.

"Dito ko gagawin ang singsing. Tapos ko na itong ginagawa ko."

Kinuha niya ang singsing na nakaipit sa benchmate. Finishing na lang ang kulang doon. May bato na at kaonting kinis na lang.

"Mamaya ang gagawin ko naman ay ang sayo. Kung pagpupuyatan ko, bukas o sa makalawa'y tapos ko na itong singsing mo."

Muntik na akong mapa-wow. Mayabang na ngumisi sa akin si Brad. Nagulat ako sa bilis niyang gumawa. Solo niya ang lugar at dito nakatira. Mukhang wala siyang pamilya at paggawa ng mga alahas ang libangan niya.

Ipinakilala ako ni Brad. Pagkatapos namin pag-usapan ang tungkol sa design, hinayaan ko na silang mag-usap. Bago pa umuwing Pinas si Brad, nakausap na pala niya ang matanda. Ang batong gusto niya'y nakatago na. Huhulmahin na lang iyon base sa disenyo ko at panghuli'y ikakabit na sa ring band. Kayang kaya ngang i-rush dahil finalized na ang lahat.

Iginala ko ang mata. Mayroon ilang mga alahas na yari na. Siguro'y ipi-pick up na lang ng mga may-ari o 'di kaya'y kukunin na lang ng mga nagpagawa sa boutique. Hindi mukhang minadali. Pulido. Isang tingin lang, kilala ko kung anong uri at kung totoo ang isang metal o bato. Sa mga alahas na ito, masasabi kong mayayaman talaga ang mga naka-stay dito.

"Inaantok ka?" Tanong ni Brad nang masulyapan akong maghikab habang nasa biyahe kami pabalik.

"Oo," humikab ulit ako.

Inaantok ako ngunit pinipigilan ko. Kaya naman pagkahatid niya sa akin sa hotel. Pagkadamping pagkadampi ng katawan ko sa kama, tila ba ramdam nito ang pagod ko't hinila ako. Ni hindi ko na nagawang kapain kung nandoon pa ba sa ilalim ng unan ko ang maliit na kutsilyong hindi ko roon inaalis.

I feel so exhausted and comatosed. That's why when I woke up, my eyes still felt tired. Madilim sa kwarto gawa ng makapal at saradong kurtina. Ang kaonting sinag ng araw na tumatama sa aking bandang paanan ang tanging palatandaan ko na umaga na.

O tanghali?

Nanlaki ang mata ko. Napabalikwas ako nang makaharap ang orasan sa side table at makitang ala-una na ng hapon!

"Harlow! Are you still inside? I didn't see you with them! Wake up! Open the door!"

Nambubulahaw na ang boses ni Brad hindi ko pa man nabibilang kung ilang oras akong nakatulog. Gabi na kaming nakauwi at ngayon hapon na. Mahaba ang itinulog ko pero ramdam ko sa mga matang pagod pa ako.

Kailangan kong maghanap ng gym dito. Hindi ako sanay na hindi nagbabanat ng buto. Mas bumibigat ang katawan ko't mabilis makaramdam ng pagod sa tuwing hindi nakakapag-exercise. Kung wala sa mood, maski jogging o treadmill man lang sana.

"Ano ba iyon?" Nakayapak at pikit pa ang isang mata na pinagbuksan ko siya. Maliit lang. Tama lang para masilip niya ako at makita niya ang likha ng pang-iistorbo niya.

"Where's your hand?" Sinubukan niyang itulak ang pinto ngunit hindi ko hinayaan.

"What?"

"Just give me your hand!"

Wala pa akong toothbrush kaya't wala ako sa hulog na makipagtalo ngayon. Tamad kong inilabas ang kanang kamay ko at inabot sa kanya. Hinawak-hawakan niya iyon at tinitigan.

"Magka-size kayo! Samahan mo ako! Magbihis ka! Alam ko ang size niya pero mas mabuti nang sukat na sukat!"

"What the f-uck?!" Agad kong tanong.

Napaatras ako kaya nasamantala niya iyon para maitulak ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Laglag panga ako. Siya lang talaga ang Doctor na kilala kong idiot. Tuwing nasa loob ng hospital at naka-lab coat, seryoso. Tuwing nasa labas, gago.

Mabuti na lang din at nakatulog ako na hindi na nakapagpalit ng damit kahapon kaya't naka-pants ako. Kung ano ang suot ko kahapon ay iyon din ang suot ko ngayon. Pero paano kung nakahubad akong matulog at bigla bigla siyang nagbubukas diyan?

Alam kong hindi siya maaapektuhan kahit hubo't hubad pa ako pero baka mabalian ko siya ng buto dahil hindi ko iyon hahayaan. Kung magkakataon, masusugod siya sa sarili niyang hospital.

"Maligo ka na! Nagmamadali ako! Kailangan kitang isama para kung mayroon maging problema sa size mai-ayos din ngayong araw!"

Tinulak niya ako sa loob ng banyo. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Ako, kahit gulat, nagpatianod na't naligo na rin. Ito rin naman ang plano ko pagkagising. Ligo. Toothbrush. Hindi nga lang nakaplano sa aking samahan siya.

"Alam mo ang size niya pero kailangan mo pa ako? Are you f-ucking kidding me?" Sigaw ko habang nasa gitna ng paliligo.

"Baka lang mangailangan ng adjustment! Iba pa rin kapag isinuot na sa daliri!"

"Sana kinuha mo muna saka mo ako ginising! Pwede mo naman ibalik pagkapunta mo sa akin!"

"Wala ka namang gagawin dahil nakasalubong ko ang isa sa mga staff mo kaninang umaga! Pinaiwanan ka na raw no'ng Millie dahil hindi ka magising sa pagdoor bell nila at pagkatok! Mukha ka raw puyat at pagod na pagod! Huling araw na rin itong guguluhin kita kaya nagpunta na ako!"

"Idiot!" Angil ko habang nags-shampoo.

"Thank you!" Tumawa siya. Nagtiim bagang ako.

"Kung ako ang fiancee mo hindi kita pakakasalan!" Nagsabon ako.

"Kung ako ang boyfriend mo wala rin naman akong balak na magpropose sayo! Iiyak ka na lang ng dugo!" Humalakhak na siya.

Umirap ako at binagalan ang pagligo para buwisitin siya. Inabot yata ako ng tatlo o apat na oras. Hindi ako nagpapigil sa maya't mayang pagkatok niya. Nagawa ko pang magbabad sa maraming bula at amoy lavender na bath tub. Kaya naman nakasimangot na siya paglabas ko.

"Muntik na akong makatulog!" Reklamo niya habang nasa elevator. Patingin tingin sa relong nasa kanyang pulso.

"Kung nakatulog ka, iiwan kita sa kwarto ko! Pagkagising mo wala na ako!"

Malakas akong tumawa nang umirap siya. Kinabadtrip talaga niya na ang tagal ko sa banyo. Tumigil ako sa pagtawa nang bumaba kami sa elevator. Parang pang-royal na hotel ang style nito. Mayroon mga mamahaling restaurant at forbes ranked valuable brands. Nandito rin ang kalaban naming brand. Mataas ang bawat susunod na floor at sobrang lawak. Ang kabilang dingding ay pawang transparent na babasagin. Malaki at kung baguha'y maliligaw kung walang hawak na mapa.

Mayroon ding indoor pool. Habang nags-shopping o kumakain matatanaw mo ang mga naliligo. Kahit gano'n, parang wala na sa kanila iyon at mga sanay na. Ni walang nakatingin na mata sa mga taong gumagawa ng kung ano sa pool, ako lang. Siguro dahil first time kong makapunta rito kaya't nakakabigla pa kahit na alam ko naman kung anong klaseng isla ang pinuntahan ko.

Before coming here, I asked Orion to dig research about this island. I know one of the owners so I can't help but be suspicious of how this kind of s-ex island was legalized. Kahit paanong hukay ang gawin, walang mahukay na malalim. Pribado ang lugar kaya wala masiyadong makuha na detalye. Kahit ang mga may-ari, hindi kilala. Ang nakalap niya lang ay nagsimula ang isla na ito sa isang delikadong grupo. Nagsimula sa isang malaking sasakyang pangdagat. An s-ex ship. Pili at kilalang malalaking tao lang ang mga guest. Illegal dahil mayroon halong droga at prostitution.

Nang dumami ang guest at hindi na kinaya nang barko, saka naisipan na tumigil sa isang isla. Kilalang sindikato ang may-ari noon at hindi pa ganito kaganda. Hindi pa nadiskubre at narating noon ang magagandang lugar. Hindi ko alam kung kabilang si Brad sa mga may-ari ngayon. Ani Orion, nang malipat sa bagong may-ari ang buong isla'y legal na't ipinagbabawal na ang droga at prostitution dito. Ewan lang kung totoo. Kung isa si Jax sa may-ari, maaaring may sikreto at illegal pa rin na gawain sa likod ng isla na ito.

"Ipapasukat ko sa kanya Kuya Pedro para sigurado!"

Bumalik ang isip ko kung nasaan ako nang marinig ang boses ni Brad. Hinawakan ako sa kamay ni Brad at hinila.

"Pupwede naman," sagot ng matanda.

Nakatingin ang matanda sa daliri ko nang itaas iyon ni Brad. Hindi ko sigurado kung nasabi ba rito ni Brad na hindi ako ang may-ari ng singsing at hindi ako ang fiancee niya. Kung nasabi niya man kay Kuya Pedro, mukhang hindi sa dalawang tauhan nito. Kung ngumiti kasi sa akin ang dalawa'y wagas. Tila ba kino-congrats na ako ng mga ito kahit wala naman sa hinagap ko ang magpakasal.

"Oh! Ito na at isuot mo sa kanya!"

Inabot ni Kuya Pedro ang pulang box kay Brad. Kinuha iyon nang huli. Binitiwan niya ang kamay ko at binuksan ang box sa aking harapan. Hindi ko napigilang makisilip. Napangiti ako nang makitang kuhang kuha ang disenyo ko. Kahit hindi akin iyon na-satisfy ako. Sana ganoon din ang may-ari nito.

"Ang ganda..." Komento ko.

Napangiti si Brad sa akin. Kumikinang ang mata at tingin ko'y nagpapasalamat sa akin gamit iyon. Inalis niya ang singsing sa lagayan. Muli niyang kinuha ang aking kamay. Kapwa kami nakangiti at satisfy sa kinalabasan ng singsing habang isinusuot niya sa akin iyon. Nakiliti ang daliri ko. Kahit ibang babae ang may-ari nito'y natuwa akong isuot. Ang ganda sa kamay at ang kinang.

"Kasiya!" Tuwang tuwang na pumalakpak si Kuya Pedro na sinabayan ng staff niya.

Itinaas ko ang kamay ko't pinanuod ang mga batong mag-unahan sa pagkinang.

"Ang ganda talaga, Bradley!"

Napatakip ako ng isang kamay sa aking bibig. Nakataas pa rin ang isang kamay, tinititigan ng maigi ang singsing. Tila ako maiiyak dahil sariling disenyo ko ito. Tinulungan ako ni Brad sa design at sobrang ganda ng kinalabasan.

"Clementine?" May tumawag sa akin.

Mula sa singsing, napababa ako ng tingin. Hindi ko pa nakita'y nakilala ko na ang boses. Si Xena. Hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang asawa niya at si Kade.

"Hi!" Sabay kaway ko sa kanya ng kamay kong mayroon suot na singsing. Nandoon ang mga mata nila. Naabutan yata nilang isinusuot sa akin ito ni Bradley.

"Kaya ba hindi ka nakakasama sa amin dahil si Brad ang kasama mo?" Si Xena ulit.

Nilingon ko si Brad sa aking gilid. Nakaharap sa akin ito. Nakatingin pa rin siya sa singsing. Sinisiguro yata sa galaw ng kamay ko na hindi iyon masikip o hindi maluwag at tamang tama lang. Wala itong pake sa mga dumating na kaibigan. Ang buong atensyon ay nasa akin, nasa singsing. Binalik ko ang mata kay Xena.

"Oo." Ngumiti ako. "Magkasama kaming dalawa."

"Ah..." Marahan siyang tumango. "Kung ganoon ikaw pala 'yung nabanggit niya na isasama niyang girlfriend niya?"

Napatigil ako. Naibaba ko ang aking kamay. Pinigilan ni Brad ang kamay kong bumagsak at hinawakan iyon. Hindi niya yata narinig si Xena.

"Congrats!" Si Lennox na sinuntok sa braso si Brad.

Doon pa lang ito napatingin sa kaibigan. Hinintay kong itanggi niya. Halos manlaki ang mata ko nang sa halip na tumanggi'y malaki pa siyang ngumiti pabalik.

"Salamat! Ako na ang susunod sayo!" May pagmamayabang na ngumisi si Brad.

Para akong namatanda habang nakatingin kay Brad na nakalimutan na yatang hawak ang kamay ko. Naisip ko na baka sinabi na niya sa mga kaibigan niya bago niya isukat sa akin. Na alam ng mga ito na nasa America ang fiancee niya kaya siya kino-congrats. Kung itatanggi kong ako, nakakahiya, kasi nasabi na pala ni Brad na hindi ako 'tapos itatanggi ko pa. Baka si Xena lang ang hindi nakakaalam kaya ganoon ang sinabi.

"Congrats, Brad!" Si Kade.

Nakangiti at pabiro niyang sinuntok si Brad sa tiyan. Sumulyap sa akin ang lalaki bago nawala ang ngiti. Umatras ito at nagpaalam na lalabas na. Napasunod ako ng tingin dahil kapansin pansin ang biglaang panlalamig ng mga mata niya. Nakasunod ang mata ko kaya't nakita kong may tinapik siyang balikat. Tila ba niyayayang umalis na.

Ngayon ko lang napansin na bukod sa kanila'y may tao roon. Nasa labas. Nakasandal sa babasaging dingding. Nakapamulsa ang dalawang kamay. Natatakpan ang mukha niya ng nakadisplay sa harapan na mga mannequin na may suot na alahas. Nang itinulak nito ang katawan patayo at saka ko lang namukhaan na si Jax. Nasa ibaba ang tingin niyang sumabay paalis kay Kade.

"Alis na kami!" Paalam ni Lennox. Napunta rito ang tingin ko kahit na nakay Brad ang mata nito. "Kaya pala tuwang tuwa ka nang siya ang makasalo sa bulaklak ni Xena! Girlfriend mo pala! Congrats ulit sa inyong dalawa!" Kumaway sila ni Xena at tuluyang lumabas.

Nabitiwan ni Brad ang kamay ko. Mabilis, nagkatinginan kaming dalawa. Sabay tumaas ang kilay namin at hindi maitanong ang tanong.

"Akala nila ikaw ang fiancee. Akala nila kayong dalawa ang magpapakasal." Si Kuya Pedro na ang sumagot. Napabaling kami sa kanya.

"Shit," si Bradley.

Hindi na namin sila nahabol para magpaliwanag at maitama ang maling akala nila. Hinatid ako ni Bradley sa kwarto ko at saka siya nagtatatakbong tinungo ang kwarto niya. Mukhang hindi siya aligaga na mali ang alam ng mga kaibigan niya. Mas natakot yata siyang makarating sa girlfriend niya na may fiancee siya ritong iba.

"Iyan kasi. Kung sinunod akong dalhin na lang dito sa kwarto ko ang singsing wala sanang problema," sabi ko habang binubuksan ang laptop upang sagutin sa tawag ang email ni Orion.

"They are still have contacts. Nag-uusap pa sila at nagkikita."

Simula pa lang ni Orion, kinilabutan na ako. Umupo ako sa swivel chair. Sa harapang office table ay nakapatong ang laptop.

"Who?" Dumiin ang panga ko.

"Jaxsen and Georgina."

Marahan akong kumuha ng hangin at marahan din iyon na ibinuga. Nagpapakalma ako. Nang marinig ko sa bibig ng ibang tao na magkasama ang pangalan nila, para akong tinutuklapan ng balat. Yung pakiramdam na habang tinutuklapan ka ng balat, sa sobrang sakit, gusto mong pumalag at kumawala.

"They've seen together months ago. Maaaring isa sa mga araw na ito ay papuntahin niya diyan sa isla si Georgina."

Napahilamos ako ng mukha. Isang buwan lang ako rito. Kulang isang buwan na lang dahil nagamit ko na ang ilang araw kay Brad.

"Do they have personal suites? Like...hotel room?"

Inalis ko ang kamay ko sa aking mukha. Ang isang kamay ko'y hinayaan kong nakatakip sa bibig ko habang nag-iisip. Isa siya sa mga may-ari. Ang mga member, mayroon sariling mga kwarto. Lalo na sila.

"I think so."

Mataman akong tiningnan ni Orion sa mata.

"That room could be his hidden place. Posible bang nandoon ang babae at itinatago niya?"

Umiling ako agad.

"Hindi. Imposible iyon. Marami siyang babae. Kung mayroon siyang sariling suite dito sa hotel siguradong doon niya dinadala-"

"Nakita mo bang nagdala siya ng babae sa kwarto niya?"

Nag-pause ako sandali bago umiling.

"Hindi rin pero...araw araw siya may iba't ibang babae..."

"You aren't sure?" Tanong niya. "Maaaring may mga babae siya pero hindi niya dinadala sa kwarto?"

Nag-isip ako. Noong nakasabay ko sila sa elevator, sa floor ng babae sila bumaba. Kung gagawin man nila iyon, hindi ba sa kwarto niya at sa kwarto ng mga babae niya ginagawa?

"Wala ako diyan. Kahit nandiyan ako, wala akong makukuha. Mahigpit ang seguridad nila. Nagbabackground check bago paapakin sa isla. Kung ako ang kikilos, wala pang isang linggo'y malalaman nilang nandiyan ako para magmanman. Wala rin akong dahilan para lumapit sa kanila. Kaya ang tungkol dito, ikaw muna ang umalam."

Tinanguan ko si Orion. Nakatingin siya sa akin habang nakapangalumbaba ako at nag-iisip. Yung tatlong vocalist...nakasama niya lahat. Kailangan ko silang makausap. Kung sa mga kwarto ng babae siya nakikipagtalik sa mga ito. Pwede. P'wede ngang may tinatago siya sa kwarto niya.

"Nice ring," si Orion.

Napatingin ako sa screen. Nasa baba ko ang kamay kong may suot na singsing. Napatingin ako roon at naalalang nakalimutan kong hubarin.

"Hindi akin ito." Natawa ako. "Napagkamalan pa ngang akin. Napagkamalan akong fiancee ni Bradley."

"Bradley?"

Tumango ako.

"Client na kaibigan ko. Hindi ko alam kung isa siya sa mga may-ari nitong isla. Pero mukhang kaibigan siya ng mga may ari-"

"Kaibigan?" Napalapit sa screen si Orion. "If the owners are his friends, then their mistake is in our favor. Kung iniisip nilang fiancee ka. Ibig sabihin may dahilan ka diyang magtagal. Kahit wala na ang staff ninyo, may dahilan kahit magpa-iwan ka. Hindi mo kailangan umalis diyan next month. You can go and stay there anytime you want."

"What do you mean?" Napaayos ako ng upo.

"If you want to stay there until Georgina appears..." Orion looked directly at me. "Be his pretend-fiancee."

"What?" Nanliit ang mata ko. "Hindi papayag si Brad! Saka may karelasyon ang tao! Paano kung malaman ng totoong fiancee niya at makipaghiwalay dahil sa akin?"

"Nandiyan ba ang fiancee niya? Kung napagkamalan kang fiancee, ibig sabihin hindi pa niya naipapakilala?"

"Busy kasi-"

"Exactly. She's busy. She will not know. Just try to convince him. Walang mawawala kung susubukan mo."

Umiling ako. Tiningnan ko siya ng masama. Seryoso ang mata niya pero sumisilip sa labi niya ang ngisi niya.

"Hindi kaya ng konsensya ko-"

"Even if it means...justice?" Tinawanan niya ako. "Akala ko ba lahat gagawin mo?"

"May ibang paraan, Orion. Yung paraan na hindi ko kailangan manira ng relasyon ng ibang tao."

Ngumisi siya. Natuwa sa mga sagot ko. Lumabi ako. Kapag magkaharap kami sa personal, sobrang seryoso niya. Minsan naman kapag nasa video call, tinutukso ako. Alam niya kung kailan ako nasa mood para sa joke at kailan seryoso. Magaling siyang bumasa ng tao. Tingnan lang niya ako, alam na niya ang nasa isip ko.

"Good answer. I know you will say that."

Oo nga at talagang makakatulong ang suhestiyon niya. Pero alam niya ring hindi kakayanin ng konsensya ko iyon. Hindi dahil busy ang girlfriend niya, pwede na namin siyang lokohin. Hindi dahil hindi niya malalaman, tama nang gawin. Mali iyon. Kahit magtago lang si Brad ng isang sikreto sa girlfriend niya na tungkol sa ibang babae, pagtataksil nang matatawag iyon. May ginawa man siyang mali o wala, basta't tungkol sa ibang babae ang itinago niya. Para na rin niyang iniputan sa ulo ang girlfriend niya.

"Yeah. Thank you. See you soon, Orion."

Nag-usap pa kami sandali bago kami nagpaalamanan. Nakatulog ako pagkatapos mag-isip at maglinis ng katawan. Maaga akong nagising. Madilim pa. Habang nagbibihis, napatingin ako sa side table. Lumapit ako roon nang maalala ang hinubad na singsing.

Pagkalabas ng mga kaibigan niya sa store, nagmamadali siyang habulin ang mga ito. Nang hindi maabuta'y bumalik kami sa kanya kanyang kwarto kaya't nakalimutan na niya. Malamang ay lutang ang isipan at hindi malaman kung paano magpapaliwanag sa girlfriend niya.

"Bradley!" Tawag ko sabay katok.

Nasa labas na ako ng kwarto niya. Inunahan ko na nang balik ng singsing bago pa mangatok sa kwarto ko si Millie. Kung mamaya ko pa ibabalik, matatagalan pa. Gabi ang uwi sa itinerary ngayong araw at hindi ko alam kung nandito pa si Brad nang ganoong oras.

"Bradley!" Tawag ko ulit.

Sinubukan kong idikit ang tenga sa pinto. Nang walang marinig na galaw mula sa loob, sinubukan kong galawin ang door knob. Bukas iyon. Nagdalawang isip pa ako kung papasok ba. Tumingin ako sa suot ko ngayong pambisig na relo. Nang makitang ganitong oras ang gising ni Millie para mag-ayos, hindi na ako nag-isip. Itinulak ko na pabukas ang pinto. Kung wala siya rito'y iiwan ko na lang. Ila-lock ko na lang ang pintuan niya bago ako lumabas.

"Bradley! Si Ember ito!"

Tahimik at malinis ang sala. Nakaayos ang mga unan sa sofa at tila ba walang nagiging bisita rito o kahit ang may-ari'y ginagawa lang itong tulugan. Tatlo ang pinto na sa palagay ko ay kwarto. Lumapit ako sa isa at kumatok. Walang sumagot. Lumapit ako sa kabila. Kumatok ako roon. Nakarinig ako ng ingay ngunit sa pangatlong pinto nanggaling.

"Para nga sayo iyon! I want to suprise you but now it ruined! It won't be a surprise anymore!"

Kulob ang boses kaya't hindi masiyadong makarating sa aking pandinig. May kausap ngunit hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan. Dahan dahan at may pag-iingat akong lumipat sa pangatlong pinto.

"Bradley!"

Tinawag ko siya pagkatapos kumatok. Bumukas ang pinto at iniluwa si Brad na nakadikit sa tenga ang telepono. Magulo ang buhok. Kung ano ang damit niya kahapon, iyon pa rin ang suot niya ngayon.

"Harlow?" Pagulat niyang tanong. "What are you doing here?"

"Ibabalik ko sana ito," inilahad ko ang palad ko kung saan nandoon ang singsing "Nakalimutan mo nang kunin-"

"Shit!"

Naibaba ko ang kamay nang magmura siya. Tumalikod siya't sinabunutan ang kanyang buhok. Pabalik balik ang lakad.

"What the f-uck? No! She didn't sleep here!"

Nagmura ulit siya. Huminto siya sa paglalakad at pagkatapos ay itinapat sa mukha niya ang telepono. Mukhang vinideo call siya ng kausap niya.

"Really? Paanong biglang nagteleport siya at mapupunta sa kwarto mo nang ganitong oras? Is she the same girl? If she is, then this is why your friend thought she's your girlfriend! Walang apoy kung walang usok! Hindi nila iisipin na girlfriend mo iyan kung wala silang nakita sa kilos n'yo na magkarelasyon kayo!"

The woman on the phone looks like she's starting a war. Maging si Brad ay namumula na lang at hindi na makasagot. Tila maiiyak na habang nakatingin sa screen.

"I made it clear to you before you left! I told you that if you can't handle a long distance relationship-"

"Of course, I can! I can handle! Wala pa ngang isang buwan! I explained! Nakita nilang isinuot ko sa kanya ang singsing-"

"Bakit mo isusuot sa kanya kung hindi siya ang may-ari? Baka naman kasi isinuot mo dahil para talaga sa kanya iyon? You bought her a ring! Samantalang nang magpropose ka sa akin wala kang singsing!"

Mahina akong umubo. Napasulyap sa akin ang problemadong si Brad. Gusto kong matawa sa itsura niya pero hindi ito ang tamang panahon. Sa susunod na ako mang-aasar.

"Ah...do you need help?" Tinuro ko ang telepono niya. "I can explain to her. Babae ako. Baka mas makinig siya at mas maintindihan niya kung manggagaling sa akin?"

I'm not sure if she will listen to me. Kaya lang, tingin ko kailangan ko nang tumulong dahil nakikita kong nahihirapan na si Brad. Mukhang alam ko na rin kung tungkol saan ang pinagtatalunan nila. Maybe, if I sincerely talk to her, she will listen and believe me?

After this, I will tell Brad that we should watch our closeness and distance. There's nothing wrong with him having female friends and I think she's not forbidding him to talk to females. But he should know how to maintain boundaries and get straight to his priorities. Para respeto na rin sa girlfriend niya. Lalo pa at pinagselosan na ako nito. Maaaring makinig ngayon pero kung mauulit, hindi na. Ayokong masira sila dahil sa hindi totoong paratang sa kanya.

"Pinatayan ako!"

Pinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya. Hinagis niya iyon sa kama at saka siya naupo sa dulo. Yumuko siya't hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. Sa totoo lang, nakakaawa ang itsura niya. Ngayon ko lang siya nakitang parang hindi na alam ang gagawin niya.

"Call her again. I will talk to her."

Umiling siya. Pinadulas niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok.

"Huwag na. Baka mas lumala pa-"

"Call her again. Kung hindi mo gagawin lalong magdududa iyan dahil alam niyang magkasama tayo sa kwarto bago ka niya babaan."

Bigla siyang napa-angat ng mukha at napa-isip sa sinabi ko. Pagkaraa'y sinunod ako. Tinawagan niya pero hindi sinasagot. Sinabi ko na huwag tigilan. Kahit hindi sagutin at least alam niyang walang ginawa si Brad kung hindi ang kontakin siya. Nagpaalam akong sa sala muna ako at manunuod. Na dalhin doon ang telepono kung sakaling sagutin na ng girlfriend niya.

"Hindi na naman ako makakasama nito. Naiwan ko pa ang cellphone ko sa kwarto," pagkausap ko sa sarili nang makitang pasado alas diyes na ng umaga.

Siguradong kinakatok na ako ni Millie kanina pa. Katulad sa mga naunang araw ay aalis din dahil walang magbubukas at walang sasagot sa tawag niya.

"She wants to talk to you. Kung hindi ka makikinig sa akin kahit sa kanya na lang. Wala akong ginagawang masama. Kung kailangan na dalhin ko siya diyan at lumuhod kami sa harapan mo, gagawin ko."

Oras na para sa pananghalian nang marinig ko ulit na may kausap si Brad. Lumabas siya sa kwarto niya habang nagsasalita. Nakatingin siya sa akin. Tumigil siya sa harapan ng kinauupuan ko.

"Are you sure she's the owner of Shalom.co? She don't have picture on the internet. Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?"

"I'm not lying. She's really Ember Harlow. She designed your ring. You can ask her. She's watching in the living room right now while waiting for you to answer my calls. I'll change it to videocall, okay? Listen to her."

"Fine!"

"I love you."

Napangiwi ako. Walang sagot sa kabila pero napangisi si Brad. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Kinalikot niya ang telepono at kalaunan ay inabot sa akin. Kinuha ko iyon. Nakatitig ako sa screen, hinihintay na i-accept ang videocall sa kabila.

"She knows you by name. She's a fan of your designs. Don't say stupid things."

Napairap ako kay Brad. Nang sagutin ang videocall, tinitigan ko muna ang mukha ng babae na lumitaw sa screen. Ganoon din ang ginawa nito. Mahabang katahimikan. Nagtitigan kaming dalawa. Naunang nanlaki ang mata niya bago ako.

"Clementine?"

"Cathy?" Magkapanabay naming sabi.

"Ikaw ang girlfriend ni Brad?" Hindi ako makapaniwala.

Kunot noo at nagtataka kong tiningnan si Brad. Iniisip kung paano nito napasagot ang kaibigan ko. Wala itong naging boyfriend o walang pinagkainteresan na lalaki mula grade school hanggang college kaya nagtataka ako kung ano ang nakita niya sa lalaking ito bukod sa maganda itong lalaki at mataas ang propesyon.

"What?" Salubong ang kilay ni Brad. "Magkakilala kayo?"

"Oh my god! It's really you, Clementine! Go to Brad's room! We need a long talk!"

Tumingin ako sa screen. Tumango ako sabay tumayo. Naguguluhan ang mga mata ni Brad nang nilagpasan ko siya. Bumuntot si Brad sa akin nang tunguin ko ang kanyang kwarto. Pagkapasok ko sa loob, sinarado ko sa pagmumukha niya ang pinto.

"Harlow! Buksan mo ito! Makikinig ako-"

"Pahiram muna sa girlfriend at sa kwarto mo! Kung magpupumilit ka sasabihin ko sa kanyang may relasyon tayo!"

Narinig kong natawa si Cathy. Natahimik naman si Brad sa labas ng pinto. Sa malaking sofa sa gilid ako lumapit. Naupo ako at nagsimulang kumustahin si Cathy.

"Ang tagal kitang hindi nakita," hindi mahiwalay sa akin ang titig niya. "Kinikilabutan ako ngayon."

"Kumusta ka?" Ngumiti ako. Sa tagal, hindi ko na alam kung paano ko ba siya kakausapin.

Mas mahaba ang buhok niya ngayon kumpara sa dati. Mas pumuti siyang tingnan sa kulay white blonde niyang buhok.

"Huli na nang malaman ko ang nangyari sayo. Nasa Manila ako. Wala akong alam sa nangyayari sa Mindoro. Sinadyang hindi ipaalam ng mga magulang ko dahil nag-aalala sila na kapag nalaman ko ang nangyari sayo'y uuwi ako na hindi pa nakakapag-entrance exam."

Hindi pa kami nag-uusap ng matagal, namumula na ang mga mata at dulo ng ilong niya. Nahawa na tuloy ako. Nagsimulang magbara ang lalamunan ko.

"Kung nandoon ako hindi ako magpapapigil sa kanila na tulungan ka."

Namasa ang mata ko. Alam ko nang mga panahon na iyon ay naghahanap ako ng tutulong sa amin. Si Irene, tumakas pa noon para lang kitain ako. Sigurado na ikinulong siya nang nalaman iyon ng mga magulang niya. Naiintindihan ko sila. Kung nagkabaligtad ang sitwasyon, tiyak na maging sila inay ay babawalin ako. Delikado noon dahil magkakasunod na araw ang nabalitang patayan. Kahit sinong magulang mag-aalala para sa kaligtasan ng mga anak nila.

"Mabuti na rin na wala ka noon. Madadamay ka pa kung tutulong ka."

"Nasa Manila rin noon si Harry. Sa kanya ko nalaman. Nang umuwi kami wala ka na," tuluyan na siyang napaiyak.

Hindi ko na nabilang kung ilang oras kaming nag-usap at nag-iyakan. Nai-kwento ko na sa kanya ang lahat mula simula hanggang sa nagpapalit-palit ako ng pangalan at nagpalipat-lipat ng bansa. Ang tungkol sa perang dinala ko. Ang naging trauma ko at dahilan kung bakit ako narito sa isla. Ako lang ang hinayaan niyang magkwento nang magkwento hanggang sa makatulog ako sa sofa.

Inisip kong nasa bahay ako nila nanay dahil sa masasarap na pagkaing sumisingit sa panaginip ko. Nang imulat nga lang ang mga mata'y naalala kong nasa kwarto ako ni Brad. Nakapatay ang ilaw subalit nakabukas ang pinto. Kaya naman ang niluluto sa kusina'y abot na abot sa pang-amoy ko. Marahan, naupo ako. Nagkusot ng mata at kasunod noo'y humakbang palabas sa kwarto. Nasa kusina si Brad, nagluluto.

"Ano iyan?" Tanong ko. Kalahating tulog pa ang diwa ko. "Tutulong ako."

"Huwag na. Maupo ka na diyan-"

"Hindi mo ako ginising."

Hindi ko siya sinunod. Humihikab akong lumapit sa iniwan niyang nakasalang. Kasalukuyan siyang mayroon hinuhugasan na mga gulay sa sink. Dahil kalahating tulog pa ang isip, hindi ako nakinig. Kinuha ko ang sandok at ibinaliktad ang isdang niluluto niya.

"No! Stop helping! Huwag kang lumapit diyan!" Sabay hila sa akin ni Brad sa braso. Kaya lang huli na, natalsikan na ako ng mantika.

Naramdaman ko ang hapdi sa aking leeg. Mainit iyon at makati, siguradong mamumula. Inilingan ako ni Brad at naiinis na tiningnan.

"Mapapagalitan ako ni Cathy sa ginagawa mo! She asked me to take care and watch over you!"

"Nag-usap kayo?" I pulled back and now listened.

"Yes!" He glared at me. "We talked! And we will talk later too! So, if you don't mind, can you go to the dining room and just wait? Marami tayong pag-uusapan pagkatapos ko rito!"

Hindi ko alam kung hanggang saan ang sinabi sa kanya ni Cathy. Maaaring boyfriend niya si Brad pero alam kong wala siyang sasabihin dito. Kung mayroon man, yung mga maaari lang sabihin. Hinintay ko siyang matapos. Pagkahain niya at pagkasimulang kumain, nagsimula na rin siyang magsalita.

"Cathy wants me to pretend as your fiance. She wants me to call you Clementine instead of Ember Harlow. Why is it? She asked me to do it but she didn't explain why. I'm confused. Would you mind to explain?"

Natulala ako sa platong nasa harapan. Bago makatulog, nabanggit ko kay Cathy ang tungkol sa naabutan ng mga kaibigan ni Brad na isinusukat nito sa akin ang singsing dahil magkasukat kami ni Cathy ng kamay. Nabanggit ko rin ang naging suhestiyon ni Orion. I told her I wouldn't consider it. But, Cathy and I don't seem to be on the same page.

"I can't explain it to you now, Brad. Kung hindi sayo ipinaliwanag ni Cathy ang ibig sabihin no'n hindi ko maaaring ipaalam sa iba."

Pinanliitan niya ako ng mata.

"Because of this, I'm just now wondering why you don't have a picture on the internet. You are full of secret, Harlow."

I rolled my eyes. We called her. Ayon kay Cathy'y hayaan ko na siya dahil sa ngayon, iyon lang ang maitutulong niya. Kung magpapa-miyembro ako, walang kasiguraduhan kung ia-approve ng mga may-ari. Pero kung fiancee ako ni Brad, may special treatment ako. Habang nasa puder ako ni Brad, walang makakapag-pauwi sa akin.

"I will call you again some other time. Taon pa ang kontrata ko rito sa America pero susubukan kong makauwi sa Pinas ng mas maaga para makita kita."

"I look forward to seeing you again. Salamat, Cathy."

Pinatay ko ang tawag. Mariin ang titig ni Brad sa akin habang ibinabalik ko ang cellphone niya. Narinig niya ang huling pag-uusap namin.

"Pinapauwi ko siya rito, ayaw niya. Ngayong ikaw ang nakausap niya, uuwi siya ng maaga?" He shook his head and clicked his tongue. "I can't believe her."

Tinawanan ko siya.

"Fine!" He sighed. "You and your friend win. Hindi na ako magtatanong at susunod na lang. You can use one of my guest rooms-"

"Hindi na, Brad. Nakakahiya na-"

"Nahihiya ka? Sa akin? Really?" He laughed insultingly and raised an eyebrow. "Just bring your things here. Cathy wants me to let you stay here."

"Okay." Tumango ako pagkatapos siyang irapan. "Ililipat ko bukas ang mga gamit ko rito."

"She asked me to call you Clementine but when we are alone, I'll call you Harlow. Is that fine?"

Tumango ulit ako. Patapos na kaming kumain nang mag-ring ang telepono niya. Napasulyap ako sa screen. Hindi ko na naabutan kung si Cathy ba ang tumawag dahil nasagot na niya.

"Lennox," sagot nito.

Napatingin ako sa kanya. Kung ganoon, isa pala sa mga kaibigan niya.

"Hmm...yeah." He answered with a nod. "She's with me. We're having dinner. I don't think we can go down-"

Huminto si Brad at nakinig. Nakatingin siya sa akin. Salubong ang makakapal na kilay. Pagkaraan ay inabot sa akin ang telepono.

"Take it. Your friend is on the other line."

Tinanggap ko iyon. Hindi pa ako nagsasalita'y nakarinig na ako ng pag-iingay sa kabilang linya. Narinig kong magkausap si Millie at Marie. Parehong maingay. May ilang pamilyar na boses din na naipakilala sa akin sa kasal ni Xena. Pinag-uusapan nila ako. Kesyo mukhang kay Brad daw ako natulog dahil nang katukin ako ni Millie sa umaga'y walang tao sa kwarto ko. At sa tuwing hindi ako sumasama sa lakad nila'y si Brad ang kasama ko.

"Hello?" Sagot ko para ipaalam na nasa linya na ako.

"Clementine!" Halos patiling tawag ni Millie. "Bumaba ka rito! Isama mo ang boyfriend mo! Kailangan mong magpaliwanag! Pamilyar sa akin ang pangalan niya! Nai-kwento mo siguro siya sa akin noon pero hindi mo pa ako naipapakilala! Naglilihim ka na naman sa akin!"

Ang dami niya pang sinabi. Sa boses niya'y mukhang nakainom siya. Sinabi ko nang bababa na kami bago pa siya may maisiwalat na iba. Wala kaming pagpipilian ni Brad. Kung hindi kami bababa, pareho kaming hindi titigilan ng mga kaibigan naming dalawa. Mas mabuti na ring nandoon ako kung malalasing ng sobra si Millie.

Hindi pa kami nakakalapit nang husto'y natatanaw na namin silang nagkakasiyahan. Nasa isang malaking paikot na couch sila. Sa gitna ay pahabang lamesa. May bubong. Mahangin dito dahil hindi kalayuan ay ang dagat. Nag-iinuman ang mga lalaki. Ang mga babae'y kumakain at ilan lang ang may hawak na alak. Hindi ko kilala ang iba ngunit lahat ay nasa kasal noon ni Xena.

Kumaway si Millie at Marie nang matanaw ako. Nandoon din sa mesa ang ilang staff. Nandito ang lahat maliban kay Enzo, siya lang ang wala. Pagkalapit namin, naagaw namin ang lahat ng atensyon nila. Maging si Jax ay natigil sa paghalik sa balikat ng babaeng kasama niya.

"Kaya naman pala hindi kayo mapalabas sa kwarto!" Si Millie na nasa bandang leeg ko ang mata. Namumula na siya't lasing nga.

"Huh?" Tanong ko nang mas makalapit na.

"You have a mark of ownership on your neck." Natawa si Xena.

"On my neck?" Kunot ang noo ko.

"May chikinini ka raw sa leeg!" Si Marie na ang nagsalita. "Love bites! Chikinini! Kiss mark! Hickeys!"

Nagkatinginan kami ni Brad. Napunta sa leeg ko ang mata niya. Pag-angat niya ng mata sa akin, namula siya. Namula rin ako nang matantong natalsikan ako roon ng mantika at mukhang halatang halata pa rin ang pamumula. Nakalantad din iyon lalo't nakaipit pataas ang aking mahabang buhok.

They mistook it for hickeys?!

Halos umusok ang buong mukha ni Brad. Nasa matang gusto nang magsalita at aminin sa mga kaibigan niya na hindi ako ang fiancee niya. Napipigilan lang siya ng pakiusap sa kanya ni Cathy.

"Ayaw mo kasing makinig!" Paninisi ni Brad. "I told you to stop-"

Huminto siyang magsalita nang panlakihan ko siya ng mata. Ang gagong ito sisisihin pa ako! Kasalanan ko bang isuot niya sa akin ang singsing na naabutan ng mga kaibigan niya at pinagsimulan ng lahat ng ito? Sinamantala ko iyon pero kung hindi niya ginawa, hindi ko maiisipang magpanggap! Ngayon, pinasuot pa sa akin at pinaiingatan ni Cathy ang singsing niya!

"Huwag na kayo magsisihan!" Si Marie na naman. "Ganyan talaga kapag nasa kasarapan na! Hindi na napipigilang sumipsip sa kung saan saan at mag-iwan ng bakas!"

Nakarinig kami ng tawanan. Nag-iwas si Brad ng tingin at namumula pa ring sa dagat tumingin. Para bang sinasabi niyang bahala na ako sa buhay ko at plantsahin ko itong gusot na ginawa ko. Humarap ako sa kanilang lahat. Umiiling akong tinakpan ng kamay ang aking leeg.

"Hindi ito love bites-"

"Yeah! Yeah!" Marie butted in again. She grinned. "He just marked what's his! You don't need to deny or explain!"

Sinubukan kong itanggi ulit ngunit nalunod lang iyon sa mga boses nila. Lahat sila nagpatuloy sa panunukso at tawanan maliban kina Kade at Mason na tahimik lang. Maging si Jax ay walang pakialam at nagsindi lang ng sigarilyo bago inisang lagok ang hawak na alak.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
2.5M 98.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...