Bet to Love (PIP BL Series)

By AteBae_Bae

2.9K 185 34

Bet To Love Written by AteBae_Bae Meet Santino Bigkas, a lively baker and beauty queen whose life takes an u... More

Blurb
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Epilogue
‼️Announcement‼️
Pre-order for Bet To Love

Chapter Nine

85 7 0
By AteBae_Bae


Santino POV

“Samantha!!!”

“Anak ng bakla!” Gulat kong sabi at muntik ko pang mabitawan ang hawak kong tray na may mga lagay na tinapay dahil sa boses na yun.

Inilapag ko naman sa malinis na lamesa yung tray bago nakakunot noong humarap sa abnormal na sumigaw at napataas naman ang kilay ko ng makita si Cha na sobrang lapad ng ngiti at halos mapunit na ang mga pisngi niya dahil sa lapad.

“I win. Panalo ako kyaaaaaaaa!!” Sabi niya at nagtatalon habang umikot-ikot sa labas ng bakery kaya aabutin ko sana siya ng kamay ko para tumigil kaso ang gaga sobrang saya kaya nagsalita na lang ako.

“Gaga matapilok ka, three inches yan na suot mong heels noh. Gusto mo mapahiya jan sa labas?” Natatawa kong sabi sakanya pero nagtatalon pa rin siyang lumapit sa glass at binitawan ang hawak niyang trophy at nanggigigil na inabot ang ulo ko papalapit bago pinisil ang dalawa kong pisngi.

“Kyaaaaa I can’t believe this! Thank you! Thank you! Thank you! Mwah!” Sobrang saya niyang sabi na halos hindi niya na narealize kung anong ginawa niya.

Nakatulala naman akong nakatitig sa mga mga mata niya at pinapanood ang masaya niyang mukha.

“Hoy! Bakit nakatulala ka na jan?” Sabi niya sabay pitik ang daliri niya sa harapan ko.

“Yucks! Kadiri ka ihh!” Reack ko sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko malapit sa gilid ng labi ko sabay punas non at pinunas naman ang kamay ko sa damit ko.

“Hahahahahahahahaha pwede ka ba ngayon? Libre kita” nakangiti niyang sabi.

Actually maganda naman kasi talaga etong si Cha. Echoserang Alfred yun, iba ata ang dipenisyon sakanya ng maganda sa pangit. May mga bakod ang ngipin niya pero mas nakakadagdag pa yun sa ganda niya kapag ngumingiti.

Maputi at makinis din naman, simple lang ang ganda niya at talaga naman kahit sinong lalake mapapaauto lingon sakanya.

“May trabaho pa ako girl” sabi ko sakanya sa boses babae.

“Ngek, di ka pwedeng lumabas muna? Tanghali na ohh, kumain ka na?” Sabi niya kaya napatingin naman ako sa orasan.

Oo nga pala, alas dose na ng tangahali. Ang bilis ng oras jusme. Magsasalita na sana ako ng bigla namang may dumating at tumabi kay Cha.

“Saamen siya sasama” sabi bigla ni Alfred at walang reaksyon na tumingin kay Cha.

“Aba! Ako nauna dito, at ako din naunang nag-aya kay, Sam. Huwag ka ngang umepal! Shoo!” Pagtatabuyan ni Cha sakanya kaya napakamot na lang ako sa batok. “Nililigawan ko pa nga si Sam eepal ka naman” dagdag niya kaya natawa ako.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Alfred at pipitikin na sana sa noo kaya nagsalita na ako. Napatingin naman ako kay Nicole na katabi niya lang at nahuli niya akong nakatingin sakanya kaya tinaasan niya ako ng kilay kaya umiwas na lang ako ng tingin.

“Sabay na kami ni Cha kakain, salamat na lang hehehe” kamot batok kong sabi kay Alfred bago tinggal ang apron ko at isinabit yun.

Sinara ko muna etong tindahan bago lumabas. Napatingin naman ako kay Cha at Alfred na parang nagtatagisan pa rin ng titigan kaya sinundot ko yung braso ni Cha.

“Hoy tara na, hindi ka mabubusog sa titigan na yan” biro ko kaya sa huling pagkakataon inirapan niya si Alfred bago ipinulupot ang braso niya sa braso ko kaya para na namang lalabas ang spirito ko.

Jusmiyo!

“Hoy babaknita magpalit ka nga ng damit! Kadiri ka, mukhang luluwa na yang ano jan” sabi ko ng hindi makatingin sakanya.

“Bakit ba? Maglaway sila kakatingin” mataray niyang sabi kaya napailing ako. “Tsaka yieeee na-a-attract ka ba? Yiee ikaw ahh crush mo ako noh?” Asar niya naman saaken kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Luh? Assuming ka jan, hindi noh! Naiilang lang kasi konti na lang lilipat na yang ano mo sa dibdib ko jusko ka” Mataray kong sabi at kunwareng hinawi ang buhok ko.

“Hindi ka pa ba nakahawak neto?” Nang-aasar niyang sabi at sinadayang ilingkis yung ano niya sa braso ko kaya bigla akong napabitaw sakanya at lumayo.

“Y-yucks! Bakit naman ako hahawak niyan ihh! Jusme ka! Lumayo ka nga!” Gulat kong sabi na ikinatawa niya at akmang hihilahin ang braso ko pero lumayo ulit ako.

“Ang arte neto, lika na nga! Hahahaha pwede mo naman hawakan to, pogi ka naman kaya sayo na lang kakaldag” sabi niya at itinaas baba pa ang dalawang kilay niya.

“Yucks! Hoy mahiya ka nga sa pinagsasabi mo! Hoy! Jusmiyo ka! Kababae mong tao napakabastos niyang bibig mo!” Nanlalaki kong matang sabi sakanya na mas ikinatawa niya.

“Hahahahahaha bakit?” Natatawa niyang sabi at inabot ulit ang braso ko pero umiwas ulit ako.

“Yoko na! Jan ka na nga jusme ka” sabi ko at inunahan siyang maglakad.

“Hahahahahahaha joke lang oyy! Eto naman di mabiro. Pero payag akong maging sperm donor mo kapag nag-asawa ka ng lalake, at least alam kong gwapo ang magiging anak naten” pahabol niyang sabi kaya nilingon ko siya.

“Ihh kadiri ka talaga! Ihambalos ko kaya yan na hawak mong trophy sa ulo mo! Ghad ilayo niyo saaken ang babaeng to!” Sabi ko at iling-iling na naglakad ng mabilis.

Habol-habol niya naman ako at puro pang-aasar at kahalayan ang pinagsasabi niya kaya todo iwas naman ako. Nagtabi lang kami nung malapit na kami sa karendiryang kakainan namen.

Daldal lang siya ng daldal tungkol sa nangyare kanina at nakikinig lang din ako dahil tuwang-tuwa talaga siya dahil first time niya daw yun na sumali sa ganon.

“Sino nga pala ang kumuha sayo bilang muse ng team niyo?” Tanong ko sakanya.

Ngumiti naman siya ng sobrang lapad at humagikgik pa ng konti bago sumagot.

“Si Awin ehe, pero actually napilitan lang siya pero ok lang naman” kinikilig niyang sabi kaya natawa ako sakanya.

“Aysos ang arte hahahahaha” sabi ko sakanya kaya maarte naman siyang uminom ng tubig.

Abnormal din ang isang to.

*Blag*

Napaitad naman ako ng biglang may pabagsak na basong inilapag sa tabi ko at medyo tumapon pa yun bago ako tumingala para makita kung sino yun.

“Luh? Galit yarn? Di ka ipinaglaban noh?” Biro ni Cha kay Alfred na naupo sa tabi ko.

At hindi lang pala siya kundi ang mga ka teammates niya ay nandito at pati na rin si Nicole na parang buntot ni Alfred. Si Awin ang tumabi sa kabila ko at sina Jed naman ang sa tabi ni Cha.

Napansin ko naman na hindi pinapansin ni Alfred si Nicole kaya napaisip ako kung sunod-sunuran lang ba si Nicole o isa sakanila ay jowa niya.

Napatingin naman ako kay Cha na pasulyap-sulyap kay Awin kaya sinipa ko ang paa niya mula sa ilalim ng mesa at sinenyasan siyang palit kami. Umiling naman siya at may isinesenyas na hindi ko naman naiintidihan.

“Mas nakikita kita dito” sabi niya at may diin pa yung kita pero palihim na nakaturo yung hintuturo niya kay Awin kaya napa ‘ahh’ ako at nag thumbs up sakanya.

Napatingin naman ako bigla sa plato ko ng biglang may nilagay si Alfred doon kaya nakakunot noo ko siyang tinignan.

“Eat. Don’t look at me like that” nakangiti niyang sabi saaken habang sa pagkain niya nakatingin kaya sunod-sunod naman ang pagkurap ko bago yumuko.

Arhg! Ano ba to!?

“So… Bakit nga pala kayo nandito? Imbitado kayo?” Tanong ni Cha na may halong pagkasarkastiko sa pagkakasabi niya.

“Hindi ba kami pwede–”

“Ayyt! Wag ka na sumagot! Kumain na lang tayo ayoko ng maingay kapag kumakain tch” putol niya sa sinasabi ni Alfred at inikot ang mata bago sunod-sunod na sinubo ang pagkain niya kaya natawa ako.

“Hinay-hinay lang” natatawa kong sita sakanya pero iniling-ilingan niya lang ako bago inikot ulit ang dalawang mata.

                                *****

Dumaan ulit ang gabi at napahinto ako sa paglalakad ng madadaanan ko na naman ang kalsada kung saan muntik na akong madeads kagabi.
Naalala ko naman yung sinabi ni Alfred kagabi na susunduin niya ako kaya napairap ako.

Scam ang isang yun.

Napahinga naman ako ng malalim bago nagsimula ulit maglakad. Wala na naman sigurong gagalaw saaken dito ngayon.

“Pst” nagitla naman ako ng biglang may sumitsit kaya napalingon ako sa likod pati na sa kaliwa at kanan pero wala naman ako nakikitang tao kaya napalakad tuloy ako ng mabilis.

Nakaramdam naman ako ng parang may sumusunod saaken kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa ramdam ko na papalapit na saaken ang kung sino man ang tao na nasa likod ko dahil pabilis ng pabilis ang yabag niya.

Pinagpapawisan na ako at natatakot din, nakakuyom na ang mga kamao ko at kaya handa na sana akong tumakbo ng biglang may humawak sa balikat ko mula sa likod kaya napasigaw ako.

“Ahhh! Lumayo ka saaken!” Sigaw ko at malakas na tinabig ang kamay niya at tumakbo palayo pero bigla naman na may humarang sa harapan ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

“Hoy, napano ka?” Rinig kong nag-aalalang tanong ni Alfred kaya mabilis akong tumingala sakanya at nagulat din dahil sa posisyon namen kaya medyo naitulak ko siya ng marahan at umatras ng kaunti palayo sakanya.

“Ahh, pasensya na. Natakot ko ata siya”  napalingon naman ako sa likod ko at tinitigan ang isang lalake.
“Pasensya na, magtatanong lang sana ako. Hindi ko naman sinasadya na takutin ka” sabi niya kaya dahan-dahan ko naman ikinalma ang sarili ko pati na ang mga kamao na yukom na yukom na dahil sa takot.

Mabibigat din ang paghihinga ko at naramdaman ko na lang na hinahaplos ni Alfred ang magkabila kong balikat.

“Chill, walang mangyayare sayong masama.” Mahina niyang sabi habang nasa likod ko.

“A-ano ho ba y-yun?” Nauutal kong tanong doon sa lalake.

“Ahh hindi na, ayun na. Kabubukas lang kaya pala hindi ko makita kanina” sabi niya at tinuro ang isang tindahan kaya tumingin din ako doon sa itinuro niya. “Salamat na lang, at pasensya na ulit. Mauna na ako" dagdag niya kaya tumango naman ako bago siya tuluyang tumalikod saamen.

Humarap na din ako kay Alfred at naglakad na ulit at huminga ng maluwag. Akala ko kung ano na, magkakasakit ako neto sa puso jusko.

"Diba sabi ko sayo susunduin kita?" Biglang sabi ni Alfred kaya mabilis ko siyang tinignan. "Pagdating ko doon sa bakery sirado na, akala mo ba nag-j-joke ako sa sinabi kong susunduin kita?" Dagdag niya.

Hindi naman ako umimik at bahagya na lang yumuko.

Malay ko bang seryoso pala siya dun? Echoserang to.


Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 3.1K 40
A Christian woman and a Muslim man met in the Philippines' most diverse city, but their friendship was tested by the rising hatred against Muslims wh...
14K 1.9K 46
• Published Under PaperInk Publishing House • "Kahit anong mangyari, sa pagtatapos ng araw, kusang babalik ang aking mga yakap sa ating tahanan." Mas...
3.6M 90K 46
[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. S...