Remembering Bambi (Babysittin...

By krisylala

501K 15.7K 2.5K

Who is the enemy? Who are the real heroes? Can the past really be rewritten? Can memories that are erased sti... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue

Chapter 2

26.9K 865 162
By krisylala


Still computer shop-ing *_*v

Thanks to Dieyarviieen for the poster at the side. Salamat sa mga gumawa! I'll post them on the upcoming chapters~

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* Warriors are back ~*

[BAMBI]

"Tingnan mo nga naman, hindi pa nakakatagal ang pagkawala nila Daehyun, nakahanap na agad siya ng mga kapalit."

Pumikit ako, huminga ng malalim, at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Dismissal na at papunta na kami sa gate pero sinalubong naman kami nila Nicole na nakabantay pala sa entrance ng building.

Kung hindi lamang dahil kay Jun na kasabay ko sa paglalakad at patuloy na sinasabi na huwag sana silang pansinin, edi sana nagsimula na akong tumakbo palayo.

"Huwag kang tatakbo. Wala namang totoo sa mga sinasabi nila kaya huwag kang magpa-apekto."

Tumango na lang ako sa kanya kahit na pansin kong nakayukom na ang kamao niya.

Nalagpasan na namin ang pwesto nila nang bigla na namang humirit si Nicole sa mga kaibigan niya.

"See? Kung wala yung pito niyang mga lalaki, si Jun naman ang isinasama. Ang landi."

And that did it. Huminto si Jun sa paglalakad at parang narinig ko syang nagsabi ng, "Fck this."

Humarap siya sa direksyon nila Nicole at hinawakan ko agad ang kamay niya. "Jun, wag."

Tiningnan niya ako with that cold expression of his. Tinabig niya ang kamay ko at nagsimulang lumapit kila Nicole nang napansin naming naunahan na siya.

Naunahan nila Kuya O_O

"Ano? Pakiulit? Sino ang malandi?" tanong ni Leaf habang parang nililinis ang tenga niya gamit ang kanyang daliri, "Nagkamali yata ako ng rinig."

Natahimik naman si Nicole at nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan niya.

"Ulitin mo ang sinabi mo." seryosong tanong ni Dark.

Wala pa rin silang imik.

Kinuha ni Kuya Flame ang salamin na hawak ng isa sa mga kaibigan ni Nicole at ibinigay ito sa kanya.

Tinanggap naman ito ni Nicole na may pagtataka.

"Tingnan mo ang salamin. Dyan mo makikita kung ano ang tunay na itsura ng sinasabi mo kanina."


Ang reaction ni Nicole? 1) Nganga 2) Namula sa kahihiyan 3) Walkout

Napatingin si Light sa direksyon ko at biglang napangiti, "Bambi!"

Isa-isa silang tumingin sakin at nagpuntahan sa pwesto namin.

"Baaaambs~" umakbay sakin si Leaf at tumango kay Jun, "Yo."

Simula nung nalaman nila na matagal ko nang kaibigan si Jun, parang kaibigan na rin ang trato nila sa kanya.

Himala nga at nagkakasundo silang walo *Q*

Tumango naman pabalik si Jun na nakangiti, "Sige, una na ko." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad nang bigla siyang napahinto, humarap samin, at sumigaw, "Ingatan nyo yan ha!"

"Haha. Hindi mo na kailangang sabihin yan!" sagot naman pabalik ni Sky.

Dumaan naman si Ice sa tabi ko, "Kailangan talagang ingatan 'to. Lalampa-lampa."

Tumingin ako sa kanya ng masama.

Tumingin naman sya sakin na naka-smirk.

"Bibigyan kita ng tatlong segundo para makatakbo.."

"Kung kaya mo akong habulin." ginulo nya ang buhok ko at nagsimula nang tumakbo.

"ICE!!!"

"Hoy! Baka madapa ka, Bambi!" rinig kong sigaw ni Kuya Flame.

"Sali ako diyan!!" at out of nowhere, bigla na lang akong hinahabol nitong si Rock O,O

- - - - - - - -

[3RD]

Darkness.

Tulog lahat ang mga tao ng ganitong oras.

Sa paanan ng bundok ay may nakatayong isang kubo na kung saan natutulog dito ang isang pamilya.

*RRRRGGGGGG*

Napabalikwas mula sa pagkakahiga ang bata nang marinig ang isang ingay mula sa.. itaas? Tiningnan niya ang kanyang mga magulang ngunit nananatili silang mahimbing ang tulog.

Umulit ang tunog at tila palakas ito ng palakas.

Parang papalapit sa kanila.

*RRRRGGGGGG*

Lumabas sa kanilang tahanan ang bata at tiningnan ang maitim na kalangitan.

Bakit walang mga bituin? Sobrang dilim.

Nanatili siyang nakatingin sa kalangitan nang biglang may kung anong kumislap.

Isang bituin?

Hindi. Papalapit ito ng papalapit at lalong lumakas ang ingay na kanina pa niyang naririnig.

Isang malaking bagay. Isang malaking bagay na bumagsak di kalayuan sa kanyang kinatatayuan.

Isang spaceship.

Nanlaki ang mga mata ng bata at parang nanigas sa kanyang pwesto.

Gusto niyang bumalik sa loob ng kanilang kubo ngunit hindi sya makakilos.

Biglang nagbukas ang pintuan ng spaceship at may mga taong lumabas dito.

Mga itim ang kanilang kasuotan. At kahit sobrang dilim ng mga oras na iyon at isang poste ng ilaw lamang ang naroroon, kita ng bata ang kadiliman ng kanilang mga mata.

Kumawala ng isang di mawaring tunog ang bata na ikinasanhi ng paglingon sa kanya ng anim na lalaki.

"May nakakita sa atin." sabi ng isang may malalim na boses. Kinilabutan agad ang bata.

Biglang may nagpakita sa unahan niya.

Paano agad sya nakarating dito?

"Bakit gising ka pa?" tanong ng lalaki. Hindi kalayuan ang pagkalalim ng boses nya sa naunang nagsalita.

Nanginginig na sa takot ang bata dahil sa tingin ng lalaki. At doon niya nahanap ang kanyang boses, "Mama! Papa!"

Bumukas ang ilaw ng maliit na bumbilya sa kubo at napatingin ang anim na lalaki doon.

Tumingin ang lalaking kumausap sa bata sa isa niyang kasama at parang may ipinapahiwatig mula sa tingin niya.

Tumango naman ang lalaki at tiningnan ang poste sa di kalayuan.

Tinitigan niya ito hanggang sa sumabog ang bumbilya at nagliyab ang poste.

Ngumiti ng matagumpay ang lalaki. Talagang nakikisama pa rin sa kanya ang kuryente.

Itinuon na ang tingin sa maliit na kubo. Tinitigan niya ang bumbilya hanggang sa tulad ng una, pumutok ito at nagkaroon ng apoy.

Nasusunog.

Nasusunog na ang maliit na kubo kung nasaan nandoon pa ang mga magulang ng bata.

"Mama!!!! Papa!!!"

Tanging ubo at sigaw ng kanyang ina at ama ang maririnig.

Tatakbo na sana siya nang bigla siyang hinawakan sa balikat ng lalaking kasama niya.

"Mama!!! Papa!!!" muli niyang sigaw habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha.. at habang patuloy ang pagliyab ng kanilang munting tahanan.

"Mama.... Papa..." napaluhod na sa lupa ang bata ngunit nakatingin lamang ang lalaking kasama niya. Walang awang nararamdaman. Walang pagsisisi. Walang kahit ano.

Iniwanan na niya ang bata at lumapit sa mga kasama niya. Hinawakan niya sa balikat ang isa sa kanila.

"Daehyun, alam mo na ang gagawin mo sa kanya. Walang nangyari ngayong gabing ito."

Tumango si Daehyun at lumapit na sa bata.

Makailang segundo, rinig na ang pagsigaw ng bata habang hawak-hawak ni Daehyun ang ulo nito.

"Himchan, nakakaawa yung bata." napatingin si Himchan sa pinakabata niyang kasama.

"At kelan ka pa natutong maawa, Zelo?" napatungo na lamang si Zelo habang tinatanong din sa sarili niya ang itinanong ni Himchan.

Inalis ng kanilang leader ang tingin niya sa nasusunog na tirahan at tumingin sa katabi niyang naging sanhi nito, "Ayos, Youngjae. May bisa rin pala ang mga kuryente dito."

Tumango lang si Youngjae at pinasalamatan ang kanilang leader.

Bumalik si Daehyun sa kanila. Walang nagbago sa ekspresyon ng kanyang mukha. Para bang sanay na sanay na siya sa ganitong mga gawain.

"Yongguk, tara na." sabi ni Himchan sa kanilang leader.

Tumingin naman si Yongguk sa isa pa nyang kasama, "Jongup, alam mo na naman siguro kung saan tayo pupunta."

Tumango si Jongup na may seryosong ekspresyon.

"Teka.." sabi ni Himchan at lumapit sa spaceship na bigla na lang nawala nang kanya itong hawakan. Ngumiti siya ng matagumpay at lumapit na sa mga kasama niya.

Biglang nagkaroon ng isang makapal na usok sa kinatatayuan nila. At nang nawala na ang usok, nawala na rin sa lugar na iyon ang anim na lalaki.

Nagising bigla si Bambi na balot na balot ng pawis at parang nahihirapan sa paghinga.

"Anong... nangyayari?"

Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis bigla ang pagtibok ng puso niya.

Humiga na ulit siya habang hinahabol ang kanyang paghinga.

At bago siya pumikit, tiningnan muna niya ang bagay na nakalagay sa bedside table niya.

Ang bagay na una niyang tinitingan tuwing gigising siya at ang huli niyang titingnan tuwing matutulog na siya.

Ang litrato niya na kasama ang anim na aliens.

- - - - - - - - - -

[BAMBI]

"Kuya! Mag-g-grocery lang ako ha!" sigaw ko sa loob ng bahay dahil lahat sila ay nasa kwarto nila at mukhang tulog na tulog pa =____=

Nakarinig ako ng parang mga naglagabagan mula sa itaas at ang pagbukas ng pinto, at ang pagtakbo ng mga paa (_ _")

"Sama kami!!!" as expected, ang mga nakakaubos ng mga pagkain ang gustong sumama =___=

Si Kuya Flame, Rock, Leaf, at Ice *sigh*

"Last na talaga 'to." nakangiting sabi ni Rock at ibinagsak sa cart ang napakaraming noodles =____=

Siya lang ang nakapag-puno ng cart, promise. Ang daming kinuhang junk foods, cookies, tapos ito, noodles.

Tanda ko tuloy yung una naming pagkikita. Yung may yakap-yakap din siyang sandamakmak na noodles.

Itinulak ko na ulit yung cart at napadaan ako sa fruit section.

Nakita ko ang mga cherry tomatoes at agad na nanlambot ang tuhod ko.

Zelo..

"Ateeee!! May nabili ka bang cherry tomatoes? Meron? Meron? ^O^"

"Haha. Oo naman, hindi ko kaya nakakalimutang bilhin yun ^_^"

Iniwas ko na agad yung tingin ko bago pa mamuo ang mga luha sa mata ko.

Pero wala ring epekto... napatigil ako nang makita ang mga strawberries T^T

"Oh siya, ako na lang muna ang mamimili. Anong gusto nyo?"

"I want strawberries. Strawberry icecream, strawberry chocolate, strawberry muffin, at kung may strawberry cheesecakes, yun na lang."

"Bambi!! Asan ka? Yoohooo~" nagising ako mula sa pag-aalala nang biglang lumaganap ang boses ni Leaf dito sa loob ng supermarket =___=

Huminga na ako ng malalim at iniwan ang cherry tomatoes at strawberries. At pinuntahan ko na ang mga lalaking kailangan kong asikasuhin at pagtuunan ng atensyon.

"Takte, ang bigat naman nito. Napakatakaw kasi ni Rock =___=" rinig kong sabi ni Ice mula sa likod ko. Ramdam kong nakasimangot na yan habang dala-dala yung ibang mga pinamili.

"Nagsalita ka naman! Parehas lang tayo ng katakawan, hoy! Ang gaan pa nga nyang mga dala mo =____=" sagot naman pabalik ni Rock.

"Tumahimik nga kayo =,=" singit naman ni Kuya Flame na nasa tabi ko.

Si Leaf, eto, tahimik lang din. Pusta, nahihirapan na 'to sa pagbibitbit >u>

Eh kasi, sa dami ba naman ng mga pinamili NILA, lahat tuloy kami ngayon ay may mga dalang plastic bag. At naisipan pa nitong si Rock na maglakad na lang kami pauwi.

Napangiti na lang ako at napailing sa kanila at nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki sa kabilang kalsada.

Isang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin.

Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatingin sa lalaking ito na naglalakad lang, walang kaalam-alam na nakatingin ako sa kanya.

Nabitawan ko ang mga hawak kong pinamili at nagtataka akong tinanong nila Kuya.

Pero wala akong marinig. Wala na akong marinig kundi ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking iyon.

Parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko nang biglang nagtama ang mga mata namin.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang mga mata niya... bakit... bakit nag-iba?

Nakakatakot.

"Huy, Bambi!" sinuntok ako ng mahina ni Leaf sa braso kaya't biglang nagising ang diwa ko at bigla akong napatingin sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" kitang-kita sa mukha ni Kuya ang pagtataka at concern.

Pinilit kong ngumiti at tumango sa kanila bago tumingin ulit sa kabilang kalye.

Pero wala na siya doon.

Namamalik-mata lang ba ako? Napapasobra na ba ang paghiling ko na gusto ko silang makita kaya nagha-hallucinate na ako?

Pero.. parang tunay siya. Tunay na tunay.

Kahit itim na itim ang suot niya, pati na rin ang kanyang kulay ng buhok, at kahit may nag-iba sa tingin ng mga mata niya, hindi ko pa rin makakalimutan ang mukhang iyon.

The face of that perverted alien.

"Himchan..."

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

Nakailang ulit ako sa pagbabasa ng chapter na 'to para lang makuntento sa gawa ko. Uwaaaaa, sana okay lang siya *^*

VOTE & COMMENT! ;) <3

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 503 29
ENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By SeΓ±ora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan...
10.1K 683 26
Sa isang malayong kaharian nakatira si Ashton Claide Ferretis kung saan ay isang hari ng karagatan. Dahil sa pagkakaroon ng alitan sa kaniyang kahari...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
182K 3K 25
Fianna Montecillo ang isang nerd na walang ibang gusto kundi makahanap ng totoong magmamahal sa kaniya. Ngunit paano kung ang paghahanap niya ay ang...