MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.7K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

76

1 0 0
By RonneSerene

“Hindi ako baliw! Bitawan niyo ako!”

Sapilitan akong isinasakay sa isang malaking sasakyan at hindi lingid sa kaalaman ko, alam kong ambulansya iyon ng isang mental hospital!

Sumulpot na lamang sila pagkarating namin mismo sa tapat ng bahay nila Jahm.  Parang alam na alam nilang darating ako at nakaantabay na sila.

Punyeta!

“Bitawan niyo ako mga kuya! Hindi po ako baliw!” pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa at nagpupumiglas. “Nakakapag-isip pa naman ako ng maayos! Hindi ako baliw! Peste! Havier, tulungan mo ako! Ohne!”

May namuong luha sa mga mata ni Ohne. Panay ang pag-awang ng kaniyang labi na parang may gusto siyang sabihin.

“A-Alam mong hindi ako baliw, O-Ohne,” gumagaralgal ang tinig ko. “A-Ayokong sumama sa kanila! Hindi ako baliw!”

“Alisin niyo nariyan dito,” dinig kong sabi ni Jahm na kakalabas lang ng gate. “Nakakasagabal at baka may mahawa pa sa kabaliwan ng babaeng ‘yan!”

Napaawang ang bibig ko. “I’m not a fucking insane! Ikaw ba ang tumawag sa kanila, Jahm?!”

“Sino pa nga ba?” Umangat ang gilid ng labi niya. “Baliw ka naman na, ‘di ba? Dapat lang sa ‘yong ipasok na sa mental! Don't forget that you killed Gabrielle and you don't have the right to be happy. You murderer!”

“Gago!” Nagawa kong kumawala sa dalawang may hawak sa braso ko at mabilis na sinugod si Jahm. “Hindi ko siya pinatay! Tangina mo, sagad! Ikaw ang dapat dalhin sa mental dahil ikaw ‘tong baliw!”

She laughed sarcastically. “Maybe I am? But look at yourself, now… Bayolente!”

Isang sapak ang ginawad ko sa pagmumukha niyang nakakabwisit. Susundan ko pa sana iyon ng pangalawa nang sapilitan na akong lagyan ng tali sa kamay.

“Tangina!” palahaw ko. Sinubukan ko silang sikuhin. “Hindi nga sabi ako baliw! Hindi ba kayo marunong umintindi?!”

“Dalhin niyo na ‘yan!”

“Tangina mo, Jahm! Mamatay ka na!”

“Mukhang mauuna ka, Rosane…”

I force myself to fought with these two big people. Pinagsisipa ko na sila sa kanilang tuhod ngunit gano’n pa rin sila kalakas para hindi ako bitawan.

“Tulungan mo ako, Ohne!” naiiyak ko nang wika. “H-Hindi ako baliw! A-Ayokong pumasok do’n! Please, please, please! Don’t let them to take me away!”

Nanghihina akong napaluhod sa lupa. Nagsusumamo akong tumingin kay Havier at Ohne. Naroon ang pagmamakaawa ko ngunit gano’n na lang pagbuhos ng mga luha ko at pagdurog ng puso ko nang sabay silang magbaba ng tingin.

“Alisin n’yo na siya rito!” utos ni Jahm.

I shook my head. “Hindi! Hindi nga sabi ako baliw! Putangina! Ginagawa n’yo lang akong baliw!”

“You are mentally insane, Rosane! Dadalhin ka nila sa mental para naman gumaling ka na! Kung anu-ano ang mga sinasabi mo na siya namang ilusyon mo lang!”

“Anong ilusyon?! Bobo ka ba?!” Nanlisik ang mga mata ko. “Itong nararamdaman ko! ‘Yung pagkamatay ni Gabrielle! ‘Yung mga karumaldumal na nangyari sa akin at halos mamatay na ako! Ano?! Ilusyon lang lahat ng ‘yon?! Eh, puta pala! Eh, ‘di sana sa ‘yo na lang nangyari ang lahat nang ‘yon!”

Nakita ko siyang natigilan, sunod na napahalakhak ako nang may maalala.

“Oo nga pala…” parang baliw akong natawa. “Isa ka rin nga pala sa may pakana nang lahat kung bakit naging miserable ang buhay ko! Sarili kong kadugo, sinira ang buhay ko!”

“B-Because you never treat me as a friend!”

I gasped. “Wow! I had never treat you as a friend?! Tanga! I fucking treat you as a friend at higit pa ro’n! Lahat kayong mga kaibigan ko tinuring ko nang kapatid tapos sasabihin mong hindi kita tinuring na kaibigan?!”

“Si Gabrielle lang naman ang itinuturing mong kaibigan! Si Gabrielle, si Gabrielle, si Gabrielle! Putangina! Puro ka na lang Gabrielle! Paano kaming mga nagmamahal sa ‘yo? Saan ang lugar namin d’yan?!” Tinuro niya ang dibdib ko. “Saan?! Tangina kasi! Puro buka ng bibig mo ang pangalan ng taong mahal ni Mayen na siyang matagal ko na ring minahal!”

Napaawang ang bibig ko. “A-Ano?! M-May gusto ka rin kay Gab?”

“Oo!” nanggigigil niyang sigaw. “M-Matagal na akong may gusto sa kaniya simula pa lang nung grade 7 tayo! I confessed my feelings for him a year ago but he immediately rejected me because he’s waiting for someone! And I know, it’s you!”

“J-Jahm, hindi ako ‘yung taong tinutukoy niya!”

“Ikaw ‘yon! I asked him kung ikaw ba ‘yon and he told me na malapit sa puso niya ang taong hinihintay niya kaya ikaw ang  unang pumasok sa isip ko! That’s why after mamatay ni Gabrielle, nakipagkasundo ako kay Ariess para pabagsakin ka at triplehin ang sakit na nararamdaman mo!”

Dang!

“H-Hindi lang naman ako ang taong malapit sa puso niya,” sambit ko. Nahihirapan na akong huminga kaya naman pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. “Oo, lagi kaming magkasama pero hindi ibig sabihin no’n ako na ang taong nagugustuhan ni Gabrielle! He just treating me as a sibling…”

“How about you? Gusto mo rin siya, ‘di ba?  Ibig kong sabihin mahal mo siya, ‘di ba? Malabong hindi ka magkagusto sa kaniya.”

Mapait akong napangiti. “Gusto ko siya pero hindi sa paraan na iniisip mo! Mahal ko si Gabrielle ngunit hindi gaya nang nararamdaman mo para sa kaniya!”






_





“You okay here?” Aven asked while glancing at our surroundings. “Inaalagaan ka ba nila ng maayos dito? Binibigyan ka ba nila ng malinis at masustansyang pagkain?”

“Kararating ko lang kahapon dito,” pahayag ko. “Si Ohne ang nagdadala ng pagkain. Wala raw siyang tiwala sa mga nilulutong pagkain dito.”

He nodded slowly. “Mabuti kung gano’n…” he smiled a bit. “How about other things? Baka may kailangan ka. Just tell me what you need.”

I sighed heavily. Ginawa ko iyon nang makailang beses para pakalmahin ang sarili. Hindi ko alam pero nanlalambot ako at kahihiyahan ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.

“Will you forgive me?” Napaiwas ako ng tingin nang sambitin iyon at ramdam ko ang pagbalik niya ng tingin sa akin.

“You did nothing wrong to me…”

“I should apologize.”

“For what?”

“Everything is messed up… I broke our mother’s heart dahil lang sa hindi ko makontrol ang emosyon ko. Hindi ko na sana sinabi iyon lalo na at pasko nung araw na  ‘yon… I'm r-really sorry…”

“We understood your situation, Rosane…”

“I’m sorry…”

“Hey…” he held my hands. “Don’t be sorry, okay? That’s not even a big deal to us.”

“Bakit ba napakabait n’yo?” garalgal na aking wika. My eyes heated. “D-Dapat nagagalit kayo sa ‘kin kasi hindi ko man lang magawang makinig sa inyo. S-Sinaktan kita, sinaktan ko kayong lahat na magkakapatid. Deserve kong masermunan at pagalitan, Aven…”

“Mahal ka namin that’s why we couldn’t get mad at you.”

“Aven…”

He gave a genuine smile. “Stop worrying about that. Let’s move on, okay?”

“Pinaiiyak mo ‘ko, eh!” umatungal ako na parang bata. Nataranta naman siya at kaagad akong dinaluhan. “B-Bakit ba sobrang bait niyo? Bakit gan'yan ka, Aven? Are you even for real?”

He chuckled. “Calm down, okay? Huwag kang iiyak kapag ako ang kasama mo. Ayokong nakikitang umiiyak ka.”

“Paanong ‘di iiyak? Eh, pinapaiyak mo nga ako.”

“Sorry about that. You’re such a cry baby. Cute…”

Kinalma ko na ang sarili ko. May dala siyang mga prutas at tinapay. Pilit niya naman iyon pinakakain sa akin. Sabi niya, kahit isang buong piraso lang daw ng tinapay ang kainin ko sa kaharapan niya ay ayos lang para raw masigurado niyang nakakain ako ng maayos.

“How’s here? Nakakatulog ka ba ng maayos dito? Malinis ba ang kwartong tinutulugan mo?” sunod-sunod niyang tanong. “Wala bang nanggugulo sa ‘yo? Sino ba kasi ang nagdala sa ‘yo rito? Siya yata ang may sira sa utak.”

“Si Havier,” usal ko. “Alam ko naman kung bakit kinalangan niya akong ipasok dito.”

“You’re not totally insane, Rosane.”

“It’s okay. I should stay here and take some treatment. Makakatulong din iyon para maging okay ako. Kung hindi ito ginawa ni Havier, baka tuluyan na nga akong mabaliw.”

He breathe heavily. “Kung p’wede ko lang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, matagal ko nang ginawa.”

“My life is a cursed,” mapait akong ngumiti. “Hindi ko alam kung bakit kailangan mangyari sa buhay ko ito. Napakamalas ko sa lahat ng bagay. Sobrang malas ko… Kung hindi siguro ako nabuhay, hindi mangyayari ito at hindi rin ako darating sa buhay ni Gabrielle. Eh, ‘di sana buhay pa siya ngayon. Malayang inaabot ang mga pangarap niya…”

I bit my lower lip. Kumurap-kurap ako para pigilan ang paghikbi.

“A-Alam mo ba kung ano ang pangarap ko?” pagak akong tumawa. “Ang tanging gusto ko lang sa buhay ko ay sumaya. Nakasimple, hindi ba? Gusto ko lang sumaya at mabuhay ng payapa pero bakit pinagkakait pang ibigay sa ‘kin ‘yon?”

“Rosane…”

“Aven, simula pagkabata ang tanging hinahangad ko lamang ay maging malaya at maging masaya. Nang dumating sa buhay ko si Gabrielle, nagkaroon ako ng pag-asang mabuhay. Sila ng pamilya niya, binigyan ako ng pagkakataon na maging normal na bata. Iyung pagmamahal na dapat binibigay ng tatay at nanay ko? Sila ang pumuna no’n. Minahal nila ako na parang isang tunay na anak… Anim na taon halos kaming magkakasama ngunit bakit binawi ng gano’n lang si G-Gabrielle?” my voice begun to broke. I shallowed hard. “B-Bakit gano’n ang ginawa nila sa kaibigan ko? Na para bang lahat sila tutol na magkasama kaming dalawa ni Gab… Tingnan mo nga, ang daming may galit sa ‘kin dahil lang sa inakala nilang may namamagitan sa amin ni Gab… Marami rin ang may galit kay Gab, kasi ano? May gusto raw ang kaibigan ko sa akin? Katangahan! Isang kabaliwan iyon, Aven…”

Gusto ko ngayong magwala ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

“W-Wala akong nararamdaman na kung anuman para sa best friend ko. Walang romantic feelings, we're just friend… Pero inaamin ko, isa siya sa mga pinaka-espisyal na tao sa buhay ko..”

“He was just trying to be a good brother to you, he isn't it?”

Tumango ako at mapait na ngumiti. “Kapatid lang talaga turing namin sa isa't isa… Meron kami pangako. Kapag umabot kami ng fifty-five years old at wala pa rin kaming nahahanap na mapapangasawa o makakasama sa buhay. Titira kami sa isang bukid at mag-aalaga ng mga aso't pusa. Doon kami maninirahan habang buhay. Sabi niya kasi, ayaw niya akong maiwan at mamuhay mag-isa…”

“Napakabuti niyang tao. Kapakanan mo lagi ang iniisip niya.”

“Lahat sila tutol, ‘di ba? Paano pa kaya kung minahal namin ang isa’t isa? H-Higit pa ba sa impyerno ang mararanasan ko?” I swallowed hard. Nilunok ko ang lahat ng pait na nalalasahan ko sa mga sinasabi ko. “Hindi lang kaibigan ang sumaksak sa ‘kin patalikod, Aven. Pati ‘yung kadugo ko mismo…”

“What do you mean?” his eyes grew a bit. “What are you talking about? W-Who the hell betrayed you?”

Imbis na sagutin siya, kinuha ko na lamang ang nakaipit na flash drive sa tagiliran ko. He tilted his head. Nagtatakang sumulyap sa hawak ko.

“H-Hindi ko na kayang i-kwento pa ang lahat…” Kusa kong iniligay sa kamay niya ang flash drive. “Hindi na kaya ng utak kong sariwain pa ang lahat ng mga bangungot na dumating sa ‘kin…”

He hugged me tightly. Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya. Pigil na pigil naman ang paghikbi ko para hindi niya marinig.

“A-Aven…” I swallowed hard. “K-Kung anuman ang mangyari sa akin… G-Gusto kong malaman niyong mahal na mahal ko kayo… ”

“Rosane…”

“Just tell them that I really love them so much…”

“D-Don't leave us…”

“I won't… I won't…” nahihirapan kong saad. “I w-will fight… I should fight. D-Do you trust me, r-right?”

“O-Of course. I should give all my trust to you.”

After the long talk I had with Aven, tinungo ko ang puting silid na siyang lalong nagbibigay bigat sa dibdib ko.

“Miss Beindz, oras na po para uminom ng gamot,” ani ng nurse na siyang tagapag-alaga ko. “Kumain na po ba kayo ng hapunan?”

Tipid na tango lang ang sinagot ko. Inilagay niya sa palad ko ang isang maliit ngunit bilugan na gamot. Nakaantabay siya para i-abot ang isang basong tubig. Hindi siya umaalis sa harapan hangga’t hindi ko naiinom ang gamot.

Napabuntong hininga ako. Nilagay ko na sa bibig ko ang gamot at dali-daling ininuman iyon ng tubig.

“Pakibuka ang bibig, Miss Beindz,” utos ng nurse. Sinunod ko naman siya. “Mahusay! Ituloy-tuloy mo lang ang pag-inom para mabilis kang gumaling, hija.”

Nahiga rin ako kaagad nang lumabas ng silid ang nurse. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking paligid. Pakiramdam ko, sumasama ng husto ang lagay ng katawan ko sa tuwing naiiwan akong mag-isa rito.

“Good morning, woman,” tinig ni Ohne ang siyang napabalik sa ‘kin sa ulirat. “Breakfast with me again, woman?”

“Nagluto ka ulit?”

“Hmm, yes,” parang hindi pa siya sigurado. “Tinulungan ako ni Karla magluto.”

“Totoo?”

“Ayoko sana pero nangulit ang babaeng ‘yon,” natatawang usal niya. “Nagsumbong pa kay Mommy kaya iyon, pinayagan ko na lang tulungan ako.”

“You’re lucky to have her. She’s sweet,” puri ko, bumaba ako sa kama at lumapit sa lamesa na siyang mismo ang nag-assembled.

Ayaw pumayag ng hospital na maglagay ng lamesa sa loob ng kwarto. Dahil nga masunurin si Ohne, bumili siya ng lamesang naa-assemble at tinayo rito. Sinabi niya pang wala siyang pakialam kung pagalitan siya ng mga admin o nurse.

“How’s the outside world?” hindi ko maiwasang magtanong. Dalawang buwan na rin kasi ang lumipas. Wala na akong balita sa mga kapatid ko at hindi na muling bumisita si Aven dito. Hindi ko naman alam kung bakit. Itong si Ohne na lang ang nakakausap ko. Lagi siyang paro’t parito. Kulang na lang dito na siya tumira. “Kumusta sina Tita Ginnie, Tito Roy, at Gariel?”

“They were okay, woman,” he answered. “Gariel wants to visit you but he told me na hindi ka niya kayang makita ngayong nasa gan’yang sitwasyon. That asshole decided to dropped out.”

“Huh? Bakit?! Isang buwan na lang moving up ceremony niyo na!”

“I dropped out, too,” namilog ang mga mata ko sa narinig. “I can’t stand to receive a lot of medals and certificates from that shitty school. That owner manipulates you.”

“P-Paano ang pag-aaral n’yo ni Gariel?”

“We will transfer to another school. We’re gonna repeat the 10th grade.”

Mahina akong napatango. “S-Sayang ‘yung isang taon…”

“That year was a hell for me, woman. Don’t think about it, okay?”

“Okay… H-How about my brothers? Nakakausap mo ba sila?”

“Aven is very busy with some errands. I met him yesterday evening and he asked me to give this to you,” may kinuha isang parihabang kahon mula sa kaniyang bag. “A christmas and new year’s gift daw.”

Tinanggap ko na lamang iyon at inilagay sa gilid ng lamesa. Mamaya ko na lang bubuksan tutal kumakain pa naman kami.

“There is someone wants to see you, woman. Ayos lang ba sa ‘yong bisitahin ka niya?”

Nagsalubong ang kilay ko. “Sino naman?”

“Syrone Ayvan.”

I frozed. Matagal-tagal ko na ring hindi naririnig ang pangalan ng lalaking iyon. Kumusta na kaya siya? Bakit gusto niya akong makita?

“Okay lang,” bahagya pa akong tumango. “P’wede niya naman akong dalawin.”

“I will tell him that.”

“Bakit gusto niya akong makita?”

“I’m not on the right position to answer that. Ilang linggo nang nangungulit si Syrone sa ‘kin at nakikiusap na payagan ko siyang makita ka.”

“S-Sinabi mo bang nandito ako?”

“Hindi pa,” he said while shaking his head. “Maybe when I meet again.”

Ilang buwan na ring pabalik-balik dito si Ohne. Siya ang laging nagdadala ng mga pagkain ko. Umagahan, tanghalian, at hapunan. Hindi siya pumapayag na kainin ko ang pagkaing nakahanda rito sa ospital. Ang dahilan niya baka raw walang lasa o kaya hindi malinis ang pagkakaluto.

“Hindi ka ba napapagod?” Matapos naming kumain, nagpasya kaming tumungo sa hardin. Malawak iyon, napupuno ng mga iba’t ibang uri ng bulaklak. “Pupunta ka rito ng alas sais ng umaga para maghatid ng umagahan at tanghalian. Tapos aalis ka ng bandang alas tres para naman ihanda ang hapunan ko at babalik ka rito ng alas-sais ng gabi. Pagkatapos nating maghapunan, uuwi ka ulit sa inyo ng alas-dies ng gabi. Hindi ka ba napapagod o nahihirapan, Ohne?”

He smiled at me. “Wala akong dahilan para mapagod kung para sa ‘yo naman ang lahat ng ginagawa ko.”

“Huwag puro ako, Ohne. Naiintindihan kong nagmamalasakit ka pero paano ang sarili at pamilya mo? Nawawalan ka na ng oras para sa kanila. Kulang na nga lang dito ka na tumira.”

“Are you pushing me away?”

“No,” agarang sagot ko. “You’re already nineteen and you should enjoy your teenage years. Hanging out with friends and—”

“Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy akong kasama ka?” putol na siyang ikinatigil ko saglit. Narinig ko siyang bumuntong hininga. “I’m happy to be with you… I really do cherish those memories na kasama kita. And I think… That’s the most memorable happened onto my life.”

“Lumalala ang ka-kornihan mo sa bawat araw.”

He grinned. “Masyado bang korni? Ayos lang ‘yon, at least kinikilig ka.”

“Where’s the Ohne that I know? Iyung suplado na laging matalim ang tingin?”

“This is me, my other side of me, woman.”

“The childish one?”

“Yeah. The Childish Ohne!”

Tila naging isang musika sa aking pandinig ang mahina niyang pagtawa. Naramdam kong nag-init ang aking pisngi subalit nag-iwas na lamang ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagtingin ng mga bulaklak.

“Can I ask something, woman?”

I raised my brows. “Ano?”

“Can you please be honest with me?” he sounds terrifying. “How’s your feeling? Are you okay? Is there something bothering you?”

“Bakit mo naman natanong ‘yan?”

“I’m worried.”

Tipid akong ngumiti. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya. Bahala na. P’wede namang magsinungaling, ‘no? Tutal doon naman magaling ang mga tao.

I cleared my throat. “Ayos lang ako…”

“Your eyes can’t lie to me.”

“Paano mo nasabing hindi nakakapagsinungaling ang mga mata ko?”

Parang si Gabrielle lang. Magpinsan nga sila, alam na alam nilang dalawa kung nagsisinungaling ako o hindi. Tss, observant iyan?

“You're smiling but your eyes are not,” he uttered. “And you blinked several times before you answered.”

“Bakit? Kung sasabihin ko bang hindi ako okay, may magagawa ka? Kaya mo bang tanggalin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko?”

“I cannot,” mahinang aniya. “That’s why I’m asking you. Share with me… Share all the pain with me. I’m willing to take it all.”

“S-Sira ka ba?” I glanced at him, raising my brow. “G-Gusto mo bang suntukin kita ngayon nang matauhan ka sa mga pinagsasasabi mo?”

“Punch me, then…”

“Ayos! Matagal-tagal din akong walang punching bag. Are you really willing?”

“Go, woman. Punch me!”

I nodded slowly.

“Walang sisihan…”

“Just punch me now.” I laughed a bit when he close his eyes. Iyon naman ang naging cue ko para iangat ang braso ko. Isang malutong na pitik ang ginawad ko sa kaniyang noo. “What the…”

“Papikit-pikit ka pa ng mata d’yan!”

“Damn it, woman!”

Natawa ako nang sapuhin niya ang kaniyang noo. Nagsalubong pa ang kilay ko nang makitang unti-unting namumula ang tainga niya.

“Uy, namumula ‘yung tainga mo. Bakit?” Gano’n na lang ang pagtataka ko nang mas lalo pa siyang mamula, kasama ang mukha niya. “Parang kang kamatis. Ang cute!”

“Hell…” he whispered. I just shook my head and mind my business. I immediately lay myself on the grass, pinatong ko ang magkaparehong kamay ko sa likod ng aking ulo, nagpandekwatro at ipinikit ang aking mga mata. “You always doing that… I thought that you were like sleeping on the field before.”

“Hindi nga ako natutulog, ‘no. Gusto ko lang mahiga sa damuhan at ipikit ang mga mata ko.”

“Why is that?”

“Panandalian akong nakakahinga ng maluwag at nakakatakas sa reyalidad…” I answered and breathe heavily. “Kapag marami akong iniisip… Pumupunta ako sa isang tahimik na lugar, hihiga at ipipikit ko ang mga mata ko. Kinukumbinsi ko ang sarili kong mag-isip ng ibang bagay katulad na lang na gusto kong makapunta sa concert ng BTS o kaya maging isang ganap na abogado… Sa gano’ng paraan, nakakatakas ako kaso panandalian nga lang…”

I tried to stop myself to stutter. Kahit nakapikit ako, ramdam ko ang paninitig ni Ohne. Narinig ko pa ang mabibigat niyang paghinga.

“Pagmulat ng mga mata ko, makikita ko na naman ang mundong ginagalawan ko… K-Kailangan kasi maging malakas at matapang ako dahil kung hindi, unang laban pa lang matatalo na ako…”

“I’m sorry that you have to feel that…”

“S-Sawa na ako sa ganitong buhay… Lahat ng mga taong gusto akong maging masaya… Nawawala…”

“I’m here… I will never leave you no matter what.”

“’Wag mong sabihin ‘yan,” kontra ko’t napadilat, saka napalingon sa kaniya. “Gabrielle promised me with that, too… B-But where is he right now? Wala na, ‘di ba? Syrone also said that… He will always be there for me but he left me… He cheated on me—Ayos lang! Hindi naman masakit, wala akong karapatan masaktan—”

“Kapag nasaktan ka, nasaktan ka. Your feelings are valid, your mental health matters. Don’t ever let anyone invalidate how you feel, or tell you that you have no right to complain because others have it harder. Only you know and can tell how much you really have it tough right now, and how much you’ve been hurt, woman.”

Napatikom ako ng bibig sa sinabi niya. Hindi makahanap ng maisasagot. Bakit ganito ang lalaking ito? Bakit ganito mindset niya? Ang gwapo lang…

“You have every right to feel whatever emotion you want. You aren’t being dramatic. You aren't exaggerating. If you are mad, then you’re mad. It’s okay to feel sad and happy, that’s natural for us,” the side of his lips rose up. “Those feelings are valid and deserve to be heard whether it is in the past or present…”

I felt relieved. I immediately close eyes when tears started to flooded. I don’t wanna cry again. I’m so tired. Walang kabuluhan ang madalas kong pag-iyak kung bawat araw ay gano’n pa rin ang nararamdaman ko at hindi nagbabago.




_



“It’s time for you medicine, Ma’am,” pumasok ang nurse bitbit ang isang tray. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin parang may kakaiba sa nurse. “Ma’am?”

She tried to get my attention.  I felt uneasy. Kinakabahan na ako lalo na’t kakaalis lang ni Ohne.

“Iinom na po tayo ng gamot,” she said, naiirita na.

“Pakibaba po d’yan,” tukoy ko sa lamesa. “I will drink that later—”

“Hindi po p’wede, Ma’am. Kailangan kong masigurong maiinom mo ang gamot.”

“Iinumin ko ‘yan.”

“Inumin n’yo po sa harapan ko mismo.”

“Inuutusan mo ba ‘ko?” I started to get annoyed. “Just leave the medicine and I will drink that later.”

“Tigas ng ulo.”

I was about to say something when she stabbed a syringe on my shoulder. Namilog ang mga mata ko sa gulat, hindi inaasahan ang pag-atake niya.

Pusanggala!

“Gotta sleep, bitch!” Binaba niya ang suot niyang facemask that’s why I saw her face. “Long time no see, Rosane…”

“Iris…”

“The one and only…” she smirked. Naramdaman ko na ang epekto ng tinusok niyang gamot sa katawan ko. Nangangatog ang mga tuhod ko’t may malamig na hangin na siyang bumabalot sa buong katawan ko. “Believe rin ako sa ‘yo, eh, ‘no? After all the tradegies… nagagawa mo pang mabuhay. What’s your secret? Will you mind to share?”

Tumawa siya na parang baliw pero hindi naman iyon nagtagal. Marahas niyang hinawakan ang baba ko na parang nakadampot siya ng lubid.

“Kung pinili mo lang sanang manahimik, hindi na sana mangyayari sa ‘yo ito. At kung pinili mo lang magpakumbaba, hindi ka na sana masisiraan ng ulo,” sinundan ulit iyon ng pagtawa, mas malakas sa una. “Pathetic! Masyado mo kasing mahal na mahal ang kaibigan mo!”

I gasped. Hindi ko na maramdam ang buong katawan ko. Sinusubukan kong igalaw ang kamay ko ngunit tila namanhid iyon. Mabilis na pinalibutan ng luha ang mga mata ko.

No, I don’t want this anymore. Pagod na pagod na akong mapunta sa ganitong sitwasyon. Gusto ko nang makalaya.

“Bakit hindi n’yo na lang ako patayin?” tanong ko sa kaniya na siyang ikinataas ng kilay niya. “Kaysa nagpapakapagod kayong magturok nang magturok ng lason sa katawan ko. Tangina niyo! Patayin n’yo na lang ako ng tuluyan!”

“Tawag d’yan ay killing you softly! Dahan-dahan para damang-dama mo ang sakit!”

My sight become blurry. Pumikit-pikit ako at dumilat-dilat. May nakita akong isang aninong bagong dating sa silid. May takip ang kaniyang mukha. Ghost mask na naman ang kingina!

“What the hell did you do, Iris? I told you not to hurt her!” boritonong beses ang aking narinig. Kinikilala ko ang tinig niya!  “She’s crying, bitch!”

“Tinurok ko lang ang gamot na binigay mo! She’s just dramatic!”

“Shut the fuck up!”

Binuhat ako ng lalaki patungo sa wheelchair. Subukan ko mang pumalag ay hindi ko magawa. Tanging pag-iyak na lang ng tahimik ang nagagawa ko.

Putcha! I’m just like a living dead! Buhay ngunit hindi gumagalaw!

“Saan daw dadalhin ‘to, boss?” Iris asked.

“Arcon Modeling Agency. There will be a photo shoot. The main model is her,” seryosong sagot ng isa. “This would be a big break for the company.”

“The fuck! Are you serious? She’s the main model?!”

“Yes, she is.”

“Kabaliwan!”

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari pa. Ilang oras akong nawalan ng malay at hindi ko na rin alam kung saang lupalop akong napunta. Natagpuan ko na lang ang sarili kong napapalibutan ng ilang mga tao at nakakasinag na liwanag ang siya bumungad pagkagising ko.

“Oh! She’s awake,” ani ng lalaking may hawak na camera. “That’s good! You look more beautiful, hija! Eyes here!”

Hindi pa pumu-proseso sa isipan ko ang nangyayari. Pupungay-pungay pa ang mga mata kong nililibot ang paligid.

Puta! Nasaan ako? Bakit ganitong mga tao ang nakapaligid sa akin? Bakit may mga demonyo rito?!

“Kailan i-re-release ang magazine?”

“We will publish it on all social media platforms tonight. The printing of magazines, maybe next week, Sir.”

“Make it as soon as possible.”

“Yes, Sir.”

Nang matauhan ako sa nangyayari kaagad akong pumaligpas sa kinauupuan. May nakabusal na panyo sa aking bibig kung kaya’t hindi ko magawang sumigaw. Pati mga kamay ko ay nakakadena. Ang suot ko’y isang ternong manipis na undergarments na kulay pulay na siyang nagpahagulgol sa akin. Namaluktot ang katawan ko dahil sa hiyang nararamdaman sa harap ng mga camerang nagkikislapan.

“You’re too good, hija!” the photographer exclaimed, he’s smiling at me. Tila natutuwa sa nakikita. “Cry more, hija!”

Isinuksok ko ang aking sarili sa pader at yumuko. Kailanma’y hindi ko pinangarap na mapunta sa ganitong sitwasyon. Nanginginig na ang buo kong katawan at anumang oras ay handa na akong mawalan ng malay. Idagdag pang kumakabog ng mabilis ang dibdib ko.

Pusanggala! Mamamatay na ako! Hindi na ako makahinga!

“Nice! That’s awesome!”

“She’s pretty and hot.”

“Where did you find her, Limuel? She’s good at acting, huh? Hindi na kailangang sabihan pa. Alam na alam na ang gagawin.”

Hindi sila tumigil sa pagkuha ng mga litrato. Kislap nang kislap ang mga camera, ang nagagawa ko na lang ay pumikit at iiwas ang sarili. Sumunod no’n, inilipat nila ako sa isang silid na puno ng mga bikini.

“Siguraduhin n’yong hindi makakataas ‘yan. Malaki ang kikitain nating pera mula sa babaeng ‘yan,” isang halakhak ang pinakawalan ng matanda. “May utang ang ama niyan at siya ang kabayaran sa lahat nang iyon!”

“Sino ba ang babaeng ito, Limuel?” babae naman ito.

“Isang Beindz, ang magmamana sa lahat ng kayamanan ng mga Beindz! Kaya igapos niyo at siguraduhing hindi makakatakas! Papatayin ko kayo kapag nakawala 'yan!”

Wala na akong narinig pang sumunod na tinig. Nakagapos ang parehong mga paa ko sa isang maliit na kama at iniwan nilang nakasarado ang pinto. Mayamaya pa’y muli itong bumukas. Nabuhayan ako ng loob nang makitang si Jorja iyon.

“Jorja…” nahihirapan kong saad, mukhang hindi niya naintindihan dahil may nakalagay sa bibig ko. “Tulungan mo ako, Jorja!”

“Oh my gosh!” palahaw niya at dali-daling inaalis ang nasa bibig ko. “Putangina! Anong ginawa nila sa ‘yo?! Bakit gan’yan ang suot mo?!”

“Jorja… K-Kailangan kong makaalis dito…”

“Oh my gosh… Oh my!” napahawak siya sa kaniyang dibdib. “What happened? Paano ka napunta sa lugar na ito?”

“Si Iris… Kinuha niya ako sa ospital.”

“Ang gagang ‘yon! Buhay pa pala!”

“K-Kailangan kong makaalis dito, Jorja. Delikado ang lugar na ito…” nangatal ang buong katawan ko. Kating-kating na ako makawala sa kadenang nakapaikot sa mga paa ko. “Tulungan mo ako…”

“Jusko! Nakakaloka! Kukuha lang ako ng summer wear tapos makikita kong nandito ka?!”

“Jorja…”

Mahigit niya akong ginawaran ng yakap. Narinig ko pa ang mahina niyang paghikbi at naroon ang pagyugyog ng balikat niya. Nakapagtataka… Ibang-iba ang kinikilos niya sa mga oras na ito.

“Jorja, kalagan mo ako…”

“Rosane, I’m sorry…” barag na ang boses niya. Napakunot ang aking noo. “I’m sorry, I can’t help you right now. But I won’t say sorry for putting you here!”

“A-Ano?!” Humiwalay kaagad ako sa kaniya. “Anong sabi mo?!”

“Oh, Rosane! Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? Ang maging isang model kaya nga inagaw mo ang dapat na nararapat sa akin! You stole the opportunity that I deserve to get!” She’s raising her voice out loud. “You traitor! Alam mong pangarap kong maging isang sikat na modelo pero bakit inagaw mo?!”

“Anong sinasabi mo, Jorja?! Napapano ka ba?!”

“Maang-maangan?! Matapos ang ginawa mong pagsaksak sa likuran ko ay kakalimutan mo na?!” She slapped me harder at hindi ko inaasahan ‘yon. I clenched. “Tangina mo! Ipapaalala ko sa ‘yo ngayon! Matapos sabihin ko sa ‘yong nagpirma ako ng kontrata sa agency na ‘to, you immediately passed your resume to apply, too? At ano pang ginawa mo? Nakiusap ka kay Ariess na ibigay sa ‘yo ang lahat ng ino-offer nila sa akin? Gan’yan ka ba talaga kamang-aagaw! Lahat na lang gusto mong maging sa ‘yo!”

“Bobo ka ba?!” singhal ko. “Bago ako umalis ng bansa noon, hindi ba’t nabanggit mo sa akin ‘yan?! Mag-isip-isip ka nga! Nasa Japan ako! Paano ko magagawang magmodel o kausapin si Ariess! Bungol ka!”

“Tanga lang?! Tanga lang?! Pagbalik mo ng Japan, hindi ba’t ang madalas mong kasama ay si Ariess at ang mga tropa niya?!”

“I never wanted to be a model! Malinaw pa sa tubig na alam mo ‘yon!”

Sa pagkakataon na ito, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Tangina! Puro sama ng loob! Ang hapdi niyang magsalita!

“Gumising ka nga! Wala akong ginagawang masama sa ‘yo! Kahit kailan hindi ko inisip na traydurin kayo ni Jahm! Putangina niyo! Ang sakit-sakit na! You are my friends, right? I treated all of you as my family! Pero bakit ganito ang ginagawa niyo sa 'kin?! Ito ba ang kapalit sa lahat ng pagiging mabuting kaibigan ko sa inyo?!”

Naiiyak siyang napailing. May kinuha siya sa bag niya at inihampas sa pagmumukha ko.

“You treated me as a family? Eh, ano ‘to?! A-Ano ang putanginang kapahangasan na ito?!”

Nanghihina akong napayuko. Nanlalabo ang mga mata ko kung kaya’t pinahid ko ang naglandasang luha. Bumuhos pa ang luha ko nang makita ang mga litrato. Pesteng yawa!

“I never did this, Jorja! I swear to God! I never did this!”

“You whore! How can you do this to me? Kaya kami nagbreak dahil d’yan! Boyfriend ko ‘yon, ‘di ba? Mahal ko siya at mahal rin kita! Paano mo nagawang landiin ang boyfriend ng kaibigan mo?!”

“H-Hindi ako ‘yan!” I shook my head. “H-Hindi ko magagawang halikan ang lalaking ‘yan!”

“Tangina mo, Rosane! Depressed ka ba talaga o umaarya lang ang kalandian mo?!”

“Gago ka ba?!” Napatigil ako sa pag-iyak. Ginawaran ko siya ng isang sampal. “Don’t fucking joke at my illness! Hindi mo alam kung gaano ako kadurog na durog ngayon at halos masiraan na ako ng bait! Putangina! Sana kayo na lang ang nagkaganito!”

Continue Reading

You'll Also Like

11K 289 62
Kaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But th...
24.6K 3.8K 60
Genevieve Diamante was a bad girl with a bad reputation despite coming from a prestigious, popular, and wealthy family. No one dared to fight against...
191K 13.7K 39
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
862 242 68
Seraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something hea...