MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.7K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

74

11 1 0
By RonneSerene

Hindi ko maipaliwanag kung ano itong nangyayari sa akin. Maraming boses ang aking naririnig na patuloy ang pagtawag sa iisang pangalan. Hindi ko sila makita. Wala akong makita. Tanging puting liwanag na lamang ang aking nasisilayan.

Nasaan ako? Bakit ako lang mag-isa rito ngunit maraming boses akong naririnig.

“Hey, Sane!”

Naramdaman kong may humaplos sa aking ulunan. Balak kong pumalag ngunit hindi ko magawang ikilos ang aking katawan. Paunti-unti may nakikita akong isang anino at habang tumatagal nakikilala ko na kung sino iyon.

“G-Gabrielle?”

Isang ngiti ang nasilayan ko sa kaniyang labi. “You’re here. Nandito ka na sa Paraiso!”

“Ha?”

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Napakunot ang aking noo nang mapansin parang nasa isang isla kami.

“What do you feel right now?” he asked. “May masakit ba sa ‘yo? May mabigat ba sa dibdib mo? Kumusta ka?”

Wala pang isang segundo, kumawala na ang mga luha sa aking mga mata na para bang kay tagal ko iyong tiniis, at naging mabilis ang pagsalubong ng kaniyang mga braso para yakapin ako na hindi ko na pinatumpik-tumpik pa.

“G-Gabrielle…”

“Hindi ba’t sinabi kong ayaw kitang nakikitang umiiyak, Sane?” Marahan niyang hinaplos ang aking likod. “Tigil na sa pag-iyak. Pati ba naman dito dadalhin mo ‘yan?”

“T-Tears of joy ‘to!”

“Gano’n mo ba ako ka-miss, Sane?”

“Oo, luko! Miss na miss kitang luko ka! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?”

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Binaliwala ko na lang iyon at mas hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. Lalo pa tuloy bumuhos ang mga luha ko at siyang ikinalakas ng pag-iyak ko.

“D-Dito na lang ako,” pahayag ko. “Ayoko na ro’n… Sinasaktan lang nila ako, Gabrielle…”

“Sane…”

“K-Kunin mo na ako sa kanila. P’wede ba iyon, Gabrielle?”

“Kung p’wede lang, Sane, matagal na kitang kinuha sa kanila,” sambit niya na siyang ikinadurog ng aking puso. “Maraming masasaktan kapag umalis ka—”

“Bakit ikaw?!” putol ko. “Bakit umalis ka kahit alam mong masasaktan ako?”

“It was my time, Sane. I had to accept that. I’m so sorry.”

“Durog na durog ako nang iwan mo ‘ko, Gabrielle…” 

Naramdaman kong natigilan ito sa aking sinabi. Nakarinig ko pa ang malalim niyang paghinga. Ibinaon ko naman ang aking mukha sa balikat niya at umiyak nang umiyak.

Puno ng pighati ang aking nararamdaman pero kahit gano’n, masaya akong makita at makasama ang matalik kong kaibigan. Ito’t nahahawakan ko siya, naririnig ang kaniyang magandang boses, at ramdam ko ang mainit niyang yakap na siyang nagpaparamdam sa akin na ako ay nasa ligtas na lugar.

“I am sorry, Sane. Sorry for everything pain that I’ve caused.”

“Y-You… You don’t need to say sorry…” I shook my head. Kumalas na ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Ako dapat ang nagso-sorry. Masyado akong naging maganda sa paningin nila at naging sanhi iyon para mapahamak ka.”

Hindi ko inaasahang hahalakhak siya ng gano’n matapos marinig ang sinabi ko. Umangat ang kanang kilay ko bilang senyales na naaasar ko.

“Gab!”

Humalakhak pa siya lalo kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Lumalakas pa ang tawa nang makitang asar na asar ako.

I really missed his laughs and smiles. Na-miss ko ang pagtawa niya ng gano’n kalakas na parang wala ng bukas na darating… Ang mukha ngayon ni Gabrielle ay maaliwalas, hudyat na wala itong iniintinding problema.

Maaari ba akong manatili sa lugar na ito? At hindi na muling magising sa panaginip na ito.

Napaawang ang bibig ko nang mapansing parang lumalabo sa paningin ko si Gabrielle. Dumilat-dilat ako, napahawak na ako sa aking ulo sa kadahilang bigla itong kumirot.

“G-Gabrielle…” tinawag ko siya na siyang ikinatigil niya sa pagtawa. “H-Hindi kita makita nang maayos, Gab! A-Anong nangyayari?! Bakit lumalabo ka sa paningin ko?”

“Sane…”

Batay sa tono niya, alam ko na ang pinararating niya!

“G-Gabrielle, ayoko!” agaran akong umiling nang umiling bilang hindi pagsang-ayon. “Please… Please… Please! Let me stay here! I want to be with you!”

“It’s not your time yet… See you when I see you, Sane…”

“H-Hindi! Ayoko na, Gabrielle! Dito na lang ako, Gabrielle! Pagod na akong makipaglaban sa sakit at puot—”

“They are waiting for you there. Higit na masasaktan sila kapag iniwan mo sila ng tuluyan. Marami ang lumalaban para sa ‘yo, Sane. Huwag kang sumuko, please? Malapit ka nang matapos, malapit ka na sa wakas na siyang karapat-dapat para sa iyo, bakit ngayon ka pa susuko?”

“Mas gusto kitang kasama, Gabrielle! Ayokong iwan kita rito! Ayoko na sa kanila!”

He just smiled genuinely at me. “This is not the right time for us to be together, Sane. Someday you will understand why we need to be separate.”

“Don’t do this to me, Gabrielle Rey!” pagmamakaawa ko. Luluhod na sana ako sa kaniyang harapan nang maagap niya akong pinigilan. Sa halip, muli akong napayakap sa kaniya at humagulgol nang humagulgol sa kaniyang dibdib.

“You have everything you need, Sane…”

“Ikaw… Ikaw ang kailangan ko…”

“Hindi pa ito ang oras. Marami ka pang dapat na ipaglaban sa buhay. Gusto kong tuparin mo ang lahat ng mga pangarap na sinimulan natin. Gusto kong mamuhay ka ng payapa na siyang lagi mong hinihiling sa Maykapal,” batid kong lumuluha na siya ngayon dahil sa pag-uga ng kaniyang balikat. “Magkita tayong muli sa tamang oras at panahon, Sane. Mahal kita…”

Iyon na ang huli niyang pahayag matapos kong matagpuan ang aking sariling nakaratay sa isang putting kama. Pumihit ako ng malalim na paghinga.

Narito na akong muli sa realidad na puno nang kasakitang unting-unting pumapatay sa akin.

Isa-isa kong pinagtatanggal ang mga aparatong nakakabit sa katawan ko at bumaba ng kama. Hindi pa ako gano’n kalakas para makatayo ng diretso. Kinailangan ko pang kumuha ng suporta sa pader para makatindig ng maayos. Hinang-hina akong tinutungo ang banyo. Nasa punto na akong pipihitin ang pinto ng banyo nang bigla itong bumukas.

Napaawang ang kaniyang bibig sa gulat, ilang beses pa siyang kumurap-kurap. Parang siyang nakakita ng multo.

“W-Woman…”

“T-Tapos ka na m-magbanyo?” doon ko lang narinig ang aking tinig. Halos mawalan na pala ako ng boses. “N-Naji-jingle na ‘ko, O-Ohne…”

“Gising ka na…”

“H-Hindi ba.. halata?”

“Woman.”

“P-Paraanin mo ako at ihing-ihi na ako…”

Agaran kong sinara ang pinto matapos niyang paraanin ako. Napatulala ako sa harap ng salamin at napahawak ng mahigpit sa haligi nito.

“P-Punyeta…” I started to sob.  “G-Gabrielle naman, eh. G-Gusto ko lang namang sumama sa ‘yo… B-Bakit ayaw mo? Hindi mo ba nakikitang nahihirapan na ako rito?”

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa loob ng banyo. Kinailangan ko pang pakalmahin ang aking sarili. Paglabas ko, nalula ako nang maraming pares ng mga mata ang sumalubong sa akin. Nagsimulang gumapang ang takot, lungkot, at hinagpis sa puso ko. Namanhid ang buo kong katawan.

Gusto kong tumakbo ngayon na…

“Rosane…”

Nagpakita ako ng pekeng ngiti sa kanilang lahat. Patakbong lumakad si Arion para salabungin ako ng yakap. Nagbaba ako ng tingin nang maramdam kong nag-init ang mga mata ko.

“Ate Rosane…” humihikbi niyang usal. “Y-You’re awake. I miss you…”

Gulong-gulo ang utak ko ngayon. Hindi ko magawang i-proseso ang mga nangyayari sa utak ko ngayon. Panay lang ang pagtango at iling ko sa bawat tanong nila.
Lahat sila nang-aalala sa kalagayan ko. Nasabi ng doktor na himala at nabuhay pa ako dahil marami na ang nawalang dugo sa katawan ko at nag-aagaw buhay pa raw ako kahapon sa loob ng emergency room.

“I thought you wouldn’t wake up anymore. I got scared,” Aven said with a broken voice. “I am sorry, R-Rosane… I wasn't a good brother to you…”

Aven hugged me tightly. Parang ayaw niya akong bitawan. Marahan niya pang hinahaplos ang buhok ko. May binubulong siya ngunit hindi ko naman iyon magawang pagtuunan ng pansin dahil natutulala ako at lumilipad sa ere ang aking isip.

“I want to die,” bulong ko na siyang ikinalaki ng mata ng mga kapatid kong lalaki. “I really wanna die. I want to disappear. B-Bakit… Bakit hindi niyo na lang akong hinayaang mamatay?”

I saw Madame Rozel’s eyes turn into blood shot. Maamang napatayo ako mula sa kama at isa-isa silang tinapunan ng tingin.

“N-Nandoon na po ako, eh. Nakita at nakasama ko na si Gabrielle. Bakit hindi n’yo na lang ako hinayaan?!” Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamnan ko. “Doon malaya akong makakakilos ng walang halong takot at panganib! Doon hindi na ako malulungkot at masasaktan! Hindi na ako luluha pa ro’n dahil alam kong hindi ako sasaktan ni Gabrielle!”

“Rosane, you told me that you love us!”

“Oo! Mahal ko kayo pero pagod na pagod na ako!” Hindi ko na alam kung bakit nagagawa ko pang tumayo ng maayos. “’Yung utak ko… K-Konting-konti na lang sasabog na sa sobrang dami ng iniisip! Puta! Pagpahingahin n’yo naman ako! Hayaan n’yo na akong lisanin ang putanginang madayang mundo na ‘to!”

Pilit nila akong pinapakalma sa paraan na makakaya nila. Sa tuwing sinusubukan nilang lumapit sa akin, tinutulak ko sila palayo at nandidiring nilalayo ang sarili ko.

“Anak…” si Madame Rozel na ngayon ang sumusubok na lapitan ako. “M-Makinig ka naman sa amin, oh… Anak…”

“Hindi mo ako anak! Huwag mo akong tawaging anak! Iniwan mo ako! Inubando mo ako!” Umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng kwarto. Napansin kong natahimik ang mga kapatid ko sa kakaiyak. Puta! “Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi mo ako iniwan at pinabayaan, hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon! Parehas kayo ni Papa! Puro salita! Sa salita niyo lang ako mahal! Mga sinungaling!”

This is not me anymore. Sabog na sabog na ang emosyon ko at hindi ko na mapigilan pang magwala.

“Tangina…” mahina akong napamura. “Kayo may gawa nito sa ‘kin… Kagagawan niyo ‘to ni Papa… D-Dapat pina-abort niyo na lang ako noon kung hindi niyo rin pala kayang panindigan ang pagiging ama at ina sa ‘kin! W-Wala kayo nung mga panahong inaabuso ako at inaalipusta! H-Hindi niyo alam kung gaano kahirap para sa isang walang kamuwang-muwang na bata! Can you fucking imagine that? A four-year-old kid has already experienced mental and physical abuse!”

Napaawang ang bibig ni Madame Rozel. Nakita kong may naglandasang luha sa kaniyang pisngi. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero hindi alam kung saan magsisimula.

“Nung kailangan ko ng tulong, sino ang nariyan para sa ‘kin? Wala! Wala kayo ni Papa…” namaos ang boses ko. “Siya laging nasa ibang bansa. Samantalang ikaw ginagampanan ang pagiging isang dakilang ina sa mga anak mo! At ako, ano?! Parang isang kuting na iniwan sa basura at hindi na binalikan!”

Sarkastiko akong tumawa nang may isang maalala na pangyayari. Nalipat ang tingin ko kay Ohne na ngayon ay namumula ang mga mata at nagulat pa siya nang magtama ang paningin namin.

“O-Ohne, can you please get me out of here?” Sinabukan akong hawakan ni Madame Rozel ngunit umiling ako. “Bring me to my cousin.”

“Woman…”

“Bring me to him.”

“B-But you need to stay here. You sick…”

“Matagal na akong may sakit! Dalhin mo na lang ako sa kaniya ngayon na!”

“Okay, okay… Please don’t shout,” he said softly. Sunod siyang napatingin sa katabi ko. “Mrs. Amadeo, I need your permission.”

Nagtiim ang bagang ko nang marinig ang sinabi niya. Bakit magpapaalam pa siya rito?

“No,” nagpinting ang tainga ko nang sumabat si Manager Aveir. “She will stay here, kiddo. She’s not allowed to go out!”

“Punyeta! Ano ako, grounded?! Nagpapatawa ka ba?!”

“Call some nurse, Asher.”

Inunahan ko sa paglabas ng silid si Asher. Ngunit mga alerto ang lahat dahil sa paglabas ko ng silid may nakaabang ng mga men in black at walang kahirap-hirap sa kanilang ibinalik ako sa loob.

“Tangina! Pabayaan n’yo na lang ako, p’wede ba?! Gusto ko nang mamatay!”

Napangiwi ako nang maramdamang may tumurok na manipis at matulis na bagay sa balat ko. Nag-init ang mga mata ko at nanghihinang napabitaw sa braso ng kaninuman.

“M-Mahal na mahal kita, anak,” dinig kong bulong ni Madame Rozel. “Pakiusap, huwag mo kaming iwan ng mga kapatid mo…”

Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil nilamon na ako ng antok. Naging mababaw lang ang pagtulog ko sa kadahilanang may mga naririnig pa akong bulungan at iyakan. Subukan ko mang idilat ang mga mata ko, hindi ko magawa. Ano ba ang tinurok nila sa akin?





Bigla akong napabangon habol-habol ang hininga. Napahawak ako sa dibdib ko. Nagsimulang magtuluan ang luha ko sa aking pisngi. These fucking annoying tears!

“Are you okay, woman? Nanaginip ka ba ng masama?” napasulyap ako sa gilid ko. Sinamaan ko siyang ng tingin. “What’s wrong? Have a bad dream? Stop crying…”

“Nasa’n si Havier? Bakit hindi niya pa ako kinukuha rito? Bakit hindi pa siya nagpapakita sa ‘kin? At bakit ka nandito?”

Bahagya pa siyang nagulat. Nag-iwas ng tingin at napakamot siya ng batok.

“I just want to stay here,” he said. “Masama bang nandito ako para bantayan ka?”

“Gan’yan ka na ba kaawang-awa sa ‘kin, Ohne? I don’t need your pity!”

“Don’t shout, okay?” Parang kinakabahan niyang sabi. “I will be quiet… Just keep yourself relax and tell me what you need…”

Ginapang ako ng konsensya nang masilayan kong puno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata. Pansin ko pang parang hindi siya natutulog sa lalim ng mga mata at nangingitim ang ilalim nito.

Tumango na lamang ako at ikinalma ang sarili. Baka mamaya magwala na naman ako at turukan nila ako ng pampatulog.

“Nasa’n ang pinsan ko?” tanong ko ulit. “Bakit hindi pa siya dumadalaw dito?”

“He was here,” alanganing sagot niya. “He’s busy. Marami siyang inaasikaso kaya hindi niya magawang manatili rito. Ang mga katapid mo naman pinayuhan ni Mommy na umuwi na. Baka raw kasi mag-alboroto ka kapag nakita mo sila paggising mo.”

I sighed heavily. Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari kanina. That was so childish. Hindi na ako ‘yon.

“Do you feel hungry?”

Muli akong napamulat at unang tumama ang tingin ko kay Ohne. Naroong sinusuri ako ng nag-aalala niyang mga mata. Mukha siyang pagod, mukhang kulang na kulang sa tulog at namumutla siya ng bahagya.

“Anong makakain d’yan?” tanong ko. Kaagad naman siyang tumayo para lumapit sa mini ref. “Kahit cup noodles na lang…”

“Cup noodles?” umarko ang kilay niya. “I’ll cook, is it okay with you?”

“Okay lang.”

Mahina siyang tumango. Sinuri niya ang mini ref at naghanap ng p’we-p’wedeng lutuin. Bumalik naman ako sa pagkakahiga habang hinihintay siya.

“Ohne…” mayamayang usal ko.

“Yes?”

“I want to die…”

Nakarinig ako ng pagbagsak ng kubyertos sa sahig. Hindi ako lumingon sa kaniya. Pinanatiling walang emosyon ang mukha ko. Napahinga ako ng malalim.

“G-Gusto kong maglaho ng parang bula. Ayoko na rito,” tumingin ako sa putting kisame. “Hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya. Pero sabi ni Gabrielle… marami ang masasaktan kapag nawala ako…”

“We’re here, woman…”

“Alam ko,” pagak akong tumawa. “Mahal ko kayong lahat. Ayokong iwan kayo pero kasi… Sukong-suko na ang utak at katawang lupa ko. Hindi ko na kaya…”

Napalingon ako sa kaniya nang hindi na ako makarinig ng sagot mula sa kaniya. Nakita kong inabala na lang ang sarili niya sa niluluto.  Mapait akong napangiti. Nagbabadyang na naman ang mga pesteng luha ko. Humugot ako ng malalim na paghinga.

Mabuti na lang wala nang nakalagay na aparato sa katawan ko. Tumayo ako at lumapit sa lamesa para maupo roon. May nakita akong container ng biscuit at walang pasabing kumuha roon para kainin.

Nangunot ang noo ko nang makitang nagsasalang ng bigas sa rice cooker si Ohne. Sunod niyang tinapunan ng tingin kawali. Hindi ko alam kung ano ang niluluto niya ngunit ang amoy nito ay nakakagutom na.

“Sanay ka talaga magluto?”

“Natuto lang these past few days,” he said. “Hindi pa ako sanay sa may mga sabaw-sabaw. I’m still learning.”

“Madali lang ‘yon.”

“Turuan mo nga ako.”

“Nood ka lang sa YouTube.”

“I want someone who can teach me personally. Not virtually,” nakita ko pang umikot ang mga mata niya. “Turuan mo ako, ah? Pangako na ‘yan!”

“Hoy! Wala akong sinasabing tuturuan kita. Anong pangako na ‘yan? Luko ka ah!”

“Just kidding!” 

Tinimplahan niya pa ako ng isang basong gatas. Ininom ko iyon habang hinihintay siyang matapos. Wala akong magawa kundi ang tumitig lang sa kaniya. Sinusuri ko ang bawat pagkilos niya.

“Bakit ka nandito?” nagdire-diretso sa pagsasalita ang bibig ko. “Bakit ikaw ang nagbabantay sa akin?”

He breathe heavily.

“I just want to be with you,” seryosong sagot niya. “Sasamahan kita kahit saan. Susunod at susunod ako sa ‘yo kung saan ka man magpunta.”

“Ano ka, aso?”

Umiling siya. “Ako ang garapata mo.”

“Ay, gag—” natutop ang bibig ko nang bigla niyang ibaba ang niluto niya. Naghain na rin siya ng kanin. “Siguraduhin mo lang masarap ‘to!”

Lumagok muna ako ng gatas saka nagsimulang kumain. Puro gulay ang mga iyon na siyang ikinatuwa ko. Okay lang naman kahit may sahog na cornbeef.

“How was it?” kabado niyang tanong. “Is it okay?”

“Okay na.”

“Okay na?”

“Okay na pagtiyagaan.”

Sumimangot siya. Bahagya akong napailing at pinagpatuloy na ang pagkain. Sinabayan niya na rin ako kaya medyo ginanahan ako sa pagkain.

“Okay daw pagtiyagaan pero naubos?” nang-aasar ang tono niya. “Ipagluluto ulit kita bukas, ah? Para marami ka ulit makain  at nang matikman mo ulit ang luto kong p’wedeng pagtiyagaan!”

“Gutom lang ako kaya ko naubos,” nakangiwi kong wika. “Salamat…”

“Basta para sa ‘yo.”

“Corny mo.”

Nagpresinta siya na ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Tumango lang ako at bumalik sa higaan ko. Matutulog na sana ako nang muli akong binalot ng kalungkutan. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isipan ko na pilit akong ginugulo.

“You’re crying again…”

Namilog ang mga mata ko. Nagugulat ko siyang nilingon na ngayon nasa gilid ko at nakatayo.

I feel numb. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Nagbaba ako ng tingin saka pinahatid ang luha sa pisngi ko gamit ang likod ng palad ko.

“It’s okay to cry… Feel free to cry, woman.”

“Pagod na akong umiyak.”

“Pagod na rin akong makitang umiiyak ka.”

Napakagat ako ng pang-iibang labi para pigilan ang paghikbi. Mariing kumuyom ang mga kamay ko at naramdaman ko namang bumaon na ang kuko sa palad ko.

Abot-abot pa ang pagkabog ng dibdib ko. Naririnig ko pa ang malakas na pagpintig ng puso ko.

“Do you wanna escape with me, woman?” he asked with no hesitation. “Do you wanna run with me?”

Ilang beses ko nang narinig mula sa kaniya iyon. Palaging hindi at iling lang ang sinasagot ko. Pero sa pagkakataong ito, nagawa kong mag-angat ng tingin sa kaniya at matapang na sinalubong ang mga mata niya.

“If you know you will die tomorrow, how will you spend your life today?”

Umarko ang kilay niya. He looked confused but he shrugged.

“I wanna spend my remaining time with you, woman,” he answered me directly. “I don’t know… I just want to be with you…”

“Bakit ako?”

“Kasi gusto kita.”

Nagkibit-balikat lang ako. Hindi na pinansin ang sinabi niya. Bumalot naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ilang beses naman akong humuhugot ng malalim na paghinga para pakalmahin ang sarili ko.

“If you wanna escape, just tell me,” he uttered. “I will escape with you and run without hesitation, woman.”


_



After a few many hours, mahimbing nang natutulog si Ohne sa couch. Nagkunyari lang akong natutulog kanina para makatulog at makapagpahinga na rin siya. Halata kasing wala siyang tinulugan at bangag na bangag.

Kinuha ko ang cellphone niya sa side table. Kaagad namilog ang mga mata ko nang makita ang petsa.

December 26

“Putcha…” napasapo ako ng noo. “Pasko kahapon…”

Alas tres na ng madaling araw ngayon. Ibig sabihin, may posibilidad na rito nagnoche buena ang mga kapatid ko. Kinakakain na ako ngayon ng konsensya.

“Pusanggala…”

Nanumbalik ang pait sa aking damdamin. Ang inosenteng mukha ng mga kapatid ko ang rumihistro sa aking isipan. Napailing ako at yinakap ang mga tuhod ko.

Paano ko magagawang magpatuloy sa buhay kung puro sakit ang nararamdaman ko?

“Valentina,” I heard my cousin's voice. “I’m glad you’re finally awake…”

“Ilabas mo ako rito, Havier.”

He immediately shook his head. “You need to stay here. You’re not yet  fully recovered.”

“Wala akong pakialam,” usal ko. “May kailangan akong asikasuhin. Kaya ko na ang sarili ko.”

“Valenti—”

“Huli na ‘to, Havier.”

“Hindi ako papayag.”

“Sa ayaw at sa ayaw mo, papayag ka,” nakangising saad ko at tinaasan siya ng kilay. “Unless… Kung magmamatigasan tayo rito, hindi ako magda-dalawang isip na saktan ka at ilibing ka sa sarili mong hukay.”

“W-What the fuck?” his eyes widened. “W-What are you talking about?”

“’Wag mo akong sagarin, Havier. Kung ayaw mong mawala ang lahat ng pinaghirapan mo.”

Naging malikot ang paggalaw ng mga mata niya. Nakipagsukatan ako ng tingin ngunit siya itong unang napayuko saka tumango-tango.

“What do you want me to do, huh? Bring you home?”

Umiling ako. “Dalhin mo ako sa Mental Hospital.”

“What?!”

“Mental Hospital,” ulit ko na siyang ikinalaki lalo ng mga mata niya.

“You’re kidding me, right?”

I sighed. “Wala akong panahon para makipagbiruan.”

Napakamot siya ng kilay. Mariing napapikit saka tumango-tango na parang wala na siyang ibang pagpipilian.

“I will settle your bills now,” aniya. “Ipapaalam ko pa ba ‘to sa mga Amadeo?”

“Just text Manager Aveir.”

“Okay.”

Wala pang isang oras naayos na ni Havier ang lahat kaya kaagad din akong nakalabas ng ospital. Paakyat na sana ako sa kotse ni Havier nang may humawak sa braso ko.

“Where are you going?” habol-hiningang tanong niya. “Sama ako!”

“H-Hindi p’wede,” iling ko sabay alis sa kamay niya sa braso ko. “Umuwi ka sa inyo at magpahinga. You look like shit!”

“Sama mo na ako. Wala naman akong gagawin sa bahay!”

“Hindi nga p’wede.”

“Sama na ako, please?”

“Pusanggala!” bulalas ko nang makitang nagpa-cute pa siya sa harapan ko. “Putcha… Ano bang ginagawa mo?”

“What will I do? Do you want me to beg for it? I will bent my knee—”

“Bahala ka nga!”

Padabog akong sumakay. Nakita ko pang nakataas ang kilay ni Havier at nangunot ang noo nang makitang pumasok si Ohne sa backseat.

“Good morning, Mr. Beindz,” he sounds like a happy kid.

“Morning, Mr. Duero. Sasama ka sa Mental?”

“Huh?”

“Magpapa-confine ka rin sa Mental Hospital?” seryosong tanong naman ni Havier. “Baliw na baliw ka sa pinsan ko, eh.”

“Patay na patay, Mr. Beindz.”

At tinama pa nga! Hindi ko na pinansin silang dalawa. Mga walang kwenta ang pinag-uusapan.

Pagkarating sa kinaroroonan, pinigilan ko silang dalawa sa pagsunod sa akin. Sinabi kong babalik din ako kaagad at may kakausapin lang saglit.

“Mayen…”

Wala ang nanay niya kaya nakapasok ako sa kaniyang silid ng walang kahirap-hirap.

“Mayen, si Rosane ‘to…” nang marinig ang tinig ko, lumingon siya at napabangon. “Kumusta na?”

“Nasaan si Gabrielle?”

Pumihit ako ng malalim na paghinga. “H-Hindi siya sumama. P’wede ba akong magtanong sa ‘yo?”

“P’wede naman,” sagot niya at tumango-tango. Umayos siya nang pagkakaupo at mahigpit na hinawakan ang manika. “A-Ano ang itatanong mo?”

“Sino si Sander?”

“S-Sander…” she started to trembling. “S-Sander….”

“Oo, sino siya?”

“P-Pinatay niya si…”

“Sino?”

Napabitawan niya ang manika. Naghabol siya ng hininga kasabay no’n ang pagbuhos niya ng luha.

“P-Pinatay niya…”

“Sino?”

“P-Pinatay niya…” sa pagkakataong ito napatayo na siya at nagpalakad-lakad. “N-Nakita ko… P-Pinatay niya… P-Pinatay ng demonyo! Papatayin niya tayo! P-Papatayin ka niya!”

Napasinghap ako sa bigla niyang pag-atake sa akin. Hawak-hawak na niya ngayon ang leegan ko. Nanlilisik ang mga mata niya!

“Pinatay mo siya! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya!” galit na galit ang boses niya. “Demonyo ka katulad ni Ariess!”

Kahit hindi na ako makahinga, nagawa ko pang magkunot ng noo.

“S-Sino si Ariess?!” kapos hiningang tanong ko.

“Bobo!” Sinampal niya ako. “Si Ariess Arcon… Sander Ariess Arcon, ang lalaking patay na patay at baliw na baliw sa ‘yo!”

After that confirmation, I immediately called her nurses. Sandali pang nag-amok si Mayen at pinagsasabununtan ako. Mabuti na lang hindi nag-init ang ulo ko kaya hindi ko siya pinatulan.

“What did you do there?” magkasabay nilang tanong. Napahagalpak ako ng tawa.

“’Wag n’yo nang tanungin,” ani ko. “Sa bahay tayo nila Jahm ngayon.”

“Anong gagawin mo ro’n?” tanong kaagad ni Havier. “Bakit mo siya pupuntahan?”

“Bibisitahin ang isang kabigan. Gano’n naman dapat, ‘di ba?”

“What are you planning?”

“May plano ba dapat?” nakangising saad ko. “Nami-miss ko lang ang kaibigan ko. Hindi man lang ako nagawang dalawin sa ospital.”







HAVIER MIYAMOTO BEINDZ




“What happened to the hospital, Mr. Duero? Did she ask about me?”

Nakita ko ang bahagyang pagtango niya sa rear mirror.

“She asked about you. Bakit hindi ka raw niya nakikitang dumadalaw. I made some lies to her, sinabi kong marami kang inaasikaso.”

“Is she okay?”

“Definitely no, Mr. Beindz.”

I breathe heavily. “Did she say something?”

“She wants to die,” he uttered. “Paulit-ulit niya itong sinasabi kagabi. Sukong-suko na ang pinsan mo, Mr. Beindz. Napapagod na rin akong makitang nasa gano’n siyang sitwasyon. Hindi na niya kaya. Itigil na natin ‘to.”

“No…” I shook my head. “Still continue the plan. I want her to find out everything by herself.”

“And then she find out everything, she will hate you, Mr. Beindz. I swear.”

“That’s better instead of hating herself.”

He went poker-faced. “Fuck… I’m so tired of this. She doesn’t deserve this pain. Hindi dapat siya nasasaktan ng ganito, Mr. Beindz. She deserves to be happy and have peaceful life. Iyon ang nararapat!”

“But the world is cruel for her.”

“Damn it,” he looks miserable now. “Oh, God.. Guide me in everything, please… Guide my woman… She needs strengths.”

Magkadugo nga silang dalawa ni Gabrielle. Ganitong-ganito ang itsura ni Gabrielle nang minsang mawala si Valentina sa Mall of Asia nung sinama ko sila. They were grade eight students at that time, I think.

Parang namatayan ng mahal sa buhay si Gabrielle kung makaiyak nung mga panahon na iyon. Miserableng-miserable at natulala. Only to find out that my cousin went to comfort room and she had stomach ache. Nasira lang pala ang tiyan, nagpa-annouce pa kaming nawawala siya in just two hours.

Nakakahiyang pangyayari…

“What did you do there?” halos magkasabay pa naming tanong ni Duero kay Valentina. Parang baliw na tumawa ang pinsan ko.

“’Wag n’yo na akong tanungin,” aniya. “Sa bahay tayo nila Jahm ngayon.”

I frowned.

“Anong gagawin mo ro’n? Bakit mo siya pupuntahan?”

“Bibisitahin ang isang kaibigan. Gano’n naman dapat, ‘di ba?”

May binabalak siyang hindi maganda.

“What are you planning?”

“May plano ba dapat?” she smirked. “Nami-miss ko lang ang kaibigan ko. Hindi man lang ako nagawang dalawin sa ospital.”

What’s happening? After the incident a few weeks ago, nawala siya ng parang bula. Kung saan-saan namin siya hinahanap. Halos gumuho ang mundo ko nang malamang walang malay siyang natagpuan sa puntod ni Gabrielle.

I don’t understand. Paano siya napunta ro’n? Paanong nangyari ro’n? Sinusubukan siyang tanungin nung mga kapatid niya ngunit ayaw nitong sumagot.  There’s something happens. Ayaw niya lang ipaalam. Ano kaya iyon?

It’s bothers me. Higit akong natatakot ngayon para sa kaniya. Hindi na maganda ito. Hindi talaga maganda. May pinaplano ang isang ito. Dapat ko siyang unahan.

Continue Reading

You'll Also Like

344K 8.1K 37
Mary Julienne has been spending a lot of her time sleeping. And even without the certainty of waking up.. Doctor Joseff fell with her ethereal beaut...
164K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...
30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
10.4K 482 53
KANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hi...