The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
Author's Note

CHAPTER 60 : WAKAS

118 5 2
By heyitsmejesika

CHAPTER 60 : WAKAS

IF HAPPY EVER AFTER DOES REALLY EXIST, I WOULD WISH EVERYONE FIND AND HAVE IT.

****

ISANG araw bago ang Engagement party nina Zan at Erish, hindi ako nagkaroon ng chance na makita si Josh.

Nandito s'ya sa Isla, pero hindi s'ya nagpapakita. O kung magpakita man, hindi n'ya ako nilalapitan.

Ang alam ko lang, darating din ang ABStract Band ngayon dahil sila ang kakanta sa party para bukas.

"Napakadaya!"

"Echos ka, Mare! Ano namang minamaktol mo d'yan babaita?"

Napatingin ako sa lalaking naupo sa tabi ko. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Kailan ka pa napabilang sa federasyon, Rio? I didn't taught na... You're one of my Mare na pala."

Nawala ang ngisi nito sa labi at napalitan iyon ng ngiwi. Akmang babatukan sana ako nito mabuti na lang at naharangan ko ng aking braso.

"Lunurin kaya kita sa dagat, gusto mo?"

I rolled my eyes on annoyance. "Bakit ba kasi? Istorbo ka ng katahimikan."

"May naghahanap sa'yo."

"Sino raw?"

"Malamang parents mo. Nandyan na sila kasama ng ibang parents ng mga kaibigan mo. Nga pala, narinig ko pangalan ng jowa mo kanina."

"Jowa? May jowa pala ako."

"Ay, oo nga pala. Hindi nga pala naging kayo. Sorry, my bad!"

Kahit hindi n'ya sabihin, kilala ko kung sino ang tinutukoy n'ya. At inaasar na naman n'ya ako, palibhasa alam n'ya ang past ko.

TSK!

"Eh kung ikaw kaya ang lunurin ko sa dagat. Maraming isda ang magdidiwang dahil may pagpi-fiestahan silang gwapong hapunan."

Inirapan ako nito. Minsan talaga, gusto kong isipin na isa rin s'yang eba, kung hindi lang talaga adan na adan ang tindig n'ya. Pero pwede rin namang disguise lang iyon.

Tumayo na ito at pinagpagan ang suot na board short.

"Ayaw mo bang hanapin o puntahan si Josh Ezekiel? Kung ayaw mo, ipapakilala ko na lang 'yon sa kakilala kong naghahanap ng bagong jojowain."

"Subukan mo at ako ang maglilibing ng buhay sa'yo dito, oramismo!"

"Highblood? Chill ka lang. Kaya ka pumapangit eh."

Umabante akong hahampasin s'ya kaya dali-dali itong tumakbo papalayo habang tumatawa.

"Konti na lang talaga, may kalalagyan ka na sa'king hinayupak ka." Bulong ko bago ko napagpasyahan na magtungo na sa Reception Hall kung nasaan ang buong pamilya nina Ella at Zan.

At katulad ng sinabi ni Rio, naroroon na nga sina Mom at Dad. Kasama nila ang parents ni Glen at Josh na tuwang tuwa naman nang makita ako.

At dahil pinagkaguluhan akong bigla, nakalimutan kong hahantingin ko nga pala ang Villaflor na iyon. Maybe, mamaya na lang pagkatapos kong makipagkwentuhan sa parents n'ya.

TANGHALI na nang makatakas ako kina Mommy at sa mga tanong nina Tita Lani.

Naglalakad ako pabalik sa cabin para sana ayain sina Ella na kumain ng dessert, nang may tumawag sa pangalan ko. Malakas iyon at talagang rinig na rinig ko. Kahit nga yata iyong nasa di kalayuan sa pwesto namin ay napatingin din.

"MARGAUX! MARGAUX!"

Hinihingal na tumigil si Zander sa harapan ko. Nakahawak na rin ito sa tuhod habang walang tigil sa paglanghap ng hangin, dahil sa pagtakbo.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"What? Bakit?"

Hinintay ko itong umayos sa paghinga dahil hinihingal pa rin.

"Bakit kasi tumatakbo ka? May nangyari ba? Nasaan asawa mo? Pupuntahan ko sana sa cabin eh."

"Hindi, wala!"

"Hah? Anong hindi wala?"

"I mean... wala sa cabin sina Ella. Nasa may port sila."

"Port? Anong ginagawa sa port? Aalis kayo? Bukas na ang party diba? OH MY GOD! Don't tell me tatakasan ka ng kaibigan ko?"

OH MY GOSH!

OH MY GOSH!

Runaway bride na ba ang kalalabasan nito?

Oh gosh!

"Hindi, hindi! Ofcourse not! Hindi ako tatakasan ng kaibigan mo, patay na patay sa'kin 'yon eh."

I rolled my eyes. Ay wow! Ang hangin. Babagyo pa nga yata eh. Signal number 4 ang lakas.

"Eh ano pala?"

"SI JOSH! SI PARENG JOSH!"

Tinubuan ako ng matinding kaba nang marinig ang pangalan ni Josh.

"A-ANO? MAY NANGYARI BA KAY JOSH?" Kunuwelyuhan ko na si Zan habang niyuyugyog. "ZAN TELL ME, ANONG NANGYARI? ANONG MERON KAY JOSH?"

"T-Teka m-muna.... Teka muna Erish, nasasakal ako."

"S-Sorry." Pinakawalan ko na ito. Inayos naman n'ya ang ginusot kong damit n'ya. "Tell me, Zan. Anong nangyari? Tang*na mo, magsalita ka!"

"Oo na, oo na! Sino ba kasing nananakal eh. Ganito kasi... kagabi lumabas si Josh ng bahay pero malalim na ang gabi hindi pa bumabalik sa pinag-istay-an nila ni Pareng Glen. Eh wala rin si Pareng Glen roon. Tapos dumating si Pareng Josh na parang ready na pumatay ng chismosang kapitbahay. Tinanong ko kung bakit at saan galing. Alam mo ba ang sagot?"

Umiling ako. Malamang hindi ko alam. Ako ba ang kasama n'ya? Ako ba ang nagtanong? Malamang s'ya at hindi ako.

"Ang sagot sa'kin... Wala naman daw palang saysay ang pagpunta n'ya dito sa isla. Sana raw hinintay na lang n'ya ang mismong kasal para roon s'ya dumalo. At eto pa hah... Eto pa."

Huminga muna ng malalim si Zan bago magpatuloy.

"Dalian mo naman Zan. Pasuspense ka eh."

"Eto na nga eh! Sabi pa n'ya aalis na lang s'ya dahil mukhang masaya naman na daw ang babaeng mahal n'ya. Gagi Erish! Ang gagi lang diba?"

Hindi ko gets. Bakit sa akin sinasabi ni Zan ang mga ito?

Nandito rin ba 'yong babaeng matagal ng gusto ni Josh?

HALA! SINO AT NG MAKALBO KO!

Bakit n'ya sinasaktan ang lalaking pinapangarap ko? Damn her!

"Teka Zan, eh bakit mo sa akin sinasabi ang mga ito? Hindi ba dapat doon sa walanghiyang babaeng iyon mo sinasabi 'yan?"

"Hay naku, Erish! Tama nga ang kaibigan ko ang MANHID MO! Walanghiyang babae talaga iyon Erish. At IKAW 'yong babaeng sinasabihan mo ng walanghiya, gaga ka talaga. Hay naku, ang hirap talagang mainlove, nakakabobo!"

Napatanga ako sa sinabi n'ya. Pinoproseso kung ano bang ibig sabihin no'n.

"Hay naku, Erish! Matalino kang babae diba? Pero pagdating sa ganito, nagiging engot ka."

Sinapak ko na s'ya dahil sa inis.

"Hoy, para saan 'yon?"

"Alam mo Zan, quotang quota ka na hah. Pasalamat ka mahal ka ng kaibigan ko, kung hindi kanina pa kita nilunod sa dagat."

"Inaano ba kita?" Natatawang tanong nito.

Tinawanan pa talaga?!

"Nakakarami ka na hah! Kanina manhid tapos naging walanghiya at gaga. Tapos ngayon engot naman. Aba! Nakakarami ka na talaga."

"Hoy babae! Sa'yo kaya galing 'yong walanghiya. Ikaw ang nangulit sa sarili mo ng walanghiya." Natatawang aniya nito.

"Anong ako? Anong sa'kin, hah? Doon sa babaeng gusto ni Josh ko iyon sinab—WHAT THE HECK?!"

Umiiling na humagalpak si Zan ng tawa.

"See? Simula pa lang manhid ka na talaga. Pareho kayong manhid. Hay, ewan ko ba. Siguro kapag mahal ng dalawang tao ang isa't isa, hindi malabong mahawa ng isa ang isa ng kamanhidan. Mabuti na lang talaga, makapal pareho ang mukha namin ni Ella."

"Isusumbong kita!!!"

"JOKE LANG, GAGA KA!"

"ANONG SABI MO?"

"Na ano? Na gaga ka?"

"Hindi. Iyong nauna."

"Ah, na mahal ninyo ni Josh ang isa't isa? HAHAHAHAHA! Erish, matagal na naming halata. Hindi lang si Glen, ako ang mas naunang makahalata no'n. Natatawa na lang nga ako sa inyong dalawa. Gusto n'yo ang isa't isa pero hindi n'yo maamin. HAHAHAHAHA!"

WHAT THE HECK?

SERIOUSLLY?

"Tang*na ka, Aguilar! Seryoso ka?"

Nawala ang tawa nito. "Do I look I'm kidding to you?" Umiling ako.

"Eh ano pang hinihintay mo? Maiiwanan ka ng grasya! Nakaalis na ang bangkang sinakyan ni Josh pabalik ng Manila. Mamayang hapon din ang flight n'ya papuntang Madrid. At... for good na s'ya doon kapag hindi mo napigilan ang pag-alis n'ya."

"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI KAAGAD?" Malakas na sigaw ko.

Naghehesterical na ako dito. Damwit!

Napatakip naman si Zan sa tenga dahil sa lakas ng sigaw ko.

"GOSH, ERISH! Hindi ko alam na pwede ka rin palang maging singer imbes na model lang. Ang galing mong bumirit. Nakakasira ng eardrum."

"Aist! Wala kang kwentang kausap. Aalis na'ko."

Hindi ko na s'ya hinintay pang magsalita. Tumakbo na ako papunta sa may port na walang kahit anong dala. Mas importate ngayon ay ang maabutan ko pa si Josh sa airport at pigilan sa dapat n'yang pag-alis.

HINDI PWEDE!

Hindi pa nga ako umaamin tapos aalis naman s'ya. Sapat na ang pitong taong nasayang sa aming dalawa. This time, handa na akong umamin.

Ako na mag-aadjust. Ano ba!

Naging mabilis ang pagdating ko sa port. Nakaalis na nga ang isang bangka roon, na siguradong lulan si Josh.

"ELLA! BIANCA!"

Napatingin sa akin ang dalawa. Naroroon din sina Noah at ilang kaibigan ni Rio.

"Bespren, bakit ngayon ka lang? Si Josh! Nakaalis na ang bangka."

"Susunod ako." Anunsyo ko. Hinanap ng mata ko si Rio at natagpuan ko itong paparating kasunod ni Zan. Kunot ang noo nito at tila walang alam sa nangyayari. "RIO!"

Napatingin naman ito sa akin na nakakunot pa rin ang noo.

"Oh?"

"Kunin mo ang kotse, magmadali!"

"And why would I?"

"Because I say so! Dalian mo na! Huwag ka ng magtanong pa. Babalik tayo ng Manila. Nakasalalay ang lovelife at future ko dito, kaya dalian mo na."

Naiinis na ako.

Kinakabahan na ako, sobra-sobra.

Nakita ko ang pagsilay ng ngisi nito dahil narealize siguro kung anong nangyayari, nang mapadako ang tingin n'ya sa mga kaibigan at kaibigan ko.

"COPY THAT, MAHAL NA PRINSESA!"

Nagmadali itong tumakbo kung saan naroroon nakaparada lahat ng sasakyan. Sa yate n'ya iyon sinakay dahil hindi kakasya ang sasakyan at ang bigat no'n sa isang bangka lang.

"HOY! KAPAG HINDI NAGING SUCCESSFUL ANG GAGAWIN KO, IPAGTIRIK N'YO NA AKO NG KANDILA BUKAS AH. TAPOS MAGPALUTANG NA RIN KAYO NG BANGKANG PAPEL NA MAY KANDILA SA DAGAT."

Hiyaw ko sa kanila nang makaakyat na kami ni Rio sa yate.

"At bakit?" Makahulugang tanong ni Ella.

"MAGLUKUKSA AKO." Malakas na tawa ang nakuha ko mula sa kanila. Kahit si Rio ay nakitawa na rin.

"Sige na, wish me luck!" Kumaway na ako nang magsimula lang umalis ang yate pabalik sa kabilang isa.

Kumaway ang mga ito sa akin.

"GOODLUCK, ERISH!!!"

"Ipagtitirik ka na namin ngayon din ng kandila para advance."

"Kaya mo 'yan, Margaux! Galingan mo para magka-lovelife ka na."

Napaupo ako sa deck ng yate. Isinandal ko ang aking likod sa sandalan pagkatapos ay pumikit ako.

"Rio, wala bang ibibilis ang yateng ito? Baka nasa byahe pa lang tayo, nasa ere na 'yong eroplano."

Nakakapagod!

Pakiramdam ko tumakbo ako ng isan-daang kilometro ang layo bago makarating dito. Hinahapo ako at the same time ay sobrang kaba rin ang nararamdaman ko.

"Relax ka lang, Erish. Makakarating din tayo roon. Oh, uminom kq muna."

Inabot ko naman ang bottled water na binigay nito saka iyon ininom.

Pinanood ko ang karagatang dinaraanan namin. Malamig ang hangin kahit na tanghali na. Naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain ng lunch. Pero hindi na mahalaga iyon, hindi ko nga ramdam na gutom ako dahil mas gusto kong maabutan si Zan at mapigilan ito.

Hindi mawala-wala ang mga impormasyong nalaman ko kay Zan. Ibig bang sabihin no'n, ako ang talaga ang babaeng tinutukoy ni Josh, simula pa lang?

Simula noong nag-audition s'ya sa Music Club, ang pagpupumilit ko sa kanya na sabihin kong sino 'yong girl na tinutukoy n'ya. Kaya pala hindi n'ya masabi dahil ang babaeng tinutukoy n'ya ay nasa harapan na n'ya mismo.

"Erish, paano nga kung totoo? Paano kung sabihin kong ikaw 'yong babaeng tinutukoy ko?"

Napasapo ako sa aking noo.

Iyon 'yong sinabi sa akin ni Josh.

Kaya pala. Kaya n'ya pala nasabi iyon, dahil totoo naman talaga. Sobrang manhid ko nga siguro noh?

Manhid din naman s'ya.

Nakita n'ya siguro kami kagabi ni Glen at sure ako na iniisip nitong nagkaayos na kami ng kaibigan n'ya, kaya n'ya nasabi iyon at napagdisesyonan n'yang umalis ng bansa.

Damn him! Akala n'ya ba papayagan ko s'ya? No way! Neknek n'ya.

Pagdating sa daungan ay agad din kaming umalis ni Rio at nagpasalamat muna sa piloto ng yate bago bumyahe pamaynila.

"Bakit naman ngayon pa tayo naabutan ng traffic?" Nababahalang wika ko.

"Damn it!" Nasampas ni Rio ang manibela nang maipit kami sa kalagitnaan ng traffic sa highway.

"Malayo pa ba tayo sa airport?"

"Malapit na. Relax ka lang Erish, makakadating din tayo roon ng tama sa oras."

Napatingin ako sa suot kong wrist watch.

3:30 pm ang flight ni Josh papuntang Madrid. At 3:15 na sa orasan ko. Hindi ko alam kung kailan uusad ang mga sasakyan. Hindi ko alam kung makakaabot pa kami kung hihintayin ko ang pag-usad ng traffic.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Erish—"

"Walang mangyayari kung hihintayin ko pa na umusad ang traffic. Malapit naman na kaya tatakbuhin ko na lang."

"Pero Erish—"

"Rio, wish me luck. Okay? I'll go now!"

Hindi ko na s'ya hinintay na magsalita pa. Tumakbo na ako papuntang airport bago pa mahuli ang lahat. Sobrang haba ng traffic kaya matatagal talaga bago kami makarating doon. At tama lang ang disesyon kong ito.

Hinihingal na nakarating ako sa terminal.

Napatingin ako sa itaas. Malapit nang magboarding ang eroplanong sasakyan ni Josh. Nagpapasukan na rin ang mga taong nasa flight na iyon.

Sa pagpasok ko sa loob may guard na humarang sa akin.

Damn! Not now!

"Miss—"

"Manong guard not now, please! Si Margaux Erish Santanilla po ito at kailangang kailangan kong pumasok sa loob. Manong guard, nakasasalay dito ang lovelife ko. May tao akong kailangang pigilang umalis. Kilala mo ba si Josh Villaflor? Iyong sikat na bokalista ng ABStract Band?"

Tumango-tango naman si Manong guard.

"Miss Margaux, ikaw po 'yong sikat na model diba? Naku, pasensya na Miss kung naharang ko kayo. Kilala ko rin si Josh Villaflor dahil fan n'ya ang dalawa kong anak. Nakita ko s'ya sa loob kanina, baka maabutan n'yo pa."

"Maraming salamat, Manong guard."

Tinakbo ko na ang pinto papasok sa loob ng airport. Pero wala na akong naabutan sa waiting area.

Malamang nakasakay na s'ya.

Pero hindi ako susuko.

"JOSH EZEKIEL VILLAFLOR! HAYOP KA! GANO'N NA LANG BA 'YON? IIWAN MO NA LANG AKO? TANG*NA KANG HAYOP KA! HOY, KUNG NASAAN KA MAN, SINASABI KO SA'YO. PANAGUTAN MO AKO AT ANG MAGIGING ANAK NATIN!"

Alam kong malaking eskandalo ang ginagawa ko, pero I don't care at all.

At sigurado akong bukas mahi-headline ako sa mga social media platform, news sa tv or even sa newspapers.

Sikat na model from France nageskandalo sa airport. Buntis at sinasabing isang sikat na bokalista ang ama.

Mayayari ako ng Manager ko nito. But I don't fcking care!

"JOSH FUCK*NG VILLAFLOR! KAPAG HINDI KA NAGPAKITA, MAGWAWALA AKO DITO! JOSSSHHHHHHH!"

"Oh my gosh! Is that Erish Santanilla? Iyong sikat na model? Anong ginagawa n'ya?"

"Narinig kong hinahanap n'ya si Josh Villaflor."

"Iyon bang vocalist ng ABStract Band? Oh my gosh, so trulalu ang news na nagkaroon sila ng something when they're on highschool? Maraming nakakakilala sa kanila noon eh, until now."

"Hindi ba may relasyon si Erish sa isang sikat na model? Rio ba ang name?"

"Gaga! Fake news lang iyon. Ang alam ko friends lang sila."

"OH MY GOSH! SI JOSH!"

Nilingon ko ang buong lugar upang hanapin kung saan ang nagsabi ng pangalan ni Josh. Ngunit sa paglingon ko, s'ya mismo ang natagpuan ko.

"Erish? Erish, anong ginagawa mo rito?" Nilapita n'ya ako qt hinawakan sa braso. "Umiiyak ka ba? Erish, damn! I'm sorry, okay? Bakit ka ba umiiyak? At anong ginagawa mo rito? Dapat nasa isla ka, diba?"

Oh god, Josh!

Nasa harapan ko na nga talaga s'ya at kinakausap ako.

"Josh... Totoo ba? Na aalis ka papuntang Madrid? Totoo bang for good ka na roon? Iiwan mo na talaga ako? Gano'n lang 'yon?"

Kumunot ang noo nito.

"What? Anong aalis? At anong Madrid?"

"Ikaw, sabi nina Zan aalis ka papuntang Madrid. Iiwan mo na ako. Kababalik ko lang, tapos ikaw naman ang aalis? Ang daya mo naman. Panagutan mo muna ako."

Natawa ng mahina si Josh. Pinasadahan nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Pagkatapos ay hinawakan ako nito sa magkabilang pisnge at inangat ang mukha ko paharap sa kanya. Pinahid n'ya ang luhang kanina pa pala dumadaloy sa pisnge ko.

"Hindi ako aalis Erish. Ngayon pa ba na alam kong bumalik ka na. Syempre hindi ako aalis. Nandito ako sa airport dahil susunduin ko ang kambal, bago kami didiretso sa isla."

"Eh, bakit sabi nil—Don't tell me, nalinlang nila ako."

"Then, I will not tell you."

Ngumiti ito ng matamis sa akin.

"J-Josh..." Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mahigpit na pinulupot ko ang aking dalawang braso sa bewang n'ya at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang pagyakap nya sa akin at ang mahinang tawa nito.

"Nakakahiya 'yong ginawa ko." Bulong ko. Mas lalo s'yang natawa.

"Rinig na rinig ko nga eh. Nasa kabilang waiting area lang ako. So, where's our baby? Pananagutan ko."

Mas ibinaon ko sa dibdib n'ya ang aking mukha dahil pakiramdam ko pulang pula na ako.

"Damn it, Erish! I fuck*ng missed you so damn much! Did you know that? Sa loob ng pitong taon, hindi ka nawala sa isip ko. Sa lahat ng gawin ko, kasama ka. I even plan OUR future together. Sa loob ng maraming taon, mas binabaliw mo ako. Ngayon pa ba kita iiwan at pakakawalan? Not in my vocabulary that I will leave you behind."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?"

"Ipaliwanag mo muna kung ano 'yong nakita ko kagabi?"

Humarap ako sa kanya. "What?"

"I saw you with Glen, last night. Kitang kita ng dalawa kong mata, Erish. He kissed you! Damn that dumbass!"

"Hey, are you jealous?"

"Sino bang hindi? Kung ako ang makikita mong may hinalikang babae, matutuwa ka?"

Ibinalik n'ya sa akin ang tanong. Tsk! Ang cute magselos ng baby ko. Kainis!

"Hell no!"

"Yun naman pala eh. So explain it!"

Natawa ako. "I told him if we can kiss last night."

"WHAT THE FUC—"

"Patapusin mo kaya muna ako. Ganito kasi yon, may gusto lang akong kompirmahin ng gabing iyon. Nakita kasi kita bago kami magkita ni Glen. Then naisip ko na baka nandoon ka pa, I want you to be jealous, para palabasin ka. Pero hindi ka nagpakita. Gusto ko ring kompirmahin kung wala na ba talaga akong nararamdaman kay Glen, and guess what?"

"What? Na meron pa rin?"

Sumimangot ako. "Kung meron pa, edi sana hindi wala ako ngayon dito, nag-eeskandalo. Gosh, Josh! Sikat ako at may image akong iniingatan pero wala nakong pake roon kahit mang-gulo pa ako rito, mapigilan ka lang. Gets mo ba?"

Ngiting ngiti ito sa akin.

Ipinulupot n'ya ang dalawang braso sa bewang ko saka ako hinila palapit sa kanya.

"Meaning?"

"Meaning ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko at hindi ang iba. So now, tell me. Bakit hindi mo sinabi sa akin na ako pa 'yong babaeng tinutukoy mo? Gosh, all of this years... alam mo bang pinapatay ko na sa isip ko ang babaeng iyon, simula nang sabihin mong interesado ka sa kanya. Not knowing na, ako pala ang babaeng iyon?"

"Hindi mo maiaalis sa akin na hindi agad umamin, Erish. Lalo na at nakilala kitang patay na patay sa kaibigan ko. Kung alam mo lang... kung alam mo lang, binalak kong agawin ka kay Glen that time. Pero dahil manhid ka, akala ko sweet lang talaga ako, pero damn Erish. Sayo lang ako naging gano'n. Sa'yo lang, hanggang ngayon!"

Kinawit ko sa batok ni Josh ang magkabila kong braso.

"I love you!"

Natulala ito. Nakaawang ang bibig na natigilan sa narinig.

"Hey, I said I love you! Wala manlang bang I love you too?" Kunwari'y nagtatampong tinig ko.

Unti-unting umangat ang gilid ng kanyang labi at mabilis na ginawaran ako ng mahigpit na yakap.

"I love you, Erish! I love you so damn much! And I love you since the day I first saw you, until my last breath. F*ck! Sobrang namiss kita."

"Namiss din kita, Josh. Sobra!"

"Josh, may isa pa akong gustong sabihin sayo. Kilala mo pa ba si MysticalCreator?"

Ilang sandali s'yang nag-isip bago sumagot.

"Kilala mo rin 'yon? Sino bang hindi makakalimot sa kanya. She help the band, big time."

"May gusto sana akong aminin. Actually, dummy account ko si MysticalCreator. Noong iniiwasan mo ako, dahil sa pagkamiss ko sayo, gumawa ako ng account and group page ng banda n'yo."

Umawang ang labi n'ya. Gulat na gulat sa nalaman.

"Erish, ikaw 'yon? Kaya pala... Damn, baby! I'm so thankful to have you in my life. So, pwede ko na bang makuha ang prize ko?" Nakangisi ito sa akin. Tumaas ang isa kong kilay.

"Prize? Anong prize?"

"You forgot? Hindi ba may pustahan tayo, kung magkakatuluyan ba si Ella at Zan o hindi? You said no and I said yes. Kapag nanalo ka bibigyan kita ng 500, you said that. Pero pag-iisipan ko pa yong akin, right? At ngayon nanalo ako, so napag-isipan ko na ang kukunin ko."

Oo nga pala. May pustahan nga pala kami.

"You win, so anong gusto mo?"

"Ikaw. Ikaw mismo at ang oo mo." Saka may nilabas ito mula sa bulsan. Isang maliit na kulay asul na box.

"Oh my gosh!" Napasinghap ako at naipatong ko sa aking nakaawang na bibig ang aking palad. Gulat na gulat.

Alam ko ang laman ng box na iyon. Oh my god!

"Alam ko na torpe ako." Kumamot s'ya sa batok. "Pero I want to prove you that I'm worth it of your love. Araw-araw kitang liligawan. Araw-araw kong ipaparamdam at ipapakita sayo kung gaano kita kamahal."

Gusto kong maiyak. Sobrang saya ko. Kulang pa ang saya sa nararamdaman ko.

"Erish, will you marry me?" Pagbukas ni Josh ng box ay tumambad sa akin ang isang diamond ring.

Tumango-tango ako. "Yes, Josh! Yes! I will marry you!"

"Damn! I'm so inlove with you, baby!" Isinuot n'ya ang singsing sa aking daliri. I hugged him so tight and then I felt his lips touch my head, giving me a light kiss there.

"Paano ka nagkaroon ng singsing?"

"Noong iniiwasan kita, nahuli ako ni Bianca na tinitingnan ang pictures mo. Kinulit n'ya akong umamin hanggang sa mapaamin nga ako. Noong time na 'yon balak ko ng bumili ng singsing kaya naman s'ya 'yong nagpumilit na i-help ako sa pagpili."

"Kaya ba hinahanap mo s'ya no'n? Dahil dito?"

"Nagselos ka ba?"

"No, ofcourse not! Why would I?"

"Yeah, why would you get jealous. Eh wala ka namang dapat na ipagselos dahil ikaw lang ang gusto ko at mamahalin ko, Mrs. Erish Santanilla-Villaflor."

"I love you, baby. My Mister Josh Ezekiel Villaflor. Ikaw at ikaw lang, wala ng iba."

"I love you infinity and beyond, my beautiful soon to be Misis Villaflor."

Then we sealed our love with a heartfully kiss.

"Oh my gosh! Twinny did you saw it? Our little bunsutin Josh is kissing someone. Nakakakilig naman! Binata na ang baby Josh natin."

"At magkaka-baby na rin."

Dahil sa mga ingay napatigil kami ni Josh. Ngayon lang namin napansin na marami nang nanonood at may ilang camera na nakatutok sa amin.

"Oh teka, kalmahan n'yo lang. Baka mauna pa kayong maikasal kaysa kina Ella at Zan." Rio said while grinning ear to ear. May hawak itong camera. "Smile naman kayo d'yan. Say hi to your fans!"

Natawa na lang kami ni Josh. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib n'ya habang nakayakp s'ya sa bewang ko.

MAY mga tao talagang makikilala natin, pero hindi nakatakda para makasama natin.

Pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Pero may mga tao namang hindi natin aakalaing papasok sa mundo natin at magiging parte na ng buhay natin.

Meant to be.

At si Glen ang nagpakilala sa akin ng pag-ibig, ngunit si Josh ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal.

Pagmamahal na walang hinihintay na anomang kapalit. Pagmamahal na worth it to wait. At higit sa lahat, pagmamahal na hinding hindi mo ipagpapalit.

Huwag kang magmadali sa paglaki para lang maranasan mo ang magmahal.

Bata ka pa, mag-aral ka muna. Maghanap ng magandang trabaho, para matulungan mo ang pamilya mo.

At kapag pinilit mo ang kagustuhan mo, iiyak ka lang at sisisihin mo pa ang mundo o ang ibang tao dahil sa nangyari sayo.

Take your time being a teen. Enjoy the kilig but don't give it all. Dahil may tamang oras o lugar para sa lahat ng mga bagay-bagay.

Mas masarap magmahal ng taong mahal ka rin at hindi iyong ipinilit lamang. Kapag pinana ka ni Kupido sa taong para talaga sa'yo, mas worth it 'yong sakit at pagmamahal mo. Mas masaya ang balik sa iyo.

At higit sa lahat...

Don't find for love because love will find you. Not in the time, place or person you want it to be. Dumarating na lang ito by surprise.

Hanggang sa muli~

THE END!

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 403 10
As the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He cou...
9.4K 2.1K 58
Title: Alice πŸ’  10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mab...
256 137 16
May isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan n...
29.3M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...