The Lovestory That We Never H...

由 heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... 更多

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 56

58 6 0
由 heyitsmejesika

CHAPTER FIFTY-SIX

JOSH EZEKIEL P.O.V

PAGKARINIG ko pa lang sa sinabi ni Erish ay wala na akong sinayang pang pagkakataon.

Nang mamatay ang tawag ay dali-dali na akong bumangon agad at nagtungo sa banyo. Pagka-uwi ko galing school ay nagtungo agad ako sa kwarto para magpahinga. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko.

Walang minuto na hindi ko iniisip si Erish at kung anong ginagawa nito. Sobrang nasasaktan ako para sa kanya. Kung may magagawa lang sana ako—

"Damn! Oo nga pala. Bakit nakalimutan kong napapalibutan ang bawat sulok ng Eastwood ng mga camera."

I'll help Erish with this. Hindi pwedeng wala akong gawin. At sisiguraduhin kong magbabayad kung sino man ang gustong sumira sa babaeng gusto ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako. Simpleng itim na t-shirt at jagger lang ang aking sinuot. Nagdala na rin ako ng varsity jacket dahil malamig na sa labas.

Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pag-alok ni Erish na makipagkita. Hindi ko rin naman naitanong kung bakit dahil bigla akong natigilan sa narinig.

Tang*na! Nakakabakla man pakinggan pero, those words... those words gives me dozen of voltage.

Basta ang alam ko lang  ay gusto ko s'yang makita.

Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan upang makarating kaagad sa lugar na pagkikitaan namin. Mag aalas-siyete pa lang naman ng gabi kaya marami pang makikitang tao sa lansangan.

Pagdating sa tapat ng subdivision nina Erish ay ipinarada ko agad ang sasakyan sa gilid ng gate, malapit sa guard house. Ipinakiusap ko pa sa on-duty na guard ang pagbantay sa aking sasakyan. Binigyan ko na rin ito ng tip na ipinagpasalamat naman ng guard.

Nilakad ko na lang ang daan papunta sa park. Maliwanag ang buong lugar dahil karaniwang dinadayo ang park na ito tuwing gabi, dahil sa maliwanag at makukulay na ilaw sa palibot ng malalagong halaman. May malaking lake rin sa gitna ng park at isa iyon sa mga atraksiyon sa lugar na ito.

Nilibot ko ang buong paligid upang hanapin ang babaeng kanina ko pa gustong makita.

May gusto rin kasi akong sabihin dito.

"Josh!"

Nilingon ko boses na tumawag sa pangalan ko. Kahit nakatalikod, kahit nakapikit man ako, kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng malamyong boses na iyon.

My name sounds like a music to my ear whenever she calls it.

Damn! Ang bakla kong pakinggan. I'm not like this before, ngayon pa lang. Sa kanya lang.

Nakangiting mukha agad ni Erish ang bumungad sa akin pagkalingon ko sa aking gilid.

"Kanina ka pa ba? Nakita ko 'yong kotse mo sa tapat ng gate ng subdivision."

Lumapit agad ito sa pwesto ko. Nasa likuran ang dalawang kamay habang ngiting ngiti na tumigil sa harapan ko mismo.

"Kararating ko lang rin. Pinabantayan ko muna sa guard 'yong kotse."

Naupo kaming dalawa sa bench na naroroon, malapit sa maliwanag na flower garden.

"Sana pinasok mo na lang sa loob para safe."

"Ayos na 'yon doon. May problema ka ba? Bakit gusto mong makipagkita ngayon? Siguro miss mo na ako 'no?" Pagbibiro ko upang itago ang pananabik na yakapin s'ya. Hindi ko naman inaasahang seseryosohin n'ya pala ang biro ko, na nagpabilis bigla ng kabog ng aking dibdib.

Ngumiti si Erish. "Namiss kita, totoo iyon... At... mamimiss rin kita, Josh!"

Hindi ko alam kung kakabahan ba ako huli nitong sinabi. At hindi ko rin alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko roon.

Anong mamimiss? Bakit mamimiss?

Okay na sana 'yong namiss n'ya ako, kikiligin na sana ako eh. Kaso bakit may mamimiss pa?

Anong ibig sabihin niyon?

"Erish?" Itinabingi ko ang aking ulo paharap sa kanya. Wala akong makitang kahit anong magpapaliwanag sa sinabi nito. Nakangiti lang ito na para bang wala namang masamang nangyari. "Erish? Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman. Hindi ba, magbabakasyon na pagkatapos ng graduation? Edi mamimiss kita dahil siguradong matagal din tayong hindi magkikita-kita. You know... vacation somewhere with the family and relatives. Right?"

Doon ay nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko kung ano na. Pinakaba mo akong babae ka.

Oo nga naman. Malapit na ang bakasyon at hindi ko rin alam kung magkikita-kita kaming magkakaibigan this vacation. Hindi ko pa alam kung anong balak nila, even I. Hindi ko alam kung pupunta kami ng probinsya o magti-training ako sa company. I don't know.

"Mabilis lang naman ang dalawang buwan na bakasyon. Magkikita-kita rin tayo sa pasukan. Ano palang nangyari sa pag-uusap n'yo ng Head Principal?"

Mapait na ngumiti si Erish. Hindi n'ya iyon gustong pinahalata sa akin ngunit observant ako. Pinasigla pa rin n'ya ang ngiting ipinapakita upang huwag akong magduda at magtaka.

Pero bakit?

Alam kong may problema. Alam kong may inililihim s'ya. Hindi ko na lang kukulitin, hahayaan kong s'ya na lang mismo ang magsabi sa akin.

"Okay naman. Bukas, malalaman kung nakapasa ba ako sa niretake kong exam."

"Ano ka ba, makakapasa ka roon. Ikaw pa ba?"

Sumilay muli ang matamis na ngiti sa labi ni Erish. Isa iyon sa gustong-gusto kong makita araw-araw mula sa kanya. Ang ngiti nito. Ang totoo at matamis na ngiting nagpahulog sa akin.

"Josh... salamat dahil nandyan ka palagi for me. Nagugulat na lang ako na nandyan ka na lang biglang susulpot kapag kailangan ko ng karamay. Ang swerte ng babaeng mamahalin mo, alam mo ba iyon?"

'Alam ko. At swerte rin ako sa babaeng mahal ko.' Anang isipan ko habang nakatitig sa maamong mukha ni Erish. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang cute na mukha nito kapag naaasar at naiinis.

"Maswerte rin ako sa kanya, Erish. Alam mo ba?"

Saglit na katahimikan ang bumalot sa kapaligiran. Tanging huni ng kuliglig at ilang ingay mula sa ibang naroon sa park ang maririnig.

Awkward.

"Josh... tungkol sa issue ko sa school—"

"Hindi ako naniniwala. Hindi kami naniniwala roon, Erish. Huwag mo na iyon intindihin. Gagawa ako ng paraan para lumabas ang totoo."

"Huwag na Josh."

"Pero—"

"Marami ka ng nagawang tulong at kabutihan sa akin. Hayaan mo na ang bagay na iyon, Josh. Malapit na ang karma, huwag kang mag-alala. Lalabas rin ang totoo sa tamang panahon."

"Pero, okay ka lang ba talaga? Ang lalim mo magsalita ngayon. Hindi tuloy ako sanay."

"Huwag ka, tsong! Matured na 'to 'no?!"

Hindi mapigilan na hindi matawa. This is the real Erish that I really knew. Makulit, madaldal at positibo.

"Matured? Bata ka pa."

"Tse! Bata ka d'yan. Kaya ko na nga magkaroon ng bata sa sinapu—" Mabilis na sinuway ko ang s'ya sa gusto nitong sabihin. Tarantang nilingon ang paligid, baka kasi may makarinig sa kanya.

Napaka-imposible talaga ng babaeng ito minsan. Tsk! Tsk!

"Ang kalat mo talaga!"

Malakas na tumawa si Erish sa pagkatarnta ko. Sino ba naman kasi ang hindi. Lalaki ang kasama n'ya tapos, tapos.... AAHHH! Nevermind!

"Ulitin mo pa 'yan, ako na ang bubuo ng bata d'yan," banta ko.

Natigilan naman ito sa winika ko ngunit may nakalolokong ngisi pa rin sa labi. She's really unbelievable sometimes.

Minsan napakatabil talaga ng bibig nito. Gusto ko na ngang patahimikin minsan gamit ang mga labi ko eh. Baka lang kasi mabigla ito at masampal pa ako, mahirap na.

Ayoko naman mag-isip s'ya ng iba tungkol doon.

"Erish, hindi ko alam kung alam mo 'to. Pero alam mo bang may kakaiba akong napapansin sa paligid ng school the past few days? Una kong napansin iyon noong bago mag Foundation day, then kasunod noong nag exam tayo."

Isa pa iyon sa mga iniisip ko.

I don't know if ako lang ba o may iba ring nakakapansin doon. Sinabi ko na iyon kina Zander pero wala naman daw silang napapansin. So baka ako lang?!

Gusto ko sanang sabihin agad iyon sa kanya pero hindi ako makakuha ng magandang tyempo. And right now, is the right time.

"Huh? Anong napapansin mo?"

"May babaeng nakaitim ng suot ang minsan kong natatanaw na palinga-linga sa paligid. Hindi ko naman mamukhaan dahil nakatago ang mukha sa suot na sumbrero at mask. Pero kahina-hinala ito. Malakas ang pakiramdam ko. Hindi kaya ang babaeng iyon ang naninira sa iyo?"

"Akala ko ako lang ang nakapansin no'n, si Josh din pala." Bulong ni Erish pero hindi ko naman naintindihan kaya di ko na lang pinansin.

"Josh, can you do me a favor?"

Agad akong tumango. "Anything. Ano ba iyon?"

"Kahit anong mangyari, kahit anong malaman mo huwag kang magagalit sa akin, hah. Promise me, please!" She begged.

"You don't need to beg, Erish. Sige, promise ko hindi ako magagalit sa'yo. Kahit ano pa iyan."

Naguguluhan man, sumang-ayon na ako. I don't want to disappoint her. At kahit ano man ang gawin n'ya hindi naman ako magagalit eh. Siguro gano'n talaga kapag mahal mo ang isang tao. You will always understand her.

Nanatili lamang kaming naka-upo sa bench habang nanonood sa dancing fountain na nasa lake. May iba't ibang kulay ang nagsasayaw na tubig kaya roon natuon ang atensyon naming dalawa.

Habang nanonood si Erish ay hindi ko mapigilang hindi ito pagmasdan. Ang kulay ng tubig ay sumasabag sa kislap ng mga mata n'ya, habang ang mga labi ay matamis na nakangiti.

Damn! Hinding hindi ako magsasawang pagmasdan ang napaka-gandang mukha ng babaeng nasa tabi ko.

I even dreamt about her, laying besides me sleeping so peacefully. Gusto kong makita s'ya sa tabi ko, mahigpit na nakayakap sa akin, bago ako matulog hanggang sa pagmulat ng aking mga mata.

I want her to be mine. And mine alone.

Wala akong pake kung hindi n'ya ako gusto. Wala akong pake kung kaibigan ko pa rin ang gusto n'ya. Nagagawan naman iyon ng paraan.

I'll make sure she will fall for me, as I fall for her deeper.

Pagkatapos ng ilang minutong pagtambay sa park, inaya ko na si Erish.

"Ihahatid na kita sa loob. Maglakad na lang tayo."

"Sige!"

Sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang subdivision. Maliwanag ang bawat kalyeng dinaraanan namin dahil sa mga street lights.

Mabagal lang ang naging paglalakad namin na pumapabor sa akin.

Gusto ko pa s'yang makasama ng matagal. I don't know pero feeling ko ang gabing ito na ang huling gabi na makakasama ko s'ya.

Na sana huwag mangyari.

****

MARGAUX ERISH P.O.V

HABANG nakatingin ako kay Josh ay hindi ko mapigilang hindi malungkot.

Hindi lang ang bakasyon ang tinutukoy ko sa aking sinabi, kundi ang pag-alis ko ng bansa.

Dalawang buwan? Hindi lang dalawang buwan akong mawawala, dahil mahigit ilang taon rin ang aabutin bago kami muling magkita-kita. Salungat sa iniisip ngayon ni Josh.

Sana tuparin n'ya ang pangako n'yang hindi s'ya magagalit sa akin.

Mabilis lang naman ang dalawa o tatlong taon, right? Hindi natin namamalayan tapos na pala ang isang taon sa ating mga buhay. Kaya sana mahintay n'ya ako. Sana!

Pero kung magkakatuluyan naman sila ng babaeng gusto n'ya, sana lang worth it si girl para sa lalaking ito. Hindi ako magdadalawang isip na agawin si Josh sa kanya kung malalaman ko na katulad rin s'ya ni Nicka.

I treasure him the most. If I treasure me and Glen's friendship, mas pinahahalagahan ko naman ang lalaking ito. Because he made me strong. He made me feel like I was the most precious girl in the entire world.

And specially, he made me feel like I was more than loved.

But... I will support na lang them if ever. If ever na bumalik ako na masaya na s'ya. Masaya kasama ang iba.

Pero sana huwag mangyari.

Nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay. Dim ang lampshade sa gilid ng gate kaya hindi ko masyadong maaninaw ang itsura ni Josh ngayon.

"Dito na lang, Josh. Ingat ka sa pagdadrive ah."

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin sa loob?" Makahulugang tanong nito.

Napangiti ako bago umiling.

"Huwag na." Huwag na kasi baka sa bahay na kita patirahin at hindi na kita pauwiin pa. "Matutulog na rin ako. Maaga pa bukas." Maaga pa akong babyahe papuntang airport.

And it made my heart break into pieces. Ang katotohanang bukas na rin ang alis ko papuntang France ay isa sa napaka-hirap at ayaw kong gawin pero kailangan.

Naayos na ni Daddy lahat ng documents na kailangan ko even my passport and ticket.

Oras ng flight na lang ang kulang.

"So, see you then. Sa school. Hihintayin kita sa labas ng gate, okay?"

Hindi ako makasagot.

Gusto kong sabihin na huwag na n'ya akong hintayin dahil hindi rin naman ako darating, pero...

Pero ayoko.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Lumapit s'ya sa akin saka ginulo ang buhok ko.

Mukhang isa ito sa mga mamimiss ko sa kanya. He really love to messed my hair.

Pagkatapos ay he held my left cheek with his other hand. Hinaplos n'ya iyon ng marahan, bago n'ya nilapat ang kanyang malambot at maiinit na labi sa aking noo.

Why forehead kisses feels so damn good?

"Goodnight, Erish! Sige na, pumasok ka na sa loob. Hintayin kitang makapasok, ako na mag-lock ng gate n'yo."

Ngumiti ako saka tumango.

Papasok na sana ako nang may maalala ako. I close my eyes then let out a heavy sigh.

Maybe wala namang masama kung pagbibigyan ko ang sarili ko sa huling pagkakataon.

Muli akong humarap kay Josh. Nakasandal ito sa kanyang kotse habang nakahalukipkip, kaya ng makitang lumingon ako ay napa-tayo ito ng tuwid.

"Josh..."

Umakto akong humihingi ng yakap mula sa kanya.

Nakita kong ngumiti ito bago umiling. Napasimangot ako. Ay grabe! Choosy?

Ibinaba ko na ang aking braso dahil sa pagkapahiya. Langhiya naman eh.

Nakangiti pa rin ito sa akin. "Sige na nga, pagbibigyan na kita. Alam ko namang miss na miss mo ako eh. Aminin mo na kasi, okay lang naman sa akin." Inangat nito ang kanyang dalawang braso paharap sa akin na para bang yayakapin ako. "Sige na, bibigyan na kita ng matagal na yakap." He smile widely at me habang ngumuso na lumapit ako sa kanya.

Pinaglapat ko ang aking mga labi upang pigilan ang pagngiti.

Bwesit ka talagang lalaki ka. Kahit kaylan ang lakas mong magpakilig ng hindi mo nalalaman.

Mabilis na tinawid ko ang pagitan naming dalawa. Ngunit hindi para yakapin s'ya, kundi para...

Tumingkayad ako nang nasa harapan na n'ya ako saka ngumiti ng matamis. Nang magkatapat na ang aming mga mukha ay kinawit ko ang aking dalawang braso sa batok n'ya. Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat.

Saka ko dahan-dahang inilapit ang aking labi sa kanya.

And when my lips touch his, I felt butterflies on my stomach. Nagwawala sila. Ramdam ko rin ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

"Damn, Erish!"

He said between out sealed lips. And then I felt his both rough and hard hand on my waist. Pulling me more to him. Naramdaman ko rin ang marahang pag-galaw ng kanyang labi sa akin, na nagbigay ng libo-libong boltahe ng kuryente sa aking katawan.

Kung ito na ang huling araw na makakasama ko s'ya, hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon.

Kung may maganda mang nangyari simula ng makapasok s'ya sa buhay ko, siguro ito na iyon. The best moment in my life that I will treasure the most.

Mainit na likido ang tumulo sa aking pisnge mula sa aking mga mata.

This is what you called, tears of joy.

Goodbye, Josh! Hanggang sa muli nating pagkikita. Hinding hindi kita makakalimutan. Nasaktan man at nawasak ang puso ko, ikaw naman ang gumamot at nagbuong muli nito.

I love you, Josh!

繼續閱讀

You'll Also Like

1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
104K 9.6K 64
May mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako...
29.3M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
1.4K 191 17
Yoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022