The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.1K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 52

55 4 4
By heyitsmejesika

CHAPTER FIFTY-TWO

LETTING go means coming to the realization that some people are a part of your history, but not part of you destiny.

At iyon ang narealize ko sa ilang taong pagkagusto ko kay Glen. Maybe we just met for a reason, but we are not really meant for each other.

At minsan kung sino pa 'yong hindi natin inaasahang makakasundo natin sa maraming bagay, sila pa pala 'yong tamang tao na naghihintay lang sa atin.

Masasabi kong nasaktan talaga ako dahil akala ko iyon na eh. Akala ko s'ya na 'yong para sa akin, 'yong lalaking magmamahal din sa akin. But I was wrong. Kasi s'ya pala 'yong taong makikilala mo, susubukin kung hanggang saan ang makakaya mo, pero hindi s'ya 'yong taong inilaan sa'yo.

Maybe Glen is one of the hardship na pinakilala sa akin para mapagtagumpayan ko. S'ya 'yong taong nanakit but at the same time nagpatibay sa loob ko.

At s'ya ang taong nagdala sa akin sa lalaking hindi ko aakalaing bubuo palang muli sa akin.

PAGKATAPOS ng Foundation Day, nagbalik na ulit sa dati. But this time naging busy na kami masyado. Madaming activities sa school, homeworks, projects lalo na at graduating kami. Hindi pwedeng magpa echos-echos na lang katulad nang mga nagdaang araw.

Lumipas ang New Year at Valentines Day. Sobrang daming nangyari. Sobrang busy rin namin at hindi namalayan na lumipas na naman ang ilang buwan sa mga buhay namin.

Isang buwan bago dumating ang Moving Up Day namin, magsasagawa kami ng Exit Exam. Hindi ko alam kung meron ba sa ibang school but here in Eastwood High, isa 'yon sa mahalagang examination na pagdaraanan namin bago matapos ang school year na ito.

Doon malalaman kung bagsak ba kami o makakapasa para grumaduate at tumuntong na muli sa oanibagong taon sa aming mga buhay.

At ngayon nga, dalawang araw bago ang Exit Exam, sobrang tutok kaming lahat sa pagre-review.

Hindi pwedeng hindi dahil dito nakasalalay ang aming kinabukasan.

Hindi ito tulad ng ibang weekly exam or quarterly exam na pwede kaming magpapetiks-petiks lang. Aasa na lang sa stock knowledge kung may natutunan man. Dahil kapag hindi kami nakapasa sa exam na ito, siguradong BETTER LUCK NEXT YEAR ang bagsak namin.

"AYOKO NAAAA!" Napatingin ako sa katabi kong si Bianca. Tutok na tutok ang mata nito sa notes pero tuloy ang pag nguya ng nachos na nasa ibabaw ng mesa. "AYOKO NA! NAKAKAGUTOM PALA ANG PAG REVIEW. PERO BUSOG NA AKO, HINDI KO NA KAYA!"

Naka ilang punta na s'ya sa cafeteria dahil palaging nauubos ang binibili n'yang snacks. Wala pang kalahati ang narereview ubos na agad ang pagkain. Kaya sinong hindi mabubusog sa ginagawa n'ya.

"Tigilan mo na nga ang pagkain. Walang papasok sa isip mo kapag busog ka. Mas gugustuhin mo pang humilata na lang kaysa mag review. Tsaka, huwag mo kasing sauluhin, intindihin mo para hindi mahirap kapag nagsagot ka na."

"Iyon na nga, Margaux eh. Ang hirap intindihin. Mabuti pa 'yong feelings n'ya madali lang intindihin, pero itong math problems? Ah, ikamamatay ko ito."

Napangiwi ako sa sinabi n'ya.

"Wala na 'yan, Erish. Bagsak na 'yan. Hindi na 'yan makakaahon." Natatawang sabi ni Zander.

Napatingin naman ako kay Bianca na bagsak na nga. Nakadukmo na kasi ang ulo nito sa mesa.

Kawawang nilalang!

"Gutom ka na ba? May dala akong sandwich." Nilingon ko si Josh ng magsalita ito.

"Anong flavor?"

"Chicken."

Napangiti naman ako. Alam na alam na talaga n'ya ang mga favorite ko at hindi.

Nakangiting nilabas n'ya ang sandwich na nasa bag saka inabot sa akin 'yong isa, may free na C2 pa.

"Thanks!"

"Basta ikaw! Malakas ka sa akin eh."

Napangiti naman ako sabay kagat ng sandwich. Narinig ko naman ang pagtikhim ng dalawang lalaking nasa harapan namin ni Josh. Kitang kita ko ang disappoint sa mga mata ni Zander habang nakasimangot. Napaiwas naman ng tingin si Glen bago muling nagsulat.

"Bakit Zan? Gusto mo rin ba?" Mapang asar na tanong ko.

"ANG UNFAIR TALAGA NG MUNDO!" Pagmamaktol nito. Natawa na lang ako sa itsura n'ya.

"Eto na nga oh, huwag ka ng magmaktol d'yan. Nagmumukha kang kawawang paslit na hindi nabigyan ng pagkain."

May inilabas na apat na sandwich si Josh. Ibinigay n'ya iyong dalawa kay Xan at Glen. Ang isa naman ay sa kanya at ang isa ay kay...

"Hoy, Bianca! May free sandwich si Josh. Kapag nakatapos kang magreview ibibigay n'ya sa iyo 'yong isa."

Mabilis na nag angat naman ng ulo si Bianca na nagpupuso pa ang mga mata.

"Akala ko bagsak ka na?" Natatawang tanong ni Zander na ngumunguya.

"Nagpapahinga lang. Palalampasin ko ba naman ang pagkain? Nevah!"

Naiiling na inabot ni Josh ang isang sandwich kay Bianca, na may malaking ngiti sa labi.

"Kaya nga ang taba mo na eh."

Natigilan naman ito at marahas na hinablot ang pagkain. "Hoy! For your info, hindi ako mataba, malabo lang talaga ang mata mo. HMP! You know, food is lifer kaya."

"Oo na lang."

Habang nagpapasahan ng tanong at sagot ay patuloy rin ka sa pagkain.

Food is love talaga. Advantage na lang talaga sa mga taong kahit malakas kumain, pero hindi pa rin tumataba. Saan pumupunta kinakain n'yo?

Habang pinapanood ko silang mag-asaran habang nagrereview kami ay hindi ko mapigilang ngumiti.

Okay na kami ni Glen. Nagkausap na kaming dalawa at nagkalinawan. Wala akong sama ng loob sa kanya kahit na may isang bagay pa rin s'yang hindi sinasabi sa akin. Hindi rin n'ya masagot ang tanong ko kung nakaramdam rin ba s'ya kahit konting pagmamahal sa akin. No'ng tinanong ko iyon sa kanya, iniba n'ya agad ang sagot. Taliwas sa gusto kong marinig.

Siguro mahirap lang talaga para sa kanya na sagutin iyon. O baka ayaw n'ya lang.

Wala na rin naman akong balak alamin dahil okay na ako. Pero kung handa na s'yang sabihin, why not diba? I will hear him out. Paunti-unti nakaka move on sa nangyari. Nakakalimutan kong minsan nagpakatanga ako sa pag-ibig.

Pero okay lang, that's one of my memories.

Memories na hindi ko malilimutan dahil hinubog at huhubugin pa nito ang kabataan days ko. At syempre, for the first time naramdam ko kung paano magkagusto sa isang tao. Not because you like him dahil sa itsura o sikat s'ya, not because kpop idol s'ya, but because nagustuhan mo s'ya dahil iyon ang sinasabi ng bata mong puso.

But for now, low-key muna tayo.

Hindi pa ako umaamin sa barkada na gusto ko si Josh. Hindi pa rin ako umaamin mismo sa kanya.

Noong una, nagulat pa sila dahil parang casual na lang ako kay Glen. Alam naman ni Glen iyon. Nasabi pa nga ni Bianca, baka raw may iba nang umaaligid sa akin kaya nabaling sa iba ang atensyon ko. Sabi ko na lang na wala.

Panget din kasing pakinggan na may gusto ako kay Glen, dati. Tapos biglang napunta kay Josh? Kung titingnan para ko na ring tinuhog ang magkaibigan.

And I'm not like that.

Hindi porket hindi ko nakuha si Glen, ang kaibigan namang si Josh ang lalapitan ko. Hindi ganoon.

Kung ano man ang feelings na nararamdaman ko ngayon para kay Josh, ay hindi ipinilit. Kusa ko na lang iyon naramdaman. At hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman. Siguro dahil he's always there for me, kaya nahulog ako? O may mas malalim pang dahilan. At iyon ay ang hindi ko alam at hindi ko kayang ipaliwanag.

Sa ngayon.

Hindi pa ito ang tamang panahon para doon. May mga tamang pagkakataon para sa lahat ng bagay. And when the right time comes, everything will lead to the right places.

Sa ngayon okay na muna ako sa ganito. Na magkaibigan muna kami ni Josh at mas tumatatag pa nga iyon sa mga panahon dumadaan. Gusto kong kilalanin muna namin ang isa't isa bilang magkaibigan.

Ang speaking of kaibigan, hindi pa kami nagkakausap ni Ella. Hindi rin naman nila binabanggit iyong nangyari. Siguro nakikiramdam lang sila.

I gave the space and time that she wants.

Alam kong masakit at naiintindihan ko s'ya kung until now, hindi n'ya ako kayang harapin o kausapin manlang. Pero sana, magawa rin n'yang pakinggan ang side ko.

And if it's take a month or year, I'm willing to wait. Basta magkaayos lang ulit kami ni Ella at bumalik ulit kami sa dati.

DUMATING ang araw ng aming deadly examination.

We're not supposed to talk or make any conversation habang nasa loob kami ng examination room. Sa isang room ay may 20 students lamang at may tatlong section meron ang Grade 10.

At hindi ko kasama sa iisang room sina Josh.

Hindi ko masyadong close ang mga nakasama ko sa room. May iba na kakilala ko dahil mula sila sa Class B na dating kong section.

Kinawayan lang ako ng mga dati kong kaklase, dahil we're not allowed to talk nga. Tingin lang talaga sa harapan o sa instructor na magbabantay sa amin. At pag start na ang exam, sa test paper lang ang tingin.

Bawal nga kahit anong papel sa ibabaw ng desk. Tanging ballpen, pencil and eraser lang ang kailangan mo. Kahit mga bag namin ay pinalagay rin sa unahan.

Wala ka talagang takas, kung magtatangka ka mang pumuslit ng sagot sa notes mo.

Sobrang higpit ng Eastwood pagdating sa ganito.

Wala namang kaso dahil para rin naman sa aming mga estudyante  ang kanilang ginagawa. Gusto lang nilang masigurado na sa ilang taong lumipas may natutunan kami sa bawat araw.

Eastwood High not tolerating cheater stufents. For them, cheating is a crime. At isang malaking punishment ang naghihintay sa'yo kapag nahuli ka nilang nandadaya. And even the SSG Officers or Class Officers are not exempted in that action. Pantay-pantay ang lahat pagdating sa ganoong bagay.

Dumating na ang aming instructor. Lalaki iyon at mukhang masungit at istrikto.

Nagpakilala lang ito sa amin, pagkatapos ay pinamigay na ang mga sheet para sa exam.

Walang break-break, basta tuloy ka lang sa pagsagot hanggang sa makatapos ka. Kahit abutin ka ng tanghali na walang recess, hindi ka pwedeng lumabas ng room o mag excuse. Kailangan mong tapusin ang exam.

500 items lahat ang sasagutan. Five major subjects with 100 items. Kaya naging 500 items in total.

Ang maganda dito walang deadline na oras. Hindi katulad sa iba na kailangan with in 60 minutes tapos mo na ang isang subject. Siguro kung ganoon ang mararanasan ko, bagsak ang utak ko pagkatapos.

Deadly exam talaga!

Ito pa nga lang 500 items deadly na para sa akin. Iyon pa kayang may timer ang pag exam.

"You all may now start!"

With that, itinutok ko sa exam ang isip at atensiyon ko. Pero bago ako magsimula, saglit kong iniyuko ang aking ulo at pumikit bago umusal ng mahinang panalangin.

FOR THE FUTURE, ERISH! YOU CAN DO THIS, AJA!

Hindi naman mahirap ang exam lalo na kapag nag-aaral ka talaga. Kapag may natutunan ka, hindi mo 'yon makakalimutan kahit pa tense ka sa pagsagot.

Naging mabilis para sa akin ang exam. Medyo nahirapan lang talaga ako sa last part kaya medyo natagalan ako sa part na iyon. Pero all in all...

MAHIRAP TALAGA!

Ilang ulit ko rin binalikan ang bawat subject to double check my answers. Kapag may hindi ako sure sa sagot ko, iniintindi ko talaga. At kapag sure na, lilipat na ulit ako sa iba.

Ganito ako kapulidong tao.

Tatlong students na ang nakapagpasa bago ako natapos. Inayos ko na ang ginamit kong ballpen saka naglakad papunta sa unahan para ibigay ang test paper ko.

"How many percentage your expected that you'll passed this exam, Miss?"

Napangiwi ako.

Kailangan ba talagang itanong iyon?

"D-Do I really need to answer that question, Mr?"

I saw how his lips form into a smile. HOYYYY! ANG GWAPO NI SIR!

"Yes."

"Ahmm... I-I'm not really sure. Hindi sa hindi ako naniniwala sa nalalamn ko Sir, pero I hope na makapasa ako sa exam."

Nagkibit balikat naman si Sir pagkatapos kong sagutin ang tanong n'ya. He dismissed me, kaya kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng room.

"SA WAKAS! Nakalaya rin ako." Malakaw na bulalas ko nang dumungaw ako sa ibaba. Humalumbaba ako sa railings at pinagmasdan ang mga estudyanteng nasa quadrangle.

Sa third floor kasi ginanap ang Exit Exam ng mga Grade 10. At naririto ako ngayon sa may veranda ng third floor.

"Tapos ka na?"

Napapitlag ako nang may magsalita.

And I saw it was Glen.

"Ah, oo. Ikaw, tapos na rin?"

"Yup, kanina pa."

Well, what can expect from Mr. Smart Vice President? Syempre, easy lang para sa kanya ang exam.

"Sina Josh?"

"Nasa loob pa."

"Hindi pa tapos? Ang bagal naman ng mga iyon. Parang hindi matatalino ah."

"Actually, magkakasabay lang kaming matapos."

"Eh bakit hindi pa sumabag sayo palabas?"

"Maganda kasi 'yong instructor na napunta sa amin."

What did he say? Maganda 'yong instructor nila? And so? Anong connect—

"The heck?"

"Oh, chill! Relax lang Erish. Mukha kang makakapatay ng tao sa itsura mo eh."

Oo, at baka iyong instructor n'yo ang unahin ko. Tapos isusunod ko na lang si Josh. O kaya pagsabayin ko na lang sila ni Zan. Yari talaga ang mokong na iyon, isusumbong ko s'ya kay Ella. HMP!

"Gusto mo nang mag lunch?"

"Anong oras na ba?"

"It's almost 12 in the afternoon."

Tanghali na pala. Kaya pala nakakaramdam na rin ako ng gutom.

"Sige, tara."

"Let's go!"

"SANDALIIIIIIII! SAAN KAYO PUPUNTANG DALAWA? HAH?"

Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Nakita naming nagmamadaling tumakbo si Josh kasunod si Zan at Bianca palapit sa amin.

"MR. VILLAFLOR KEEP QUITE!" Rinig naming sigaw mula sa nadaanan nilang room. Paktay kang bata ka! "SORRY MA'AM!"

At nang makalapit na ang mga ito sa amin, hinigit agad ako ni Josh palayo sa kaibigan n'ya.

"Problema mo Tanda?"

"Bakit kayo magkasama? Inaagawan mo na yata ako Bro ah." Sa kaibigan ito nakatingin.

Hinampas ko naman s'ya sa braso. "Siraulo!" I whispered.

Mahinang tumawa si Glen bago umiling. "You're exaggerating, Dude! Chill ka lang. Nagkita lang kami dito paglabas ko. Huwag kang umaktong parang inaagawan kita. Remember, we're just friends now. Right, Erish?"

Tumango naman ako.

"Oo nga, Pareng Josh! Huwag kang feeling jowa ni Erish. HAHAHAHAHA!" Saka tumawa ng malakas ni Zan.

Josh glared at him.

"Gague! Isusumbong kita kay Ella. Sasabihin ko type mo 'yong instructor natin kanina. HAHAHAHAHA!"

This time si Zan naman ang masama ang tingin.

Napailing na lang ako. Hinawi ko naman ang kamay ni Josh saka lumapit kay Bianca na mukhang pinagbagsakan ng heaven at hell.

"Ayos ka lang, Biancs?"

Umiling ito. "Hindi. Hindi ako okay. Kinakabahan ako sa sagot ko sa Philosophy. Gagi!"

"Why?"

"Diba may tanong doon na, ilang buwan daw mayroong 28 days sa kalendaryo."

"Oh, tapos?" Zan asked.

"Pakiramdam ko mali ang naisagot ko."

"Ilan ba sagot mo?" Tanong namam ni Josh.

"Isa. February lang naman may 28 days, diba?"

Pinigilan kong matawa. Tinapik ko ang balikat n'ya.

"Ikain na lang natin 'to Bianca. Tara sa cafeteria."

Hinila ko na s'ya pababa nang marinig namin ang malakas na halakhak ni Zan sa itaas.

"HAHAHAHAHAHA! Hindi lang pakiramdam mo 'yon Bianca dahil mali ka talaga. 12 kasi ang sagot. Anong tingin mo sa January hanggang December, walang 28? Good luck Bianca!"

Natigilan si Bianca sa paglalakad.

"I'm doomed!"

****

Author's Note:

Ang Exit Exam po ay sa Grade 12 nangyayari. Nagkaroon kasi kami ng Exit Exam bago grumaduate ng Senior High. Ewan ko lang sa iba kung meron ba o kung anong tawag noon sa kanila.

At isa pa, may subject kasi kami na Philosophy dati at iyon ang isa sa mga tanong.

In a year, how many months there is 28 days.

At ang nasagot ko ay isa, February lang. Then nang matapos ako, doon ko lang narealize na mali pala. Kasi 12 months talaga ang sagot.

HAHAHAHAHAHA! Saklap ng buhay ko. Binalikan ko lang 'yong lutang moments ko noong Senior High XD

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
166K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
9.4K 2.1K 58
Title: Alice πŸ’  10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mab...