The Lovestory That We Never H...

heyitsmejesika tarafından

4.1K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... Daha Fazla

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 37

47 4 0
heyitsmejesika tarafından

CHAPTER THIRTY-SEVEN

KATULAD nga ng sabi ni Josh ay nagtext s'ya sa akin kagabi pagkauwi n'ya. Nakatulog na ako that time kaya kina-umagahan ko na nabasa ang text n'ya.

Hindi pa nga naka-save ang number n'ya sa akin kaya nagtaka pa ako kung sino ba ang nag-text. Mabuti na lamang at nakilala ko ang nag-text dahil s'ya lang naman ang kasama ko kagabi dito sa bahay bukod syempre kina Mommy.

Hindi ko na ito nireply at sinave na lang ang number n'ya.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako. Kumuha na lang ako ng tinapay at pinalaman iyon ng nutella bago lumabas ng bahay. Maagang umalis sina Mom at Dad kaya no choice ako kundi ang mag-commute na lang. Paglabas ng subdivision ay saktong may tumigil na taxi sa harapan ko. Agad akong pumasok doon.

"Kuya sa Eastwood po tayo."

"Okay, Ma'am!" Pinaandar na ni Kuyang Taxi driver ang sasakyan. Sa labas lang ng bintana ang tingin ko, pinagmamasdan ang mga kalyeng nadaraanan namin na kahit maaga pa ay madami nang tao.

Ganito talaga kapag weekdays. Puno ang mga kalsada at mga establisyemento ng mga taong pumapasok. Estudyante man o mga company workers and employees.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilang hindi isipin kung anong nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng gano'n dahil sa pagiging concern at maalaga ni Josh sa akin. Siguro nadala lang talaga ako sa ka-sweet-an n'ya kaya kinabahan ako. Siguro natutuwa lang ako sa kanya dahil s'ya lang 'yung lalaking naging caring at sweet sa akin, kahit na hindi naman kami close na close noon.

But now, masasabi kong oo.

Maybe he's now part of my life. Or not maybe, dahil he's really part of my life now. My friend or maybe masasabi kong bestfriend ko aside from Ella. Boy bestfriend kumbaga. Katulad nang inamin ko sa kanya kagabi. And I'm really happy dahil napasaya n'ya ako. Nakalimutan ko kahit papaano ang problema ko about sa lovelife kung hindi umuusad.

And I'm really thankful to him, for that.

Haist.... Kung mas una kong nakilala si Josh hindi malabong magustuhan ko s'ya. Pero wala eh, mapaglaro ang tadhana. Dahil kung sino pa ang gusto mo, s'ya pa ang ayaw sa'yo.

Love is so unfair!

"Ma'am nandito na po tayo."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko saka inabot ang buong 100 pesos kay Kuyang driver. Mura lang naman ang pamasahe sa taxi dahil malapit lang din naman ang Eastwood sa subdivision. Pero naisip ko na maagang umaalis si Kuyang driver sa kanila para lang magtrabo para sa pamilya n'ya, tapos uuwi na ng gabi.

"Ma'am wala po ba kayong barya lang?"

Nginitian ko si Kuyang driver. "Keep the change Kuya. Sige po!"

"Naku, salamat Ma'am sa maagang biyaya. Ingat po kayo!"

I just smiled at him bago bumaba na ng taxi. Umalis din naman iyon pagkatapos.

Nakangiting huminga ako ng malalim bago magtungo sa gate. Ngumiti ako kay Kuyang guard bago pumasok sa loob ng school. Sobrang aga pa pala dahil mangilan-ngilan pa lamang ang nakikita kong estudyanteng nagkalat.

Ngayon ko lang na-appreciate ang magandang view ng Eastwood High. Mataas at malapad na wall ang humaharang sa buong campus. Mataas na gulay gold na gate naman ang nagsisilbing pasukan ng mga estudyante at kotse. Nagtataasan at naglalakihang mga building ang nakatayo sa harapan ko. May bridge na nagdudugtong sa bawat department building upang makapunta ka sa kabila nang hindi nahihirapan.

May malawak na soccer field sa kanan at bermuda ground sa kaliwa. May malaking cafeteria, gym, studio at parking lot din.

Sa likod naman ng building ay may mga puno na may mga bleachers na maaring pagtambayan. May mini garden and green house din doon. Kaya naman sobrang presko ng hangin dito, na para bang wala kami sa gitna ng maingay at mausok sa city.

Nang mapagsaw ko na ang mga mata ko sa kabuuan ng campus, nagpasya na akong magtungo sa calssroom namin.

Konti pa lang ang nariritong classmates ko. Kahit nga 'yung tatlo kung kasama sa table ay wala pa rin.

"Himala!"

Himala talaga. Dahil minsan naman ay maaga sila at mas nauuna pa nga kaysa sa akin, pero ngayon? Mukhang mamaya pa ang mga mokong.

Miss ko na tuloy agad ang Hubby ko.

I-text ko kaya?

Naglakad na ako papunta sa upuan ko para gawin ang dapat gawin.

"Hi, Margaux! Aga mo ah." Nakangiting bati sa akin ni Shei nang makita ako.

"Good morning Shei! Napaaga ang pasok eh." Sagot ko naman bago umupo.

Kinuha ko naman agad ang phone ko sa bag saka ko tinext si Glen.

To: Hubby<3
Good morning, Glen! Breakfast ka na. Wait kita dito sa school. Ingats!

Then I click the send button.

I wait for his reply pero lumipas na ang isang minuto ay wala pa rin.

"Baka wala s'yang load. Oum, baka nga," pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Hindi ko na lang kinulit dahil baka wala lang talaga s'yang load para magreply pa.

Kahit na ang iniisip ng isang side ng aking utak ay kabaliktaran niyon.

Ayoko na lang maging negative dahil maganda ang araw ko ngayon. I need to get away from such bad vibes para iwas sira ng araw.

Ibinaba ko sa mesa ang hawak kong phone bago tumulala sa labas ng bintana. Kitang kita ang ground mula dito sa pwesto ko. Nasa third floor kasi kami kaya kahit nandito ka lang sa loob ay pwede mong makita ang labas.

At sa matagal kong pagtitig sa labas ay muntik na akong mahulog mula sa pagkakaupo nang biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko iyong kinuha at binasa ang text dahil akala ko ay si Glen na ang nagreply, but I'm wrong.

Si 8080 lang pala. Malapit na daw mag expired ang unli ko, tengene!

"BWESIT!" Mahina pero may diing bigkas ko bago binagsak ang cellphone sa mesa. Humalukipkip ako bago pinalobo ang aking pisnge.

Asar si 8080! Nakakainis talaga kapag single, walang ibang makatext kundi sina 8080, GLOBE, NDRRMC at kung anu-anong scam na sinasabing nanalo daw ang sim card ko ng ganito ganyang halaga.

Gosh!

Si Ella na lang yata ang matinong contact ko sa phone eh. Ah, maliban syempre kina Mom at Dad, ilan kong pinsan at Tito's and Tita's.

May dumagdag pala, si Josh. Wala pa rin pala akong number ni Zan. Mahingi nga one time baka magamit ko kapag need to nang mapagtatanungan ng whereabouts ng kaibigan.

Napatingin ulit ako sa phone kong umilaw dahil may nag-text na naman. Hindi ko iyon pinansin dahil baka 8080 na naman. Pero nang tumunog ulit iyon ay nacurious na ako kaya kinuha ko na para basahin ang mensahe.

From: Josh
Good morning Erish! Hindi ka nagreply kagabi? Nakatulog ka na ba?

Si Josh lang pala, akala ko si Glen na. Umaasa pa naman akong magrereply s'ya, hindi pala.

To: Josh
Sorry, nakatulog na ako eh. Btw... morning!

Sent!

Wala pang ilang sigundo ay nagreply na ito.

Aba! Ang bilis hah! May time mag-reply.

From: Josh
Nag breakfast ka na?

To: Josh
Yep!

Hindi na ulit ito nagreply pagkatapos. Nagpasukan na ang iba pa naming classmates dahil malapit na pala mag-time.

Pero wala pa rin 'yung tatlo. Kaya nagtext ulit ako kay Josh. Mukhang sasagutin naman ako nito ng maayos, hindi katulad ng kaibigan n'ya. Deadma ako as always.

To: Josh
Asan na kayo? Malapit na mag-time ah.

Palinga-linga ako sa may pintuan baka kasi biglang dumating ang subject teacher namin, eh wala pa sila.

Mabilis na binasa ko naman ang reply n'ya nang tumunog ang phone ko.

From: Josh
Second subject na kami papasok. May inaasikaso kasing mahalagang bagay si Pareng Glen ngayon.

Ohhh?!

Magrereply na ulit sana ako ng makatanggap ulitng panibagong message from him, na ikina-tulala ko.

From: Josh
Pinapasabi nga pala ni Glen, h'wag mo na daw s'yang hintayin. Yun lang. Ano bang sinabi mo?"

Saglit akong napatulala doon.

So, meaning nabasa n'ya ang message ko. Pero para bang may double meaning sa akin ang sinabi n'yang iyon.

H'wag na s'yang hintayin because wala naman talaga akong dapat hintayin from him? O h'wag na s'yang hinatayin dahil mamaya pa sila papasok?

What now?

Aist!

Hindi ko na muna inisip iyon dahil nakakabobo. Nag-text na lang ulit ako kay Josh.

To: Josh
H'wag kang Marites d'yan, agang aga eh. Sige na, baka dumating na morning subject teacher natin. Ingat kayo!

Pinatay ko na ang phone ko saka ibinalik sa loob ng bag, bago humalumbaba sa mesa paharap sa may white board.

"Magandang umaga!"

Agad akong napaayos ng upo nang may magsalita mula sa labas. Hindi s'ya teacher, kundi isang third year student. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko nandyan na si Ma'am eh.

Nakakabigla kasi. Hmp!

"Anong kailangan mo?" Si Miya ang nagtanong at lumapit dito.

"Nandito ba si Erish Santanilla?"

Napataas ang kilay ko nang banggitin nito ang pangalan ko.

Hindi ako tumayo para lumapit dito. Hindi rin ako nagsalita, bagkus si Miya ulit ang sumagot. "Nandito nga. May kailangan ka ba?"

"Paki-bigay sa kanya. Pinaaabot lang din sa akin yan para sa kanya. Sige, alis na'ko."

Inabot ni Miya ang paper bag, saka tumakbo na paalis ang lalaking nagdala niyon.

Napamaang ako sa narinig at nasaksihan.

What was that? And what's that for? Bakit merong ganyan? Sino nagbigay? Hala!

"Margaux delivery for you." Nakangising inabot sa akin ni Miya ang paper bag. "Sana all!" Aniya pa nito bago bumalik sa upuan.

"Oh my gosh! Jowa mo ba nagpadala n'yan, Margaux?" Tanong ni Chelse.

"Gaga! Wala akong jowa, magiging jowa pa lang, oo."

"Ehhh, sinooo?" Nakichismis na rin ang iba pa naming kaklase.

"Malamang si Glen, sino pa ba?"

"Ang lakas talaga ng tama mo kay Glen."

"Geh, goodluck na lang."

"Support!"

Hindi ko na sila pinansin at napatingin na lang sa paper bag na nasa harapan ko. Binuksan ko iyon ay bumungad sa akin ang mabango at masarap na amoy ng burger. May kasama pa iyong coffee jelly shake at isang medium size na fries.

Wow! Mukhang masarap ah.

Pero baka may gayuma 'to. Hindi ko pa naman alam kung ganino galing.

Naisip kong kunin ang phone ko para itext si Ella kung sa kanya ba galing ang pagkain. Pero pagbukas ko pa lang ay nalaman kona agad kung sino ang nagpadala nito sa akin.

From: Josh
Nakuha mo na ba? Alam kong basta ka na lang umalis sa inyo nang hindi nag-aalmusal, kaya naisipan kong bilhan ka ng breakfast. Kainin mo 'yan ah. I'm watching you! Joke HAHAHAHA! Eat well!

Siraulo talaga.

So, kay Josh galing ito? Meaning walang lason o gayuma. Safe kainin.

To: Josh
Nag-abala ka pa, kumain naman ako ng tinapay bago umalis eh. Pero thank you dito, naappreciate ko! Oh, h'wag ka na magreply, kakain na'ko.

At habang wala pa nang teacher ay nilantakan ko na ang burger. Mahirap nang tinatanggihan ang grasya lalo pa't libre. Dahil nabusog ako sa burgerat shake, pinamigay ko na lang ang fries sa ibang classmates ko na may gusto. Alangan namang itapon ko diba? Ipamigay ko na lang ang blessing, edi masaya.

Pagkatapos kung ubusin ang shake ko ay s'ya namang pagpasok ni Mrs. Marquez, English teacher namin. Dali-dali kong inayos ang pinagkainan ko saka nagpunas ng bibig bago umayos ng upo.

"Good morning class!"

"Good morning Mrs. Marquez!"

At hindi lang ito nag-iisa. May kasama itong babae na nakasuot din ng school uniform namin?

Transferee? Pwede pa palang tumanggap ng students kahit nagsimula na ang pasukan?

Pero ang mas kinabigla ko ay nang humarap na sa buong klase ang babae. Ngumiti ito ng matamis bago bahagyang kumaway.

Am I dreaming? Or am I imagining things right now? Is this fcking real? A-Anong ginagawa n'ya rito?

S#it!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

166K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
599K 16.7K 30
An unexpected rendezvous that they couldn't forget. Dahil sa natuklasan, umalis si Fiona sa kanyang sariling condo at naghanap ng matutuluyan ng gab...
54K 1K 25
What will you do when your heart starts to beat so unexpectedly? This story is about a girl name Mara, and her crush at first sight Zachary. What wil...
256 137 16
May isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan n...