The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 36

49 4 0
By heyitsmejesika

CHAPTER THIRTY-SIX

SPEECHLESS!

Iyan ako matapos n'yang sabihin ang mga katagang iyon. Magdadalawang minuto na kaming nakatayo habang nakatanaw lamang sa papalubog na araw. Kulay kahel na ang kalangitan at lumalamlam na ang kapaligiran. Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa matapos ang eksenang iyon. Hindi rin naman ako nakapag react dahil hindi ko nga alam ang sasabihin ko. Wala na rin s'yang sinabing iba pagkatapos niyon dahil mukhang nagulat din s'ya sa mismong sinabi.

"Come here, let me take you a picture."

Napunta sa kanya ang tingin ko.

"Sure ka?"

Tumango naman s'ya. "Ahh-hah."

"Okay. Sabi mo eh."

Lumapit ako sa pwesto n'ya. Bahagya naman s'yang umurong upang makuhanan ako ng litrato. Gamit ang kanyang iphone he took a picture of me together with the sunset behind me.

"Talikod ka tapos bigla kang haharap pose. Game!"

Katulad ng sinabi n'ya iyon ang ginawa ko. Pagkatapos n'yang kuhanan iyon ay bahagya akong natawa.

Masaya sigurong magkaroon ng travel buddy na katulad n'ya. Iyong tipong kahit hindi mo sabihin na picturan ka, gagawin pa rin nya with passion and willingness.

Nakailang pose pa ako bago s'ya tumigil sa pagkuha.

"Patingin."

Ipinakita n'ya sa akin ang litratong kuha n'ya.

"Wow naman! May future ka pala sa photography eh."

Kaya siguro wala akong makitang pagtanggi o bored sa itsura n'ya kanina habang pinipicturan ako. Naka-ilang take din kaya kami.

Unang larawan ay nakangiti ako habang sumisilaw sa camera ang araw sa likod ko, kuha din ang kulay orange na kalangitan sa paligid. Pangalawa ay naka wacky naman. Sumakto din ang pagsimoy ng hangin kaya ang ilang hibla ng buhok ko ay inililipad sa larawan. Pangatlo ay iyong inutos n'ya sa akin, nakatalikod ako tapos biglang humarap sa kanya nang nakangiti.

Marami s'yang kuha pero ang mag gusto ko ay ang larawang nakatalikod ako. Nakaharap sa magandang tanawing nasa harapan habang nakasandal ang mga braso sa railings. Nililipad ng hangin ang aking buhok. Sobrang ganda ng background. Mas gumanda ang kulay ng kalangitan dahil malapit nang mawala at lumubog ng tuluyan ang araw.

"Give me your phone. Ipapasa ko sayo para may remembrance ka naman."

"Sure! Ipo-profile ko na din iyong last na kuha mo. Ang ganda kasi eh."

Inabot ko naman sa kanya ang aking phone. Nang matapos ipasa ang mga photos ko ay may naisip ako.

Hindi naman pwedeng ako lang ang magpicture noh. Minsan lang 'to kaya susulitin ko na ang moment, nandito na lang din naman kami. Kaya why not, diba?!

"Josh, lika dito. Picture tayong dalawa."

"Hah?" Natawa ako sa reaksyon n'ya. Mukhang nagulat sa sinabi ko.

"Selfie tayo sabi ko."

Natigilan pa s'ya lalo kaya natawa na talaga ako. Nang hindi pa s'ya lumalapit ay ako na ang naglakad papunta sa pwesto nya.

"Ano bang nakakagulat doon? Ayaw mo ba?"

"A-Ano.... O-Oo—I mean hindi. Hindi sa ayaw ko, nagulat lang talaga ako. Syempre gusto ko, sino bang ayaw makasama sa isang larawan ang magandang dilag na nasa tabi ko?"

"Sus! Nanbola ka pa. Sige, picture na tayo."

Tumango naman sya na may malawak na ngiti sa labi.

"One, two, three.... Smile!"

Naka-ilang selfie kami ni Josh bago ko tingnan ang mga kuha namin. May nakangiti, nakasimangot, naka-wacky, naka-peace sign, naka-makeface at kung anu-ano pang pose.

"Look! Ang cute nating dalawa dito." Hinarap ko sa kanya ang phone ko para ipakita ang picture.

"Para kang batang inagawan ng candy sa itsura mo. HAHAHAHA!"

Nakasimangot kasi ako doon habang s'ya naman ay malaki ang ngiti habang nakapeace sign ang daliri sa likod ng ulo ko.

"Pasa mo sa'kin. May gagawin lang ako."

Inilayo ko kunwari ang phone ko sa kanya. "Hoy! Baka kung anong gawin mo sa itsura ko ah."

Natawa s'ya ng mahina sa sinabi ko. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Wala!"

Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "JOKE LANG!" Natatawang aniya ko sabay hablot ng kanyang cellphone. Pinasa ko rin sa phone n'ya lahat ng selfie naming dalawa. Ginawan ko na iyong ng sariling folder dahil wala manlang kabuhay buhay ang kanyang gallery. Kung may picture, puro screenshots or gitara naman.

"Wala manlang ba kayong picture nina Glen at Zan?"

"Meron naman. Bakit?"

"Eh bakit wala ka?"

"Nasa laptop ko. Ayoko lang maglagay ng picture sa mismong phone ko."

"Bakit naman?"

"Ewan. Wala lang, trip ko lang bakit ba?!"

"Ang boring mo naman. Oh ayan hah! May pictures ka na sa gallery mo, h'wag mong idelete yan kung ayaw mong bigwasin kita."

Kinuha naman n'ya ang kanyang phone sa akin bago tingnan iyon.

"Best buddy?"

"Parang boy bestfriend na kasi kita. Lagi kang nandyan kapag kailangan ko ng kaibigan to lean on. Hindi ko nga alam kung bakit nagtatyaga ka pa sa'kin eh. Pero masaya ako kasi nandyan ka."

"Ouch naman Erish." Umakto pa itong humawak sa dibdib na tila nasasaktan. "Friendzone agad? Agad agad?"

"Sira ka talaga. Ewan ko sayo, dami mong alam."

Unti-unti na ring bumabalik ang ngisi sa kanyang labi. Lumapit ito sa akin saka pinat ang ulo ko.

"I'm also happy to be your best buddy, Erish..... sa ngayon."

Hindi ko na lang inintindi pa ang huli n'yang sinabi. Ayokong sirain ang moment. Basta masaya ako dahil nandyan siya always for me. Masaya ako dahil bukod kay Ella, may bago na akong kaibigan. Kaibigang maituturing ko na precious higit pa sa mamahaling bagay sa mundo. Dahil mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan na kahit gaano pa kagulo ang buhay mo, mananatili pa rin sa tabi mo at handa kang suportahan sa lahat ng bagay.

At si Josh....

He's now part of my life. And I'm happy for that.

"HALIKA na Erish. Iuuwi na kita. Gumagabi na eh. Baka nag-aalala na rin sina Tita at Tito sayo."

Inabot na rin kasi kami ng dilim dahil medyo napasarap ang kwentuhan. Tsaka gusto ko ulit pagmasdan ang ibaba ng syudad kapag ganitong gabi.

Tahimik at tanging maliliwanag na ilaw ng mga bahay at sasakyan lamang ang nakikita. Malayong malayo sa city na puro ingay ng mga sasakyan at mga taong nagkalat sa lansangan ang masisilayan.

This place is indeed so peaceful ang calming paradise for those who wants to escape a busy city.

Lumalamig na ang simoy ng hangin kaya hindi na ako umangal pa. Bumyahe na ulit kami pabalik sa kabayanan para umuwi. Dumaan muna kami sa isang shop para bumili ng doughnuts para sa parents ko.

Sinabi ko na sa kanya na h'wag na at hindi naman kailangan, pero s'ya itong nagpupumilit na bibili s'ya ng pang peace offering kina Mom dahil gabi na kami ng uwi.

Pagdating sa tapat ng bahay ay bumaba na kami. Bitbit n'ya ang binili n'ya habang yakap-yakap ko naman sina Oshie and Isha.

Oshie from his name Josh na dinagdagan lang ng ie and Ish naman ay mula sa name ko na Erish at dinagdagan na lang din ng letter a sa huli. Ewan ko ba sa kanya, s'ya ang nagbigay niyon. Ang corny nga eh! Pero cute naman. Nakakatuwa!

"Mom, Dad!"

Napatingin sa amin sina Mommy na parehong nakaupo sa mahabang couch na nasa living room.

Nagmamadaling lumapit sa amin si Mom habang si Dad naman ay prenteng nakaupo lang. May maliit na ngisi ito sa labi na nakatingin sa aming dalawa ni Josh.

"Honey! Jusko kang bata ka! Saan ka nanggaling? Hindi ka manlang nagsabi na aali—Oh, Josh iho. Magkasama kayo?"

"Sorry po Tita, hindi ko na naipagpaalam si Erish sa inyo. Nakalimutan ko rin po kasi. Ipinasyal ko lang po si Erish at hindi namin namalayan ang oras kaya ginabi na kami. Hindi na po mauulit, Tita, Tito."

"Nakuuuu! Ano ka bang bata ka. Huwag ka na magsorry, ikaw naman pala ang kasama ni Erish eh. Alam naman namin ng Tito mo na safe sa inyo ang unica iha namin. Halika, pasok ka muna."

"Pasensya na po, pinag-alala namin kayo. Heto nga po pala, bumili ako ng doughnuts para sa inyo."

"Nag abala ka pa Josh. Hindi ka na sana bumili nito."

"Yeah, Mom. Iyon nga sabi ko sa kanya pero mapilit sya kaya sige na lang. Hindi naman sya mapipigilan eh."

"Naghapunan na ba kayong dalawa? Magpapahanda ako kay Tessie para makakain na kayo," tanong ni Dad.

Sa wakas nagsalita na rin sya. Pero hindi pa rin nawawala ang munting ngisi nito sa labi. Ano kaya 'yon?

"Hindi na po Tito. Mukhang busog pa naman po kami ni Erish eh."

"Gutom pa rin ako."

"Gutom ka pa rin? Eh ang dami mo kayang kinain kani—" Bigla kong tinakpan ang bibig n'ya.

"Kami na pong bahala sa kusina Mom, Dad. Matulog na po kayo dahil maaga pa kayo sa trabaho bukas. Papauwiin ko rin po ang lalaking ito maya-maya."

"Darling, h'wag masyadong makulit ah. H'wag pasaway kay Josh. Ingat mamaya sa padadrive Josh iho, hah." Paalala ni Dad.

"Opo!" Sagot ko. Sumaludo naman si Josh dito. Umakyat na sina Mom at Dad sa kwarto nila para magpahinga.

Hinila ko na si Josh papasok ng kusina bago pa sya makaangal.

"Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw!"

"Hah?" Nanlalaking mga matang napamulagat ako sa sinabi nya.

"Ikaw... Ikaw na ang bahala." Aniya sabay halakhak. "If you see your reaction a while ago, its priceless. HAHAHAHA!"

Malakas na hinampas ko sya sa braso. "Kainis ka! Ewan ko na talaga sayo, Josh!"

"Sorry na. Ikaw naman kasi kung anu-ano agad ang iniisip mo. Patapusin mo muna kasi ako."

"HMP!"

"Sige na nga. Ako na ang bahala."

Kinuha n'ya ang apron sa gilid saka iyon sinuot. Nagulat pa nga sya ng kunin ko ang tali saka ako na ang nagbuhol niyon sa likuran n'ya.

"Thanks!"

Nagsimula na syang kumuha ng kung anu-anong ingredients sa rep at gamit na kakailanganin sa cabinet.

"Italian sweet spaghetti, gusto mo?" He asked me habang nilalagyan ng tubig ang kaserola.

"Marunong ka magluto?"

"Yup! Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?"

"Hindi naman. Nagulat lang talaga ako. Eh anong gagawin ko?"

Napatili ako nang bigla n'yang hawakan ang magkabila kong bewang saka ako walang kahirap-hirap na iniupo sa stool na nasa may counter.

"Maupo ka lang d'yan at panoorin ako. Kay?"

Parang batang tumango naman ako sa kanya saka s'ya sinunod.

Matapos n'yang masalangan ang tubig ang kaserola para painitin, tinupi nya ang long sleeve na suot hanggang siko. Nagsimula na s'yang maghiwa ng white onion at kung anu-ano pang kakailanganin nya. At habang pinapalambot ang pasta, nagluto na rin s'ya ng sauce.

Tahimik lang n'yang ginawa iyon. Pinapanood ko lang ang bawat kilos at perpektong galaw nya habang ginagawa iyon. Sa bawat paggalaw ng kanyang braso ay nagpi-flex din ang muscles at visible veins n'ya doon, pababa sa kanyang kamay.

Gosh! Ang veiny ng hands. Parang ang sarap magpahawak sa mga kamay na iyon?

Choke me Daddy Josh! CHAROT!

Gosh Erish, gosh! Bakit ganyan ka mag-isip? Pinagnanasaan mo ba ang masarap na lalaking nagluluto sa harap mo? Em ghie! Anong masarap? Gosh! HUHUHUHU! Ayoko na...

Nagiging makasalanan na ako. Ano na lang iisipin ni Glen, na pinagnanasaan ko ang kaibigan n'ya?

Ay teka nga—bakit napunta si Glen sa usapan? Tsaka ano bang pake n'ya eh wala namang pakielam sa'kin 'yon eh. Baka nga tuwa pa 'non kung mapunta sa iba ang atensyon ko.

Iyon lang naman ang hinihintay n'ya.

Well, back to business...

"Malapit nang maluto 'to." Aniya.

Tumayo naman ako para kumuha ng dalawang mangkok at tinidor para sa amin. Kumuha na lang din ako ng isa pang upuan na nasa gilid para hindi na kami pumunta sa dining table. Pwede naman dito sa kitchen counter na lang.

"Hhmmm... Ang bango naman n'yan. Mukhang masarap."

"Kapag natikman mo ang luto ko, malilimutan mo ang pangalan mo."

Natawa naman ako sa kahanginan n'ya. Sabagay, may maipagmamayabang naman talaga.

Napa-isip akong bigla. Ano pa kayang talent meron ang lalaking ito na hindi ko pa nakikita? Mukhang alam yata n'yang lahat eh. Mabait, gwapo, magaling kumanta at mag-gitara. Hhmmm... Ano pa ba? Gentleman na, marunong pa sa kusina. Saan ka pa, diba? Maswerte ang babaeng magugustuhan nito.

"Tapos na, upo ka na. Maghahain na'ko."

Umupo naman ako sabay abot sa kanya ng mangkok. Nilagyan n'ya iyon ng pasta at sauce then cheddar cheese sa ibabaw. Pagkatapos ay nilapag n'ya sa harapan ko ang isang mangkok at sa kanya naman ang isa. Hinila nya ang stool palapit sa pwesto ko tsaka sya doon naupo, paharap sa'kin.

"Matikman nga ang luto mo, kung masarap nga talaga."

Hinalo kong mabuti ang sauce at cheese sa pasta. Pagkatapos ay pinaikot-ikot ko iyon sa tinidor.

"Dahan-dahan, mainit."

Tinapat ko ang tinidor na may spaghetti sa bibig ko bago hinipan. Nang matantya ang init ay sinubo ko na.

"HHHMMMM..."

Ninamnam kong mabuti ang lasa ng luto nya dahil ang sarap. Sobrang sarap. Para bang Italian Cuisine talaga.

"Sarap?"

Tumango tango ako. Hindi ko na nga magawang magsalita dahil sunod-sunod na ang naging pagsubo ko. "Hhmmm... A-Ang sarap... Kung alam ko lang na magaling ka magluto, kinuha na sana kita nilang personal cook ko dito sa bahay."

"Bolera ka talaga. Sige, kain lang ng kain. Marami pa dito, hindi ka mauubusan. Tirhan na din natin sina Tita at Tito para naman matikman nila ang luto ko."

"Mabuti pa nga."

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Nakakahiya naman kasi sa kanya dahil sya na nga itong nagluto, sya pa ang paghuhugasin ko. Nang matapos ay nagpunas na ako ng kamay para sundan sya sa sala.

"Uuwi ka na?" Napatingin ako sa wall clock na nasa itaas ng 42 inch TV. "Hala! 10:30 na pala. Masyado nang gabi, kaya mo pa bumyahe?"

"Bakit? Kung hindi ba, patutulugin mo ako sa kwarto mo?" May ngising sagot nya.

"Sira! Anong silbi ng guest room kung hindi gagamitin?"

Natawa naman s'ya bago guluhin ang buhok ko.

"I need to go! Baka tamarin pa ako at maisipan ko pang dito na lang matulog."

"S-Sige! I-Ingat ka."

Hoy, Erish! Umayos ka! Bakit nauutal ka hah?!

Hinatid ko naman sya sa labas ng gate. Papasok na sana sya ng bigla ko syang tawagin.

"Josh!" Napatigil naman ito tsaka tumingin sakin. "Thanks nga pala sa effort mo. Naappreciate ko talaga ng sobra. Masaya ako... masaya akong kasama ka."

Saglit syang natigilan bago muling naglakad pabalik sa pwesto ko. Nagulat ako ng bigla n'yang kabigin ang aking ulo palapit sa kanya. Akala ko kung anong gagawin n'ya. He just kissed me in my forehead na ikina-pikit ko.

Nang humiwalay s'ya ay dahan-dahan naman akong nagmulat bago tumingin sa mga mata n'ya. Wala akong makitang kahit anong emosyon maliban sa kasiyahan. Kahit hindi sya nakangiti o tumatawa, kitang kita ko sa mga mata n'ya na masaya sya.

"No, Erish! Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Thank you dahil sumama ka sa akin at nagtiwala ka. Thank you because you made me happy. You made my night memorable."

Unti-unting sumisilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

"Sige na. Malamig na dito sa labas, pumasok ka na at matulog. I-lock mo ang pinto. Ako na ang bahalang mag-lock ng gate nyo. Goodnight, Erish!"

"G-Good night din Josh! Ingat ka sa pagdadrive."

"Sige na. I'll text you kapag naka-uwi na ako."

Pakiramdam ko ay para kaming mag-jowa na galing sa date at nagpapa-alama sa isa't isa bago maghiwalay ng landas.

Tumango naman ako bago pumasok sa loob. Katulad ng sabi nya, sya na ang naglock ng gate. Kumaway pa ulit ako bago tuluyang isara ang pinto ng bahay. Nang marinig ang pag-andar paalis ng kanyang sasakyan ay dali-dali akong tumakbo sa kwarto.

Padabog na sinara ko iyon. Napasandal na lang ako sa pinto nang tuluyan ko nang maramdaman ang malakas at mabilis na pagkabog ng aking dibdib, na kanina ko pa nararamdaman.

What's happening to me?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 191 17
Yoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022
704K 15.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
295K 20.8K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...