The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 35

51 3 0
By heyitsmejesika

CHAPTER THIRTY-FIVE

PARANG sasabog ang mukha ko dahil sa sobrang pag-init ng magkabila kong pisnge. Ano ba naman kasing kabulastugan ang lumalabas sa bibig ng lalaking ito?

Nanlilisik ang mga matang binalingan ko si Josh.

"Ayoko sa langit, hindi mainit doon. Gusto mong dalhin kita sa literal na impyerno? Kung hindi mo nalalaman, pinsan ko si Lucifer. Pwede kitang ipasundo dito sa kanya ngayon din."

Ngumisi s'ya ng hilaw.

"Joke nga lang kasi. Eto naman, hindi ka na mabiro. Tara na nga! Punta muna tayo sa bahay. Kukunin ko lang ang kotse."

Pumara s'ya ng taxi papunta sa kanila. Sa isang exclusive subdivision pumasok ang sinasakyan naming taxi. Anim na bahay ang nilampasan namin bago tumigil ang sasakyan.

Buong isang libong piso ang inabot ni Josh sa driver. "Bayad Kuya. Keep the change."

"Salamat, Boss!" Sumaludo pa ang driver kay Josh. Ngumiti lang naman s'ya bago ako nito hilahin palabas.

Isang malaking mansion ang bumungad sa amin pagkababa. Sa lahat ng mga bahay dito, mas malaki ito ng isang metro kaysa sa iba. Iba ito sa alam kong bahay nila. Dalawang beses na ako nakarating doon kaya nasabi kong iba ang mansion na ito.

"Ilan ang bahay n'yo Josh?" Inosenteng tanong ko habang nakamasid sa mansiong nasa harapan namin.

"Tatlo yata. Tapos limang condominium."

"W-WHAT THE?! Edi kayo na!"

Tumawa lamang ito bago muli akong hinila papasok sa malaking gate. Bukas ang main door kaya tuloy-tuloy lang kaming pumasok sa loob.

"MANANG MELBA?" Tawag n'ya sa kanilang kasambahay.

Isang may hindi katandaang babae ang dumungaw mula sa kusina. Nanlaki ang mga matang humiyaw ito, hindi sa gulat kundi sa tuwa.

Humalakhak naman si Josh dahil sa inasal nito. Mabilis itong naglakad papunta sa gawi namin.

"Jusko kang bata ka! Hindi ka nagsabing pupunta ka dito." Hinaplit nito sa batok ang alaga.

"Aray naman Manang. Pa-suspence iyon eh." Tumatawang sagot ni Josh sabay halik sa noo ng matanda.

"Bakit madalas ka nang dumalaw ditong bata ka? Simula nang lumipat kayo sa kabilang mansion ngayon ka na lang nagawi dito."

"Sorry na Manang. Masyado lang busy sa school eh. Tsaka dito naman ako uuwi simula ngayon."

Dumapo sa akin ang paningin ni Manang Melba. Ngumiti naman ako dito.

"Hello po!"

"Ay jusko! Napakaganda naman ng girlfriend mo Josh, iho. Iha, ikaw ba naman ay hindi inaaway at sinasaktan nitong batang ito? Sa akin ka magsusumbong kapag inaway ka nito ah, at yayariin ko 'to para sayo."

Napagkamalan pang mag-jowa. HUHUHU!

Napansin yata ni Josh ang pagka-ilang ko kaya sinaway n'ya ang matanda.

"Manang, hindi ko girlfriend ito." Bigla n'ya akong inakbayan. "Manang kaibigan namin, si Erish. Erish, ang pinakamabait at mapagmahal na Manang sa balat ng lupa, si Manang Melba."

"Nambola ka pa talagang bata ka. Iha, totoo bang hindi ka gitlfriend ng alaga ko?"

Ngumiti ako bago umiling.

"Naku naman!" Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ginawa ni Manang. Malakas na hinampas nito sa braso ang nagtatakang si Josh. "Ang hina mo namang bata ka. Galaw-galaw din pag may time at baka maunahan ka pa."

Nahihiyang ngumiti ako dahil sa winika nito. Kahit si Josh ay nahihiyang tumingin din sa akin.

"Manang naman eh. Pinapahiya mo ako sa bisita ko."

"Sus! Oh sya, magtatagal ba kayong dalawa dito?"

"Saglit lang po kami dito Manang. Kukunin ko lang 'yung kotse na pinaayos ko kay Tatay Laring kaninang umaga."

"Gano'n ba? Oh, sya. Maiwan ko muna kayo dito at may niluluto pa ako. Darating kasi ang mga magulang mo. Mukhang dito muna ngayon mananatili dahil pinapaayos daw ang kusina sa tinutuluyan n'yo ngayon."

"Eh sa isa?"

"Malayo sa kompanya. Siguro ay ayaw nang pagmahehuhin si Laring ng masyadong malayo."

"Hmm... Sige po, Manang aalis na rin kami dahil ipapasyal ko pa si Erish. Kinamusta ko lang talaga kayo dito."

"Iuwi mo ng maaga ang girlfriend mo ah."

"Manang naman kasi eh."

Tumatawang bumalik ito sa ginagawa. Naiwan naman kaming dalawa ni Josh. Napakamot ito sa batok bago magsalita.

"Pasensya ka na kay Manang. Unang beses kasing makita n'yang may kasama akong babae kapag bumibisita dito. Palagi ko lang kasama ay ang barkada, kaya gano'n."

"Ano ka ba, okay lang 'no."

"Tara na! Nasa garage ang kotse ko."

Lumabas kami ng bahay at nagdiretso sa garahe. Isang blue convertible na sasakyan ang sumalubong sa amin pagkarating doon.

Naks! Yayamanin ang koya n'yo.

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto. "Thanks!" Sabi ko bago pumasok sa loob. Nagtungo naman sya sa kabila para pumasok at paandarin na ang kotse paalis.

Naamoy ko ang mabangong pabango nya na tila ba dumikit na rin sa loob ng sasakyan. Amoy malandi. Joke! Mabango! Hindi matapang at hindi rin sweet. Lalaking lalaki ang amoy niyon. Amoy nakakainlove. Mas lalong joke ulit!

"Josh, saan nga ulit tayo pupunta?" pangungulit kong muli.

"Sa langit nga kas—ARAY NAMAN ERISH! Kanina ka pa ah. Nakakasakit ka na."

"Umayos ka kasing lalaki ka. Maayos ang tanong ko, ayusin mo rin ang sagot mo."

"Mamamasyal nga tayo sabi. O baka naman may suggestion ka d'yan, iyon na lang gawin natin." Sumilay ang nakalolokong ngisi sa kanyang labi. Mukhang may kagaguhan na namang naiisip.

Gague!

O baka ako lang nag-iisip no'n? Susko! Maduming isip layuan mo po ako.

Nahalata n'ya ang pananahimik ko kaya pasimple s'yang tumikhim.

"May alam akong lugar na siguradong magugustuhan mo." Seryosong wika n'ya habang ang tingin ay nasa unahan lamang.

"MALL? Seriously, Josh? Dito sa Mall talaga? Anong tingin mo sa'kin? Shopping is life?"

"Hindi naman kasi porket nasa Mall, shopping na agad. Sa Timezone tayo."

Magsasalita pa sana ako nang hilahin na n'ya ako papasok sa loob. Ngiting ngiti ito na wari mo'y siguradong sigurdo s'ya na mag-eenjoy ako sa Timezo—Timezone?

TIMEZONE BA KAMO?

Hila-hila n'ya ako na parang batang tuwang tuwa. Nakarating kami sa ika'tlong palapag ng mall, sa harap mismo ng Timezone. Maraming tao sa loob, karamihan ay mga kabataan ding katulad namin na naglalakwatsa. Chos!

Wala naman kaming klase kaya okay lang na lumabas ng campus.

"Halika na! Buong araw tayong maglalaro at magwawalwal."

"Hoy!"

"Joke!"

Hinila na n'ya ulit ako papasok sa loob. Kitang kita ko ang kislap sa kanyang mga mata na para bang ngayon lang s'ya nakapasok sa loob ng lugar na ito.

Iba't ibang games ang nilaro namin sa loob ng ilang oras na pananatili naman sa loob.

"Ang daya mo naman eh!"

"Anong madaya ka d'yan? Hindi ka lang talaga marunong."

"Marunong ako. Sadyang magaling ka lang talaga sa basketball. Yung tipong magaling maglaro ng bola, kaya pati babae pinaglalaruan din, binobola pa."

Napatigil s'ya sa pag shoot ng bola sa ring. Masama ang tingin nito sa akin.

"Namemersonal ka ng babae ka hah! Hindi ako marunong maglaro ng babae."

"Oo na lang."

Pagkatapos namin sa basketball ay hinila n'ya ako papunta sa isang machine. Iyong may mga stuff toys and teddy bears sa loob tapos kukunin mo iyon gamit ang isang clawn.

Bigla kong hinila ang laylayan ng kanyang white long sleeve. Wala kasi s'yang suot na coat at tanging puting long sleeve lamang at necktie. Maluwag na din ang magkaka-ayos niyon sa loob ng kanyang collar.

Mukha talaga s'yang naglakwatsang estudyante.

"What?"

"Si Stitch!" masayang wika ko sabay turo sa nakita kong stufftoy sa loob ng machine. "Si Stitch, Josh! Get it for me, please!" Nagpa beautiful eyes pa ako sa harapan n'ya habang mahinang hinihila ang laylayan ng kanyang uniporme.

"Para kang bata." Natatawang aniya.

I pout at what he said. "I'm not a child anymore. I'm already a grown woman, hmp!"

"Yeah!"

"Sige na kasi, Josh! Si Stitch!"

"Alright! Oo na, oo na! Kukunin ko na para sa mahal na prinsesa." Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. Naglakad na ito patungo roon, kasunod ako.

Nilahad n'ya sa akin ang kanyang palad. "Penge!"

Naintindihan ko naman kaya inabutan ko s'ya ng token. Nagsimula na s'yang magconcentrate sa pagkuha ng stufftoy sa loob.

Unang subok ay nabitiwan n'ya. Pangalawa ay muntikan ng makuha pero nahulog pa rin.

Gano'n talaga, kahit gaano pa kahigpit ang hawak mo sa kanya, kung s'ya ang gustong bumitaw, wala kang magagawa.

Humuhugot na'ko. May pinagdadaanan te? Lalim ng hugot eh.

Nakalimang subok na s'ya pero wala pa rin. Tumayo s'ya ng tuwid bago nameywang. Malalim ang titig sa loob ng machine.

"J-Josh? Lipat na lang kaya tayo? Hindi mo yata kayang—"

Pinigilan n'ya ako. "No!" May diing wika n'ya. "I'll get Stitch for you." Pagkatapos ay muling bumalik sa ginagawa.

May ilang kababaihan na rin ang napapatingin sa amin dahil siguro sa lalaking seryosong seryoso sa ginagawa. May ilang pawis na ang tumatagaktak sa kanyang noo dahil kanina pa kami dito. Pinasadahan n'ya ang kanyang medyo basa ng buhok gamit ang kanyang mahahabang daliri sa kamay.

Sheeett! Bakit ang hot n'ya 'nong ginawa n'ya 'yun? Bakit????

Erish back to your senses. Nakakaloka ka!

Humigpit ang hawak ko sa aking damit dahil malapit nang makuha ni Josh si Stitch. Dahan-dahan n'yang dinala sa butas ang stufftoy and....

"Gotcha!"

YESSS! Gusto ko mang tumalon sa tuwa at bigyan ng mahigpit na yakap si Josh dahil sa wakas ay nakuha na din n'ya. Kaso h'wag na lang. Madaming nanonood, nakakahiya.

Nahulog iyon sa parang slides. Nakangiting kinuha ni Josh ang dalawang magkadikit na stufftoy. Isang blue at ang isa naman ay kulay pink.

Hang kyutttttt nila!

"Your wish granted!" Nakangiting inabot nito sa akin ang hawak.

Nakarinig pa ako ng ilang tilian at hagikhikan sa likuran namin na para bang kilig na kilig ang mga ito sa pinapanood.

Shet! Enebe nemen ehe!

Nagningning ang mga mata ko ng tanggapin ang stufftoy. WAAHHH! Ang lambot! Hindi sila maliit at hindi rin sobrang laki. Tama lang ang sukat.

So fluppy!

"Thanks Josh! WAAAHHHH!"

"That's our first twin babies. Ingatan mo 'yan ah. Pinaghirapan ko 'yan."

Biglang namula ang pisnge ko sa sinabi n'ya pero tumango pa rin ako bilang sagot.

Our babies talaga?

"Let's eat first. Nagutom ako do'n eh."

Sa isang pizza hut resto kami nagpunta. Bigla tuloy akong ginutom nang makita ang iba't ibang flavor ng pizza. HMMM... YUMMY!

Pinili n'ya ang pangdalawahang table malapit sa glass wall para pwestuhan namin.

"Anong gusto mo? My treat!"

"May pera ako Josh."

"Alam ko."

"Ako na ang magbabayad ng akin."

"Don't! Hindi naman pwede 'yun. Ako ang lalaki kaya ako ang magbabayad. Isa pa, ako ang nagyaya sayo dito kaya the expenses are all in me."

Hindi na lang ako tumanggi at umangal dahil hindi rin naman ako mananalo pagdating sa kanya.

"Ikaw na ang bahala."

"Hmm... alright!" Binuksan n'ya ang menu. Saktong lumapit sa amin ang lalaking waiter.

"Good day, Sir and Ma'am! May I take your order, please?"

"Hmm... One large Hawaian and Peperoni Pizza. Two large cup of nuggets with cheese and spicy sauce. And two iced tea for the drinks." Sinulat naman niyon ng lalaking waiter.

Umawang ang labi ko sa dami ng kanyang inorder.

"That's all, Sir?"

"Yes."

Pagka-alis ng waiter ay pinalo ko agad si Josh sa braso.

"Aray naman Erish! Sumusobra ka na ah. Kanina ka pa. Gustong gusto mo ba ang muscles ko sa braso kaya ka palo ng palo d'yan?"

Ang kafal!

"Sira! Ang dami kasi ng inorder mo. Mauubos ba natin lahat 'yun? Puro ka large."

"Large din kasi ako."

Muntik na akong masamid dahil sa sinabi n'ya. Kung umiinom lang siguro ako ay naibuga ko na sa mukha n'ya ang tubig.

"Ang bastos mo."

Tumawa ito. "Ano ba kasing iniisip mo d'yan?!" Mapanuksong aniya.

Minsan talaga ang sarap saktan ng sarili 'no? Lalo na kapag hindi umaayon ang sinasabi ng bibig. Nilaglag ng sarili eh.

Umiwas na lang ako ng tingin at bumaling sa labas ng resto. Nakaharap sa glass wall ang pwesto namin ni Josh kaya kitang kita ang mga taong pauli-uli sa labas. Bale nakatalikod kami sa loob at nakaharap sa labas. Gets?

Nilipat naman ni Josh ang kanyang upuan sa tabi ko para pareho kami ng pwesto.

Ilang saglit pa ay dumating na rin ang order n'ya. Tahimik lang kaming kumakain na minsan ay may pinag-uusapan din para lang hindi gaanong awkward ang sobrang katahimikan.

Nag-isang oras pa kaming nanatili sa loob ng resto bago kami lumabas. Malapit ng magdapit-hapon kaya lumalamlam na ang kalangitan.

Nagulat ako nang hawakan ako ni Josh sa braso. "Tara! May pupuntahan tayo."

"H-Huh? Saan?"

Hindi na n'ya ako sinagot at hinila na paalis, pabalik sa kotse n'ya. Tahimik lang kaming bumyahe, papunta sa lugar na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo naglalagi.

Sinilip ko ang labas at sobrang namangha ako nang makita kung saan kami pupunta.

Sa mataas na bahagi ng burol.

Dito n'ya rin ako dinala dati. Noong birthday ni Kirko. At ngayon nandito ulit kaming dalawa. Pero this time papalubog pa lamang ang haring araw at mas lalo lamang akong namangha sa ganda ng lugar.

Pagkaparada n'ya ng kotse sa gilid ay agad din kaming bumaba upang maabutan ang magandang tanawing nasa harapan namin. Kung dati maliwanag na kapaligiran, puno ng kumikislap na mga ilaw sa lansangan ang pinakita n'ya sa akin. Ngayon, ang magandang sunset naman ang pinagmamasdan namin.

"WOW! Ang ganda naman."

"Indeed!"

Nakangiting bumaling ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin.

"Gusto ko sanang sabihin na "The sunset is beautiful, isn't it' pero hindi ko gusto ang ibig sabihin niyon."

"Huh?" Hindi ko naman maintindihan kung ano bang ibig n'yang sabihin sa sinabi n'ya. May ibig bang sabihin iyon? Ang alam ko lamang ay iyong sa moon in japanese.

"May meaning din ba iyon?"

"Yup! That phrase means 'I love you, but I'm letting you go'. Ayaw kong sabihin iyon dahil gusto ko pang masilayan ang pagsibol ng araw kinabukasan ng kasama ka, Erish."

Continue Reading

You'll Also Like

167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
256 137 16
May isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan n...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...