The Lovestory That We Never H...

Per heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... Més

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 34

50 5 0
Per heyitsmejesika

CHAPTER THIRTY-FOUR

MUNTIK na akong mahulog sa pagkakaupo. Mabuti na lamang ay may mesa sa likuran ko at doon ako napakapit. Dahil kung hindi, malamang sira rin ang hawak kong gitara.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa gawi ni Josh. Mulat na mulat ito habang nakapatong pa rin ang ulo ng patagilid sa mesa. May malawak na ngiti ring nakapaskil sa labi nito.

"K-Kanina ka pa gising?" Nauutal na tanong ko.

"Hindi naman. Tama lang para marinig ko ng buo ang kanta."

Nakaramdam ako ng konting hiya dahil sa sinabi nya. Gano'n na ba talaga sya katagal na nakikinig? Parang tinubuan akong bigla ng hiya sa katawan dahil na rin sa paraan ng pagtitig nya sa akin.

Nakakailang!

Kung ice cream lang siguro ako, kanina pa ako tunaw dahil sa titig nyang nakakalusaw.

"Natutulog ka ba talaga kanina?"

He showed me his sly smile bago umiling. "Hindi naman. Hindi naman talaga ako tulog. Pinapahinga ko lang ang mga mata ko," sagot nito.

Muntik ko ng matampal ang noo ko sa nalaman.

"So, pinapanood mo lang ako mula sa simula? Bakit hindi mo ako pinigilan? Paano pala kung hindi ako marunong mag-gitara tapos nasira ko ang gamit mo?"

"Hindi mo naman nasira diba?" Humalumbaba ito sa mesa habang nakatitig sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. "Papaidlip na sana ako kanina, kaso nakarinig ako ng mga yabag papasok dito sa loob. Sumilip ako at nakita kita. Gugulatin na sana kita dahil masyadong malalim ang iniisip mo, nang bigla kang bumaling sa akin. Nagulat ako kaya umub-ob ulit ako at nagpanggap na natutulog. Hindi kita narinig na magsalita o may sabihin manlang kaya akala ko umalis ka na ulit, hanggang sa makarinig ako ng tumutugtog. Doon ko na inangat ang paningin ko sayo."

Ngumiti sya sa akin ng pagkalawak-lawak.

Ang gwapo pala ng lalaking ito? Lalo na kapag totoong ngiti ang ipinapakita nya at hindi nakalolokong ngisi. Lalo n'ya lamang nagiging kamukha si Soobin kapag nakangiti o tumatawa. Pati mata nito ay nakangiti rin na tila ba masayang masaya.

"Tsaka ayokong sirain ang moment nating dalawa."

Namula ang magkabila kong pisnge nang marealize na kaming dalawa nga lang pala ang naririto sa room. At mas nag-init lang din ang pisnge ko sa ibig n'yang sabihin.

"Ihampas ko kaya sayo 'tong gitara mo?!"

"Eto naman di na mabiro. Easy ka lang Babe."

"Babe mo mukha mo. Hindi ako baboy."

"Sungit!"

"Pangit!"

Saglit na katahimikan ang lumukob sa aming dalawa. Tumayo na ako para ibalik ng maayos ang gitara nya sa kinalalagyan nito kanina.

"Give it to me," aniya.

Lumapit naman ako sa kanya saka inabot ang kanyang gitara. Tinap nito ang upuang nasa tabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay dahil di ko gets kung ano bang pinapahiwatig nya.

"Upo ka."

Ahh, iyon pala.

"Bakit naman ako uupo dyan? Close ba tayo?"

Gusto kong matawa dahil sa reaction nya. Tila nalugi ang itsura nito sa sinabi ko.

"Joke lang!"

Kung dati, masasabi kong hindi talaga kami close ni Josh lalo na at sinusungitan ko pa sila ni Zan. Maliban syempre sa Hubby ko na si Glen. Pero ngayon, naging kaibigan ko na rin naman sya at close na kaming dalawa.

Kung sino pa 'yung hindi ko inaakala kong makakasundo ko, s'ya pa 'yung taong nandyan para handang damayan ako. Ilang beses na nya akong tinulunganna gumaan ang loob sa tuwing dinededma ako ni Glen.

Sya yung taong dumarating ng hindi ko inaasahan, kapag kailangan ko ng masasandalan.

Kung si Ella ang girl bestfriend ko. Si Josh naman ang masasabi kong boy bestfriend ko. Hindi ko lang alam kung ganoon din ba ako sa kanya. Well, hayaan na natin.

Nakangiting umupo ako sa upuang tinutukoy nya, paharap sa kanya. Nakita ko naman ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. Sign na ngumiti sya.

"Kakantahan mo ba ako?" tanong ko.

"Ikaw, gusto mo ba?"

"Bahala ka."

"Hhmmm..." Nag-isip ito saglit. "Next time na lang pala. Kapag natapos ko na 'yung kantang sinusulat ko."

"Naks!"

"Sa babaeng nagugustuhan ko una kong ipaparinig ang kanta. Pagkatapos sayo ko naman ipaparinig iyon."

"Promise 'yan ah."

"Oo nga!"

"Tapos ipakilala mo na rin sa amin 'yung babaeng tinutukoy mo. Bahala ka d'yan baka maunahan ka pa kapag hindi ka pa kumilos ngayon na."

"Naunahan na nga ako eh." Mahina s'yang nagsalita na hindi ko naman naintindihan.

"Hah?"

"Hah? Hahahakdog!"

Malakas na sinapak ko sya sa batok. "ARAY NAMAN ERISH! Ang sakit mo naman magmahal."

"OO! At mas lalo ka pang masasaktan kapag di ka umayos d'yan."

Sumimangot lang ito sa akin na ikina-tawa ko ng mahina. Umiwas na ito ng tingin at itinuon na lamang ang pansin sa gitarang hawak. Humalukipkip naman ako saka pinagmasdan ang pagkalabit n'ya sa bawat string ng gitara. Marahan at pino lamang iyon na gumagawa ng mahina at patumpik-tumpikna tugtog.

"Erish?" Tawag n'ya sa akin na patuloy pa rin sa ginagawa. Pinag-lalaruan ang tunog ng gitara.

"Hhmm?" Sagot ko naman.

"Gusto mo bang mag-duet tayo? Like collab, gano'n. Gusto mo?"

Nagulat ako sa tanong nya. It's out of the blue question. Pero saglit akong napaisip. Magaling s'yang kumanta at tumugtog ng gitara kaya hindi ako mahihirapang sumabay kung sakali. So, why not?

"Pag-isipan ko."

Hindi naman na sya nagsalita or nagreklamo pa. Nagpatugtog lamang sya ng gitara habang mahinang sinasabayan ng pag hum ng kanta.

"Erish?" Pagtawag n'yang muli.

"Oh?" Sagot ko na sa mga daliri n'yang kumakalabit sa string lamang nakatingin.

"Sinaktan ka na naman ba ni Glen kagabi?" Tanong n'ya. This time dahan-dahan ng umangat ang tingin ko sa kanyang mukha na nananatili ang tingin nito sa gitara. "Did he hurt you again? Not physically ofcourse. But emotionally!"

"Ahmm..."

Tila ba napipi ako at hindi makasagot. Walang boses at mga salitang lumalabas sa bibig ko. Nakatitig lamang ako sa seryoso n'yang mukha.

"Last night...." Tumigil sya sa ginagawa saka tumingin sa akin ng diretso sa mga mata ko. "You said earlier na nagpunta si Glen sa inyo na lasing. May sinabi ba sya sa iyo? Ano? Sinaktan ka na naman ba nya? Tell me Erish!"

"I-I... Ahhmmm... A-Ano kasi..."

"Ano?"

I sighed. "He mistook me for Nicka. AGAIN!"

"Shit!"

"Pero okay lang naman. Immune na ako sa gano'ng tagpo. Tsaka kahit naman hindi sya lasing si Nicka pa rin ang maaalala n'ya sa mukhang 'to eh. Sinasanay ko na lang ang sarili ko."

"Hindi ka ba napapagod masaktan? Hindi ka ba napapagod saktan ang sarili mo?"

Hindi nga ba ako napapagod? Syempre...

Oo! Napapagod din akong saktan ang sarili ko. Napapagod na akong masaktan ng paulit-ulit dahil sa iisang dahilan. Pero dahil gustong gusto kong saktan ang sarili ko, patuloy pa rin ako. Patuloy pa rin akong lumalaban at umaasa kahit alam ng sarili kong malabo na talaga. Tanga ako eh!

Noong nagsabog yata si God ng kamartyran at pagiging tanga sa pag-ibig ay gising na gising ako dahil nasalo kong lahat. Umaawas pa nga.

"Napansin ko 'yung reaction mo kanina. Alam kong galing sayo 'yung tinapon ni Glen na tableta. Pagpasensyahan mo na ang lalaking iyon. Hindi lang talaga sya umiinom ng gamot, kape lang talaga pampawala nya ng hangover."

Pero pwede naman n'yang ibalik na lang sa'kin at h'wag nang itapon, diba?

Parang pinakita lang talaga n'ya sa akin na basura lang para sa kanya ang lahat ng efforts at pag-aalala ko para sa kanya.

Mukhang napansin n'ya yata ang pagiging tahimik ko, kaya bigla n'ya akong inakbayan na ikina-gulat ko.

"H'wag mo na ngang isipin 'yun."

Tatango na sana ako nang maalala ko 'yung sinabi ni Glen kagabi.

"Josh?"

"Hhmm?"

"Nagkagusto ka ba kay Nicka?" Mukhang nagulat naman sya dahil bigla s'yang nasamid ng sariling laway. Ewks! Agad s'yang lumayo sa akin saka ako tiningnan ng masama.

Lumapit ako sa kanya para hagurin ang kanyang likuran.

"A-Ano ba namang tanong 'yan Erish? Nababaliw ka na ba? Wala pa nga akong nagugustuhan dati tapos itatanong mo sa akin yan? Bakit mo pala nasabi yan?"

"Eh kasi, naalala ko na may sinabi si Glen sa akin na h'wag na daw akong lalapit at makikipag-close ulit sayo dahil baka magkagusto na naman ako sayo. Ayaw na daw n'yang maging pangalawa. Then binanggit nya pangalan ni Nicka."

Napaisip ng malalim si Josh sabay mura. Hindi nagmahal kundi nagmura. Chos!

"Tangin*! Hindi ako ang nagkagusto kay Nicka. Baka s'ya ang nagkagusto sa akin. Pero dahil ayaw ko sa kanya, I distance myself from them. Kaya di kami naging close. Knowing Nicka? Gagawin nya ang lahat ng kanyang gusto kahit na may masaktan pa syang iba."

"Lalo lamang akong naguguluhan."

"She's using blackmailing to make her tactics. At kung nagawa man nya ang plano nya sa akin noon, at iyon ay ang pakikipaglapit sakin. Malamang ibablackmail din nya ako at sisirain ang pagkakaibigan namin nina Glen. But sorry s'ya, wais 'to no."

Napansin n'ya ang pagkunot ng noo ko kaya pinantay n'ya iyon gamit ang dalawang daliri.

"H'wag mo ng isipin iyon. Ang mabuti pa ipapasyal na lang kita. Alam kong si Glen ang gusto mong kasama sa ganitong lakad, pero sorry ka nawawala pa rin sa tamang huwisyo ang Glen mo at hindi ka pa rin makita-kita. Kaya.... Ako muna ang kadate mo ngayon. BWAHAHAHAHAHAHA!" Sabay tawa n'ya ng malakas.

D-Date ba kamo?

Hindi na ako nakapagreklamo ng bigla na lamang nya akong hinila palabas ng room. Dala na rin pala nya ang bag naming dalawa, habang nakasukbit sa balikat ang lalagyan ng gitara.

Nakasalubong pa nga namin si Zan sa may pinto. Hindi nito kasama si Glen. Gulat na napatingin ito sa amin at naka-awang ang bibig.

"HOY!!! Saan kayo pupunta?"

"Magtatanan kami ni Erish." Sagot ni Josh sabay tawa. Hinampas ko naman sya sa braso na mas ikina-tawa lang nya.

"Huwag na huwag na kayong babalik ah." Zan said. Isa pa ang lalaking ito. Ginatungan pa talaga ang kaibigan sa kalokohan. Basta kapag gano'n ang gagaling talaga nila, no?!

PSH!

"Babalik din kami. Pero may baby ng kasama."

"Aba! Dapat ninong ako."

"Ihanda mo na ang mga pan-regalo mo. HAHAHAHAHA!"

"GAGO! HAHAHAHAHA! LUMAYAS NA NGA KAYO! SHHOOOO!"

Tumatawang hinila na ako ni Josh paalis. Naalala ko naman si Ella at wala itong kasama kaya bumaling agad ako kay Xan habang di pa kami nakakalayo.

"Zander, nasa clinic si Ella. Paki-bantayan naman oh. Masama kasi pakiramdam 'non eh." Paki-usap ko.

"Aye, aye, Captain!" Zan shouted back. Sumaludo pa ito bago kami tuluyang makalayo sa kanya.

Nagpahila lamang ako kay Josh hanggang sa makalabas na kami ng gate. Mabuti na lamang at break ng guard in duty kaya wala pang nagbabantay. Safe pang tumakas.

"Wala kang kotse?"

"Wala. Hindi ko dinala. Sumabay lang ako kay Zan papasok. Pipatalyer pa ni Kuya Dado kanina eh."

"Paano 'yung klase natin? May pasok pa oh!"

"Wala nang klase."

"Paano mo nasabi?"

"Binigkas ko."

"JOSH!"

"JOKE! Kay Glen, malamang. Kanino pa ba?"

Ay, oo nga pala. Part ng pala si Glen ng Student council kaya syempre alam nya lahat-lahat.

"Eh, saan ba kasi tayo pupunta? Josh, katanghaliang tapat kaya oh! Ang init-init pa."

Ngising malademonyo ang sinagot nya sa akin. Nagtaasang lahat naman ang balahibo ko sa batok dahil parang may binabalak s'yang masama sa akin. Itsura n'ya palang kapag nakangisi, hindi na talaga katiwa-tiwala. Joke!

"Mas paiinitin natin ang tanghali mo, Erish! Sa LANGIT tayo pupunta."

Continua llegint

You'll Also Like

297K 20.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
152K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
Still With You [AU] Per ysa

Literatura romàntica

1.4K 191 17
Yoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022