The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 28

46 5 0
By heyitsmejesika

CHAPTER TWENTY-EIGHT

PUMWESTO na si Josh. Umupo na ito sa bangko at inayos ang pagkakahawak sa gitara.

"Can we hear why you want to join our club, Mr. Villaflor?" Tanong ng isang judge ng Music Club.

"Because I do LOVE to write songs, playing instrument and sing a song?!"

Umangat ang gilid ng aking labi dahil sa pilosopong sagot ni Josh.

"Kahit kailan talaga!" Natatawang wika ni Zander. "Pilosopo ang Mayor n'yo."

Ang hot n'yang tingnan at pakinggan kapag namimilosopo s'ya. Mukha s'yang good boy na medyo bad boy.

Biglang nagkaroon ng background music. Naririnig ko 'yung kantang Good Boy Gone Bad ng TXT.

KYYYAAAHHHHHHHH!

Kamukha n'ya tuloy si Soobin KO! OO! INANGKIN KO NA TALAGA SI SOOBIN!

'Yong tipong ang inosenteng tingnan pero may tinatago ding kapilyuhan.

PERO, TEKA NGA—BAKIT MAY PA GANYAN-GANYAN KA KAY JOSH, ERISH? At anong hot tingnan, aber? Bakit may pa gano'n na agad? HUHUHUHU!

"Oo nga naman. Hmmm..." Natawa ako ng medyo naiilang na magtanong ang judges dahil baka madalawahan na naman ng kapiliosopohan ng lalaking nasa kanilang harapan. "By the way Mr. Villaflor, may we ask... ahhmmm... it's just a random questions for all the participants."

"Go on!"

"Do you have someone in your mind that gave you inspiration when you sing a particular song?"

Hindi naman nagulat si Josh sa tinanong sa kanya pero naging medyo uneasy sya.

"Matagal na akong kumakanta pero wala pa naman. I just love what I'm doing and I don't have someone in my mind while singing. But..."

Naging aktibo ang lahat sa pakikinig, lalo na ang mga kababaihang nasa paligid namin. Maging ang mga judges na girls ng mga clubs ay naging interesado din sa BUT ni Josh.

Kahit ako nga ay sa kanya lang nakatutok ang mga mata. At ang tenga ay hinihintay na ang sunod n'yang isasagot.

"But, I think.... I think this time, meron na."

"KKKYYYAAAAHHHHHH!" Napuno ng hiyawan mula sa mga kababaihang naririto ang loob ng auditorium. Halos magwala na sila sa itaas ng bleachers habang winawagayway ang dalang banner para kay Josh.

Fangirling Alert!!!

Gosh! May banner talaga?

Daebak!

Nanlalaki ang mga mata at napatakip ako ng palad sa bibig. Hindi ako makapaniwala sa narinig. JINJJA?!

"There is someone that keep showing in my mind kahit na hindi ko s'ya isipin. Ilang taon ko na rin s'yang kilala at masasabi kong close na kaming dalawa kaya siguro naiisip ko s'ya, lalo na kapag nakikita ko 'yong mga ngiti n'ya at naririnig ang tawa n'ya. Cringe ba?"

Madaming sumigaw ng 'HINDI' at may ilan pa akong narinig na nag SANA ALL. At karamihan sa kanila ay mga kababaihan. Halo-halong reaksyon mula sa mga madla ang bumalot sa buong lugar.

Sikat na sikat si Tanda ah! Naks!

"SINO SI GIRL?" Isang patanong na sigaw mula sa itaas ng bleachers ang aming narinig.

"Oo nga! Sino si Lucky girl?"

"Aahhhhh! May babaeng nagugustuhan na si Prince Josh. Wala na tayong pag-asa pa."

"Uwian na, may nanalo na!"

"KYYAAHHHHHH!" Nagulat kami at napatingin kay Ella ng biglang na lamang itong magpapadyak sa kinauupuan.

"Aray! Aray! Aray naman Ella! Ang tindi mong mamalo." Reklamo ni Zander dahil may kasama pang hampas sa braso ang kilig ni Ella.

"Curious ako kung sino si girl. HALAAAAA! Inlove na ang koya n'yo!" Parang batang tuwang tuwa na wika ni Ella na patuloy pa rin sa pagpapadyak.

Kahit si Zander ay bigla ding ngumisi na tila ba may kalokohan na namang naiisip ukol sa kaibigan nito.

"Mukhang may tinatago yatang chix sa atin si Pareng Josh ah." Nakangising wika ni Zander.

"Kaya nga curious ako kung sino iyon. May feeling ako na para bang kilala ko ang tinutukoy n'ya. " Nag-aabang sa sagot ni Josh si Ella. Tutok ang tenga nito sa unahan.

Taas-kilay na tiningnan ko si Ella. Tumingin din ito sa akin na may malawak na ngisi sa kanyang labi.

"Ohh?"

"Kilala mo? Sino? May iba ka pang babaeng ka-close kaysa sa akin."

"Wala ah!"

"Eh bakit sabi mo, kilala mo?"

"Feeling ko lang 'yon. Tsaka... malay mo totoo pala 'yong feeling na 'yon, diba?"

Mas tumaas ang kilay ko. Di ko gets pinagsasabi ng babaeng 'to? Gano'n ba talaga ako kalutang?

"Ewan ko sa'yo! I can't get you."

"Lutang ka lang. HAHAHAHAHA!"

Baka nga lutang talaga ako. Naka-ilang hithit ba ako ng mikmik kagabi at nagkakaganito ako?

Napa-iling na lamang ako at hindi na lang pinagkaabalahan ang pinagsasasabi ng kaibigan ko. Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko dahil hindi manlang ito nagreact. Doon ko nakita ang reaksyon ng mukha ni Glen. Nakakunot ang noo habang ang isang kamao ay naka-kuyom na tila galit. Taimtim na nakatitig lamang ito sa kaibigan.

Anyare dito?

Napatingin naman ako kay Josh at natagpuan ko ring nakatingin ito kay Glen. Hindi katulad ni Glen, parang wala lang naman kay Josh ang masamang tingin na ipinupukol nito sa kanya.

Anong meron?

Bakit parang nararamdaman kong may matinding tensyon sa pagitan ng dalawa.

Umiwas na ng tingin si Josh at nakangiting sinagot ang katanungang pinupukol sa kanya. "Saka ko na sasabihin kung sino, kapag nalaman na n'ya na s'ya ang tinutukoy ko," sagot nito.

Ngunit hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o ano. Nakita ko kasing dumaan ang paningin ni Josh sa akin matapos n'yang sabihin ang mga salitang iyon, na tinilian ng mga kababaihang nanonood.

Ipinilig ko ang aking ulo at nang tingnan kong muli si Josh ay sa unahan na ito nakatingin.

What was that?

Ahh, baka high lang ako dahil sa mikmik. Oo, iyon lang iyon.

"So, meaning... nandito si girl?! AAHHHH! WALA NA, MAY NANALO NA MGA BAKLA. UWI NA KAYO!" Natatawang wika ng isang judge.

Marami namang sumigaw at umangal sa rebelasyong iyon. Hindi pa man nila kilala kung sino talaga, pero ang isipang naririto lang sa Eastwood ang babaeng tinutukoy nito, ay isang malaking palaisipan na sa lahat ng taga-hanga n'ya.

Wawi! Uwi na kayo, may nanalo na pala.

At kung sino man ito, masasabi kong maswerte s'ya. Mukhang may nakapukaw na yata sa natutulog na puso ng isang Villaflor ah. Naks!

Aabangan ko kung sino ang nagpatibok sa puso ni Tanda. Hindi na s'ya tanda, nagbibinata na sya. YIIIEEEE! HAHAHAHA!

"So, para kanino ka tutugtog ngayon? Sa kanya ba?"

Ayet~ Mga chismosang froglet! HAHAHAHA! Nagmamarites na naman sila.

"Maybe not, maybe yes."

"Hmmm... So, let's find out!?"

Showbiz si Josh.

Sinimulan na nitong kalabitin ang bawat string ng hawak na gitara sa malamyo at nakakaengganyong tugtugin.

At sa unang bigkas pa lamang n'ya ng kanta ay napa-awang na ang labi ko.

♫︎♫︎♫︎
I used to wanna be
Living like there's only me
But now I spend my time
Thinking 'bout a way to get you off my mind
♫︎♫︎♫︎

(Yeah you!)

"YEAH YOU!" Sumabay din ang mga nanonood sa parteng iyon.

Sobrang lamig ng boses n'ya na maaari kang makatulog dqhil ang lambing lambing pa. Hindi matapang at hindi rin sweet. Ang ganda sa pandinig.

Lalo na at Acoustic Version ng Somebody To You ang kinakanta nya.

Kaya naman pala may dala s'yang gitara noon ay dahil tumutugtog din s'ya 'non. At ang nakakangha ay magaling din pala s'yang kumanta.

No doubt! Kaya naman pala maraming nahuhumaling dito kay Tanda eh. May ipagmamalaki naman talaga kasi.

♫︎♫︎♫︎
I used to be so tough
Never really gave enough
And then you caught my eye
Giving me the feeling of a lightning strike

(Yeah you!)
♫︎♫︎♫︎

"YEAH YOU!" Napapangiti ako kapay sumasabay sa part na iyon ang karamihan. Kahit nga si Ella ay naririnig kong sumasabay din sa kanta.

At sa bawat pagbigkas n'ya ng lyrics ng kanta ay ramdam ko ang bawat damdamin ng awitin. Para bang ramdam na ramdam n'ya ang kanyang inaawit. Nakatingin lang din ito sa daliri n'ya pumipitik sa string ng kanyang gitara. At minsan nakikita ko pa s'yang napapapikit din, dinadamdam ang mensaheng ipinapahayag ng awitin.

♫︎♫︎♫︎
Look at me now, I'm falling
I can't even talk, still stuttering
This ground of mine keeps shaking

Oh oh oh, NOW!
♫︎♫︎♫︎

"NOW!"

Nagsitayuan na ang mga nonood upang sabayan ang kanta na nagbabago na ang ritmo. Kung kanina ay sarili n'yang version ang kanyang ginamit, pero nang dumating sa koro ay ang orihinal na version na ang kanyang inawit. Which is the rock-like version.

Iyong tipong nasa gitna ka ng isang malaking concert at doon ka sa gitna nag ra-rock 'en roll.

♫︎♫︎♫︎
All I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you
All I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you

Everybody's tryna be a billionaire
But every time I look at you I just don't care
'Cause all I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you
♫︎♫︎♫︎

(Yeah you!)

Kahit nga si Zander at Ella na katabi namin ay tumayo na rin at nakikisabay sa wild crowd, while bangging their freakin' heads like a rock star.

♫︎♫︎♫︎
'Cause all I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you

(Yeah you!)
♫︎♫︎♫︎

Nagpalakpakan kaming lahat. Maging ang mga judges ay talagang napahanga nya sa kanyang mala-concert na performance.

Sigurado ako na pasok na s'ya.

"KAMSAHAMNIDA! KAMSAHAMNIDA!" Josh bowed slightly his head on the judges and audiences.

"WOOOHHHOOOOOOOO! ANG GALING MO JOSH!"

"I LOVE YOU NA TALAGA JOSH!"

"SWERTE NI GIRL!"

Nakita ko namang tumawa si Josh sa narinig na sigaw. Pagkatapos ay bumaling ito sa gawi namin na may malawak na ngiti sa labi.

Naglakad na ito papunta sa amin dahil may susunod pa sa kanya na sasabak rin.

"Wala ka pa rin talagang kupas Pareng Josh!" Nakipag fist bomb si Zan sa kaibigan pagkalapit nito.

"Inspired yarn?" Pang-asar ni Ella.

Tumawa naman si Josh ng mahina dahil sa tinuran ni Ella. "Medyo. Distracted pa nga."

"WOOAAHHHHH!" Yan ang reaksyon ng dalawa na may patakip-takip pa ng bibig na tila may malaking rebelasyong sinabi si Josh.

"Buti hindi ka nautal?! HAHAHAHA!"

"Syempre, hindi. Ginalingan ko na lang para kay Bata. Diba bata? Anong masasabi mo sa performance ko?"

Hinampas ko naman ang braso n'ya ng guluhin n'ya ang buhok ko na ilang oras ko ding inayos.

"No comment."

"Sus! Speechless ka lang eh. Galeng ko 'noh?" Kumindat pa ito sa akin.

Napangiti naman ako sa kanya. "OO NA! OO NA! Magaling ka na."

"Napipilitan?"

"Naku kung alam mo lang, Josh. Kulang na lang magpuso ang mga mata ni bespren no'ng kumanta ka na."

Tiningnan ko naman ng masama si Ella na bumubungisngis na.

"Ikaw pala ah!!!" Mapanuksong pahayag ni Josh sabay tusok ng tagiliran ko.

"Shut up!"

Tumawa lang sila sa pagsusungit ko. Mga traydor! Pinagkakaisahan nila ako.

Saglit lang kami nanood sa sunod na performance at lumabas na kami ng auditorium. Wala namang klase kaya okay lang na tumambay muna sa labas ng room. Basta h'wag lang lalabas ng school nang walang pahintulot ng officers.

Nagtungo kaming lima sa cafeteria para magmeryenda. Malapit na palang mag-uwian kaya tinuloy na namin ang aming mga bag sa classroom bago magtungo sa cafeteria.

"May ibubuga ka pala pagdating sa pagkanta, bakit hindi mo ipinapakita?" Takang tanong ko sa kanya.

"Gusto ko kasi sayo ko lang ipapakita."

*/insert huni ng uwak...

"ANOVAHHHHH! Bakit kayo ganyan?" Basag ni Ella sa katahimikan. Hindi kasi ako agad nakareact sa binitiwang banat ni Josh kaya nabalot ang table namin ng katahimikan.

"Naku, Josh ah! Malala na 'yan. Isa pang banat mo baka mahulog na'ko ah."

"Sige lang, mahulog ka lang. Sasaluhin naman kita."

"KYYYAAAHHHHHHH! ANOVAHHHHH! TAMA NA! KENEKELEG NE EKE EH ENEBE!"

Napailing na lang ako kay Ella. Mas malala ang isang ito. Kilig na kilig eh.

Wala namang malisya sa akin iyon, kumbaga sa gano'n kami nag-aasaran at nagbibiruan ni Josh. Sanay na ako sa kanya, kaya hindi na bago sa akin ang mga banat n'ya.

Maliban na lang kung may meaning na iyon sa kanya. Hindi ko talaga kung anong gagawin ko kung gano'n nga ang mangyari dahil kaibigan ko s'ya at kaibigan n'ya din ang gusto ko. Awkward iyon sigurado ako. Kaya for now, biruan lang at kulitan namin iyon ni Tanda.

At mabuti na lang din dahil hinila ni Zan si Glen para umorder ng foods namin. Dahil kung nagkataon na narinig nila ang biruan namin, malamang ay baka kung anona namang green ang isipinni Glen tungkol sa akin.

Baka sabihin pa nito na nilalandi ko ang kaibigan n'ya. Mabait na sa akin si Glen pero hindi natin alam kung ano bang iniisip at tumatakbo sa isip n'ya. At baka bumalik na naman kami sa dati, na ayoko nang mangyari. Okay na sa akin ang kahit papaano ay malapit na kami sa kabila ng mga nangyari.

Ilang saglit pa ay dumating na din ang dalawa na may dalang tray ng foods. Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan pa rin.

"Pero Josh, sino nga ba si girl? Curious na curious na kaya kami. Kasama ka namin pero wala kaming kaalam-alam sa iba mo pang issue sa buhay," pag-uungkat ni Ella.

"Wala namang nakakasalamuha si Pareng Josh na ibang babae, bukod sa inyong dalawa. Maliban na lang kung may tinatago s'ya sa atin." Bulalas ni Zan sabay kagat ng hawak na pizza.

"Oh, wala akong tinatago ah. Tayo-tayo lang magkakasama sa nakalipas na taon hanggang ngayong 4th year. Tsaka hindi naman ako mabilis magkagusto kung nakakasalubong ko lang at hindi nakakasama, kaya wala akong tinatago."

"Kung wala, meaning kami lang ni bespren ang choices."

Napunta ang paningin naming apat kay Josh na nagulantang din sa sinabi ni Ella. Kahit nga si Glen na sobrang tahimik ay tila nakikinig din.

"Si Ella ba? O si ERISH?"

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
256 137 16
May isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan n...
714K 15.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...