The Lovestory That We Never H...

De heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... Mais

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 27

42 4 0
De heyitsmejesika

CHAPTER TWENTY-SEVEN

MAHIRAP magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

'Yong tipong hindi naman n'ya sinasadyang saktan ka, pero masasaktan ka talaga dahil minamahal mo s'ya. Pero ang masakit pa doon hindi naman n'ya sinabing umasa ka sa kanya, dahil in the first place alam mo nang wala talaga pero umasa ka pa rin... kaya ka nasasaktan.

At ang pagmamahal ko para kay Glen ay parang paghawak sa tangkay ng rose ng nakapikit.

Piliin ko man na iwasan 'yong sakit, pero dahil bulag ako sa pagmamahal sa kanya at nakapikit sa katotohanang may mahal pa rin s'yang iba, masusugatan pa rin ako kung mananatili akong nakakapit.

Should I STAY? Or I need to LET GO?

NAPAKA-BILIS lumipas ng panahon. Parang kahapon lang noong nalaman kong may kamukha pala ako at ang masaklap pa 'non ay sya ang taong dahilan kung bakit tila may galit sa akin si Glen.

Pero ang mas masaklap ay ito rin ang babaeng minahal nito ng sobra, na hanggang ngayon ay may parte pa rin sa puso nya.

Hindi ko alam kung bakit ba ang malas-malas ko.

Parang kahapon lang talaga nangyari ang lahat, but no. Months passed so fast na tila hindi namin namamalayan. Lumipas na ang isang taon sa mga buhay namin. Sa sobrang bilis ng oras, ilang buwan na lang malapit na kaming grumaduate ng junior high. At panibagong journey na naman ang aming papasukin.

Sa loob ng ilang buwang dumaan sobrang daming nangyari at madami ring nagbago. Isa lang yata ang hindi na magbabago. At iyon ay ang pagtingin ko kay Glen. Sa lumipas na panahon ay mas lalo pa nga yatang lumalalim, kaya I'm afriad na baka kapag dumating ang araw na kinakatakutan ko ay hindi ko kayanin.

Noong unang beses nga na nagkwento ako kay Ella about sa nalaman ko, mas priceless pa ang reaction n'ya kaysa sa akin. Ilang araw din s'yang hindi maka-get over sa rebelasyong nalaman.

Sinugod pa nga n'ya sina Glen sa room, pagkatapos ng sembreak namin eh. Buti na lang hindi nagkalat si Ella ng kung anu-anong impormasyon sa klase dahil sigurado akong magpri-freak out ang mga kaklasenamin. Pero naiisip ko rin na baka walang maniwala dahil napaka-imposible naman kasi talaga eh.

Kahit nga ako isang buwan ko ding iniwasan ang tatlo, kahit na palagi akong kinukulit ni Josh eh binabalewala ko na lang. Hindi ko kasi matanggap. Pakiramdam ko sa tuwing titingin sa akin si Glen, si Nicka ang naaalala nya.

At naalala ko din that time iyong unang beses na nakilala ko si Josh.

FLASHBACK...

Papauwi na ako sa bahay nang mapdaan ako sa isang caffe. Nanggaling kasi ako sa bahay nina Glen dahil may pinakuha ang mommy ni Glen sa akin na package. Sayang nga ang pagbyahe ko papunta sa subdividion nila, hindi ko din naman pala matye-tyempuhan si Glen doon dahil palagi daw itong kasama ng mga kaibigan.

At dahil nauuhaw na ako, naisipan kong bumili muna ng favorite iced coffee ko.

Papaalis na sana ako ng mapatingin ako sa isang table. May pinagkakaguluhan doon kaya naki-echos na rin ako. Nahawa yata ako ng kachismosahan ni Ella eh.

Then doon ko nakita iyong isa sa mga kaibigan ni Glen na hindi ko kilala ang pangalan. Mukha lang talaga ang kilala ko at nalilimutan ko ang pangalan nila. May hawak s'yang gitara at busy sa cellphone.

At nang umangat ang tingin nito sa akin ay ganoon na lang ang gulat nito na tila nakakita ng multo.

Tumingin ako sa likuran ko baka kasi may kagulat-gulat s'yang nakita roon pero wala naman. Normal lang na nag-uusap usap ang mga costumers ng caffe.

Nanlalaki ang mga mata at naka-awang ang labi na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Napatingin na din sa gawi ko ang mga babaeng nakapalibot dito. Nakataas ang mga kilay na nagtatanong kung bakit nakatingin sa kanila ang gwapong nilalang na iyon.

Aba! Malay ko rin noh? Tsaka, ako ba? AKO BA ANG TINITINGNAN—

"N-Nicka?"

Nagulat ako nang biglang nasa harapan ko na ito. At ano daw? Nicka? Sino si Nicka?

"S-Sinong Nicka?" Takang tanong ko.

"H-Hindi ka si Nicka?" Kunot-noong tanong pa ulit nito.

Natawa ako. "Kulit!" Mahina kong bulong bago bumaling sa kanya. "Kuyang hindi ko kilala kung sino, hindi po ako si Nicka at wala akong kilalang Nicka. Erish ang pangalan ko at hindi Nicka. Siguro pareho kaming maganda kaya napagkamalan mo ako, na s'ya."

"Hmm... Pareho nga kayong maganda pero mas kakaiba ka."

Tulalang napanganga ako sa tinuran n'ya.

'Baliw na nga yata ang isang ito'. Anang isipan ko.

"He. He. He." Feeling ko ay namula ako doon. Nahiya din ako dahil nakatingin lahat ng naka-aligid sa kanyang mga babae na halos patayin na ako sa tingin. "A-Alis na ako." At bago pa makapagsalita ang kaibigan ni Glen ay nagmamadaling lumabas na ako ng caffe.

Jusko! Ano 'yon? Napagkamalan pa akong ibang tao.

'Ayan kasi Erish! Yan ang napapala ng chismosa.'

END OF FLASHBACK~

At kapag naaalala ko iyon, natatawa na lang ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad naalala iyon, gayong napagkamalan ko pang nababaliw na si Josh that time.

Naaalala ko pa 'yong ngiti n'ya noong sinabi n'yang pareho nga kaming maganda pero mas kakaiba ako. Tengene, ang creepy! Mukha s'yang seriel killer. HAHAHAHA! JOKE!

Basta ang mahalaga ngayon ay ang importate. CHOSS!

Basta ang importate ngayon ay hindi na masyadong masungit sa akin si Glen. Yiiieee! Minsan pa nga ay nahuhuli ko itong ngumingiti o tumatawa. At kapag nakita n'yang nahuli ko s'ya, ayon balik ulit sa pagiging poker face na parang walang nangyari. HAHAHAHAHA!

Lumipas ang birthday ng bawat isa, syempre nagcelebrate kami ng magkakasama. Siguro sanay na rin sila na kasama kaming dalawa ni Ella sa bawat lakad nila at sa kahit ano mang okasyong meron ay naririyan kami.

Aba! Dapat lang noh! Gold kaya kami, DUH!

Holidays, Christmas Day, New Year, Valentines Day—sa mga nagdaang holidays celebration na iyan magkakasama kaming lima. Kung hindi family get together, kami-kami lang ang mag a-outing. Kaya masaya pa rin ako dahil may mga pagkakataon na ibinibigay sa akin na makasama at mapalapit pa kay Glen.

At ngayon na 4th year na kami, malapit ng grumaduate, sisiguraduhin ko na lalambot din ang puso sa akin ni Glen.

AJA ERISH!

Kapag mahal mo ang isang tao, kahit hindi s'ya ang gusto ng mundo para sayo, ipaglalaban at lahat gagawin mo makuha lang ang taong makapagpapasaya sayo.

At iyon ang gagawin ko.

Kapit lang Glen, makukuha din kita. *evil laugh* BWAHAHAHAHA! Charot~

NANDITO kami ngayon sa auditorium dahil may audition para sa mga may talents sa pagkanta, sayaw at pagtugtog ng instruments. Nagsisimula na kasing maghanap ang Music Club, Dance Club at Theater Club ng members. Sa gym naman ay meron din, iyong mga gustong sumali sa Sports Club at Cheer Squad.

Gusto ko sanang sumali sa Writer Club or Poetry/Story Writing Club, kaso tinatamad pa ako. Two weeks pa naman bago matapos ang recruiting kaya may oras pa. Si Ella nagpasa na ng application para sa Student Secretary kaya hindi na n'ya kailangang sumali pa sa mga Club. Palibhasa tinulungan s'ya ni Zander para makakuha ng application doon. Madaya!

Student Secretary ay sila iyong substitute ng mga teachers kapag busy ang mga ito o may pinuntahan. Wala namang mahirap na gagawin dahil ibibigay lang nila ang task na iniwan ng subject teacher sa bawat sections, then after that they will collect all the papers, tapos.... tapos na.

Ang daya, diba?

At isa lang ang ibig sabihin kung bakit may pa Student Secretay ang Eastwood... meaning tamad ang mga teachers na magturo kaya ang Student secretary na nila ang gagawa niyon para sa kanila.

HAHAHAHAHAHA! JOKE LANG! Kapag may mga important meetings lang naman iyon at hindi araw-araw. Nagbibiro lamang ako. Baka mayari ako ng Principal kapag may nagsumbong. HAHAHA!

So, back to the topic na tayo. Dami kong patalastas eh.

"Dali, bespren! Doon tayo sa unahan para kita natin ng maayos."

"Oo na nga!"

Hila-hila ako ni Ella papunta sa unahang bahagi, kung saan may mga bleachers na pwedeng upuan ng manonood. Malapit ang pwesto na iyon sa gitna kung saan naroroon ang judge ng bawat clubs at mga contestant na mago-audition.

Malapit ng mapuno ang buong auditorium dahil sa mga manonood ng gaganaping auditon.

"ELLA! ERISH! DITO!"

Pareho kaming napatingin ni Ella sa lalaking tumawag sa amin. Si Zander iyon at kasama nito si Glen. Naka-upo ang dalawa sa monoblock na malapit sa mga judges.

"Anong ginagawa ng dalawang iyan dito?" Tanong ni Ella.

"Ewan! Tara, lapitan na natin."

Naglakad kami papunta sa pwesto nila. Napatingin ako sa paligid at karamihan sa manonood ay mga babae na kulang na lang ay ipangalandakan kina Glen ang sarili. May mga kinikilig pa ng todo habang pasimpleng kumukuha ng pictures ng dalawa.

Kaya naman pala.

Kaya naman pala dinagsa ang auditon na ito dahil sa kanila.

"May nireserve kaming upuan para sa inyo," wika ni Zan sabay turo sa dalawang monoblock sa tabi nila.

Naunang umupo si Ella kaya magkatabi sila ni Zan. At ang natitira na lang na upuan ay iyong nasa gilid ni Glen, kaya no choice. Wala akong nagawa kundi ang umupo doon.

Gusto ko naman eh, pakipot lang. HAHAHA!

Napatingin naman sa akin ang katabi ko. Ngumiti lang ako sa kanya, bago tumingin na sa gitna ng auditorium. Pero hindi ko maitatanggi na kinakabahan talaga ako kapag nand'yan sya.

Mygosh! I hyper fuck!ng ventilating!

Mabuti na lamang at may aircon dito kaya hindi ako pinagpapawisan sa kaba. Iba talaga ang tama sa akin ng mokong na ito.

Nagsalita na ang MC kaya nagsimula na ang audition for Music Club. Limang contestants muna ang unang sumabak sa harap ng mga judges.

Actually, magagaling sila pero wala akong bet. Ewan ko, pero hindi ko ramdam iyong lyrics ng kanta sa kanila. Kumbaga, kumakanta lang sila pero walang emotion. Dapat kapag kumakanta ka, ramdam mo din mismo iyong emosyon ng awitin.

Naks!! Parang may alam ako sa pagkanta ah. Pero dahil music lover ako, may alam din naman ako kahit papaano.

Sunod na sumabak ay ang second batch.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang lalaking naglalakad nagyon papunta sa gitna. May dala itong isang monoblock at sa kabilang kamay naman ay ang kanyang gitra.

"GO, JOSH! GO, JOSH!"

"GO FAFA JOSH! MAHAL KA NAMIN!"

"DEDICATE A SONG FOR ME PLEASE! KYYYAAAAHHHHH!"

"EXCITED TO HEAR YOU VOICE PRINCE JOSH!!!! I LOVE YOU!"

Napuno ng hiyawan at pagchi-cheer ang buong auditorium dahil kay Josh.

Yes, tama kayo ng basa. Si Josh nga iyon at wala ng iba. Isa din pala ito sa mago-audition kaya pala naririto ang dalawa.

Ang supportive naman.

At mas lalong hindi ko alam na kumakanta at tumutugtog din pala ang isang Josh Ezekiel Villaflor. Akala ko kasi ay puro banat lang s'ya, 'yon pala may talento din pala itong tinatago sa katawan.

Continue lendo

Você também vai gostar

153K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
299K 21K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
256 137 16
May isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan n...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...