The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 23

45 4 0
By heyitsmejesika

CHAPTER TWENTY-THREE

MALAPIT ng mag-time nang makarating kami sa school. Papasok pa lamang ng gate ay marami nang napapatingin sa gawi namin. Sino ba namang hindi mapapatingin eh hakot-atensyon lang naman ang kotse ni Josh.

Papasok lang sa school engrandeng kotse pa ang dala. Mayaman nga naman.

Mayaman din naman kami pero hindi ko pa naranasang magsuot o magdala ng gamit na worth of million. Ano kayang feeling?

Pinalaki ako nina Mom at Dad na hindi sunod sa luho kaya napaka-simple kong tingnan. Hindi rin naman kasi maganda sa isang babae ang spoiled brat like other girls out there na kulang na lamang ay perang gawa sa damit ang suotin.

Mas gusto ko pa rin ang simple pero bongga. HUH!

Pinarada na ni Josh ang sasakyan sa parking lot. Nakarinig naman ako ng mga bulong-bulungan galing sa mga estudyanteng nakakita sa pagdating namin.

"Iba talaga kapag mayaman ka, kaya mong bilhin kahit gaano pa kamahal na gamit na gugustuhin mo."

"Idol ko na talaga si Villaflor."

"That's one of the most expensive car in the world. Aabutin ng milyon ang halaga ng kotseng iyon."

"Sana all!"

"Gusto ko ring magkaroon ng gano'n. O di kaya ay isakay na lamang ako ni Josh sa kotse nya, solve na ang araw ko."

"Look girls! May kasama si Josh."

Bumaba si Josh ng sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang unahan ako nito sa pagbukas.

"Ako na."

"Thanks!"

Bumaba na ako ng sasakyan tsaka kami sabag na naglakad ni Josh papasok. Napatingin naman ang mga estudyanteng nagkalat sa field at hallway ng makita kaming magkasama.

Oh, baka maissue naman kami. Nagmagandang loob lang iyong isa pero in the end issue pa rin. Mga utak talaga ng mga sugpo, oh.

"Oh my gosh! Bakit magkasama si Josh at Margaux?"

"Akala ko ba ay si Glen ang gusto nya? Eh bakit kasama sya ni Josh?"

See?! Issue na naman sila. Bawal ba kaming magkasama ni Josh? May batas ba na nagsasabing hindi pwedeng magkasama ang isang Josh Villaflor at Margaux Santanilla?

"Mukhang may something ang dalawa. Baka secret on sila? Tapos balak na nilang ngayon ipaalam sa lahat ang relasyon nila."

"Wow! Two timer naman pala. Pinagsasabay ang magkaibigan."

"Hindi sila bagay."

"Hindi naman type ni Josh si Margaux eh. Kaya baka yaya lang ni Josh si Margaux."

"HAHAHAHAHA!"

"Atleast magandang yaya ako. Eh kayo? Mga inggit!" Inis na bulong ko habang lihim na umiirap sa mga babaeng nagbubulungan. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula sa tabi ko.

"Tawa-tawa ka pa d'yan. Naiissue na nga tayo."

"Hayaan mo silang mag-isip ng kung anu-ano. Basta para sayo, alam mo ang totoo."

Hmm... may point sya. Hindi ko naman hawak ang mga makikitid na utak ng mga hipon sa paligid kaya, sige lang. Magchismis lang sila, wala me pake. Mas pinapasikat lang nila ang maganda kong pangalan.

"Oh my gosh girls! Ang landi pala ni Margaux eh."

"Sinabi mo pa! Nilalandi nya si Josh tapos gusto nya si Glen? Wow! What a bitch!"

Ngunit hindi ko gusto ang mga salitang iyon. Buong buhay ko ay wala pa akong nilandi. Hindi katulad ng iba d'yan na harap-harapang lumalandi, hindi na nahiya.

At kahit kailan ay wala pang tumawag sa akin na malandi at bitch!

Biglang nag-init ang ulo ko. Kumuyom ang palad ko at mukhang naalarma naman si Josh kaya hinawakan nya ako sa braso. Pero mas dumagdag lamang iyon sa mga mapanghusgang bunganga ng mga chismosa.

Akmang susugudin ko na sana ang mga marites na mukhang paa ngunit nahila ako ni Josh. May pag-aalala sa mga mata nito ng tingnan ko sya.

"Bitiwan mo ako Josh! Makakatikim ng tig-dadalawang sapak ang mga mukhang paang iyan."

"Iyon na nga eh. Mas lalo kitang hindi bibitawan dahil baka ma-guidance ka pa. Ako na ang bahala sa mga iyan, okay? Dito ka lang."

Hindi ko na sya pinigilan pa dahil ayoko namang madetention na naman, dahil lang pinatulan ko ang mga walang kwentang chismosang iyan.

Nakangiting lumapit si Josh sa tatlong babaeng nagsalita ng masama laban sa'kin. Nagpapa-cute pa ang mga ito na mukha namang mga engot.

"Girls alam nyo... mabait akong tao, pero kapag nakakarinig ako ng masama at hindi maganda lalo na sa kaibigan ko o kakilala ko, nagiging badboy ako." Nakangiti pa ring pahayag nito. "Hindi si Erish ang lumapit sa akin, ako ang lumapit sa kanya. Nakita ko s'yang naglalakad mag-isa kaya sinabay ko na, tutal ay papasok din naman ako. At kung ano man ang iniisip nyo tungkol sa kanya, tigilan nyo na. Hindi sya gano'ng klase ng babae. Kaya please lang ayokong pumatol ng mga babaeng makikitid ang utak."

Mahinahon pa rin ito habang nagsasalita. May bakas man ng galit at inis, mas nanaig pa rin ang pagiging kalmado nya.

Napahiya naman ang tatlong babaeng nagmamadaling tumakbo paalis. May babae namang lumapit kay Josh na mukhang kaklase ng tatalong babae kanina.

"Sorry Josh! Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawang hindi maganda ng mga kaklase ko."

"Hindi ka dapat sa'kin humihingi ng sorry. Hindi ako ang pinariringnan ng masama."

Lumapit ang babae sa akin habang nakayuko.

"S-Sorry Margaux! As president of our class, I'm not tolerating bad actions of my classmates, kaya... humihingi ako ng pasensya."

"O-Okay lang iyon, ano ka ba. Tsaka h'wag kang magsorry sa akin, hindi ikaw ang may kasalanan. Isa pa okay na iyon, basta sana wala nang mangyaring ganito sa susunod."

"S-Salamat."

Ngumiti naman ako dito bago nagpaalam na aalis na.

"Tanda, tara na! Late na tayo." pagtawag ko kay Josh. Lumapit naman ito sa akin na hindi nagreklamo sa sinabi ko. Tsaka kami sabay na nagtungo sa klase. "Salamat pala," nahihiyang wika ko.

Nagulat naman ako ng bigla nitong guluhin ang buhok ko.

"Ikaw pa ba? Malakas ka sa'kin eh."

Inis na pinalo ko naman ang kamay nya palayo. "Ewan ko sayo!"

Dumating na ang teacher namin kaya pumasokna rin kami sa loob ng classroom. Ngiting ngiti akong pumasok sa loob pero nang mapadaan ang mga mata ko sa pwesto ni Glen na nakataas-kilay habang nakahalukipkip ay biglang napalitaan iyong ng nguso. And because of what he did a while ago, I frown then rolled my eyes on him.

First time ko s'yang irapan. Nakakainis kasi sya.

Pagkatapos ay pabalang na naupo na ako sa new seat ko which is sa front row ng klase. Nakipagpalit nga ako kay Bianca, diba? Dahil sa inis ko rin sa kanya noon.

I focus my attention in the lesson that our teacher's discussing so that my mind coudn't recall what happened. Baka kasi mainis na naman ako at masira lamang ang araw ko ngayon.

Tutal ay maaasahan ko naman si Josh na isabay ako papasok at pauwi sa loob ng isang linggo, hindi ko na lang aabalahin pa si Glen. Ipagpapatuloy ko na lamang ulit ang pag-iwas sa kanya na nasimulan ko na. Kung hindi lang nangyari ito edi sana hindi kami magkakasama sa iisang bubong at magkakasalubong ano mang oras.

PAGKATAPOS ng mahaba-habang araw na puno ng pasakit ni research at essays ay makakapagpahinga na ulit ako ng ilang oras, bago muling sumabak ng isang matinding bakbakan with my homeworks.

Katatapos ko lamang kumain ng banana pancake na gawa ni Yaya Marlyn nang dumating si Glen galing sa kabilang subdivision. Maybe kina Josh or Zan, I don't know kung saan dahil wala naman akong pake kung saan man sya magpunta.

Galit ako! Naiinis ako! Umiiwas ako, period!

"Hey!" Tawag nito pero nagkunwari akong di narinig. Tumayo na ako para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko na nagha-hum pa ng kanta.

"Erish!" Tawag pa ulit nito and this time ay medyo malakas na ang kanyang boses.

Bahala ka d'yan! Wala akong naririnig....

"MARGAUX ERISH SANTANILLA!"

NYAHH...NYAHHH... NYAHHH... Wala akong naririnig.... Wala! Wala! Wala!!!

"Wifey!"

Bleh... Wala akong naririnig... Wal—Teka, ano daw? W-Wifey???

May ngiting lumingon ako dito. He crossed his arms bago umirap. Kung maka-irap naman, daig pa ang babaeng nagtataray.

Pasalamat sya, mahal ko sya ah. Kung hindi kanina ko pa dinukot eyeballs nya tapos pinakain ko kay Griffin. Sino si Griffin? Aso ng kapit-bahay nila. HAHAHA!

"Paki-ulit nga ng sinabi mo?"

"As expected... Iyon lang pala ang makapagpapalingon sayo. Pch!"

"Paki-ulit na nga kasi."

"Asa ka!"

"Edi bahala ka d'yan—"

"Ikuha mo nga ako ng pancake."

"Aba't—"

"Lagyan mo na rin ng butter at magdala ka ng juice. Dalhin mo sa library dahil magbabasa ako. ASAP!"

Tsaka ito naglakad papunta sa itaas.

"HUH!!! Ang kapal ng mukhang utusan ako? Ano sya, Senyorito? Hindi nya ako katulong dito kaya bahala sya sa buhay nya."

Padabog na nagtungo ako sa kusina para hugasan ang pinagkainan ko. Nagpupunas ako ng kamay nang maalala ko kung anong sinabi nya kanina.

"Wifey? AAAHHHHHHH! OH MY GOSH! OH MY GOSH! I hyper fuck!ng ventilating! KKYYYAAAHHHH!"

Ngunit agad din akong napatigil nang biglang maalala na dapat nga pala ay iniiwasan ko sya. Pero...

TANG IN A CAN! ANG RUPOK KO! HUHUHUHUHU!

"Social distancing is a must! Isipin mong isa s'yang nakahahawakng virus na kailangang iwasan. Tama self, tama! Tama iyon nga dapat."

Umakyat ako sa taas para katukin si Yaya. Sinabi ko dito na gusto ng alaga nya na dalhan sya ng pancake with butter and glass of juice sa library dahil nagbabasa ito doon. Nang masabi ko ang nais ni Senyorito Glen ay nagtungo na ako sa kwarto para gumawa ng mga homeworks.

Nagsuot ako ng earphone at nag-play ng korean song. Shinuffle ko na lang ang playlist para hindi na ako magpalipat-lipat. Nilagay ko na rin sa full volume ang sound para mas maganda sa pakiramdam.

So calming....

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ako sa aking tambak na gawain. Nag-inat ako ng katawan bago tumayo na suot pa rin ang aking airphone na nasa full volume. Kaya hindi ko naririnig na may nagwawasak na pala ng pintuan ng kwarto.

Papunta na sana ako sa banyo para mag hilamos nang biglang marahas na bumukas ang pinto.

"OH MY GOSH! A-ANO BA GLEN? May balak ka bang sirain ang buong kwarto?"

Pero imbes na sumagot ito ay galit na inilang-hakbang nya lamang ang pagitan namin. Ano na naman ba ang ginawa ko?

"Nagpapahinga na si Yaya Marlyn pero inistorbo mo pa rin? I told you na ikaw ang magdala ng pinag-uutos ko diba? Pero inasa mo pa sa iba." Sigaw nito.

"Eh bakit ba galit na galit ka? Hindi pa naman natutulog si Yaya. Tsaka hindi mo ako alalay para utos-utusan mo lang hanga't gusto mo? May sarili kang kamay diba? Bakit hindi ikaw ang gumawa kung magagalit ka ng ganyan?!" Malakas na sigaw ko pabalik. Kung iyon ang ikinagagalit nya edi sorry.

Eh bakit kailangan halos sirain pa ang pinto para lang sigawan ako?

Mukhang nahimasmasan naman ito dahil biglang nagbago ang expression ng mukha. Ang kaninang galit ay tila naging isang maamong tuta.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. At sa sobrang lapit nya tila natameme ang dila ko at hindi na nakapagsalita.

Unti-unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko na para bang hahalikan na ako nito. OH MY GOSH! Eto na ba 'yun? Eto na ba ang pinakahihintay kong first kiss ko kay Glen?

"G-Glen—"

Napasinghap ako nang bigla na lamang nyang hablutin ang hawak kong cellphone. Naiwan naman sa kamay ko ang aking airphone. Napaawang ang aking labi dahil sa pagkabigla. Takang tumingin ako sa kanya.

"Hindi ka pwedeng gumamit ng cellphone. Magtiis ka!"

Then he immediately storm out the door, leaving me dumbfounded with my mouth open.

Halik na, naging bato pa. Sayang!

But when I realize what he did, I immediately run out my door to went on his room. Pinagpupukpok ko ang pintuan ng kanyang kwarto na kasing tigas ng kanyang ulo... ulo sa taas, hindi sa ibaba.

"GLEN BUKSAN MO'TO! AKIN NA 'YANG CELLPHONE KO."

Malakas na sigaw ko at halos masira na din ang seradura ng pinto ngunit wala talaga. Pilit kong buksan ngunit naka-lock na iyon.

Ang galing! Napaka-galing!

"GLEN IBALIK MO ANG PHONE KO, HAYOP KA!"

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 2.1K 58
Title: Alice πŸ’  10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mab...
1.4M 56.5K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.4K 191 17
Yoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022
20.5K 403 10
As the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He cou...