The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 22

48 4 3
By heyitsmejesika

CHAPTER TWENTY-TWO

TINATAK KO sa aking isipan na kailangan kong umiwas sa tukso—este kay Glen pala. Kailangan kong iwasan si Glen sa loob ng isa o dalawang linggo, dahil baka hindi ako makapagpigil at marape ko pa sya. CHAROT!!!!

Pero paano ko gagawin iyon kung magkasama kaming dalawa sa iisang bubong?

Wala naman sigurong mahirap kung gugustuhin mo, diba?

AJA, ERISH! PAYTING!

Kalalabas ko lamang ng dining area nang makita kong pababa na si Glen. Nakasukbit ang bag nito sa kabilang balikat habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.

Simpleng uniform na puting long sleeve with a black necktie, black coat na hindi naka-butones, itim na pantalon at sapatos lang ang suot nito, the usual outfit ng isang estudyante, pero bakit ang lakas agad ng dating nya? Naka-brush up ng maayos ang buhok na mas nagpadagdag sa kagwapuhan nito.

Uniform pa lamang iyon, paano kung formal attire na? Paniguradong maka-laglag panga ito sa taglay na kagwapuhan.

Mukha s'yang malinis at goodboy, pero hindi pa rin maiaalis ang pagiging masungit nito lalo na at kay aga-aga naka-kunot na naman ang noo.

Nakangiting lumapit ako dito.

Tsaka na ako iiwas kapag may masasakyan na ako papasok at pauwi galing school. Sa ngayon, manlalambing muna ako sa kanya para libre sakay. BWAHAHAHA!

"What?" Masungit nitong tanong nang makababa ng hagdan.

I smile at him with all my heart. Iyong ngiting sigurado akong hindi nya matatanggihan.

"Pwede bang sumabay?"

"Sabay lang? Hindi ka sasakay ng sasakyan?"

"Syempre, sasakay ng sasakyan."

"Sakay lang—"

"Hindi mo ako pasasakayin o ikaw ang sasakyan ko, ano?!"

"Asa ka!"

Tsaka ito tuloy-tuloy na naglakad palabas ng bahay. Ni hindi manlang ako nilingon, kahit sagutin man lang kung payag ba sya o hindi. Basta mabilis na nawala na lang ito sa paningin ko na parang isang bula.

"Aba't—HOY!!! HINTAYIN MO'KO!" Malakas ko pang sigaw dito. "Yaya Marlyn papasok na po kami." Muli kong sigaw.

"Oh sya, sige! Mag-iingat kayong dalawa." Rinig kong sagot ni Yaya mula sa kusina.

Pagkatapos ay tumakbo na ako palabas ng bahay para maabutan ko pa ang nagsusungit na si Glen. Saktong pagdating ko sa may malaking gate ay papasok na ito ng sasakyan.

"HOY, GLEN! PASAKAY AKO! WALA AKONG MASASAKYAN PAPASOK."

Pero parang wala itong narinig at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob tsaka pinaandar na ang sasakyan.

Hindi pa man nagbubukas ang gate ay tinakbo ko na ang pagitan namin. Ngunit...

"Hoy! Buksan mo ang pinto, ano ba?! Pasabay naman ako oh. Paglalakarin mo ba ako mula dito hanggang sa Eastwood High?" Pinagpupukpok ko ang bintana ng kanyang kotse pero waepek.

Tamad na tumingin ito sa akin habang nakahawak sa manibela.

"Why not? Isa pa, anong silbi ng commute, diba?"

"Paano kung may masamang mangyari sa'kin habang nasa byahe? Paano kung holdaper pala ang masakyan kong taxi? Paano kung—"

"H'wag kang nega! Maglakad ka na lang kung ayaw mong magcommute. Anong silbi ng mga paa mo, diba?"

"P-Pero—"

"Bye! See you!" Kumaway kaway pa ito sa akin habang may ngisi sa labi.

"GLENNN! HOYYYYY!"

Hindi ko na ito nahabol dahil pinaharurot na ng walanghiya ang sasakyan paalis.

"AAARRRGGGHHHHH! BWESIT!" Nagpapadyak ako na akala mo ay may magagawa pa iyon sa nangyari.

AAARRGGHHH! ANG WALANGHIYA TALAGA NG BWESIT NA IYON. MAKIKITA N'YA, NAKAKAINIS SYA!

"So ano self? Lakad ka ngayon?"

Inis na inayos ko ang pagkakasukbit ng aking bag tsaka padabog na naglakad paalis.

Sinipa ko ang isang batong nasumpungan ko sa aking paglalakad, ngunit sa kasamaang palad ay napalakas ang sipa ko doon kaya tumama ang bato sa isang sasakyan. Umingay ang natamaang kotse, kaya dali-dali akong tumakbo papalayo dahil sa takot na baka mayari ako ng may-ari.

My goodness!

Wala naman siguro akong nasira doon sa sasakyan, diba? Sana naman wala.

Baka makasuhan pa ako ng Malicious Mischief or intentional damaging of a personal property kahit na hindi ko naman ginustong mangyari iyon. Sinadya ko ang pagsipa sa bato pero hindi ko sinasadya kung saan tatama iyon. Syempre sasabihin nila na sinadya iyon kahit hindi naman.

Pwe!

Kasalanan talaga ito nang bwesit na Glen na iyon. Nakakainis s'ya!

"Good morning Kuya guard! Agang softdrinks n'yan."

"Agandang umaga din sayo iha. Meryenda ko na 'to. Mukhang iniwan ka yata ni Sir Glen ah. Kadadaan nya lang kani-kanina."

"Sinabi mo pa Kuya. Ang walanghiyang iyon napaka-ungentleman talaga. Oh, pa'no Kuya guard, una na po ako."

"Ingat iha!"

Kumaway na ako kay Kuya guard. Kakilala na ako ng mga guard na nagbabantay sa bukan ng subdivision dahil malimit ako dito noon. Last year lang ako hindi masyadong napapagawi dito dahil nga nagagalit sa akin si Glen.

Papalabas na ako sa gate ng subdivision nang makaramdam na naman ako ng inis. At dahil doon ay napagdiskitahan ko ang halamang nadaanan ko, malapit sa may guardhouse.

Hinampas ko iyon gamit ang palad ko, pero hindi ko alam na may tinik pala ang halamang iyon kaya ang ending...

"Ouch!"

Natinik ako sa kamay.

Hindi gaanong mahapdi, pero nagdudugo. Diniin ko ang daliring nasugatan upang palabasin ang dugo niyon. Pagkatapos ay kumuha ako ng alcohol at bandaid sa aking pouch. Mabuti na lamang at girlscout ako.

Sana naman ay may bumabang anghel sa langit para swertehin ako. Puro kamalasan natatamo ko ngayong araw ah.

"Kamalas-malasan nga naman—AY PALAKANG HUBAD!"

Napaiktad ako nang may bumusina mula sa loob ng gate. Napatingin ako doon hawak-hawak ang dibdib kong sobrang bilis ng tibok.

Ay balak yatang patayin ako sa gulat ng taong nagdadrive ng kotseng nasa loob ah.

Automatic na bumukas ang gate. Sumaludo pa si kuyang guard sa taong nasa loob ng kotse, bago nito simulang paandarin ang sasakyan palabas.

Napataas ang kilay ko. Hindi ko masyadong mamukhaan ang taong nagdadrive ng kotse kahit na bukas naman ang bubong niyon, dahil nakasalamin ito na ani mo'y silaw na silaw sa sikat ng araw kahit malilom naman.

"Mukhang galante yata ang nakasakay sa sasakyan iyon ah," mahinang bulalas ko na may maliit na ngisi sa labi.

Isang bkack Mercedes-Maybach Exelero lang naman ang kotseng pagmamay-ari nito. Nanginginang pa sa sobrang gara ang sasakyan. And that car is one of the most expensive car in the world, it's worth of 8.0 million dollar.

Tumatagingting na 8.0 million fuck!ng dollar for goodness sake.

Pwede nang gawing sugar daddy. HAHAHA!

Gumilid ang sasakyan patungo sa aking gawi na ikina-taas ng kilay ko.

Mukhang nabihag pa yata sa beauty ko ang lalaking ito kaya ako lalapitan ah. Baka o-offer-an na ako na maging sugar daddy sya. Aba! Hindi ko tatang... gi... han...

Unti-unti ko nang nakikita ang mukha ng lalaking nagdadrive ng kotse.

"Hey!" nakangiting tawag nito sa'kin.

Napaawang ang labi ko ng makilala kung sino ang lalaking nakasakay sa mamahaling kotse with matching sunglass pa sa umaga.

"J-JOSH??" Gulat na bigkas ko. "A-Anong ginagawa mo d'yan? Tsaka... WOW!"

I'm super duper speechless!!!!

Wala akong masabi.

Mayaman naman talaga ang pamilyang Villaflor. Pangalawang pamilyang pinaka-mayaman at kinikilalang angkan dito sa buong Villa Carmen. Ang mga De Chavez ang nangunguna sa listahan.

Sa loob ng dalawang taon na nakakasalamuha ko sya lalo na at kaibigan sya ng taong gusto ko, hindi maiaalis sa akin na malaman din ang family background ng kanilang pamilya. Isa din ang parents niya sa mga business partners nina Mom bukod sa parents ni Glen. Kaya naman magkakakilala na talaga kami.

Small word, diba?

Kaya nga hindi nakapagtataka na kayang bumili ni Josh ng mamahaling gamit na gustuhin nito, lalo na at nag-iisang bunsong lalaking anak nina Tita Mavi at Tito John. Puro babae kasi ang dalawa nitong nakatatandang kapatid kaya binibaby ng kanyang mga ate.

Mula sa itsura hanggang sa pananamit at mga kayang gawin ay talagang tumatawag ng pansin dahil sa karangyaan.

Pero worth of million dollars na kotse? Seriously? Pambili ko na ng sariling bahay ang gano'n kalaking pera. Tapos sya? Pinambili lang ng sasakyan?

Sya na! Sya na talaga!

"Yung bibig paki-tikom, baka pasukan ng langaw." Tumatawang bulalas nito saka tinanggal ang itim na sunglass. Naks! Gwapo ni Tanda ah! "Hop in!"

Nang marinig ko ang dalawang salitang iyon ay lumiwanag ang makulimlim kong mundo. Nagkaroon din ako ng pag-asang makararating agad sa school na hindi namumuhunan ng pawis sa paglalakad.

"Nagdilang anghel ka Tandang Josh!" Hay, may swerte pa rin palang darating sa akin ngayong araw.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kabila na may malawak na ngiti sa labi, para makasakay na ako. Ngunit...

Naka-lock ang pinto.

"Akala ko ba isasabay mo'ko? Eh bakit nakalock? Hindi ko mabuksan. Balak mo bang palakdangin ako papasok?"

Itinukod nito ang braso sa manibela saka sinandal doon ang ulo bago tumingin sa'kin.

"Ano nga ulit tinawag mo sa'kin kanina?"

Ano nga ulit tinawag ko sa kanya? T-Tanda—Tandang Josh?!

Nayari na!

"Ahh... ehh... HEHEHEHE! Nabingi ka lang siguro kanina. Poging Josh talaga ang tinawag ko sayo. Kaya naman buksan mo na ang pinto dahil malelate na tayo, POGING JOSH."

Inemphasize ko talaga ang salitang POGING JOSH para damang dama nya. Pero ang mokong, hindi naniniwala sa palusot ko. Mygash!

"Sigurado ka?"

Nagmamakaawang tumingin ako sa kanya. "Joke lang naman 'yun eh. Sige na, poging Josh!"

"Haist! Oo na! Oo na! Tigilan mo na 'yang nagmamakaawa mong tingin... dahil baka hindi ako nakapagpigil maiuwi na kita sa amin."

Hindi ko na naman narinig ang huli n'yang sinabi. Hanggang sa word na tingin lamang ang naintindihan ko.

"Hah? Ano ulit?" Pag-uulit ko.

"Wala! Sabi ko sumakay ka na at baka mahuli pa tayo."

Sya mismo ang nagbukas ng pinto para sa'kin. Naks! Ang gentleman naman pala, hindi katulad ng kaibigan nya. At naalala ko na naman ang ginawang kawalanghiyaan ng gague. GGGRRRHHH! Nakakainis!

"Seatbelt."

Naglagay naman ako ng seatbelt. "Thanks!"

"Let's go?!"

Tumango naman ako. Sinimulan na n'yang paandarin paalis ang sasakyan.

"Josh? Sayo talaga ang kotse na'to?" Hindi pa din ako makaget-over.

"Bakit? Imposible ba?" Nakangiting tanong nito pabalik.

"Hindi naman. Namangha lang ako kasi ang ganda talaga. Tsaka gague ang mahal-mahal pa."

He chuckled. Looks like he's amazed with my reaction. "Alam mo bang ikaw pa lamang ang nakasakay dito?"

Napatingin ako sa kanya. "Talaga?"

"Yup!"

"So, yuyukod na ba ako sayo, kamahalan?"

"Kiss mo na lang ako."

"Sira!" Natawa naman sya. Ang gague talaga!

"Diba sa kabilang subdivision ang sa inyo? Bakit nanggaling ka sa loob?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong. Curious eh!

"I recieved a text from Glen. Wala ka daw kasabay pumasok kaya sunduin na lang daw kita."

May konting konsensya pa rin pala ang lalaking iyon. Tch! Bakit hindi na lang nya ako pinasakay, eh alam naman pala n'yang wala akong kasama papasok?! Inistorbo pa ang kaibigan. Psh!

"Sakto namang paalis na ako kanina kaya naisipan kong kotse na lang ang dalhin papasok kaysa bigbike. Alala kong naka-skirt ka nga pala. Gustuhin ko mang maranasang mayakap ng isang Erish ay hindi pupwede dahil ayoko namang masilipan ka sa byahe."

Hindi ko mapigilang ngumiti sa sinabi nya. Pinakatitigan ko syang mabuti habang tutok ang paningin nya sa unahan.

Mukhang maloko pero sweet!

Maraming babae ang mahuhulog sa kanya lalo na at matamis s'yang magsalita. Sa unang tingin ay akala mo playboy pero kapag nakilala mo na ng lubusan, malalaman mong kabaliktaran.

Ang alam ko ay wala pa itong nagugustuhang babae. Fling at puro past time lang ang alam nito, but in a nice way. Kumbaga friendly way iyon para sa kanya. At kung aasa man ang babae dahil sa pinapakita nitong motibo ay uunahan na nya agad iyon bago pa tuluyang maghulog sa kanya. Kaya nga wala pa syang napapaiyak na babae, dahil una pa lang ay alam na agad ng mga ito na he's just being a friendly and he's not flirting.

Because he has two sisters and he knows the consequences.

Ang paghahanap ng babaeng seseryosohin nya ay parang paghihintay ng ulan sa tag-init. MALABONG MANGYARI!

Pero sure ako na kapag nainlove ang lalaking ito, seryoso at walang halong biro't kasinungalingan. I can feel it! Ang kailangan na lang gawin ay hintaying dumating ang babaeng magpapatibok ng puso nito.

"Oh, teka muna. Baka naman matunaw na ako n'yan kakatitig mo ah."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi.

"Hala sya!! Ngiting ngiti ka d'yan. H'wag mong sabihin na nainlove ka na sa akin. Naku Erish ah! Delikado 'yan."

Natawa ako sa pagbibiro nya. Siraulo talaga!

"Bilisan mo na nga lang ang pagdadrive. Dami mo lamang ebas!"

"Yes, Baby! I'll drive faster... harder... deeper... Ay nadulas!" Tsaka ito tumawa ng pagkalakas-lakas.

Susmaryosep!

Nakakaiyak! HUHUHUHU! Kapag kasama mo talaga ang mokong na ito, mababaliw ka. Mababaliw ka sa kalokohang taglay nya. Pati yata utak ko balak n'yang lalong dudumihan eh.

Pero...

Pero hindi malabong magkagusto nga ako sa kanya, lalo na at hindi sya mahirap mahalin. Magaan s'yang kasama at hindi ka malulungkot kapag nandyan sya.

Kaso hindi na maari pa, dahil nakalaan na ang puso ko sa kaibigan nya.

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 403 10
As the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He cou...
153K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...