The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 21

51 3 5
By heyitsmejesika

CHAPTER TWENTY-ONE

I'M STANDING right here in the middle of De Chavez Mansion's living room. Dala-dala ang maleta ko na naglalaman ng mga damit kong pang dalawang lingguhan na.

I'm right! Not left, not front and back but right. CHAROT!!!

Hindi nga ako nagkamali. Hindi lang basta coincidence ang lahat. Dahil heto na nga ang ebidensya, diba?

Nandito ako sa mansion nina Glen, at dito ako titira sa loob ng ilang linggo hanggang sa hindi pa dumadating sina Mommy. Pagdating sa bahay ay may iniwan si Mommy na letter na nagsasabing nakapagkasunduan na nila ni Tita Hanna—which is Glen's Mom na dito muna ako pansamantala.

Kasama din kasi nina Mom at Dad ang parents ni Glen papunta sa London. Magka-sosyo kasi ang parents namin sa wine factory na naka-base sa London. At dahil matalik na magkakaibigan ay parang pamilya na rin ang turingan sa isa't isa.

I know naman na SOON magiging pamilya na talaga ang families namin lalo na kapag kinasal na kami ni Glen. Eme~ Hindi masamang managinip ng gising ah.

Parang anak na rin kasi ang turing nina Tita at Tito sa akin, at gano'n din sina Mom at Dad kay Glen.

At ewan ko ba kung pinaglalaruan kami ng tadhana, o talagang gusto n'yang mapalapit ako kay Glen? Eto naman talaga ang gusto ko diba? Ang makasama at mapalapit sa kanya.

Pero bakit hindi ako masaya?

Because natatakot ako na baka... baka kasi habang nahuhulog ako at hindi na makaahon ng tuluyan, pinapaasa ko na naman pala ang sarili ko na ikadudurog ko lang din naman.

"Margaux, iha! Mabuti naman at naririto ka na. Naku, namiss kitang bata ka."

Napangiti ako nang makitang sumasalubong si Yaya Marlyn sa akin. Dala-dala na naman nito ang sandok nya. Mahilig kasi talaga ito magluto at talagang napakasarap ng mga lutong pagkain nya. At iyon ang nagustuhan ko kay Yaya, bukod sa mabait at maalaga pa sya.

"Yaya Marlyn!!! Namiss ko din po kayo!"

Mahigpit na niyakap ko ito.

"Bakit hindi ka manlang dumadalaw dito? Namiss ka na ng mga lutong bahay ko eh."

"Naku, miss ko na rin po masasarap n'yong mga luto Yaya."

"Mabuti na lamang at hindi ako nagleave. Aalis pala sina Madam kasama ng parents mo. Nasabi na din nila sa akin na dito ka nga muna pansamantala. Nag-aalala ang mga magulang nyo ni Glen na baka daw walang tumingin sa inyo habang wala sila, kaya ako na ang nagpresenta."

"Ang bait talaga ni Yaya. Kaya dabes ka eh!"

"Bolera ka talagang bata ka. Oh, halika na sa kusina. Nakapaghain na ako para makakain na kayo ni Glen. Malapit nang maghapunan eh."

"S-Si Glen po?"

"Nasa kwarto pa. Pagdating ay dumiretso agad doon at inaantok pa daw sya. Mukhang hindi yata nakatulog ng maayos kagabi. Naku! Ang batang iyon talaga, mukhang uminom na naman kaya hindi agad nakatulog."

Kung ang iba ay alak ang ginagawang pampatulog, si Glen ay kabaliktaran. Kapag nakainom sya kahit isang baso o konti lang, hindi agad ito nakakatulog ng maayos. Kaya nga minsan kapag may project o paperworks na kailangang tapusin agad titikim ito ng isang basong beer para hindi agad antukin.

Kakaiba, diba?

Syempre, nag-iisa lang sya sa mundo eh. Naks!

"Ako na lang po ang tatawag sa kanya."

"Mabuti pa. Alam mo naman kung saan ang kwarto ng batang iyon, diba?"

"Oo naman po!" Kabisadong kabisado ko po kaya yaya.

Pero hindi pa nga lang ako nakakapasok doon dahil pinagbabawalan n'ya. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Siguro ayaw nya lang talaga. Baka kasi makalat sya or something. O baka may tinatago sa loob na ayaw nitong makita ng iba?

Ah, ewan!

Pero kapag may chance na makita ko ang loob ng kwarto nya, papasukin ko talaga kahit magalit pa sya. Curious ako eh!

"Dalhin mo na rin ang gamit mo sa magiging kwarto mo. Katabi lang iyon ng kwarto ni Glen kaya hindi ka mahihirapang hanapin."

"Sige po, Yaya!"

"Bumaba na rin kayong dalawa pagkatapos, para makakain na kayo at makapag-pahinga."

"Opo!"

Umakyat na ako sa second floor ng mansion, dala-dala ang maliit kong maleta. Mabilis ko namang nahanap ang sinasabi ni Yaya Marlyn na magiging kwarto ko dahil katabi nga lang iyon ng kwarto ni Glen.

Ipinasok ko na sa loob ng kwarto ang maleta ko bago bumaling sa harap ng kwarto ni Glen.

Kumatok ako sa pinto pero walang nagbubukas.

"Glen? Nand'yan ka ba sa loob? Glen? Kakain na daw sabi ni Yaya Marlyn. Lumabas ka na d'yan."

Tatlong beses ulit akong kumatok, but still no response from him.

Hindi kaya ay tulog na tulog ang isang iyon? O baka may headphone sa tenga kaya hindi makarinig?

Kumatok ulit ako ng ilang beses pero wala talaga. Kaya pinihit kona pabukas ang pinto and thankfully dahil hindi iyon nak-lock. Dinungaw ko ang aking ulo sa naka-awang na pinto.

"GLEN??? YOHOOO!!!! Naririyan ka ba sa loob?"

Nanatiling nakadungaw ako dahil natatakot akong pumasok. Baka bigla na lang kasi akong makita ni Glen at magalit na naman sa akin.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto pero wala akong maaninag. Madilim kasi at tangin ang nakabukas na bintana lamang ang nagbibigay ng mahinang ilaw sa may kama.

"GLEN??? Glen kakain na daw sabi ni Yaya. Pinapababa kana—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang bumukas ang ilaw na nagpasilaw sa mga mata ko. Pinuyupos ko iyon upang makapag-adjust sa biglaang liwanag, ngunit agad din akong napatakip ng mata dahil sa itsura ni Glen na bumungad sa akin.

Jusko po~ Susmaryosep! Virgin pa ako pero ang mga mata ko, hindi na!!!!

Pero dahil pinanganak ako naughty at pasawag, bahagyang pinaawang ko ng kaonti ang dalawa kong daliri para makita ng maayos ang grasya sa aking harapan.

Nakatapis lang naman po si Glen ng tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Walang pang-itaas at nagpupunas pa ng basang  buhok.

Hindi rin nakawala sa malikot kong mga mata ang butil ng tubig na tumulo mula sa kanyang basang buhok, pababa sa kanyang sexy at yummy na katawan.

Yum~ yum~ yummy~

Ulalam~ May six packs pandesal ang Hubby ko!

"Eyes up here, woman! Alam kong nakasilip ka kahit may tabon ang mga mata mo."

Namula ang magkabila kong pisnge sa narinig. At dahil sa kahihiyan ay mabilis akong tumalikod sa kanya ng akmang tatanggalin na nito ang tuwalya sa kanyang lower body.

Shutakels!

Sayang ang grasya!

"What are you doing here? And who gave you the permission to enter my room without my consent?" Baritono at maawtoridad na tanong nya.

Nayari na!

"Ahmm... A-Ano kasi eh... Kakain na daw sabi ni Yaya Marlyn kaya pinatawag ka na nya sa akin."

"Is that so?"

"O-Oo, iyon nga."

"Hmm... Akala ko gusto mo akong panoorin sa pagligo eh."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"ANG KAPAL NG MUK—" Mabilis na lumingon ako sa kanya na pinagsisihan ko din kalaunan. Agad ding tumalikod ako ulit dahil sa pangalawang kahihiyang natamo sa pangalawang pagkakataon.

Jusko self! Nakakarami ka na. At nakakarami ka na rin ng kasalanan. Bawas points ka na talaga sa langit n'yan.

Nakasuot lang naman po ng boxer shorts si Glen, na wala pa ring suot na pang-itaas. At ang makasalanan kong mga mata ay nakita ng hindi sinasadya ang umbok sa lower part ng katawan nito.

Shete talaga!

Another grasya, dagdag kasalanan sa mata. Isama mo na rin sa  kulang berde kong utak, hindi na blue.

"Enjoying the view, hah!" May panunuksong bigkas nito.

"A-ASA KA!! Bumaba ka na lang. Bwesit!"

Nagmamadaling tumakbo ako paalis sa harapan ng kwarto nya dahil hindi ko na matake ang pag-iinit ng pisnge ko. At kung magtatagal pa ako doon baka sugudin ko na sya sa loob at hindi na palabasin.

Magiging sinner na talaga ako.

Pagdating sa ibaba ay napatigil ako saglit para paypayan ang sarili.

"Tengene!!! Kaya ko kayang tumagal dito ng isang linggo na hindi naaakit ng lalaking iyon? Jusko!"

Social distancing is a must!

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 2.1K 58
Title: Alice πŸ’  10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mab...
104K 9.6K 64
May mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako...
256 137 16
May isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan n...
153K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...