The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 12

61 5 25
By heyitsmejesika

CHAPTER TWELVE

"HINDI MO naman kailangang sarilinin yan."

Napatingin ako sa likuran nang may biglang magsalita mula roon.

"J-Josh?!"

"Wala tayong magagawa kung unfair ang mga tao sa paligid natin. Pero it doesn't mean na kailangang sarilinin na lang natin ang problema."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Namamasyal? Malamang sinundan kita."

"Hindi ka na dapat sumunod pa. Baka kung ano na naman ang sabihin 'nong kaibigan mo tungkol sa akin."

"Yun lang ba talaga?"

"What do you mean?"

"Wala, wala! Gusto kong sumunod eh, anong magagawa mo? Isa pa ayaw ko 'don, masyadong maingay. Then nakita kitang umalis kaya umalis na rin ako. Uuwi ka na ba?"

I looked up in the sky. Maraming bituin ngayon at malinis din ang kalangitan, pero wala si Luna. Walang maliwanag na buwan.

"Tatayo ka na lang ba d'yan?"

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Kina Ella ako matutulog eh. Nagpaalam na ako kina Dad at Mom."

"So, hihintayin mo pa si Ella? Baka papakin ka ng lamok dito."

"Parang ganoon na nga. Ayaw ko ng bumalik sa loob, nawalan na'ko ng gana."

"Hmmm..." Nag-isip sya ng matagal bago muling magsalita. "What if mag night trip na lang muna tayo. Maaga pa naman, mag-aalas nuebe lang. Ano? G ka?"

"Night trip? Anong trip mo?"

"Trip kita—este trip kong mamasyal ng gabi. May alam akong magandang lugar dito na siguradong makakatanggal ng bigat sa loob mo."

"Sure ka?"

Tumango ito. "Sure na sure! Ano? G ka? Babalik ako sa loob para ipagpaalam ka kay Ella at kay Mico. Ano?"

"May sasakyan ka?"

"Ako pa ba? Meron syempre."

"Hmm... Sigurado kang maganda doon ah. Kapag hindi ko talaga nagustuhan, ihuhulog kita sa bangin."

"Trust me, baby!"

"Siraulo! Sige na!"

Ngumiti naman ito bago bumalik sa loob. Ilang minuto pa ay bumalik na rin ito at may dala pang jacket.

"Bakit meron ka na nyan?"

"Alam kong maganda ka kapag nakaayos pero, sa klase ng suot mong 'yan? Sigurado akong lalamigin ka doon, kaya humiram ako ng jacket kay Mico. Naipagpaalam na rin kita sa bestfriend mo."

Natouch naman ako 'don. Minsan pala ay may pagka-gentledog—este gentleman din pala ang isang ito. "Ohhh, ano sabi?"

"Ingatan daw kita. At ipinagkatiwala ka na nya sa'kin mula ngayon."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"JOKE LANG! Tumatalim agad yang tingin mo sa'kin eh. Sabi nya, ingatan kita at iuwi ng walang sobra at walang kulang sa inyo. Niyari na rin ako ni Mico kaya talagang iingatan kita."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Tara na?"

"Let's go!"

Akmang lalabas na sana ako ng gate nang pigilan nya akong bigla.

"Suotin mo muna ito. Masyado kang sexy sa paningin ko. Baka makalimutan ko ang banta ni Mico sa akin."

"Pervert ka!" Hinampas ko sya sa braso sabay hablot ng jacket mula sa kanya.

"Pervert agad? Tara na nga baka maihambalos pa kita sa bermuda grass eh."

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. "Ang pikon naman pala. Tara na nga! Asan ba sasakyan mo?"

Itinuro naman nya ang itim na Ferarri na nasa may bandang kaliwa ng parking lot. May pinindot sya kaya tumunog iyon at bumukas ang ilaw. "Naks! Yayamanin ah. May lisensya ka naman ba?"

"Wala ka talagang tiwala sa'kin no? Gagamitin ko ba ito at aayain ba kita kung wala akong lisensya?"

"Kalma, puso mo."

"Nasa iyo na."

"Ha?" Saglit akong nalutang. Ano daw?

"Ha? Ha? Hakdog! Sabi ko pumasok ka na lang nang makaalis na tayo. Dami mong ebas na babae ka."

"Aba! May angal ka?"

"Sabi ko nga wala. Eto na..." Pumunta sya sa unahan saka binuksan ang pinto. Pinaningkitan ko naman sya ng mga mata bago pumasok sa loob. Sumunod naman syang pumasok at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

"Seatbelt, Baby! Para lagi tayong ligtas."

"Baby mo mukha mo." singhal ko saka kinabit ang seatbelt.

Sumimangot naman ito bago paandarin ang sasakyan paalis.

"Malapit lang ba ang pupuntahan natin?" tanong ko.

"Bakit? Gusto mong umidlip?"

"Hindi. Nagtatanong lang ako."

"Malayo-layo din. Pero hindi ka naman aantukin dahil maganda ang view sa daraanan natin."

"Bakit? Saan ba tayo pupunta?"

"Byaheng langit 'to. Hindi mo ba alam?"

Nanlaki ang mga mata ko kaya nabatukan ko sya.

"ARAYYYY! ARAYYYY! TEKA—NAGDADRIVE AKO ERISH! BAKA MABANGGA TAYO. MAMAYA MO NA AKO PAHIRAPAN. OUCHH!"

"Tapalan ko kaya ng tape yang bibig mo nang nananahimik, no?"

Himas-himas nito ang kanang balikat na napuruhan ng palo mula sa aking mahiwagang kamay.

"Ang sadista mo talaga. Basta! Makikita mo rin maya-maya lang."

Umayos na ako ng upo at sumilip sa bintana. "Buksan mo nga ang bintana." Utos ko na agad naman nitong sinunod.

Inilabas ko ang aking ulo para makalanghap ng malamig na hangin mula sa labas. "WAAAAHHHHHH! Ang presko!"

Ilang minuto pa ang itinakbo ng sasakyan. Napansin kong mga matataas na puno na ang makikita sa dinaraanan namin at wala na ang mga malalaking kabahayan.

Meaning nakalabad na kami ng mismong subdivision na hindi ko manlang namalayan?

Wala na dinh masyadong mga sasakyan sa gawing ito dahil wala naman na kami sa mismong city. Lumiko ang sasakyan sa isang intersection na medyo pataas. Paliko-liko ang daang ito pataas ng isang burol.

Lumingon ako kay Josh na seryoso lang na nagdadrive. "Burol? As in papunta tayo ngayon sa isang burol?"

"Anong masama?"

"Seriously? Sa burol mo lang pala ako dadalhin edi sana nagpasama na lang ako sayo sa Star City. Mas mag-eenjoy pa ako sa mga rides kaysa dito. Baka mas lalo tayong papakin ng lamok dito eh."

"Wala ka bang tiwala sa'kin? Kapag sinabi kong magugustuhan mo sa pupuntahan natin, trust me with it. Malapit na tayo. Tingnan mo sa ibaba."

Tumingin naman akong muli sa labas ng bintana at gano'n na lang ang pagkagulat ko sa nakikita.

"ANG GANDA!!" Manghang bulalas ko.

Hindi makapaniwalang may ganito palang lugar dito sa Villa Carmen. Akala ko puro malls, parks at mga nagkalat na kotse sa lansangan lamang ang makikita ng mga mata ko sa paligid.

"Told you!"

Nahihiyang ngumiti naman ako.

"Oo na! Ikaw na talaga! Sorry kanina."

"Its okay Erish! Nandito na tayo, baba ka na."

Pinarada nya ang kotse sa lugar na hindi matarik. Sabay naman kaming bumaba at naglakad papunta sa railings na humaharang sa mataas at matarik na bangin.

Sumisimoy ang lamig at sariwang hangin. Hindi ako gaanong giniginaw dahil sa suot na jacket. And thanks to Josh for this.

Tahimik lamang kaming nakatanaw sa maliwanag at sari-saring ilaw mula sa mga bahay, street lights at kotseng patuloy pa ring nagkalat sa bawat kalsada ng buong Villa Carmen.

Ang Villa Carmen ay isa sa pinakamalaking bayan dito Gitnang Norte. Kilala ang lugar na ito dahil sa malakas na turismo at iba't ibang kompanya na nakatatag sa lugar na ito. Nagkalat din ang matataas na gusali sa paligid at mga sasakyan na halos araw-araw yata ay hindi nababawasan.

Ang Villa Carmen ay isa sa mga pasyalan ng mga taga ibang lugar lalo na kung Summer. Marami kasi ditong pasyalan lalo na ang mga beach resorts na dinadayo ng mga turista. Hindi lang iyon, isa din ang Villa Carmen sa tatlong bayan dito sa bansa na maraming shops exclusive for those elites na gusto ng mga brand new and original brand ng iba't ibang kagamitan sa katawan, at isa na doon ang mga damit, jewerly and etc.

Kung hindi ko namention, isa din ang Santanilla G.C sa mga kompanyang pinipilahan ng karamihan pagdating sa luxury cars and motors. Hindi naman kasi basta-basta lang ang mga sasakyang binibenta ng S.G.C. Matibay at magaganda ang kalidad ng mga sasakyan dito kaya sukit ang bayad mo.

"Kaya mo pa ba?"

Basag ni Josh sa matagal na katahimikang bumalot sa amin.

I sighed.

"I-I d-don't know? Hindi ko alam. Siguro oo, siguro hindi. Siguro?!"

"Bakit hindi ka maglabas ng sama ng loob mo ngayon? Malayo tayo sa lahat. Walang ibang makakarinig sa'yo kundi ako lang."

"Sigurado ka? Baka maingayan ka sa'kin?"

"Kaya nga sinama kita dito para gumaan naman ang loob mo. Kaya sige na, isigaw mo lahat ng bigat na nararamdaman mo."

At iyon nga talaga ang gusto kong gawin. Gusto kong pakawalan lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Humarap ako sa magandang tanawin sa aming harapan saka ako sumigaw ng malakas.

"I HATE YOU GLEN! I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE YOU 'COZ I LOVE YOU!"

Naramdaman kong unti-unti nang nagsisibagsakan ang mga luha sa aking mata.

"Ang daya mo! Ang daya-daya mo. Nandito naman ako, pero bakit iba pa ang nilalapitan mo? Bakit kaibigan ko pa? Bakit ikaw pa? BAKIT IKAW PA? BAKIT HINDI NA LANG IBA?"

Mas lumalakas ang hagulhol ko, habang patuloy na sumasabay ang pagtulo ng aking mga luha na hindi ko na mapigilan.

Nahinto ang pag-iyak ko nang may kamay na bigla na lamang humila sa aking braso na nagpasubsob sa'kin sa katawan nito. Ang banayad na paghaplos ni Josh mula sa aking ulo pababa sa aking likod ay mas lalong nagpa-iyak sa'kin.

"Iiyak mo lang."

Pinulupot ko ang dalawa kong braso payakap sa kanyang bewan saka mas lalo akong sumubsob sa kanyang dibdib. Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko habang sya naman ay hinahagod ang buhok ko pababa.

Para akong bata.

Ilang oras pa ang lumipas at nang maramdaman kong kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko, kumalas na ako mula sa pagkakayakap kay Josh. Pinahid ko ang luhang kumalat sa aking mukha, baka nga meron din akong sipon dahil sa pag-iyak ko. Nakakahiya! Para akong uhuging bata na pinapatahan ng kuya nya.

"Okay na?" Tumango-tango naman ako. He smiled at me pagkatapos ay inayos nya ang buhok kong dumikit sa aking pisnge dahil sa luha.

"Alam kong nasasaktan ka, alam kong mahirap pero nakakaya mong mahalin pa rin ang isang taong wala namang pake sa nararamdaman mo."

Nakatingala lang ako sa kanya. "Gano'n nga talaga siguro. Kapag mahal mo, okay lang sayo kahit nasasaktan ka na. Kahit magpakatanga ka na, kinakaya mo pa rin dahil umaasa ka na baka... Baka isang araw mahalin ka din nya. Baka isang araw iyong nararamdaman mo ay masuklian din. Baka lang naman. Wala eh, gano'n talaga, kasi mahal mo yung tao."

Tumingin sya sa tanawing nasa harapan namin habang nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

"Alam mo, hanga nga ako sayo. Dahil ilang taon ka ng may gusto kay Glen at kahit ipagtabuyan ka man nya palayo, tuloy ka pa rin. Minsan ka na lang makatagpo ng babaeng ganyan, na kahit nasasaktan na lumalaban pa rin dahil mahal nya 'yung tao."

Humarap ulit sya sa akin habang ako naman ay hindi inalis ang tingin sa kanya kanina pa.

"Pero habang buhay ka na lang bang ganito? Aasa ka na baka magustuhan ka rin nya kahit na walang kasiguraduhan? Maghihintay na baka balang araw matupad din 'yong hinihiling mo? Paano naman ikaw? Paano naman ang puso mo?"

Ngumiti ako bago sumagot.

"As long as you love that person, waiting is never been boring."

Lumapit ako sa kanya. "Someday, maiintindihan mo din ako. Dahil darating yung araw ikaw, ikaw mismo, makakaramdam mo din ang nararamdaman ko." Sabi ko pa habang inayos ang polo nyang nagusot ko kanina. Pinagpagan ko na rin ito dahil nakakahiya naman kung basa ang suot nya dahil sa luha ko.

Pagkatapos ay lumayo din ako.

He chuckled. "Parang hindi naman. Ako kasi 'yong tipo ng lalaking kapag nagkagusto sa isang babae, gusto lang talaga. Hindi na aabot pa sa love dahil alam ko namang its complicated. Sayo pa nga lang, parang makikita ko nang hindi ako aabot sa nararanasan mo. Kung gusto din ako, edi salamat. At kung hindi naman, better luck next time."

I shrugged my shoulder. "Hindi natin masasabi kung ganoon nga. Pero kung sakaling may magustuhan kang babaeng hindi kayang suklian ang nararamdaman mo, isa lang masasabi ko."

"Ano?"

"Quits na tayo. HAHAHAHAHA!"

Hindi naman sya nagsalita o sumagot. Nakatingin lang sya sa akin na para bang ngayon lang nya ako nakitang tumawa ng malakas.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?"

"Diba sabi ko sayo, mas bagay sayong tumatawa o nakangiti?"

"Oh, tapos?"

"Wala, share ko lang! HAHAHAHA!"

Natawa naman ako sa kalokohan nya. "Ang waley ng joke mo."

"Hindi 'yon joke." Tumigil sya sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso.

"Kapag ba sinabi kong h'wag mo ng gustuhin si Glen, gagawin mo?"

"Bakit naman?"

"Dahil he's not worth it of your tears and love. Gague sya dahil sinasaktan ka nya. He don't deserve your love, Erish."

"Diba kaibigan mo si Glen?"

"Kahit na! I'm not tolerating his actions to hurt a girl lalo na at wala ka namang ginagawang masama, minahal mo lang sya."

"Naiintindihan kita, naiintindihan ko at naaappreciate ko ang concern mo. Pero...."

Umiwas ako ng tingin.

"We never know if he's really worth it, unless we try. Right?"

"Kung 'yan ang ikasasaya mo, bakit naman kita pipigilan, diba? Basta lagi mo lang tatandaan na hindi na lang si Ella ang pwede mong sandalan at pagsabihan ng problema mo. Nandito na kami ni Pareng Zan para sayo. Tatlo na kaming kaibigan mo. Hinding hindi ka mag-iisa, Erish!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.5K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
169K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
256 137 16
May isang babae na nakakakita ng mga multo, tinulungan niya ang mga ito para mabigyan sila ng katarungan. Halos sila na rin ang mga naging kaibigan n...
29.3M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...