Souls in November (Holiday Se...

By shwrmaa

1.3M 29.7K 5.3K

HOLIDAY SERIES #1 Ashira Lavelle Cabrera was a grade 12 student, she was an achiever, a top of the honor roll... More

Disclaimer
SIMULA
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
EPILOGUE
Note

03

31.9K 847 146
By shwrmaa

"Bakit? Bad mood ka ata ah?"

Pagkakagat ko pa lang ng barbecue ko ay hindi na napigilan ni Sydney na magtanong. She was sitting infront of me, licking the ice cream she bought. Hindi ko pa din talaga nakakalimutan ang ginawa ng lalaking 'yon! So, that's why he can easily pass through the gates sometimes because he's friends with them!

Mula ngayon, doon na ako magpapaassign para kapag may hindi ito sinunod, hindi ko na ito papasukin pa. It's not right that he can just do what he wants to do just because he has a lot of connections.

"Nakakainis kasi 'yong Drazen na 'yon! Walang ID pero pinapapasok ng mga kabatch niya!" I said, annoyed.

"Huh! di ba hindi pwede 'yon?" tanong niya pabalik.

I nodded. "Yeah. Pero anak nga siya ng Mayor. Kaya ayon, he can do everything he wants."

Pinaikot-ikot ko ang barbecue ko sa cup na may suka, bahagyang pinaglalaruan ng tapik-tapikin ni Syd ang kamay ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita siyang nginuso ang likuran ko.

"Speaking of the devil." mariin niyang saad.

Kumunot ang noo ko at unti-unting tinignan ang likuran ko. Drazen was busy looking for a table, while holding a food in his hand. Kasama nito ang barkada niya. I couldn't even count on them but what I know is that they are twelve in all.

Napaiwas ako ng tingin ng mahagip niya akong nakatitig sa kaniya. Shucks! I hope he won't come here! Pero ano naman kung pumunta siya!? But... kasama niya ang barkada niya! Hindi ba doon sila sa kabilang canteen nagmemeryenda!?

"Aela, they are coming." bulong ni Syd sa akin.

"Then let's go!" pagsasabi ko sa kaniya na ikinailing niya. "Ano!? Tara na!"

"No! Hayaan mo siya. Wala ka namang kasalanan sa kaniya." sabi niya at humalukipkip pa habang nakatingin sa likuran ko.

"But kasama niya ang barkada niya!" I whispered hardly.

"They're almost here." imbes na sagutin ako ay 'yon ang sinabi niya.

Huminga ako ng malalim at kumuha nga buwelo. I can still be intimidating though. Huwag na huwag niya lang talaga akong gambalahin dahil baka mabuhusan ko siya ng iniinom kong nestea.

Sydney was even eyeing at them like they did something worse. She's just the straightforward person. Hindi ko alam kong mahihiya ba ako sa pinaggagawa niya o hindi! Gusto ko na lang umalis!

"Ashira, can we sit here?" Tanong ng kinaiinisan ko sa gilid ko.

"Nakikita mo bang kasya tayong lahat dito ha?" si Sydney ang sumagot.

Narinig ko ang halakhak ng ibang kasama niya. It was just a 6 seat table, tapos nasa dose sila. How can we even fit? Tsaka as if naman papayag akong makasama ang lalaking ito.

"I'm not talking to you." he said irritated to my friend. "Ashira, pwede ba kaming umupo?"

"Hindi pwede." I said.

Mas lalong tumawa ang mga kasama niya at napailing-iling. The other eleven went to the table that is now vacant. Pero siya ay tumunganga lang at nasa gilid ko pa din. I don't even know what he is still doing in here. Nakaalis na nga ang ibang mga kasama niya!

"Anong tinatayo-tayo mo diyan?" I lift up my head to look at him.

"Wala na akong chair. Dito na ako." At kahit wala pa akong sinasabi ay naupo na ito sa tabi ko.

"Talaga namang ang kapal ng mukha mo ah!" Singhal sa kaniya ni Sydney.

"Yes. I know that." he said cooly and started to eat with his rice and adobo.

"Hoy! Umalis ka nga dito! College ka na nga, nandito ka pa sa hall!" Sydney couldn't stop her mouth.

Drazen raised his brow. "The other canteen is not available today. Sinabihan kami mismo ng canteen manager na dito kami kumain."

"Talaga lang--"

"Syd, alis na tayo," I cut her off. "Malapit na din mag-time."

"Pasalamat ka talaga at aalis na kami! Kung hindi baka masermonan pa kita riyan!" Sydney shouted at him before walking away.

Kinuha ko pa muna ang mga kalat namin. Pati na din ang tumbler niyang naiwan. She looked so frustrated at him. Tumigil si Drazen sa pagkain at pinagmasdan akong iniipon ang mga kalat.

"Let's meet after class." he said.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit na naman?"

"Talk about some details. May ibibigay ako sa'yong mga ibang ppt's." aniya. "I know you're having a hard time doing the last activity I sent you."

Nahirapan nga ako doon. Hindi ko pa din natatapos dahil hindi ko maintindihan. Kung tutuosin naman kasi hindi pa ako ready sa mga ganoong lessons. He's first year college while I am just a grade 12 student.

"Saan tayo magkikita?" I asked.

His lips arose a bit stopping his self from smirking. "7-eleven, anong oras matatapos class mo?"

"Mga 5 pm." tipid kong sagot.

"Okay, we'll meet there. Bye!"

Umalis na akong hindi siya tanatapunan ng tingin. Hinihintay pala ako ni Sydney sa may labas ng hall. Tinanong ako kung anong pinag-usapan namin kaya sinabi ko rin. She didn't like that idea, ganon din naman ako pero para matapos ko na 'yon ay kukunin ko na lang ang ppt.

We returned separately to our rooms. Hanggang sa mga 5 na ng hapon. Natagalan pa ako kaonti dahil sa pag-oovertime ng teacher namin. Kaya naman dali-dali kong inayos ang gamit ko. I am late! I know that! Lalo na at ayaw niyang nalalate ako!

"Ash, sama ka sa amin? Kain tayo sa may tusok-tusok!" imbita sa akin ng kaklase ko na alam kong hindi ko mapapaunlakan,

"Sorry. Next time na lang? May hinahabol kasi ako eh." sabi ko habang inaayos na ang books ko.

Bumilog ang bibig ng kaklase ko at tumango-tango. "Oh! No problem! Next time na lang!"

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Binuhat ko na ang mga bag ko. It was four bags in all. Hindi din ako susunduin ngayon ni mama dahil magkikita na lang kami sa may palengke dahil doon kami sumasakay ng tricyle pauwi.

May sasakyan nga kami pero hindi naman alam ni mama na magdrive kaya no choice din at nagcocommute na lang kami. Maybe , I could try taking a summer driving lesson soon. Para naman magamit ang sasakyan namin. Baka masira pa 'yon dahil nasa garahe na lang palagi.

My mom would always pick me up dahil mabibigat ang mga dala ko. She would stay in the grade school department and wait for me there. Madami nga din akong kaklaseng sinusundo dahil mabibigat talaga ang dala namin lalo na at malayo pa naman ang bahay namin.

"I'm sorry! Matagal ka na ba dito?" Hinihingal akong naupo sa may harapan niya.

Hindi pa niya yata ako napansin dahil nakaharap ito sa may wall. I placed my backpack on the chair resting against the translucent wall, my book bag on the chair too, and my lunch bag on the table. Nagulat pa ata ito dahil sa rami ng bitbit ko. Well, when he was in his early years, alam kong wala siyang bitbit kahit ni isa. Bulakbol kasi ang peg.

Luckily, I had a ponytail wrapped around my wrist I tied my hair in a low bun after sitting on the chair. I even snatched his notebook from his hand and used it to fan the sweat dripping from my forehead.

"Nasaan na 'yung ibibigay mo?" I asked, still fanning myself.

He remained silent. He fixed his gaze on my neck and looked me over with an intense gaze.

"Kuya!" I snapped my fingers on his face.

He blinked. "Don't call me Kuya."

"Ha!?" Kumunot ang noo ko.

"I said, don't call me Kuya. Hindi mo naman ako tinatawag na ganiyang tuwing naiinis ka o nagagalit ka sa akin."

"You don't deserve my respect sometimes kasi." inirapan ko ito.

"Alright then!" He leaned onto the table. "Starting from now, don't respect me."

He smiled evilly. Nanindig ang balahibo ko dahil sa kakaibang nguti niya. He don't deserve my respect though! Kung iisipin ko na naman 'yung ginawa niya kaninang umaga! Hindi pa talaga ako tapos sa kaniya!

"Hindi naman talaga kita nirerespeto." Well, a bit as I said! I respect him a bit! "Tinatawag lang kitang Kuya kasi alangan namang Drazen ang sabihin ko? Gayun mas matanda ka naman kaysa sa akin."

"I'm not that really old! It's just a two year gap!" giit niya.

"Still, you are my Kuya. Dapat nga ikaw ang role model sa atin pero parang malabo 'yon." saad ko.

"I know." pang-aamin niya. "Just don't call me Kuya."

"Ayoko nga." mabilis kong sabi at binuklat ang notebook na hawak ko.

I flip many pages only to see a blank pages. He doesn't take notes? Or? Hanggang college naroon pa din pala ang ugali niyang walang pakialam sa bagay-bagay. Paano na lang kung mag-mamayor ito? He will literally won't lead people well.

He nodded. "Okay, I will call you babe then."

"What!?" napabaling agad ako sa kaniya. "Anong connect naman noon!?"

"Kung may itatawag ka sa akin. Dapat meron din ako sa iyo! Maganda kaya 'yon! Babe!" He even laughed!

"No! Hindi pwede!" dinuro ko siya gamit ang notebook.

"Don't call me Kuya first." pakikipag-negotiate niya.

Ano bang trip niya? Ngumisi lamang ito at inabot ang notebook na hawak ko. He looked at me back while flipping the pages as well.

"Okay. 'Yon lang naman pala." I said boredly. "Where's the ppt na?"

"Why do you look like you wanted to go home now?" he asked another damn question.

"Kasi nga, madami pa akong gagawin. I am not here to chitchat." I even did the 'speak' gesture with my hand, opening and closing it.

"Oh yeah? Like what?" tanong niya.

I rolled my eyes at him. "Eh ano pa? Magluluto! Hindi ako tulad mo!"

"Tulad ko?" sarkastiko niyang tanong. "Ano bang ginagawa ko?"

"Oh! You don't know? Wala kang alam kundi makipaghalikan sa mga babae mo! Makipaglandi! Paglaruan sila! Go to bar? Ano pa!? Maybe bed them at home!?" walang tigil kong sabi.

"Yeah. You're right." At inamin pa niya! Babaero! "But I just want to correct you at your last sentence."

My brows furrowed. My last sentence? Hindi ko na nga matandaan.

"I don't bed girls at home. Never. Why would I right?" He looked outside.

"Gago." I cursed at him that made him turned his head to me immediately.

"Alam ko," he chuckled.

He is really an asshole. Inamin niya sa akin talaga 'yon!? How many girls did he already fuck? I can't even imagine him changing his girls everyday! Tsaka saan naman niya sila dinadala? Oh my God! Ano bang pakialam ko doon!

He can do whatever he wants to do with his life. Tutal mukhang gustong-gusto niya naman 'yon. I should just focus on those activities and never mind him. Yes! That's right! Hahayaan ko na lang siya sa mga gawain niya!

"Nasaan na 'yung ppt?" I asked him now, wanting to go home.

"Ayaw mo na ba talagang magmeryenda?" pag-iiba na naman niya.

"Ayaw mo ba akong pauwiin?" pabalik kong tanong sa kaniya.

Humalakhak ito. "Maaga pa kasi."

"Tsk." aniya. "E di kung wala kang ibibigay, uuwi na lang ako."

Tatayo na sana ako nang hawakan niyang ang papulsuhan ko at ulit na pinaupo. Matalim ko siyang tinitigan.

"Ito na! Ibibigay ko na." Hinalungkat niya ang bag niya at ibinigay sa akin ang isang flash drive habang hawak pa din ang kamay ko. "Oh. Okay na?"

"'Yung kamay mo. Tsinatsansingan mo ba ako?" Pinanliitan ko siya ng mata.

Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Ngumisi ito at umayos ng upo.

"Sorry, nadala lang." he was still smirking.

"Huwag mo akong maganiyan-ganiyan, Javier." masungit kong sabi. "Alam kong hindi ako maganda pero hindi ako papatol sa'yo."

Tumayo na ako at inayos na ang mga bag ko. Ibinulsa ko na lamang ang flash drive niya. Nakatitig pa din ito sa akin pero tinarayan ko lang ulit.

"Maganda ka kaya." He licked his lower lip.

"I don't fall for words, playboy." inis ko siyang tinignan at lumabas na ng 7-eleven.

Pumara na ako ng sasakyan at umuwi na. Nagkita na lang kami ni mama sa may sakayan at dumuretso na sa bahay. And just like my daily routine, I cooked, did my assignments, and also cleaned the house.

Nanood din kami saglit ni mama sa salas at kinamusta ang isa't-isa kung anong naganap sa araw namin. After finishing the chores and eating, umakyat na kami ni mama at natulog sa kaniya-kaniyang kwarto.

I was about to sleep in bed when my phone suddenly rang with messages in my g-mail. Inis ko 'yon pinulot at humiga.

From: sydneynyxmendoza@gmail.com

Minessage ako ni Noreen. She's asking me kung paano ka niya macocontact.

To: sydneynyxmendoza@gmail.com

Bakit daw?

Mabilis itong nakapagreply.

From: sydneynyxmendoza@gmail.com

I think it's about the laptop?

To: sydneynyxmendoza@gmail.com

Tell her na lang na we'll talk tomorrow sa school. Thank you.

From: sydneynyxmendoza@gmail.com

Okay, will do. Night!

Kinaumagahan ay mas maaga pa ako kaysa sa dati kong pagpasok. Nagising ako ng maaga. Mas naunahan ko pa ata ang mga manok na magtilaok. Nakaligo na din ako ng maaga dahil sa pagiging kuryoso kong ano ba talaga ang sasabihin ni Noreen.

Wala pa naman kasi akong social media accounts. I badly wanted to text her last night but I couldn't. I just hope she can arrive early as well. Pero minsan kasi ay nalalate din ito ng dating sa eskwelahan. I am just too curios about it. May problema na naman ba?

Tinext ko na din si Uncle Boy na agahan ang paghatid sa akin kaya naman maaga itong dumating. It's Wednesday and there's a flag ceremony again. Kailangan ko ding agahan para makausap si Noreen bago magbell dahil paniguradong hindi ko na ito makakausap lalo na at inassign na ako sa mas mahirap na trabaho sa school.

Nang makarating ako sa school ay nilagay ko muna ang bags ko sa classroom bago pumanhik papalabas papunta sa GAS strand. Sakto naman ay nakita ko si Noreen na kadarating lang. Sinenyasan ko na lang na lumabas ito after para mag-usap kami.

"Hi Ash! Tinext ka ba ni Sydney kagabi?" Bungad niya sa akin.

Pumwesto ito sa tabi ko habang tinatanaw namin ang malawak na campus dito sa balcony.

Tumango ako. "Ano 'yung sasabihin mo?"

"U-uh, about sa laptop. Sinabi ko na kasi kay mommy 'yon." She started. "Tapos, sabi niya na hindi niya kayang bayaran 'yon ng half Ash. Madami na din kasi kaming utang dahil nagpapagamot si Lola."

"Nasabi mo na ba 'to kay Martin?" I asked her.

"Oo. Sabi niya, mababayaran naman niya. Pero ako ang hindi. Wala talaga kaming ganong pera kalaki, Ash." matamlay niyang sabi. "Sinabi ko noon na mayroon pero nagipit talaga kami this week."

"Kahit hulogan mo na lang?" Umaasa kong tanong.

"Wala talaga." She sighed.

"Try mong kausapin si Drazen. O baka nakausap mo na?"

"Yon nga. Kaya kita gustong kausapin para samahan mo akong kausapin siya. Natatakot kasi ako." mahinang saad niya.

"Hindi naman 'yon nangangagat." Napatingin ito agad sa akin. "I mean, maybe. Pero huwag mo siyang katakotan."

"Meron na kaya siya ngayon?" she asked.

"Tignan natin? Diyan lang naman sa college department." I pointed the other building in our side.

We walked to the connecting some sort of connecting bridge to the college. May mga nagsisidatingan na kaya baka narito na din 'yon ngayon. Hindi naman kami nababawalan na pumunta ng ibang department basta wala kaming gagawing masama.

Nagtanong-tanong na lang kami sa mga ibang estudyante roon. Itinuro naman nila ang classroom nito. As I took a look on their room, I immediately saw him talking with his other friends. Tatlo lang yata silang magbabarkada na same ang course.

His friends saw me immediately. They whispered something on Drazen that made him stand up and turned towards the door. May ngisi sa labi niyang naglakad papalapit sa akin, hindi pa ata napapansin si Noreen sa tabi ko.

"Namiss mo na ako?" he teasingly asked.

I rolled my eyes on him. "Namiss mo mukha mo. Gusto ka kausapin ni Noreen."

Doon lamang yata niya napagtanto na may kasama ako. Tumabi sa akin si Noreen na parang takot na takot.

"You better not scare her." pangwawarning ko sa kaniya.

Hinayaan ko muna silang mag-usap dalawa. Umalis muna ako saglit at tinanaw ang mga estudyanteng papasok na ng school. It's almost time, kailangan ko ng bumalik.

Bumaling ako sa kanila at nakita si Noreen na maiiyak na. I told him not to scare her! I went back to them and heard Drazen scolding at Noreen.

"Hindi ko po talaga 'yon mababayaran. Kahit iba na lang ang ipagawa niyo." she begged.

"I can't just let this pass away. I also need that money!" problemado niyang sigaw.

"Drazen! Wag mo siyang sigawan!" madiin kong sabi sa kaniya.

Suminghap lang ito at naglakad pabalik-balik. I can totally understand him too. Macbook is really pricey. But he shouldn't shout anyone for it. Pwede namang pag-usapan ng masinsinan.

I tapped Noreen's should who's crying so hard now. "l'll talk to him. Mauna ka na sa building."

Tumango ito at umalis na habang tumutulo ang luha.

"And now, you just let her go away!?" he hardly said.

"Ako na lang ang magbabayad. I can pay you everyday with small amount. Pwede ba 'yon?" Hindi ko talaga kasi mapigilan ang sarili na maawa sa kaniya. They are having a hard time right now.

"Hindi naman ikaw ang may kasalanan pero babayaran mo!?" pagalit niyang sabi.

"Her Lola is going through chemotherapy! Anong gusto mong gawin ko!? Dagdagan ang problema nila!? They don't have enough money! Magtratransfer na rin yata siya sa public school dahil wala na silang pera!" Bulyaw ko sa kaniya na ikinatigil niya.

"I don't know that." mas kalmado na niyang sabi.

"Well, you know now! Babayaran na lang kita!" I said and was about to walk out when he held my hand.

"Let's talk more about this later. Kita tayo sa may gate, sa fishball'n." he calmly said. "Also, try not to hate me later."

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 91.2K 45
(Delilah Series # 1) "Sigurado ka ba na ipapalaglag mo, Winona?" Boses na naman ng walang pusong ama niya na pumukaw sa akin. Mas hinigpitan ko ang...
381K 19.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
346K 5.9K 63
Romance|R-16 Calista Vasiliev is a self-centered brat who grew up in a wealthy family. She's spoiled and can get anything she wants with a flick of a...
12.7K 205 16
Isla loved the comfort of being alone. She was not a loner, nor she had no friends. She knew how to socialize when she needed to, but nothing had bea...