08

24.9K 684 350
                                    

"You know what? Iiwan na kita dito!"

Pagkatalikod ko pa lang ay hinatak na naman niya ako paharap habang tatawa-tawa. How can he be this so handsome while still laughing at me? This sexy beast! Kanina pa siya ganiyan! Just because of his damn name!

He didn't let me go, but pushed me forward instead, right at the door of a computer store. Kuryoso pa kaming tinignan ng security guard at sa mukha pa lang ay sigurado akong ang nasa utak na niya sy naglalandian kami!

"We'll shop flash drive. Napuno mo na 'yung flash drive ko." he laughed again.

Agad ko siyang hinarap. "So kasalanan ko pa na napuno 'yon?! It was your activities!

He just smiled like a beast. Wala yata time na hindi kami nag-aaway ng isang araw. Annoying me is his ultimate hobby. Pinaglalaruan niya nga ako minsan pero hindi sa way na ginagawa niya sa mga babae niya noon!

"Kasalanan nga ng activities," tinulak na nga niya ako tuluyan sa loob. "Baby, let's not fight."

"Paano tayo hindi mag-aaway? Napupuno nga 'yung flash drive, tao pa kaya?" I rolled my eyes at him before walking away from him.

Sumunod rin ito sa akin na parang wala lang sa kaniya ang pinagsasabi ko. He just can't stop smiling with everything that's going on! I sat back on a client chair and watched him inspect the keyboards in the wall cabinets.

Keyboards? I thought flash drive lang?

"I like the white one. May nakatago bang ibang version na ganiyan?" he asked seriously.

The guy clapped his hand once "Yes po! We have other versions too that-"

"I don't need other versions. I just need this white one." pagputol niya dito.

"Ah-okay po sir! Kukunin ko lang po." naawkwarda'n na sagot ng lalaki.

Mabilisan itong kumilos papunta sa bodega at iniwan kaming dalawa doon. He then again faced me who's crossing legs while smirking.

"Akala ko ba flash drive?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nag-squat ito sa harapan ko. "Nahumaling ako sa keyboards e."

Narinig ko ang tawa niya ng inikot ko ulit ang mata ko. Ipinatong pa niya ang dalawang braso niya sa hita ko.

"You?" Tumitig ito sa akin. "Do you want to buy anything?"

"Huwag mo akong sinasabihan ng ganiyan, Razen. Baka ipabili ko ay laptop."

"Bibilhin ko." he quickly replied.

"'Yung Macbook ang gusto ko." pagsama ko sa pangtrip niya sa akin.

"Choose. Air or Pro?" Tumayo na ito para lumapit sa may Macbook na naka-display.

"Air." I smirked.

Ngunit nawala rin 'yon ng makita ko ang sumunod na ginawa niya. Napalapit agad ako sa kaniya at sinubukang hilahin siya.

"I'll buy this MacBook Air too." he was telling it now to the guy who just came back from the storehouse.

"Razen! I'm just joking alright!" mariin kong sabi.

"But I'm not joking." he took a glanced at me. "Get me that. l'll pay right a way."

Nanlaki na ng lubusan ang mata ko. That freaking cost much! Hindi nga ako makabili ng akin kasi medyo nasasayangan ako sa price niya! Pero siya parang walang pakialam na magwaldas ng ganoong pera!

Nang umalis na ang lalaki upang kunin ang nakatagong stock nila ay hinablot ko ng marahas ang uniporme niya at pinaharap sa akin. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hinawakan ang kamay kong nakasabit sa kaniya.

Souls in November (Holiday Series #1)Where stories live. Discover now