36

31.3K 672 128
                                    

"Malay ko ba? Ba't mo tinatanong sa akin?"

Sarili niya ang nakakalam doon tapos ako ang tatanongin. Nawala ako ng ilang taon, alangan naman na asahan 'kong consistent 'yung pagmamahal niya sa akin. Kasi for sure may mga nakilala naman ito sa mga nakalipas na taon. Impossible din naman kasing hindi man lang ito magkagusto sa iba o mag-kacrush man lang!

Ang dami kayang magagandang babae sa paligid niya. Gwapo siya at talagang kilalang-kilala pa rin ito hanggang ngayon kaya inaasahan ko ng maraming mga umaligid sa kaniya na babae. 'Yung mga iba ko ngang kilala e nagkakaroon na sila ng boyfriend at girlfriend after ng break-up nila. So I assumed that Razen is similar to them.

"You should know. After all, you have my heart in your hands." he roughly said.

"Tsk. Hindi ka man lang talaga nagka-crush?" pagtatanong ko.

"Nagka-crush." saad niya.

Tinampal ko ang balikat niya at lumayo. "E 'yon naman pala!"

"Sa'yo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Sa'yo lang naman ako nagka-crush kahit na wala ka sa tabi ko."

I could feel the fire in my cheeks. I quickly averted my gaze and tried to cover up the flush that had appeared on my cheeks. This is so embarrassing!

"Impossible naman 'yang sinasabi mo!" I said flatly.

"Bakit naman? 'Wag mong sabihing nagkagusto ka?" seryoso niyang tanong.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "K-Kind of."

"Oh yeah?" Naramdaman ko na ang unti-unting pagtatanggal niya sa kamay niya sa bewang ko.

"It was just a crush, Razen! It wasn't that serious anyway." pagpapagaan ko sa kaniyang naiisip na.

"Where did you meet him?" aniya sa malalim at seryosong boses.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Parang iniinterview niya ako at isang salita lang ay baka hindi na ako matanggap pa sa trabaho!

"Uh... h-he's," I scratched my nose. "H-He's my co-worker."

His eyes burned with darkness. "You still work with him till now?"

"Oo pero hindi naman kami palaging magkasama." sabi ko dahil totoo naman.

"But you still like him?" I picked up on a note of melancholy in his voice.

"I told you hindi ko siya gusto o mahal. It's just that... how can I explain this?" I snapped my fingers repeatedly as I think of the right word. "U-Uh, nagwagwapuhan. Yeah! That's it! Hindi ko siya gusto, nagwagwapuhan lang."

"Hindi ka nagwagwapuhan sa akin?" he asked in his smoky voice.

Napapikit ako ng mariin ng may isunumbat na naman ito. "You're handsome Razen! I don't like him anyway! Let's stop this topic!"

Baka kasi kung saan na naman 'to patungo. Nagwapuhan lang naman ako sa kaniya, hindi naman nagustuhan na as in.

"Mommy?" Napunta ang tingin ko sa anak namin na nagpupungas ng mata.

"Good morning baby." malambing kong sabi sa kaniya.

Bago pa niya makita ang pwesto naming dalawa ni Razen ay umalis na ako at nagtungo na sa tabi niya. Hinalikan ko ito ng marami sa kaniyang pisngi, kinagat-kagat ko pa ang kaniyang pisngi.

Souls in November (Holiday Series #1)Where stories live. Discover now