13

24.5K 636 48
                                    

"I-I'm pregnant? Is this for real?"

Nauutal na sabi ko habang nasa CR at hawak ang pregnancy test. No! Hindi Pwede! Gusto ko ng umiyak. There were already many signs but I just couldn't accept it somehow. At ngayon, hindi pa kami masyadong nagkakaintindihan ni Razen. Hindi pa rin kami nagkakausap!

And the pregnancy test! I bought it yesterday with the help of a stranger! Hindi naman ito nagtanong na ng marami. She was clueless.

"Hoy Aela! Ang tagal mo! Tumatae ka ba?" Tanong ni Syd.

Napatalon ako dahil sa gulat. "H-huh, teka, lalabas na ako."

Napasabunot ako sa buhok ko at ibinulsa ang tests. Lumabas ako sa cubicle at nakita siyang naglalagay ng liptint sa harap ng salamin. Maganda siya at parang anghel ang mukha niya. Maputi kasi ito, idagdag pa ang natural na beauty niya.

"Tinatanong kita, Aela." pagkuha niya sa atensyon ko. "Tumae ka ba?"

I blinked twice.

"Ah! Oo! Masakit kasi tiyan ko!" maikling sabi ko.

I feel like it's not the right time to tell her this. Tsaka na lang kapag nasa labas kami ng school at baka may makarinig pa sa amin. Eto pa ang problema kong isa. In no time, people will get to see my tummy, since it will get bigger in months.

"'Yan kasi, ang dami mong kinain! Okay na ba?" she said.

"Gumanda naman na pakiramdam ko." Aniya at nagmartsa papalabas ng CR.

As I was walking in the hallway, a guy stop in front of me. Inangat ko ang tingin ko at nakita ang isang pamilyar na mukha.

"Razen's in the library. Pinapasabi niyang pumunta ka daw doon." its one of his friends.

"H-ha? Bakit daw?" kinakabahan kong tanong.

Mabuti na lang at wala pa si Sydney sa tabi ko. Mukhang may kausap na naman sa banyo.

Nagkibit-balikat lang ito. "Wala akong alam e. Just go see it for yourself."

Ngunit dahil may klase pa akong susunod ay hindi ako nakapunta. After the class, I immediately run towards the library. Dumeretso ako roon at sa pag-aakalang wala na ito ay nagkamali ako. He was busy playing his pen while leaning on the chair.

I looked at my watch and noticed that it had already been an hour since his friend told me to visit him here.

Since our trip to Boracay, this is our first time talking again. Hindi ko alam pero sa nakikita ko mas lalo yata siyang gumwapo. He looks more matured now. Not that he wasn't before but his awra today was different. Ang gwapo niya.

"Bakit mo ako pinatawag?" I started that made him glanced at me. Ipinatong ko ang bag ko sa harapan niya.

My heart was pounding so hard when his eyes landed on mine. I lowkey held my stomach, slowly feeling our baby there.

"Ba't late ka? Saan ka pumunta? Nakidate? Kanino? 'Yung Van na naman ba?" Sunod sunod na tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko at tila'y nabingi ang tainga ko. Anong nakidate?! Atsaka kay Van?! Bakit ko naman siya papatulan?!

"May pasok ako kanina. Alangan naman na mag-excuse ako para sayo?" naiinis kong sagot sa kaniya. "And date?! I'm not even dating Van! Hindi ko alam kung saan mo na naman napulot 'yang chismis na 'yan!"

Nakita ko ang pag-iba ng kaniyang mukha. Lumiwanag ito pero agad ding bumalik sa dati niyang ekspresyon ng makita akong nakatitig sa akin.

"Ano nga ang sasabihin mo?" I impatiently asked.

Souls in November (Holiday Series #1)Where stories live. Discover now